Simbang Gabi SERIES, May Tatlong sets ng mga Sermons Para sa Simbang
Gabi
Mapagpalang Pasko sa Inyong Lahat.
Set 1: Ang Diyos Sa Loob ng Sambahayan (10 Sermons)
_____________________________________
Sermon 1:
Emmanuel: Ang Diyos sa Loob ng Tahanan
Mateo 1:18-25
Ang pamilya, ay idea ng Diyos. Sa unang paglikha, agad naisip ng
Panginoon ang pamilya. "Hindi mabuti na nag-iisa ang lalaki." Kaya
pinagkaloob niya sa lalaki ang katuwang, ang mapapangasawa niya, at ang resulta
ay ang pagbuo ng Diyos sa unang pamilya.
Kung paanong pinalakas ng pagmamahal ang pamilya, ito naman ay
pinahina ng kasalanan. Ito ang sanhi kung bakit nawalay ang mga pamilya sa
Diyos.
Sa pagkakatawang tao ng Diyos sa pamamagitan ng Panginoong Jesus, sa
isang pamilya rin siya unang nakipamuhay.
Nakasalalay kasi sa pamilya ang lakas ng lipunan, at tagumpay ng bawat
tao.
Ang pamilya ni Jose, Maria at Jesus, ay modelo ng maka-diyos na
Pamilya ng mga Kristiano. Ito ay madalas
na hindi inaaral ng mga Protestante. Ngunit naniniwala ako na ito ay mabuting
aralin ngayong Pasko 2016.
Ang Pamilyang Maka-Diyos ay modelong pamilya na ginawa ng Diyos.
Kailangan natin ang isang modelong pamilya upang ating pamarisan.
Marami ang mga struggling families sa ating panahon. At hindi malayo na tayo mismo, ay mayroong
problematic family.
Ang akala natin, ang nagbibigkis sa mag-asawa ay ang pag-ibig nila
sa isa't isa. Ngunit ang pag-ibig ng tao
ay humihina. Ang pag-ibig ng tao ay hindi sasapat upang mapatatag ang pamilya.
Ano ang nagpapatibay sa
Pamilya Maka-diyos?
1. Pananatili sa Presensya ng Diyos.
Sa mga Kristianong tahanan, ang presensya ng Diyos sa loob ng
pamilya ang pangunahing nagpapatibay sa relasyong mag-asawa, magkapatid at
magulang sa anak. .
Sa simula, ang pagdating ng Panginoong Jesus ay nagmukhang
"problema" sa mag-asawang Jose at Maria. Bago pa sila ikasal, nakitang buntis na si
Maria, at maaga pa, inisip na ni Jose na hiwalayan si Maria. Ang pagkabuntis ni
Maria ay isang eskandalosong usapin.
Ngunit ito ay nalampasan ng pamilyang maka-diyos.
Paano? Sa patuloy ng kwento kasi ng
Pamilyang maka-diyos, yung inakala nilang "presensya ng
problema" ito pala ay "presensya ng Diyos"! Kaya kapag may
problema po tayo sa pamilya, do not magnify your problem. Instead, let us
magnify GOD. Laging ang presensya ng Diyos ang solusyon sa ating problema.
2. Pagtupad sa Layunin ng Diyos.
Pangalawang makikita nating dahilan kung bakit matibay ang pamilya
nina Jose at Maria, ay ang malinaw na pagkaunawa nila sa "layunin ng
Diyos" para sa kanilang buhay pamilya.
May halimbawa akong kwento: naghiwalay na mag-asawang pastor at si
Misis. Sabi kasi ni Misis, "Ikaw
lang ang tinawag ng Diyos upang maglingkod, ako hindi!" Hindi sila
nagkakasundo kung pareho nga silang tinawag upang maglingkod sa Diyos. Ayun, naghiwalay tuloy.
Nilinaw ng angel kay Maria at Jose na may malaking bagay na nais
mangyari ang Diyos sa kanilang itatayong pamilya. Sila ay parehong gagamitin ng Diyos na
instrumento para sa kaligtasan ng sanlibutan.
Ang mababaw na dahilan ng iba sa pag-aasawa ay para masunod ang layaw ng laman, para sa sariling
kaligayahan o kasama ang minamahal upang magpayaman. Ngunit higit pa rito ang
layunin ng Diyos para sa Sagradong Pamilya. Alamin po natin ang banal na
layunin ng Diyos sa ating pamilya.
3. Pagsunod sa Paraan ng Diyos.
Ang pangatlong nagpapatibay sa Kristianong pamilya ay ang pagsunod
sa pamamaraan ng Diyos. Ang mag-asawang Kristiano ay nakatalaga sa Diyos (Godly
Committment on Marriage). Dito, ang tungkuling mag-asawa ay "tungkulin sa
Diyos", sa halip na 'tungkulin lamang sa isa't isa' o sa mga anak.'
Ang Kristianong pamilya ay sumusunod sa mga pamamaraan ng Diyos.
Kung paano pinamamahalaan ang Pamilya Sagrada, ay sa pamamagitan ng paggabay ng
Diyos. Nagungusap ang Diyos sa kanila, at sinusunod naman nila ang Panginoon.
Panalangin Para sa Pamilya
May mga pamilyang babad sa problema. Idalangin natin sila.
Maaring nandito kayo upang mailigtas ang inyong pamilya mula sa
pagkawasak...
Matutulungan po kayo ng Diyos-
Nais natin ilapit sa Panginoon ang bawat pamilya ---manalangin po
tayo.
(Note to Pastors- maaring mag dedicate ng symbolic family picture
ang bawat pamilya sa church at ihandog ang mga ito sa altar)
___________________________
Sermon 2: Parangal sa Mga Ina
Lucas 1:26-38; 2:4-7
Ang pagiging ina ay napakalaking tungkulin. Ang iba sa atin ay mga ina, ngunit lahat tayo
pinanganak at pinalaki ng ating mga ina.
Kasabihan ng mga Judio ang ganito, “God can not be anywhere so he
made the mothers.” Ang ina ang
nagsisilbing presensya ng Diyos na kumakalinga sa kanilang mga anak.
Si Maria
Siya ay isang birhen - maaring 14 taong gulang o mas bata pa. Ito
ang karaniwang edad ng mga nag-aasawa sa panahon na iyon. Siya ay wala pang
karanasan sa lalaki, bagamat naipangakong magiging asawa siya ni Jose.
Ngayong alam na natin kung ano ang kanyang posibleng edad at
kalagayan sa buhay, kaya na nga ba niyang maging ina? Sa pananaw ng Panginoon,
handa na siya. At siya ang karapat-dapat na babae upang maging ina ng
Panginoong Jesus.
1. Ang pagiging ina ay isang pagtawag ng Diyos.
(Motherhood is a high calling from God.)
Si Maria ay tinawag ng Diyos upang maging lalagyanan (vessel) ng
ating Panginoong Jesus.
At gayundin, ang bawat ina ay may mataas na pagkatawag mula sa
Diyos.
Young women, prepare yourselves for this high calling. huwag kayong
magmamadali sa pag-asawa.
Your being a women is sacred.
Pahalagahan po ninyo ang inyong pagka babae, tulad ng pagpapahalaga ng
Diyos sa inyong pagka-babae.
2. Kinalugdan siya ng Diyos.
Ang Ebanghelyo ni Lucas ay kapansin-pansing may pagpapahalaga sa mga
babae. At sinumulan niya ito sa paglalarawan kay Maria na isang babaeng itinaas
ng Diyos, upang maging ina ng Tagapagligtas.
Pagmasdan din natin ang kalagayan ng mga babae sa ating panahon.
Marami ang ibinebentang babae. Mga larawan ng mga babae sa billboard,
patalastas at ano pa. Si Maria ay larawan ng mga babae, na itinataas ng Diyos
(Hail Mary full of grace, the Lord is with you.)
3. Ang Kasabikan ng Diyos sa Matamis Nating “Oo”
This applies to all Christians.
Umaasam ang Panginoon ng ating pagtango sa kanyang panawagan upang
magamit niya ang ating mga buhay.
At First, this came as a Mary’s Surprise
Sa unang dating ng balita, nabigla si Maria at nagulumihanan. Wala siyang idea kung paano ito mangyayari.
Totoo na ang anyaya ng Diyos ay mukhang mahirap kung hindi man imposible.
(Illustration)
Si Henry Martyn, ay isang distinguished scholar mula sa Cambridge
University. Sa edad na 20 taon siya ay may mataas ng naabot sa larangan ng
mathematics. Siya ay biniyayaan ng pambihirang talino. Siya tumanggap ng
pinakamataas na pagkilala sa larangan ng matematika sa panahon ng kanyang
kabataan.
Gayunman, hindi siya naging masaya dahil sa mga naabot niya.
Naramdaman niyang may kulang pa sa kanyang buhay. Naghanap siya ng higit na
kahulugan ng buhay.
Pagkatapos niyang aralin ang layunin ng kanyang buhay, si Henry
Martyn ay nagtungo sa India bilang isang missionary sa edad na 24 taon. Sa
kanyang pagdating sa kanyang misyon, siya ay nanalangin ng ganito "Lord,
let me burn out for You."
Ang mga sumunod na 7 taon ng kanyang buhay bago siya pumanaw,
naisalin niya sa tatlong (3) mahihirap na wikang Asiano ang Biblia. Sa ganitong
paraan naging makabuluhan ang kanyang buhay, bagamat maikli lamang ang kanyang
pananatili sa mundo.
Ang kahulugan ng buhay para sa bawat tunay na Kristiano ay nasa
pagsunod sa yapak ni Jesu-Cristo. Tayong lahat ay kabahagi sa gawain ng
Panginoon na palaganapin ang Salita ng Diyos
Then It Resulted into Mary’s Surrender
Nasasaad sa Luke 1:38 ang sinabi Maria, "I am the Lord's servant," Mary
answered. "May it be to me as you have said."
Ang buhay niya ay isinuko niya sa Panginoon.
Ang pagsukong ito ni Maria sa panawagan ng Diyos ay mahalaga para sa
atin. Kung kaya sa lahat ng mga Kristiano, si Maria na ina ng Panginoon Jesus
ay tinuturing na "pinaka mapalad sa lahat".
Ang pagsambang ito ay pasasalamat sa Diyos sa buhay ng bawat ina, na
tumanggap sa tawag ng Diyos.
Then Salvation Came into the World, Because the Savior was Born from
a Woman's Womb
Mula sa sinapupunan ni Maria, ipinanganak ang Tagapagligtas.
Mula sa sinapupunan ng mga ina, pinanganak tayong lahat.
Salamat sa mga ina, sa kanilang mga sakrispisyo. sa pagpapagamit
nila sa Diyos.
PALAPITIN ANG MGA INA SA ALTAR UPANG SILA AY IPANALANGIN.
______________________
Sermon 3: Pagpaparangal sa Mga Ama
Mateo 1: 18-20; 2:13-14
Nasaan ba ang mga kalalakihang Metodista? Nasaan ba ang mga ulirang
Metodistang AMA??
Idalangin natin na magtindig ng mga tunay na lalaking Kristiano ang
Diyos sa ating mga tahanan! Pwede po ba kayong sumigaw ng "Amen!"
Nawa’y sasangayon kayo sa sasabihin ko.
1. Ang tunay na lalaking Kristiano, hindi lasenggo!
2. Ang tunay na lalaking Kristiano, tapat sa asawa!
3. Ang tunay na lalaking Kristiano, nananalangin! Nagbabasa ng
Biblia!
Kailangan natin ang mga Kristianong kalalakihan. Nagtuturo ang isang youth leader sa kanyang
Care Group, sabi niya, "Ngayong tinanggap na natin ang Panginoong Jesus
bilang Tagapagligtas, huwag na tayong magbibisyo."
Nagtanong yung isang member ng grupo, "Kuya bakit yung mga UMM,
naglalasing gabi-gabi?" Toinks!
Patay tayo diyan pastor....
Sa mensahe ngayon, matutunghayan natin si Jose, bilang modelong ama,
at mabuting asawang lalaki sa Kristianong Pamilya.
Siya ay isang taong matuwid.
Ito ang turing sa kanya ng Biblia. Ito ang tingin sa kanya ng Diyos.
Nagtanong ako sa Panginoon, "Lord, matuwid ba ako sa tingin
mo?"
Malinaw ang sagot sa akin, "HINDE!" Marami talaga akong
ginawang mali. Hindi po ako pasado, bagsak ako, tulad ng maraming ama.
Pero si Jose, na napangasawa ni Maria ay pasado sa Diyos. What made him righteous before God?
Tandaan: Inisip niya sa una, na nadaya siya ng kanyang
mapapangasawa. Buntis na agad si Maria bago pa sila nagsiping.
Ang pag-aasawa noon ay hawig sa ating kulturang Pinoy.
Unang Hakbang sa Pag-aasawa Noon.
Mayroon munang usapan ng magiging magkabalae (pamamalae) o
Engagement. Magkakasundo muna ang mga
magulang ng mga pamilya. Pero sa mga Judio noon, sa unang hakbang pa lamang,
ituturing na silang mag-asawa. Pero
kadalasan, yung babae mananatili muna sa tahanan ng kanyang magulang ng isang
taon.
Pangalawang Hakbang sa Pag-aasawa Noon.
Kasalan na ito. Magsasama na ang dalawa at iiwan nila ang dating
pamilya.
Ayon sa Biblia, sina Jose at Maria ay engaged na, pero hindi sila
nagsiping. Ngunit nadiskubre ni Jose na buntis si Maria.
Sa puntong ito, tinawag ng Biblia na matuwid si Jose. Paano?
1. Binalak niyang hiwalayan si Maria ng tahimik.
Naghanap siya ng katarungan, ngunit ayaw niyang mapahiya o
maparusahan si Maria. It is a clear justice with compassion. Ipatutupad niya
ang batas, pero hindi niya hahayaang mapahiya si Maria.
Without compassion, pwede niyang ipapatay si Maria ayon sa
Deut:21-22.
Ang ibig sabihin ng "hiwalayan ng tahimik" ay maaring
paggamit sa mga dahilan ng paghihiwalay na mababasa sa Bilang 5:11-15.
2. Nakikinig siya sa Diyos.
Nakaramdam siya ng sakit ng kalooban, dahil buntis si Maria at hindi
siya ang ama. Ngunit nangibabaw ang
kalooban ng Diyos kaysa sariling damdamin.
Ang ganitong tatag sa pagsubok ay magagawa lamang ng isang taong
nakikinig sa Diyos.
3. Tumatalima siya sa mga utos ng Panginoon.
Pagkarinig sa layunin ng Diyos kung bakit nangyari ang pagkabuntis
ni Maria, tumalima si Jose sa kalooban ng Panginoon. Mas madaling sundin ang sarili niyang
damdamin sa tagpong ito. Madali ang magalit kung alam mong tama ang
iyong akala. Ngunit pinili niya ang kalooban ng Diyos. Ang ginawang ito ni Jose
ay pagtalikod sa sarili, upang sumunod sa Panginoon.
Pagpaparangal sa Mga Ama
Tawagin ang mga Ama, na lumapit sa altar upang sila ay ipanalangin.
_________________________
Sermon 4: Pagbibigay Parangal sa mga Naglilingkod sa Iglesia
Lucas 1:5-13
Ang panalangin ay mahalagang sangkap ng pagiging Kristiano. Kung ang
pagbabasa ng Biblia ay maituturing na pagkain ng ating kaluluwa, ang panalangin
ay ang paghinga nito.
Pero minsan sa ating mga pastor at mga deaconesa (pari na tulad ni
Zacarias) maaring ito ay parang trabaho lang. Maliban sa pangangaral, kaming
mga manggagawa ay tiga-panalangin ng ibang tao.
Ngunit, nang mabunot ang pangalan ni Zacarias para manalangin para
sa buong Israel, hindi siya nanalangin para sa bansa niya. Nanalangin siya para
sa sarili niyang asawa, para sa kagustuhan nilang magka-anak. May pagkakataon
na tayong mga pastor at deakonesa at lugmok sa problema ng ating sariling
pamilya. Mayroon din tayong sitwasyon na minsan hindi na natin sinasabi sa
ating mga miembro. May kalungkutan na ating sinasarili. Tulad ni Zacarias,
dahil wala siyang anak - nanalangin siya
upang hilinging pagkalooban siya ng supling.
1. Panalangin para sa sariling pamilya.
Minsan habang ipinapanalangin namin kayong mga miembro o ang
maraming tao - naiisip ko kung sino ang mananalangin para sa aming mga pastor
at mga deakonesa, at para sa aming
pamilya. Siguro, dapat nga naming ipanalangin ang aming sariling pamilya tulad
ng ginawa ni Zacarias.
Wika ng angel “Narinig ng Diyos ang iyong panalangin, magkakaroon ka
ng anak."
Pero kailangan po namin ang inyong suporta sa panalangin. Salamat po
inyo na mapagmahal sa mga manggagawa. Higit sa mga regalo at kaloob na inyong
bigay, nais ko pa pong hilingin na huwag ninyo kaming kalilimutan sa inyong
panalangin.
May panahon na mahina kami. May panahon na inaatake kami ng problema
sa pamilya. Ipanalangin po ninyo kaming manggagawa ninyo.
2. Ang panalangin ay mabisa.
Mabisa ang panalangin dahil ang Diyos ang hinaanyayahan nating
kumilos sa halip na tayo lang ang kikilos. Higit na may magagawa ang Diyos,
kung ikukumpara sa magagawa ng tao
lamang.
Matanda na si Zacarias, at baog si Elizabeth. Sa panalangin,
kumikilos ang Diyos para tumugon. At kapag kumikilos ang Diyos, ang imposible
ay nagiging posible.
Ang Panalangin ni Zacarias
Alam niyang matanda na sila. Alam niyang imposible ang kanyang
hinihiling. Subalit patuloy pa rin siyang nanalangin. Marami sa atin ang
madaling tumigil sa pananalangin kapag nakita natin na imposible ang ating
hinihiling. Marami rin ang sumusuko sa pagdulog sa Diyos, kapag hindi agad-agad
pinagkakaloob ng Diyos ang katugunan. Nanalangin si Zacarias at dininig siya ng
Diyos, kahit imposible ang kanyang kahilingan.
3. Ang panalangin ay mabisa kapag ito ay sumusunod sa plano ng
Diyos.
Ang kapanganakan ni Juan Bautista ay
plano ng Diyos. Hindi ito kagustuhan lamang ni Zacarias. Nangyayari ang
katugunan sa panalangin kapag ito ay ayon sa plano ng Panginoon. Hindi
sumusunod ang Diyos sa kalooban ng tao.
Ang sinusunod ng Diyos ay ang tanging kalooban niya. Sinasabi ng Biblia
na matuwid na tao si Zacarias. At ang mga matuwid na tao ay sumusunod sa kalooban ng Diyos at
hindi lamang sa kanilang sariling hangarin.
Bakit hindi mo subukang manalangin para matupad ang kalooban ng
Diyos. Halimbawa, kalooban ng Diyos na maitatag ang mga iglesia. Kalooban ng
Diyos na mapaganda natin ang mga simbahan. Kung walang pera, bakit hindi tayo
humingi sa Diyos at marubdob na manalangin?
Ginagawa ng Diyos ang kanyang kalooban kahit mahirap ito sa paningin
ng tao. Kalooban ng Diyos na magtagumpay tayo sa misyon at ebanghelismo! Hindi
nagtatagumpay ang iglesia kapag, puro ito fellowship at maintenance ang mga
activities. Ngunit kapag ginagawa ng iglesia ang kanyang misyon, Diyos ang
mismong nagpupuno sa pangangailangan.
Kaya pagbulayan po natin, kapag tayo ay naghihirap bilang isang
iglesia, tanungin natin ang ating sarili: "Ginagawa ba natin ang kalooban
ng Diyos?" Isang iglesia ang nagdaraop. Mayayaman ang mga miembro, at
hindi sila nag-iikapu. Tinitipid nila ang Diyos. Nanalangin sila na pagpalain
ng Diyos ang kanilang iglesia, at sa palagay ninyo...tutugon ba ang Panginoon?
Sa palagay ko po-HINDI! Ang paraan ng Diyos upang pagpalain ang kanilang
iglesia ay ginawa na ng Diyos.
Nasa kanila na ang katugunan sa kanilang panalangin, subalit hindi
sila sumusunod sa nais ng Panginoon.
4. May kahilingan ka ba sa Panginoon?
Una, alamin mo muna kung ito ay ayon sa kalooban ng Panginoon. Huwag
mong uutusan ang Diyos. Ikaw ang sumunod sa kanyang kalooban.
Pangalawa, kulitin mo ang Ama, upang mangyari ang kanyang kalooban
para sa iyong sambahayan (na iyong hinihiling).
Pangatlo, hanapin mo ang solusyon, at maghintay kung kinakailangan
sa Kanyang panahon. Tignan mo palagi na baka, tumugon na ang Panginoon. Hindi
nahuhuli sa pagtugon ang Diyos sa panalangin. lagi siyang "on time".
Maraming tao ang bigo sa panalangin dahil akala nila, maaring utusan
ang Diyos.
Ang panalangin ay paghahanap ng kalooban ng Diyos para sa atin.
Hindi ito pagpaparating ng ating kalooban upang sumunod ang Diyos. Hindi natin
maaring mapasunod ang Diyos sa gusto natin.
Maging mapanalangin po tayo.
Idalangin po ninyo kaming mga manggagawa. Hanapin natin ang kalooban ng
Diyos para sa ating sambahayan at buong puso tayong sumunod sa Diyos.
PAGPAPARANGAL SA MGA NAGLILINGKOD SA IGLESIA
Maaring isa sa mga laiko ang mananalangin para sa mga lingkod ng
Panginoon sa iglesia.
Kailangan ng mga pastor ang panalangin ng iglesia. Ito ang magandang
pagkakataon upang pagpalain sila ng kapulungan.
______________________________
Sermon 5: Pagbibigay Pugay sa Iglesia, Bilang Pamilya ng Diyos
Lucas 1:46-55
Ang mga gawain sa iglesia ay gawaing pampamilya.
Minsan, ang umaawit ay isang clan o pamilya.
Ang mga nagkakaloob ng mga bulaklak ay pampamilya.
Ang ating iglesia ay iglesia na nagsusulong sa ministeryo ng
pamilya, dahil tayo ay PAMILYA NG DIYOS.
Dahil tayo po ay tahanan ng Diyos, dapat ding makita makita sa ating
sariling pamilya ang pagiging maka-diyos. Dapat HALATA ang ating pagiging
Kristianong pamilya. Our home family must be an extension of our church family
- since we belong to God's family.
Dapat makita sa atin ang pag-unlad sa pamumuhay espiritual.
at hangarin din ng Diyos natin na umunlad ang ating kabuhayan. Hindi
naman po lingid sa atin na marami ang mahirap ang kabuhayan sa atin. Yung sakto
lang sa araw-araw. Naglakas ako ng loob
na tanungin kayo, kasi- naniniwala ako na ang Diyos ay interesado sa ating
kalagayan sa buhay.
Kalooban ng Panginoon na umunlad tayo sa buhay espiritual.
Kalooban din ng Diyos na umangat ang ating kabuhayan.
May malasakit ang Diyos sa ating pamilya.
May kinalaman ang Diyos sa ating kinabubuhay.
Ang Awit ni Maria, Awit ng Kristianong Pamilya
Ang awiting ito ay naglalarawan ng kalagayan ng mga pamilya noon (ng
mga unang Kristiano) na inilarawan sa awitin ni ni Maria, ang Magnificat.
Ngunit ito rin ay himnong Kristiano noong unang siglo. Nilalarawan
nito ang kalagayan at pag-asa ng mga Kristiano noon.
Ang unang iglesia ay nagsimula bilang mga munting iglesia sa tahanan
ng mga pamilyang Kristiano.
Pagmasdan halimbawa ang pmga pagbati ni Apostol Pablo na mababasa sa
Roma 16.
Pagbati sa iglesia sa tahanan ni Junia, Equila...sila ay mga grupong
Kristiano, sa mga bahay ng mga church leaders. Ito ay bago nagkaroon ng mga
gusaling simbahan.
Sila ay nagtuturingan bilang pamilya ng Diyos. Nagtatawagan sila bilang magkakapatid sa
Panginoon. Natural sa kanila ang mahalin
ang isa’t isa.
Kahit sa ating panahon, ang iglesia ay nagiging mahina kapag nawala
na ang diwa ng pagiging pamilya sa Diyos.
Madaling mahati ang iglesia na walang pag-ibig.
Aralin natin ang mga ito ang mga katangian ng pamilya ng Diyos na
tinatawag na iglesia;
1. A Worshiping Family
Sila ay pamilyang sumasamba sa Panginoon, ayon sa v. 47.
Dapat itong bigyang diin dahil interesado ang Panginoong Jesus sa
ating iglesia bilang pamilya ng Diyos. Alam ninyo, yung pamilya natin sa laman,
yung blood and marital relations natin ay hindi magpapatuloy sa langit. Sabi ng Panginoong Jesus, yung family
relations natin sa iglesia ang siyang mananatili sa kaharian ng Diyos.
“Sino ang aking ina, at
kapatid?” tanong ng Panginoon. “Sila na tumutupad sa kalooban ng aking
Ama.” Sila yung tunay na pamilya ng
Diyos. Hindi natin sinasabi na dapat
nating pabayaan ang ating pamilya sa laman.
Ang sinasabi ng Panginoon, ay dapat nating mahalin ang ating kapwa
miembro, dahil ang ating relasyon sa iglesia ay mananatili hanggang sa kabilang
buhay.
Kaya sabihin ninyo sa mga anak ninyo, kapatid ninyo, asawa ninyo,
MAGSIMBA TAYO SA PANGINOON. Dahil
pamilya tayo ng Diyos.
Behold what manner of love the Fathr has given unto us. That we shall be called the children of God!
Pamilya po tayo ng Panginoon.
2. A Faithful Family
Pangalawang katangian nila, “Nagtitiwala sila sa katapatan ng Diyos,
at itinuturing nila ang sarili na mapalad, (v.48).
Ang mga unang Kristiano ay nakaranas ng paghihirap at kamatayan.
Ngunit nanatili silang nagtitiwala sa Diyos at kumikilala sa sarili nila bilang
mga pinagpala.
Pwede bang sabihin mo sa sarili mo, “I am blessed!” Hindi ka malas. Hindi ka biktima. Hindi pangit ang buhay mo. At hindi ka rin pangit. Magtiwala ka sa
Diyos. Kayang ayusin ng Diyos ang anumang problema ng pamilya mo.
We as God's family, we are supposed to look at ourselves as GOD'S
FAVORITES! Tama po iyon, paborito tayo
ng Diyos. And God will surely bless us,
because our is faithful.
It is just proper therefore, for us to be faithful to God. Our faithfulness is our proper response to
the faithfulness of God.
Kaya sabihin ninyo sa mga anak ninyo, kapatid ninyo, asawa ninyo,
MAGING TAPAT TAYO SA PANGINOON. Dahil
pamilya tayo ng Diyos.
3. A Hoping Family
Kaya, umaasa sila ng mabuting
bagay na gagawin ng Diyos sa kanilang mga buhay. They live in this kind of “hopeful
expectation”. Parang mga bata sila na
umaasa na kapag dumating na si daddy, may dala siyang pasalubong. Naniniwala
sila na tutulungan sila ng Diyos. Umaasa
sila na ibabangon ng Diyos ang Israel.
Minsang sinabi ni John Wesley, “Kapag naging Kristiano ang isang
tao, gaganda ang kanyang buhay.”
Pagkakatiwalaan kasi siya dahil sa kanyang katapatan. Uunlad siya dahil sa kanyang pagiging anak
ng Diyos, talino at kasipagan. Ang Kristiano, may pag-asa, dahil umaasa siya na
tutulungan siya at ibabangon ng Diyos.
Ang mga Kristiano noong unang siglo ay mga dating mahihirap tulad ni
Onesimo. Mababasa sa Sulat ni Pedro, na marami sa kanila ay mga alipin (1 Pedro
2:18).
Ngunit mababasa sa awitin, na umaasa silang “itataas sila ng Diyos
ang mga aba”!
Kumusta po ang pamilya ninyo? Let us take this moment to minister to
our church as a family.
May hindi ba nag-uusap dito sa loob ng church? Huwag naman ninyong palalampasin ang Pasko
na hindi kayo nagpapatawaran.
May problema ba tayo na dapat ipanalangin?
Kayang ayusin ng Diyos ang anumang problema ng pamilya mo. Let us
pray for our church family.
_________________________________
Sermon 6:
Benedictus: Pagpapala ng Mga Magulang sa Kanilang Mga Anak
Lucas 1:67-79
Ang awiting ito na tinatawag na Benedictus, ay pagpapala ng isang
ama sa kanyang anak, ni Zacharias sa kanyang anak na si Juan Bautista. Sa kapanganakan pa lamang ng bata, nakita na
ni Zacharias ang nais gawin ng Diyos sa kanyang anak.
Ang mga anak natin ay nakatingin sa atin bilang kanilang mga modelo,
mga inspirasyon at mga gabay. Umaasa sila sa atin na iiangatan natin sila at
aarugain, mamahalin at gagabayan hanggan sa kanilang paglaki.
May narinig na ba kayong isang ama, na nagsabi ng ganito sa anak
niya - "Wala ka talagang kinabukasan! Tamad, bobo....!”
Sa ating pamilyang Kristiano, nakasalalay ang tagumpay ng layunin ng
Diyos para sa sanlibutan at sa mga lipunan.
Ang magiging uri ng buhay ng ating mga anak ang siyang magiging buhay ng
ating lipunan.
We are called and tasked by God to prepare our kids towards the
future through family. We create societies within our families.
Ano nga bang klaseng tao ang hinuhubog ng pamilyang Kristiano?
Bilang mga ama, at mga ina, tungkulin nating pangunahan ang ating
mga anak sa tama. Nasa ating kamay ang
paglinang sa kanilang mga ugali at kaisipan.
Tayo ang magpapakilala sa Diyos sa ating mga anak.
1. Tayong mga magulang ang mga propeta ng ating mga anak.
Kung kaya, bilang Kristianong magulang, paano mo ba nakikita ang
ginagawa ng Diyos sa buhay ng iyong mga anak?
Maaga pa, nakita na ni Zacharias ang malaking gagawin ng Diyos kay Juan
Bautista.
Bilang magulang, hindi natin hawak ang bukas ng ating mga anak.
Ngunit tayo ang huhubog at maghahanda sa
ating anak para sa kanyang kinabukasan.
Paano natin ito gagawin?
a. Let us declare positive things to our children.
Sa halip na pabaunan sila ng mga salitang sisira ng kanilang
kalooban, at pagkatao, bakit hindi natin bigyan ng inspirasyon ang ating mga
anak?
Pinangalanan ni Zacharias ang anak niya bilang John, ang ibig
sabihin, “God is gracious”. Na para bang
sinasabi niya, “Ang anak ko ay biyaya ng Diyos.” o “Anak, regalo ka ng Diyos sa
ating pamilya.” “Mapalad kami na ikaw ay naging anak namin.”
b. Let us be an example for them.
2. Pangalawa, may tungkulin
tayong gabayan ang ating mga anak upang matamo nila ang plano ng Diyos.
Ipinagkaloob ng Diyos ang ating mga anak upang maging mabuting bukas para sa
kinabukasan ng ating sambahayan.
__________________
Sermon 7:
Pagbalik Tanaw sa Ating Minanang Pananampalataya
Mateo 1:1-17
Napag-aralan na ba ninyo ang inyong family background?
Kung sino ang inyong mga ninuno sa pamilya?
Kung paano kayo naging Metodista?
Dahil sa lolo at lola ninyo?
Sa tahanan man o sa iglesia, mayroong nauna sa atin na nag-iwan ng
mga pamana, lalo sa pananampalataya. May
mga magulang tayo na nagtayo ng ating iglesia, at ngayon tayo ang umaani ng
kanilang mga sakripisyo at pagpapagal.
Sa ating pagsamba ngayon, subukan nating alalahanin ang mga ninuno
ng ating pananampalataya.
Pauna ko lang po, ang ating mga ninuno sa iglesia ay hindi mga
perfectong tao. Sa kanilang pagiging
karaniwan, sila ay nagpagamit sa Diyos.
Sa talaan ng mga ninuno ni Jesus may makikita tayong listahan ng mga
babae, apat na babae na naging lola ng
Panginoon.
Ang bawat tao ay hindi maaring pumili ng kanyang magulang, bago tayo
ipinanganak. Tanging ang Panginoong Jesus lamang ang ipinanganak na maaring
pumili ng pamilyang kanyang kabibilangan. Hindi tayo ang maaring pumili ng
ating pamilya.
1. Ang Halimbawa ni Tamar
Ang unang lola ni Jesus ayon sa talaan ay si Lola Tamar, na ina ni Fares at Zara, at ang
ama nila ay si Judah. Si Tamar ay manugang ni Judah. Nagka-anak ang biyenan sa
manugang.
May mga sekreto minsan sa mga pamilya na nais sanang pagtakpan na
lamang at kalimutan. Ngunit ang talaan sa Mateo 1 ay ang mismong naglantad ng
ganitong katotohanan tungkol sa salinlahi ng Panginoon. Sa kwentong ito, inaanyayahan ko kayo na
tignan ang kwentong ito ng pananampalataya.
a. Pinaglaban ni Tamar ang kanyang karapatan bilang bahagi ng
pamilya.
Kahit sa iglesia, may mga pangyayari na masalimuot, tulad ng
pagtatanggol ng mga miembro ng kanilang karapatan bilang bahagi ng pamilya ng
Diyos. Mapapanatili natin ang tatag ng pamilya ng Diyos sa pamamagitan ng
pagtatanggol at paglingap lalo sa mga balo.
b. Bigyang pansin ang mga mahihirap.
Sa kwento ng Lumang Tipan, si Tamar ay pinabayaan ng kanyang
biyenan. Ang babaeng balo at nag-iisa sa
panahon na iyon ay napakahirap.
Siya ay itinapon ng kanyang biyenan.
Siya ay pinabayaan.
Mga kapatid sa Panginoon, may paalala ng Biblia sa atin: huwag
nating pababayaan ang mga mahihirap sa iglesia, lalo ang mga balo.
2. Halimbawa ni Rahab.
Si Lola Rahab ang susunod na binanggit. Si Rahab ay isang dating
prostitute. May isang pastor na bumisita sa isang pamilya na hindi nagsisimba.
Wika ng nanay ng pamilya, "Pastor, hindi po kami nagsisimba. Baka po kasi
masunog kami kung kami ay papasok sa simbahan."
"Bakit naman po?", tanong ng pastor.
"Pastor, pang gabi po kami sa trabaho."
"Dancer po ang aking anak, at ako naman po ay nag-papa
table."
Nang marinig ito ng pastor, ibinahagi niya ang pagmamahal ng Diyos
sa mag-ina. Tumanggap ang pamilya sa Panginoon, at mula noon sila ay naging
dancers na at singers sa iglesia ng
Panginoon.
Si Rahab ay dating masamang babae. Siya ay lola ni Jesus.
Sa loob ng pamilya ng Diyos, may mga "dating"
makasalanan. Sa totoo lang, lalo tayo ay
"dating" makasalanan. Lahat
tayo ay may pangit na nakalipas.
a. Sa iglesia, ang mga Rahab ay naghahanap ng pagtanggap.
b. Humihingi sila ng pagpapatawad ng Diyos, at humingi rin sila ng
ating pagpapatawad.
c. Huwag natin silang ilulugmok sa kanilang pangit na nakalipas.
d, Huwag natin silang hahatulan, dahil pinatawad na sila ng Diyos.
Dahil totoo ang pagliligtas ng Diyos, tungkulin natin ang tulungan
silang magsisi, magbago at makaranas ng ganap na pagliligtas ng Diyos mula sa
kasalanan.
3. Ang Kwento ni Ruth
Si Ruth na nanay ni Jesse, na ama ni Haring David ay naging asawa ni
Boaz, dahil isang gabi, ayon sa payo ni Naomi, natulog si Ruth sa tulugan ni
Boaz, upang magustuhan siya ng lalaki.
Palay na lumapit sa manok. At tinuka naman ng manok ang palay.
Masasabi ko na nakakatawa ang istoryang ito.
It is a very good love story.
Our church is full of people who fell in love. Kahit na yung mga ninuno natin sa iglesia.
Mga dating UMYF na nagkita sa Christmas Institute, pag-uwi ng
December 30, NAGTANAN!!
Yung lalaki ngayo ay pastor, at yung babae ay deaconesa. O say mo?
Ah ahahah!
Yung mga kalalakihan dito na noong UMYAF days, lagi sa prayer
meeting. Yun pala, yung crush niya
nandoon, kaya ayaw niyang mag-absent sa choir, sa fellowship, sa worship. Hindi pala nakikinig kay pastor, sa crush
pala nakikipag kwento! Ayun, lima na ang mga anak at pito na ang apo.
It is a simple story of falling in love, under God's direction, Ruth
and Boaz became the ancestors of David, of the great Kings and even the King of
Kings.
4. Ang Kwento ni Bathsheba.
At siyempre, nabanggit din ang ina ni Solomon, si Bathsheba na
(dating asawa ni Urias). Si David ay naakit kay Bathsheba habang ang babae ay
naliligo. Pinatawag siya ng hari at sinipingan. Nagka-anak sila sa pagkakasala.
Pinapatay ni David si Urias na asawa ng babae upang lubusan niyang maangkin si
Bathsheba.
Maaring sasabihin ninyo, "Sana binura na lang ang istoryang ito
sa Bible."
Teka sandali mga kapatid...
God's grace is bigger than our sins. This story is a story of how
good God is to people who failed to be good. Maraming tao ang mapang-usga, pero
ang Diyos, siya ay maawain sa mga nagkasala.
Conclusion:
Pero bakit sila ang pinili ng Panginoon upang maging lola niya sa
pagkakatawang tao?
Si Jesus ay ipinanganak sa isang angkan ng mga tao. At dahil sa
pagdating ng Panginoon sa sambahayan ng mga makasalanan, napatunayan na siya
nga ang Tagapagligtas ng mga makasalanan.
Ang tanging makapagliligtas sa kasalanan ng tao ay si Jesus. Wika
niya, "Dumating ako para sa mga makasalanan at hindi para sa mga
matuwid." Maraming kasalanan ang nagaganap ngayon lalo sa loob ng
pamilya. Dapat sana, ang pamilya ay
maging lugar ng kapayapaan. Subalit sa loob pa ng pamilya nangyayari ang
maraming kalupitan gawa ng kasalanan.
Ngayong pasko, maraming pamilya ang may reunions. Maraming pamilya ang nangangailangan ng
pagpapatawad ng Diyos. Maraming pamilya ang
nangangailangan ng pagliligtas ng Diyos.
At kahit na sa loob ng iglesia, nagliligtas pa rin at nagpapatawad
ang Diyos.
Alalahanin natin ang mga ninuno ng ating pananampalataya. Pasalamatan natin ang Diyos sa mga lolo at
lola na nagpamana ng kanilang karanasan at pananampalataya sa Diyos.
_________________________________
Sermon 8: Parangal sa mga Matatandang Kalalakihan
Lucas 2: 25-33
Mayroong isang matanda sa Iglesia sa Sunrise UMC, na kamakailan lang
pumanaw. Siya si Apung Mading Manasala.
Tuwing pupunta kami doon, maaga pa ay naghihintay na siya sa daungan ng
bangka.
Siya yung sumasalubong sa amin sa sakayan ng bangka. Matanda na siya. Sa offering, siya yung pinaka huli, dahil
mahina na siyang lumakad. Pero hindi magiging kumpleto ang paghahandog, kung
hindi pa siya tapos. Hihintayin at hihintayin namin siyang makapag kaloob.
Noong nakaraang Linggo, inilibing si Apung Mading.
Nasa Panginoon sa siya noon pa mang buhay siya. Lubusan na siyang
bumalik sa Diyos ngayon.
May mga matatandang lalaki sa loob ng church,ma dapat nating
pangalagaan. Sila ay inilagay ng Diyos
sa iglesia, mula noong kabataan sila hanggang ngayon, upang pamarisan natin
sila.
Today, let us bless this men of God.
May ilang katangian si Matandang Simeon; ayon sa verse 25,
v25Noon ay may isang lalaki sa Jerusalem na ang pangalan ay Simeon.
Ang lalaking ito’y matuwid at masipag sa kabanalan na naghihintay sa kaaliwan
ng Israel at nasa kanya ang Espiritu Santo.
Isa-isahin natin ang mga ito;
1. Siya ay matuwid.
Namumuhay siya na may kabanalan. Kailangan natin ang ganitong
matatanda sa iglesia at sa lipunan. Kung
mayroong mapalad na pamilya, sila yung may lolo na matuwid ang pamumuhay.
Minsan ko nang narinig ang kwento tungkol sa tinig ng isang lolo sa
kanyang 90th birthday, “Mga anak ko, mga apo, ni minsan hindi ako nagdala sa
loob ng ating tahanan ng bagay na ninakaw.
Ingatan ninyo ang maganda nating apelido. Tayo ay pamilyang Metodista,
tayo ay Kristiano.”
Namuhay na isang modelo ng pananalataya ang matandang ito para sa
sumunod na henerasyon ng kanyang pamilya.
2. Siya ay masipag sa kabanalan.
Maraming kalalakihan ang ayaw magsimba ayon sa pag-aaral. Mas gusto nila ang manood ng boxing. Mas gusto nilang maglibang. Kaunti ang mga nagsisimbang kalalakihan. Kay
ng aang tawag sa UMM ay "Natodas MEN". Marami na ang umalis sa pananampalataya sa
mga kalalakihan.
Pero hindi si Simeon.
Hanggang sa kanyang pagtanda, nanatili siya na naglilingkod at
sumasamba sa Panginoon.
3. Nasa kanya ang Espiritu Santo.
Ito yung pinaka sa mga katangian ni Matandang Simeon.
Ayon sa Roma 8:16, "Ang mga pinananahanan ng Espitu Santo ay
mga anak ng Diyos."
Ang Espiritu Santo ang tatak ng ating kaligtasan (Efeso 4:30).
Ano nga ba ang halaga ng mataas na pinag-aralan sa ministeryo man o
sa secular school, kung ang isang tao ay hindi pinananahanan ng Banal na
Espiritu? Pastor na magaling ngunit wala
sa kanya ang Espiritu ng Diyos?
Si Lolo Simeon ay napaka-ordinaryo, pero extra ordinaryo - dahil
nasa kanya ang Diyos.
Eto yung dapat nating asamin.
Mawala na ang lahat, huwag lang sana tayong iiwan ng Espiritu ng Diyos.
5. At panghuli, siya ay nanatiling naghihintay sa pagliligtas ng
Diyos.
Kaya sa pagdating ng Panginoong Jesus, nalubos ang kagalakan ni
Simeon. Siya ay handa sa pagdating ng Messias.
May mga matatanda sa iglesia na malapit na...malapit na silang mag
celebrate ng 80th birthday.
Hindi ko sinabing malapit na silang mamatay ah! Sabi ko malapit na silang maging senior
citizen, kayo naman.
Pero si Simeon, tinanggap na niya yung kaligtasan na dala ni Cristo.
Sabi ni Pablo, " Sa mamatay man o mabuhay, kay Cristo
ako."
Ganito si Simeon mga kapatid.
Sa Paskong ito, parangalan natin sila.
__________________________
Sermon 9:
(Simbang Gabi: Dec. 24) Anna: Pagpapala sa Mga Matatandang
Kababaihan ng Iglesia
Lucas 2:36-38
v36Naroon din sa templo ang isang propetang babae na ang pangala'y
Ana, anak ni Fanuel na mula sa lipi ni Aser. Siya'y napakatanda na. Pitong taon
lamang silang nagsama ng kanyang asawa, v37nang siya'y mabalo. At ngayon,
walumpu't apat na taon na siya.a Lagi siya sa templo at araw-gabi'y sumasamba
sa Diyos sa pamamagitan ng pag-aayuno at pananalangin. v38Lumapit siya nang
oras ding iyon at nagpasalamat sa Diyos. Nagsalita rin siya tungkol kay Jesus
sa lahat ng naghihintay sa pagpapalaya ng Diyos sa Jerusalem.
Paano kaya ang iglesiang ito kung wala si Manang___________, si
nanay ________________. Mga kababaihan na naglilinis ng iglesia, naglalaba ng
damit ni pastor, nagluluto tuwing may fellowship?
Kababaihan na tumutugtog sa organo. etc...
Hindi magiging kumpleto ang iglesia, kung wala sila.
Ang kwento ng pasko ay hindi magiging kumpleto kung hindi
babanggitin si Ana. Ang matandang propetang babae sa templo.
1. Siya'y napaka tanda na.
Kung siya ay nakapag-asawa ng 14 years old, at nakasama ng kanyang
yumaong asawa ng 7 years, at balo siya ng 84 na taon - siya ay edad na 105 ng
makita niya ang Panginoong Jesus sa templo.
Maraming iglesia ang pinagpala dahil sa mga magulang na nananatili
sa iglesia. Hanggat kaya nilang
makalakad, kakayanin nilang magsimba.
Ito po ay katapatan sa Diyos na dapat nating tularan.
Maraming Kristiano ay mainit na ngsisimula sa pananampalataya ngunit
hindi sila nanatili. Aklat na
"Finishing Well"
"maraming tao ang marunong magsimula, ngunit bigo sa
pagtatapos".
Sa karanasan ni Anna, kung kailan siya tumanda, sa kanyan gtapat na
pananatili sa templo, nakatagpo niya ang Panginoong Jesus.
2. Si Anna ay namuhay na may kabanalan.
Ayon sa Luke 2:37, “She never left the temple but worshiped night
and day, fasting and praying.”
Matanda na siya, ngunit nanatili siyang tapat sa Panginoon habang
nabubuhay. May nagsasabi na ang mga
matatanda ay mga taong lipas na.
May isang matanda na ayaw bumitaw sa kanyang bisyo. Binabawalan siya ng kanyang pamilya. Ngunit sagt niya, “Itong bisyong ito ang
tangi kong kasiyahan.”
Ngunit kakaiba ang mga katulad ni Anna, matanda na sila ngunit hindi
pa tapos ang Diyos sa kanilang buhay. Patuloy silang ginagamit ng Diyos sa
kanilang katandaan. Hindi sila bumibitaw sa Panginoon. Sabi sa 2 Tim. 2:12, "If a man cleanses
himself he will be a vessel of honor, made holy, useful to the master and
prepared for every good work."
3. Si Anna ay namuhay na
mapagpasalamat sa Diyos.
Ayon sa v.38, “Coming up to them at that very moment, she gave
thanks to God and spoke about the child to all who were looking forward to the
redemption of Jerusalem.”
Nakatagpo niya ang Tagapagligtas. Nakita niya ang pagliligtas ng
Diyos. At ito ay kanyang ibinahagi sa
iba.
Ang buhay ni Anna ay buhay ng isang taong may fulfillment. Hindi nabigo ang Diyos sa kanyang buhay.
Conclusion:
Si Anna ay isang halimbawa ng buhay Kristiano, na bagamat matanda
na, ay namuhay ng matagumpay sa kanyang pananampalataya.
Mayroong mga matatanda ngayon sa iglesia na dapat nating parangalan
at ipanalangin. Mga matatandang babae sa
pamilya, na dapat bisitahin ngayong pasko.
Tawagin natin sila at idalangin.
____________________________
Sermon 10:
(Christmas Sermon 2016) The Difference Made By The Baby Jesus
Lucas 2:8-20
How Christ makes difference?
1. His birth glorified God in the highest - that is "God is
glorified in the highest possible manner".
Ito ang unang epekto kapanganakan ni Cristo. Naitaas ang Diyos sa
kaitaasan. Ang kadakilaan ng Diyos ay
naramdaman ng lahat ng Kanyang nilikha.
Mapapansin na ang mga angel ay nagsi-awitan. Ang buong langit ay nagdiriwang! Naramdaman
ang kapangyarihan ng Diyos sa buong kalangitan.
Ang pinakamalakas na earthquake sa dekadang ito ay naganap noong
March 11, 2011 sa Japan. Ito ay lumikha
ng tsunami na gumiba ng napakaraming bahay at mga lungsod. Naramdaman ito sa
buong bansa.
2. His birth changed the
lives of the shepherds.
a. Ang mga pastol ay tinuturing na mababa dahil sa kanilang
kahirapan sa buhay. Karaniwang
tinitignan ng mababa ang mga mahihirap.
May isang kabataan sa church ang nag-aaral ngayon sa isang
mamahaling paaralan. Kwento niya, hindi siya masaya sa paaralang iyon. Maarte wika niya ang mga nag-aaral, Hindi niya nararanasan ang tunay na
pakikipagkaibigan sa mga kaklase niya, dahil mayayaman ang mga ito.
b. Ang mga pastol ay mga
taong hindi masyadong pansin sa Israel noon, dahil sila yung hindi gaanong
nakakatupad sa mga batas pangrelihiyon ng mga Judio. Sila ay tinuturing na "religious
outcast", dahil hindi sila nakapagbibigay ng ikapu, o hindi sila
nakakasamba ng regular, at ibapa (ayon kay Barclay).
Sa tagpong ito ng Pasko, ang mensahe ng kapanganakan ng Panginoon ay
unang narinig ng mga pastol.
Ang mensahe ay nagsasaad ng ganito - "Peace on earth and good
will to all people."
"Kapayapaan sa lupa at kasaganaan sa lahat ng tao."
Ang pakay ng Diyos sa Pasko
ay para sa ikabubuti ng buhay ng lahat ng tao, lalo ang mga mahihirap. Kung mangyayari ito, magaganap ang layunin ng
Diyos. Kung kaya sabi ng awitin ng mga
angel, "Ang kapanganakan ni Jesus ya magbubunga ng kagalakan sa LAHAT ng
tao!
3. His birth changed the life of a family.
Joseph and Mary were never been the same when Jesus was born.
Any family where Jesus is will change.
Problematic families, if Jesus will be welcomed in your home, your
family will surely change. Try to let Jesus in, and you will see. Lives will be
changed. Families will be changed. The world will be changed.
SIMBANG GABI: SERMON SERIES 2
Simbang Gabi Sermon Series 1, Paglakad sa Liwanag ng Panginoon (15
Tagalog Sermons)
Sermon 1: Paglakad sa Liwanag ng Panginoon
Mateo 24:36-44; Isaias 2:1-5
May kwento kung paano naligtas ang isang pamilya noong WW2. Nasukol ng mga Hapones ang isang pamilya ng
mga Pilipino at ikinulong sa isang liblib ng lugar.
Isang gabi, gumawa ng paraan ang pamilya upang makatakas. Sa pamumuno ng ama, nagawa nilang humukay sa
lupa para makalabas sa bilangguan.
Napakadilim ng gabi, halos walang maaninag sa gubat na kanilang
dinaanan. Hawak ang isang gasera, unang
lumakad ang ama at ang tanging sinusundan ng kanyang pamilya ay ang kilos ng
munting ilaw. Hanggang nakarating ang
pamilya sa isang yungib na kanilang pinagtaguan.
Paglipas ng gabi, pinagmasdan ng pamilya sa kanilang binagtas. Tinahak nila ay mga bangin sa malawak na kagubatan
habang nasa dilim. Sa pangunguna ng ama, gamit ang isang munting
ilawan, naakay niya sa ligtas na lugar ang kanyang buong sambahayan.
Ang pagiging Kristiano ay paglakad sa gabay ng liwanag ng
Diyos. Ang tatlong Pantas ay ginabayan
ng kalangitan sa pamamagitan ng liwanag ng bituin patungo sa tirahan ng Banal
na Pamilya. Dumating ang mga angel at
nagliwanag noong ibalita ang kapanganakan ng Tagapagligtas sa mga pastol. Ang Pasko ay tungkol sa liwanag ng Diyos na
tatanglaw sa atin, kahit sa gitna ng dilim.
Ito ay tulad ng wika ng Awit, “Ang Panginoon ang aking liwanag at
Kaligtasan. Kanino ako matatakot?”
Pasko: Pag-alala at Paghahanda
Tayo ay may dalawang Pasko, ang una ay naganap na noong unang dumating ang Panginoon sa mundo
upang makipamuhay sa atin. Siya ay
nagkatawang tao, upang iligtas tayo mula sa ating mga kasalanan.
At may ikalawang Pasko - ito ay ang muling pagdating ng Panginoon
bilang Hukom ng sanlibutan. Sa ikalawang
Pasko, ililigtas niya ang mga sumampalataya sa Kanya ngunit hahatulan niya sa
kaparusahan ang mga hindi nanalig sa kanya.
Tatanggapin ng Panginoon ang mga tumanggap sa kanya at tatanggihan niya
ang mga tumanggi sa Kanya. Ang ikalawang
Pasko ang ating hinihintay. At hindi
natin alam kung kailan ito mangyayari.
Ang pagdiriwang natin ng Pasko, kung gayun ay may dalawang
nilalaman. Ang una ay paggunita sa unang Pasko, dahil dumating ang
Tagapagligtas. At ito rin ay paghahanda
sa muling pagdating ng Panginoon bilang Hukom ng sanlibutan. Kung kaya, dapat po tayong maging handa sa
pagdating ng Pasko. Paano?
1. Gumawa tayo ng espitual na paghahanda.
May paalala ang Panginoon para sa tamang paghahanda sa kanyang
muling pagdating. Noong araw na bago
lumubog ang mundo sa panahon ni Noe, ang mga tao ay naghanda rin. Sabi ng Panginoon sa talatang 38, “Nang mga
araw na iyon, bago bumaha, ang mga tao'y nagsisikain, nag-iinuman, at
nagsisipag-asawa hanggang sa pumasok si Noe sa barko.”
Marami ang katulad ng mga tao noong panahon ni Noe, naghahanda sila
ng pagkain, palamuti, at nagsasaya , ngunit hindi sila gumagawa ng mga
paghahandang espiritual. Abala ang
marami sa pagsasaya, habang si Noe ay abala para sa kaligtasan ng kanyang
pamilya. Maraming paghahanda ang
ginagawa ng maraming tao. Para sa mga
may maraming ina-anak, financial na paghahanda - kung may maraming pangregalo. Yung walang budget, naghahanda upang magtago
sa mga ina-anak.
Yung may maraming kamag-anak na bibisita, naghahanda ng maraming
pagkain, at ina-ayos ang bahay ng maraming palamuti. Kung walang budget, nagtatago rin.
Ngunit higit dito mga kapatid, kailangan po natin ang paghahanda ng
ating buong pagkatao. Kailangan tayong
maging handa upang maging karapat-dapat sa pagdating ng ating Panginoon.
2. Gumawa ng Pang-kapayapaang
Paghahanda
Ang paghahandang hinihingi ng Panginoon ay hindi lamang espiritual na paghahanda. Inuutusan din ng Panginoon ang lahat ng
bansa upang “magpairal ng katarungan”
(v.4). Ang Pasko ay tungkol sa
pagpapairal sa kapayapaan at kasaganaan ng Diyos para sa buong sanlibutan bunga
ng katuwiran.
Sa ating panahon, marami pa rin ang mga taong hindi nagkakamit ng
katarungan at kapayapaan. Ang sistema ng
maraming gobyerno ay puno ng corruption.
Ang mga mahihirap ay inaabuso at sinasamantala. At marami ring tao ang nagwawalang bahala sa
mga ganitong katotohanan.
Ang Pasko ay nagdadala ng balita ng kapayapaan sa buong sanlibutan,
mula sa Panginoon. Ang kapayaan ay
hindi lamang pangarap na inilalagay ng Diyos sa ating mga puso- ito ay plano na
nais ipatupad ng Diyos sa sanlibutan.
Sa Biblia, ang kapayapaan ay nagmula sa salitang shalom. Ito ay madalas ginagamit katumbas ng
kapayapaan. Ngunit sa kabuoan, ito ay
nangangahulugan din ng ganap na kaligtasan (salvation). Dahil ang kaligtasan dala ng Pasko ay
kapayapaan at buhay na ganap dito sa lupa hanggang sa langit.
Sabi pa ni Propeta Isaias, “Kaya't gagawin na nilang araro ang
kanilang mga tabak, at karit naman ang kanilang mga sibat. Mga bansa'y di na
mag-aaway at sa pakikidigma'y di na magsasanay.”
3. Lumakad Tayo sa Liwanag ng Panginoon
Panghuli, ang paghahandang nararapat sa Pasko ay pagkakaroon ng
buhay na lumalakad sa liwanag ng Diyos.
Ito ay isang buhay na binago mula sa kadiliman tungo sa liwanag.
Hindi ito pansamantalang pagbabago dahil sa okasyon ng Pasko, kundi,
dapat tayong magbago dahil sa ating pagtatalaga ng buhay sa Panginoon ng
Pasko. Ang pagbabagong sinasabi ni
Propeta Isaias ay hindi rin pagkukunwaring pagbabago. Ang pagbabagong dala ng Panginoong Jesus ay
may malawakang resulta sa buhay ng mga individual, mga bansa at sa buong mundo.
Ang tunay na paghahanda sa Pasko ay pamumuhay sa liwanag ng Diyos ng
walang humpay. Ito ay pagkakaroon ng
bagong buhay na karapat-dapat ialay sa
Panginoon ng mga panginoon, at Hari ng mga hari.
Ito ay pamumuhay sa katarungan ng Diyos. Ang mga tao ay hindi na magsasanay sa
pakikidigma. Ang lahat ay mamumuhay sa
kapayapaan ng Panginoon.
Ang Panginoon ay may malaking plano para sa Pasko. Nais
niyang maging handa ang buong mundo para sa kanyang muling pagdating.
Naghahanda ka na ba?
__________________________
Sermon 2: Tunay na Pagsisisi
Mateo 3:1-12, Isaias 11:1-10
Ang lahat ng tatlong aklat ng ebanghelyo nina Mateo, Lucas at Marcos
ay nagsisimula sa mensahe ni Juan Bautista tungkol sa pagsisisi at
bautismo. Ang mabuting balita ay tungkol
sa biyaya ng Diyos na nagpapatawad ng kasalanan. Malinaw ito sa pahayag sa San Lucas
24:47,
“Sa kanyang pangalan, ang pagsisisi at kapatawaran ng mga kasalanan
ay dapat ipangaral sa lahat ng bansa, magmula sa Jerusalem.”
May kwento tungkol sa isang napariwara dahil namumuhay siya sa pagkakasala.
Mayroong kaibigang Kristiano ang binatang ito at iinimbitahan siya sa
kapilya. Nagsimba ang binata alang-alang
sa pakikisama niya sa kaibigan. Ngunit
habang nakikinig ng sermon, bumaon sa puso ng binata ang mensahe ng Diyos. Lumabas siya ng halos maluha sa kawawa niyang
kalagayan bilang isang makasalanan.
Pagkatapos ng pagsamba, nag-meryenda
ang magkaibigan. Wika ng binata
sa kanyang kaibigang nag-anyaya sa kanya, “Pare, kawawa ako... kawawa ang aking
kaluluwa.” At sagot naman ng Kristianong
binata, “Natutuwa ako pare, buti nga sa iyo.”
Nabigla ang binata sa sagot ng Kristianong kaibigan niya. “Pare, huwag kang magbiro. Alam kong pupunta ako ng impierno dahil sa
mga kasalanan ko.”
Sagot ulit ng Kristiano, “Oo nga pare, buti nga sa iyo. Hindi kita
inaasar pare. Pakinggan mo ang sabi ng
Panginoong Jesus sa Biblia - “I came to seek and save the lost”, ibig sabihin
pare, dumating si Cristo para iligtas ang mga nagsisising tulad mo at umaamin ng kasalanan. Nakahanda
ang Diyos na patawarin tayo sa ating mga kasalanan pare.”
Sa halip na maasar, napangiti ang kabataan, at tinanggap niya ang Panginoon bilang kanyang Tagapagligtas.”
Sa ating mensahe ngayon, nais ko po kayong anyayahang makinig sa
tatlong bagay; 1.) Ano ang pagsisi? 2.)
Paano magsisi? at 3.) Bakit kailangang magsisi?
1. Ano ang Pagsisisi?
Una, ang pagsisi ay nagsisimula sa pag-kumpisal o pag-amin ng ating
mga kasalanan. Sabi sa 1 Juan 1:9-10, “Subalit kung ipinapahayag natin sa Diyos ang
ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at
lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya'y tapat at
matuwid. Kung sinasabi nating hindi tayo
nagkakasala, ginagawa nating sinungaling ang Diyos, at wala sa atin ang kanyang
salita.”
Pangalawa, ayon kay apostol Pablo, ang pagisisi ay damdamin ng
kalungkutan dahil sa nagawang kasalanan.
Sabi sa 2 Corinto 7:9 -10, “Ngayon ay nagagalak na ako sapagkat ang
kalungkutang iyon ang ginamit ng Diyos para akayin kayo na pagsisihan at talikuran ang inyong pagkakasala, kaya't
hindi kayo napasama dahil sa amin.
Sapagkat ang kalungkutang buhat sa Diyos ay nagbubunga ng pagsisisi at
pagbabago tungo sa kaligtasan.”
2. Paano nga ba ang magsisi?
Totoo na nagsisimula ang pagsisi sa pamamagitan ng pag-amin ng
kasalanan, at pagtanggap sa parusang kalakip nito, ngunit hindi ito dito
nagtatapos. Ang pagsisisi ay
pagtalikod sa kasalanan.
May kwento tungkol sa isang matanda, sa edad na halos 70 na - ay napatunayang nagnakaw noong siya ay
kabataan pa. Ngunit dahil matagal na
ang pangyayari, hindi na siya maaring patawan ng parusa. Gayunman, ang matanda ay nakakilala sa
Panginoon. Bagamat hindi siya
naparusahan sa kulungan, sinikap ng matanda na bayaran ang kanyang ninakaw.
Tumanggi ang husgado na tanggapin ang nais ibayad ng matanda. Wika
ng judge, “Limampung taon na ang nakararaan, dapat ng kalimutan ang kaso laban
sa iyo, wala kang dapat bayaran.”
Ngunit sumagot ang matanda, “Alam kong wala ng bisa ang kaso laban
sa akin, ngunit nais kong patunayan na ako ay nagsisisi sa kasalanang iyon na aking nagawa noong ako ay kabataan pa.”
Mababasa natin na may lumapit ding mga Pariseo at Saduceo kay Juan
upang magpabautismo, ngunit tinanggian sila ni Juan. “Patunayan muna ninyo sa inyong mga buhay
na kayo'y talagang nagsisisi na” wika niya.
Nais nilang pabautismo, ngunit dahil iniisip nilang sila ay mabubuting
tao na walang kasalanang dapat
pagsisihan, hindi sila naging karapat-dapat sa bautismo ni Juan. Alam din ni Juan na hindi nila tatanggapin
ang Panginoong Jesus bilang Tagapagligtas, dahil ayaw nilang aminin na sila man ay makasalanang
nangangailangan ng habag ng Diyos. Ang
pagisisi ay pag-amin na may kasalanan tayong dapat talikuran.
Ang bautismo ay hindi tanda ng kabanalan. Ito ay kapahayagan ng pag-amin sa kasalanang
pinagsisisihan upang makamit ang pagpapatawad ng Diyos.
3. Panghuli, sinasabi ni Juan
na dumating na ang paghahari ng Diyos.
Ito ang dahilan kung bakit kailangan nating magsisi. Magiging ganap ang ating pagsisisi kung
magpapasakop tayo sa paghahari ng Panginoon.
Ang kasalanan ay lantarang pagsuway sa Diyos. Naka-ilang kasalanan na po ba tayo? Ilang beses mo na bang nilabag ang mga batas
ng Diyos? At ano ang napala natin sa ating pagsuway? Ano nga ba ang bunga
nito? Pansamantalang kaligayahan na magbubulid sa atin ng walanghanggang
kaparusahan.
Salamat sa Diyos ay mayroon pa tayong isa pang pagkakataon. Upang magsisi. Upang humingi ng tawad. Upang magkamit ng bagong buhay na nilinis sa
dugo ni Cristo.
Nasubukan na po ba ninyong regaluhan ang inyong sarili kapag
dumarating ang Pasko? Ang pagsisi ay magandang regalo sa sarili. Ang
kapatarawan ng Diyos ay matagal ng ipinagkaloob ng Panginoon. Ito ay ibinigay na sa atin noong unang
dumating ang Panginoong Jesus sa lupa.
Una siyang ipinakilala ni Juan Bautista, “Narito ang kordero ng
Diyos, na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan!”
Nag-aalis ng kasalanan. Ito
po ang kayang gawin ng Panginoon para sa mga katulad nating makasalanan. Ngayong pasko, bilang regalo ng Diyos sa
atin, at bilang regalo na rin sa ating sarili-talikuran na natin ang ating mga
kasalanan at magpasakop na tayo sa Diyos.
Regaluhan mo naman ang sarili mo. Tanggapin mo ang kaloob ng Diyos
para sa iyong kaligtasan.
________________________
Sermon 3: Siya na Nga Ba ang
Messias?
Mateo 11:2-11
Ang Pagdatal (Advent) ay paghihintay sa biglaang muling pagdating ng
Panginoon. At dahil hindi natin alam
kung kailan Siya darating, dapat tayong manatiling gising sa ating
pananampalataya, matalinong nagmamasid sa takbo ng panahon, at patuloy na
gumagawa sa ating paglilingkod sa ating Diyos.
Sa ating paghihintay, kailangan tayong maging matiyaga. Maaring
magsawa tayo sa kahihintay. Kailangan nating patatagin ang ating
pananampalataya, upang hindi tayo manghinawa. Sa ating pagmamasid at pakikinig,
kailangan tayong maging maingat. Marami
ang magsasabi na dumating na ang kawakasan.
May nagsasabi na dumating na nga muli ang Messias. At baka tayo madaya ng mga maling balita
tungkol sa pagbabalik ng ating Tagapagligtas.
Kailangan po tayong maging matalino sa ating paghusga sa ating mga
naririnig na balita, lalo sa muling pagdating ng Panginoon. Huwag tayong basta-basta naniniwala sa mga
maling akala. Pag-aralan nating mabuti
ang mga nagsasabi na dumating na ang Panginoon.
May kwento tungkol sa isang mayaman na naghanda ng masarap na
hapunan para sa kanyang mga kaibigan.
Kumuha siya ng magagaling na chef, upang magluto ng special beef
steak. Nagpabili siya ng mamahaling
mushrooms upang ilagay sa gravy.
Dumating na ang araw ng piging, at napansin ng mayaman na umitim ang mga
kabute, at wala ng panahon para bumili sila ng panibago.
Ang ginawa ng mayaman, nagpaluto siya ng ilang kabute at ipinakain
ito sa aso. Sabi niya, “Kung walang mangyayaring masama sa aso, ayos lang ang
mga mushrooms na ito.”
Sa handaan, kumakain na ang mga bisita, ng biglang lumapit ang isang
katulong sa mayaman at bumulong, “Ma’am, namatay po si Doggie.”
Dahil sa narinig, agad-agad
sumigaw ang mayaman, “Mga kaibigan, lahat kayo ay maaring nakakain ng
sirang kabute, at maaring malason - takbo na kayo agad sa hospital!” Kaya ang lahat ng bisita ay kumaripas ng
takbo sa pagamutan.
Ng wala ng bisita, tanong ulit ng mayaman, “Nasaan si Doggie? Bumula ba ang bibig? Paano siya nalason?”
Sabi ng katulong, “Nasa kalsada pa po siya Ma’am, nasagasaan po kasi
siya ng kotse!”
Hindi muna nagtanong ang mayaman kung ano ang ikinamatay ng kanyang
aso - dahil agad siyang gumawa ng konklusyon, naging malaking pagkakamali ang
kanyang naging desisyon na pauwiin niya ang kanyang mga bisita. Wala palang lason ang mga kabute.
Tungkol sa Panginoong Jesus, marami ring tao ang gumagawa ng
madaliang konklusyon ay madalas ay napapahamak!
Sa ating binasang kasulatan sa araw na ito, narinig nating
nagpadala ng dalawang tao si John the
Baptist, upang itanong sa Panginoon kung siya na nga ba ang Messias, o kung
aasa pa sila sa pagdating ng ibang Tagapagligtas. Hindi nagmadaling gumawa ng sariling
konklusyon si John, nagtanong muna siya.
Minsang sinabi ni Apostol Pablo sa Filipos 3:10,
“Ang tanging hangarin ko ngayon ay lubusang makilala si Cristo,
maranasan ang kapangyarihan ng kanyang muling pagkabuhay, makibahagi sa kanyang
mga paghihirap, at maging katulad niya sa kanyang kamatayan upang ako man ay
muling buhayin mula sa mga patay.”
Alam ninyo, ang mga
matiyagang nagtatanong, ay hindi basta-basta naliligaw. Ang mga marunong
makinig, ay mas madaling matuto. Ang
gayun din ang mga tunay na naghahanap sa katotohanan. Ang paglalagak ng
pananampalataya sa Diyos para sa ating kaligtasan ay lubhang mahalaga. Hindi ito minamadali at dapat, ito ay
pinag-aaralang mabuti. Ang
pananampalataya ay may epekto sa kahihinatnan ng ating kaluluwa. Kaya mabuti pang aralin natin mabuti ang
ating pananampalataya. Ito nga ba ay
katotohanan? Dadalhin ba ako nito sa
buhay na walanghanggan? Sapat na ba ang aking nalalaman tungkol sa Panginoong
Jesus?
Ang Tanong ni Juan
Nakaraang Linggo, narinig nating pinakilala ni Juan Bautista ang
Panginoong Jesus. Taasan niyang sinabi tungkol sa Panginoon, “Narito ang
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan.” Ngunit ngayon, siya mismo ang nagpapatanong
kung siya na nga ba ang inaasahang Tagapagligtas! Ano ba ang nilalaman ng
tanong ni Juan?
1. Tanong ito upang lumalim
ang pagkakilala ni Juan sa Panginoon sa oras ng pagsubok. Si Juan noon ay nakakulong dahil sa kanyang
tapat na pagsunod sa utos ng Diyos.
Pero, bakit? Nakarinig na ba kayo
ng tanong ng isang tapat sa Diyos, “Bakit kung kailan ako naging tapat sa
Panginoon, ngayon pa dumating ang mga pagsubok sa aking buhay?”
Sa mga ganitong panahon, ang tugon sa ating suliranin ay ang lalo
nating kilalanin ang ating sinusunod na
Panginoon.
2. Pangalawa, tanong ito kung tama ba ang direksyon ni Juan sa
kanyang ministeryo. Si Juan Bautista ay
nakulong at malapit ng pugutan ng ulo.
Sa biglang tingin, hindi siya nagtagumpay. Ngunit, ano nga po ba ang sukatan ng
tagumpay ng isang sumusunod sa Panginoon?
May isang naging pastor at naging tapat sa kanyang tungkulin. Ngunit mas dumami pa ang mga sakripisyo sa
kanyang ministeryo. Kaya ang kanyang tanong, “Tama nga ba itong desisyon ko na
maglingkod? Ikaw nga ba iyan Panginoon?
Baka mali ang aking sinusunod?”
Ang tagumpay natin ay makikita sa malawakang epekto ng ating
sakripisyo at ministeryo para sa kaligtasan ng maraming tao at hindi sa
sariling pakinabang.
May isang paring Katoliko noong 1800’s, si Father Jozef De Veuster,
- mas kilala bilang Saint Damien, ay nagmisyon sa Molokai, Hawaii. Ang Molokai noon ay tapunan ng mga taong
leproso. Sa kanyang pangangaral, wala
siyang nakitang tagumpay. Walang nagnais
makinig sa kanyang pangangaral ng Salita ng Diyos. Madalang na makakita siya ng mga nagsisimba.
Kaya minabuti na lamang niyang bumalik sa Belgium.
Ngunit bago siya nakasakay ng barko, napansin niya ang mga kakaibang
sugat sa kanyang balat. Nahawa na pala
siya sa sakit na ketong! Dahil dito,
napilitan siyang bumalik sa Molokai, upang manatili na doon. Ngayon, hindi na siya misyonero lamang doon,
isa na siya sa mga may ketong, na tulad ng marami.
Sa kanyang pagbabalik sa colony, napansin ni Father Josef na mas
dumami ang nagsisimba at nagnanais makinig sa kanyang pangangaral. Mula noon, mas marami ang naligtas at
tumanggap sa Panginoon. At sa
pamamagitan ng kanyang sakripisyo, lalong nagpakilala ang Panginoon sa buhay ni
Father Damien.
Ang mga pagsubok sa buhay ng mga naglilingkod sa ministeryo ay daan
upang lalong lumalim ang ating pagkilala sa ating Panginoon. Kung kailan tayo nahihirapan, lalo tayong
nagtatanong. At sa ating pagtatanong,
lalong pinapakita ng Diyos ang kanyang kalooban. Sa ganitong paraan, lalo nating nakikilala
ang Panginoong Jesus.
Nakita at Narinig
Ang sagot ng Panginoon sa kanila ay, “Sabihin ninyo kay Juan ang
iyong nakita at narinig.Nakakakita ang mga bulag, nakakalakad ang mga pilay,
gumagaling at lumilinis ang mga ketongin, nakakarinig ang mga bingi, muling
nabubuhay ang mga patay, at ipinapangaral sa mga mahihirap ang Magandang
Balita.”
Hindi “Oo” o “Hindi” ang tugon ng Panginoon kundi paliwanag ayon sa
naging karanasan ng mga alagad. Ang
katotohanan ay nakita nila at narinig.
Ang kalooban ng Diyos ay natupad sa kanilang harapan.
Tanging ang kanilang nasaksihan ang maari nilang ibalita sa kanilang
gurong si Juan Bautista.
Tulad nila, wala tayong maaring ibahagi sa iba kundi ang ating
sariling karanasan mula sa Panginoon.
Ang tunay na karanasan sa Diyos ay hindi maaring itatwa o
pabulahanan. Ito ay ebidensya na
kanilang naranasan mula sa Panginoon.
___________________________
Sermon 4: Pagkabalisa ng Isang Taong Matuwid
Mateo 1:18-25
May isang kabataan ang may tatak ng “K” sa t-shirt. Nang tanungin ng
kaibigan kung ano ang kahulugan ng tatak na “K”, ang sagot ng kabataan ay “K -
for confused”. Ngunit ang sabi ng
kaibigan, “Friend, naman! Ang “confused”
ay nagsisimula sa letter “C” hindi letter “K”!
Sagot ng kabataan, “Friend naman! Hindi mo ba gets? Confused nga ako
eh!”
In Love si Joseph, Pero Confused!
Masarap ang ma-inlove. Lalo
kapag malapit na ang kasal. Sino ba dito
ang nakaka-alala noong ma in-love kayo?
At malapit na kayong ikasal, Wow! Handa na ang kakainin ng bisita. Ready na ang damit. Nakaayos na ang simbahan.
At biglang nagduwal ang mapapangasawa mo, mukhang naglilihi. Naiisip mo, “Buntis ba ‘to? Teka, hindi ko naman siya ginalaw ah. Niloloko ba ako nito?“
Napakasakit Kuya Eddie.
Ganito nga ang nangyari kay Joseph.
Ang kanyang mapapangasawa ay nagdadalang tao. At hindi siya ang ama ng nasa kanyang
sinapupunan.
Ang tiwala (trust) ay mahalaga sa relasyon ng mag-asawa. Kung hindi ka marunong magtiwala sa mga
lalaki at lagi kang may duda, magpakatanda ka na lamang ng dalaga! Ngunit kung gusto mo talagang mag-asawa,
kailangan kang matutong magtiwala.
Good relationships are founded on trust. However, trust can be destroyed in a moment,
but it takes a lifetime to repair a damaged trust. Napakadaling sirain ng
tiwala, pero habang buhay ang kailangan para ibalik ito.
Gayunman, nasira ang tiwala ni Joseph kay Mary sa una. Inisip nito na hiwalayan ang kanyang
mapapangasawa.
An honest man's dilemma: --
Kahit ang mga mabubuting tao, maari pa rin silang magkaroon ng malaking
problema. Maraming mabubuting tao ang
nagdurusa sa mga bagay na hindi naman nila kasalanan.
Gayunman, alam natin na ang naging problema ni Joseph ay kalooban
ng Diyos. Hindi ito madaling
unawain at tanggapin, dahil ang isipan ng Diyos ay hindi natin isipan, ang paraan ng Diyos ay hindi natin paraan.
At sa pagkakataong ito, si
Joseph ay inuutusang sumunod, sa bagay na mahirap unawain. Gayunman, nanatili siyang sumusunod at
nagtiwala siya sa Diyos. Samahan po
ninyo ako sa pagbubulay sa pakatao ni Joseph at pakinggan kung paano siya
naging kaaya-aya sa Diyos sa panahon ng pagsilang ng Panginoong Jesus.
1. Una, he got Confused.
Believing in Jesus can always be confusing in the beginning. Maraming bagay ang nakakalito sa
pananampalataya. Halimbawa dito ang
Doctrine of Trinity, tatlong persona ng iisang Diyos. Ang paghihirap ng mga taong matuwid - why do
good people suffer? Or why do God allow
suffering if God is good?
Malapit na silang ikasal, at napatunayan na buntis si Maria. Teka, unfair yata iyon para kay Joseph, dahil
hindi siya ang tatay ng bata. However,
alam natin na ito ay masalimuot na paraan ng Diyos. God is challenging the faith of Joseph - to
believe first before doubting.
I believe that we here are just like Joseph, marami po tayong tanong
sa buhay. Ang mahirap dito, wala tayong
makitang sagot sa marami nating tanong.
Noong una kong makita yung resulta ng bagyong Yolanda, naluha ako at
nagtanong din ako - “Lord bakit po?” Madalas kapag ganito ang kalagayan natin,
tulad ni Joseph, ang tanging magagawa natin ay ipadala na lang sa panalangin
ang ating tanong at maghintay na sagot.
Life is full uncertain questions with uncertain answers.
Sabi ng Panginoon sa Isaiah 40:13, “3 Who has understood the mind of
the Lord, or instructed him as his counselor?”
Faith is a challenge to believe on the things not seen. It can be
confusing but we have to believe. May
isang pastor na dumaan sa matinding pagsubok sa buhay, at halos umalis na siya
sa pagka-pastor dahil sa tindi ng hirap na kanyang pinagdaanan. Sa pakiwari ng pastor, siya ay parang
hinahampas at dinudurog ng mga nagaganap sa kanyang buhay. Kaya nagtanong siya sa Diyos, “LORD! BAKIT
PO?”
Sagot ni Lord, “Ang bawat hampas at pagdurog na nararamdaman mo ay
paraan ko upang maalis ang iyong pagmamataas.
Sa ganitong paraan, nais kitang hubugin bilang aking lingkod.”
Si Apostol Pablo man ay nagkaroon ng tinik sa laman. Maaring isang malubhang sakit ito. Hiniling
niya sa Panginoon na alisin nawa ang tinik sa kanya, ngunit ang sagot ng
Panginoon ay ganito, "My grace is sufficient for you, for my power is made perfect in
weakness." (2 Cor 12:9).
Sa usapin ng pananampalataya sa Diyos, kailangan nating tapatan gn
pananampalataya ang ating pagkalito at mga tanong, at asahan natin na aakayan
tayo ng Diyos upang maunawaan din natin ang kanyang mga paraan.
2. Then Joseph got Convinced.
It is natural for faith to seek understanding. It is normal for us to search for
meaning. Bakit ba ito nangyayari? Bakit kung kailan ako naging Christian,
ngayun ako dinudumog ng mga pagsubok?
Natutunan ko sa aking pagsunod sa Panginoon na ang Diyos ay hindi
lubusang nananahimik. Totoo na may
pagkakataon na nananahimik ang Diyos, pero ang kanyang presensya ay nananatili
sa mga taong kanyang minamahal. On times
when God chooses to remain silent, His
presence may still be felt. Para sa akin, hindi po ang sagot ng Diyos ang
mahalaga kapag ako ay may tanong. Mas
mahalaga ang kanyang presensya, na hindi niya ako iiwan.
However, during that confusing moment in the life of Joseph, God
sent an angel, to assure Joseph that God is in control. He was given both the assurance of God’s
presence and an answer to his question.
Isa pang pastor ang tapat naglilingkod sa Panginoon ang biglang
nagkaroon ng cancer. Sa loob ng maramign
taon, nagtatanogn siya ng “bakit” sa Diyos.
At sumagot ang Panginoon sa kanya, “Hanggang saan mo ba ako maaring
pagkatiwalaan?”
After hearing God’s voice, that pastor put her trust in God. Then she was
healed. Then she understood,
fully conviced that God knows what the Almighty is doing.
3. Then Joseph was Finally
Convicted to Offer Himself fully to God.
Tulad ni Mary, lubusang nagpasakop sa plano ng Panginoon si
Joseph. He soon realized that accepting
Jesus is not a burden at all.
Accepting Mary and Jesus into his family was actually a mark of his
total submission to the will of God.
Makikita natin na sa karanasan ni Joseph ang tunay na
pananampalataya.
Pananampalataya na nagbunga ng pagtitiwala. Pagtitiwala nagbunga ng pagpapasakop. Pagpapasakop na nagbunga ng pagsunod.
Pagtitiwala sa Diyos
Minsan sinabi ni John Wesley na may mga Kristiano na maaring
tatawagin ng Diyos sa isang napakahirap na ministeryo. Na maaring dadaan sila sa maraming pagtitiis
at mga malupit na pagsubok upang magampanan nila ang kalooban ng Diyos.
Ngunit ang sakripisyong ito ay magbubunga ng malaking kabutihan sa
pakinabang ng marami. Ang tawag ng mga
theologians dito ay “meaningful suffering” - o paghihirap na may
kahulugan. Ginagawa ito ng mga
nagmamahal sa Diyos.
________________________
Sermon 5: Angel ng Buhay Ko!
Luke 2:1-20
Sa aking pagka-assign sa isang iglesia, maraming kwento ng mga
angelic visitations ang aking narinig. Ang pinaka-pambihira ay yung kwento ni
Tatay Benny Bengco, noong na-operahan siya ng kidney.
Ayon sa testimony ni tatay Benny, isang matangkad na doctor ang nag
volunteer na tutulong sa kanya sa hospital.
Nagpakilala ang doctor at naging malapit ang loob nito sa matanda.
Nangako pa ang doctor na dadalawin pa niya si tatay Benny araw-araw. Sa
pananatili ni tatay Benny sa hospital, dinalaw naman siya ng doctor ng madalas.
Kini-kwentuhan siya ng doctor at pinalalakas ang loob. Nag-uusap sila palagi
tungkol sa kabutihan ng Diyos at nananalangin.
Noong gumaling na si tatay benny, bago umuwi sa Olongapo City,
sinikap niyang hanapin ang nasabing doctor na nagpakilala sa kanya sa hospital.
Una dahil paalis na sila upang magpaaalam at para makapag-pasalamat.
Ipnagtanong niya ang pangalan ng doctor at inilarawan ni tatay benny
ang mukha nito at taas. Iisa ang sagot ng mga nasa hospital - walang ganung
doctor sa nasabing hospital. Sabi ni Tatay Benny sa kanyang patotoo - para sa
kanya, angel ang doctor na iyon.
Sa ating Gospel Reading, binisita ng mga angel ang mga pastol.
Pambihira ang gabing iyon! Ang dilim ay napuno ng nakasisilaw na liwanag! Isang
angel ang nagsalita - at mga angel ang mga umawit!
Nakaka-inggit naman ang mga pastol na iyon!
1. Angel ang nagdala ng balita.
Angel ang nag-sermon. Kung ganito ang sermon tuwing Linggo, ang dami
yata ng mga magsisimba. Mala-angel na pastor - gwapo na - magaling pa! Naks
naman!
Ang mensahe ng angel ay tungkol sa kapanganakan ng Panginoong Jesus.
At hamon niya sa mga pastol, "Pumunta kayo sa Bethlehem at tignan ang
sanggol."
2. Heto pa! Mga angel din ang choir!
Ang sarap talaga kapag ang choir ay napaka-galing umawit! Nagsimba
ka palang ay parang nakapasyal ka na sa langit. Ang sarap kaya ng mga kasamang
mala-angel na choir.
"Gloria in excellesis Deo!" - ito po ang awit nila.
Angel ng Buhay Ko.
Sa ating buhay Kristiano, mayroon talagang angel na sinusugo ang
Panginoon. Minsan, hindi man literal na angel, may mga tao na ginagamit ang
Diyos upang tulungan tayo. Sila ang mga mala-angel na kaibigan, pastor,
deaconessa, magulang, kapatid at iba pa.
Sila ay mga tao na nagbibigay pag-asa at saya sa atin.
Sila ay mga tagapagdala ng mabuting balita sa atin.
At kapag nalulungkot tayo at nalulugmok sa buhay - hayyy salamat sa
kanila, nabubuhayan tayo ng loob at nagkakaroon ng panibagong pag-asa.
Masarap po talaga ang may angel sa buhay. Kaya kung naghahanap ka ng
angel - sikapin mo rin na maging blessing karin sa iba. Para ka na ring angel
noon sa buhay ng ibang tao. Ang ibang tao - sa halip na maging angel -----
naku, makakakurot ka sa gigil, sa halip na may pakpak, sungay.....
Salamat po Panginoon sa mga angel! Dahil sa kanila lumiliwanag ang
buhay!
Umalis ang mga Angel
Ngunit pagkatapos umawit - pagkatapos magsalita ng isa sa kanila,
umalis na po sila lahat. At dumilim ulit! Naiwan ang mga pastol sa katahimikan
ng gabi.
Masarap ang may angel sa buhay. May isang miembro, para kanya, ang
angel niya sa buhay ay ang paborito niyang pastor. Inspired po talaga ang
miembro basta si Pastor ang preacher. Kaya hindi uma-absent ng service ang
member na ito. Makita lang niya ang kanyang angel pastor - ay naku! kumpleto na
ang kanyang Linggo.
Pero minsan - sa Annual Conference, inilipat ng DS ang angel pastor.
Pinalipad sa ibang destino. Nagbago tuloy ang tingin ng miembro sa DS (dati
kasi, angel din ang tingin sa DS).
Pero mga kapatid, mga angel man ay umaalis din! Angel na kaibigan,
angel na pastor, angel na deaconesa at kahit sino pa siya, umaalis din talaga
ang mga sugo ng Diyos at dinadala po sila ng Panginoon sa ibang lugar.
Pero sa kanilang mensahe, iisa lang ang kanilang sinasabi -
"Pumunta kayo sa Bethlehem, hanapin ninyo ang Panginoong isinilang sa
sabsaban."
Heto po ang tanong para sa atin,
"Ano ang hinahanap ninyo sa loob ng iglesia, angel ba o ang
Panginoon?" Hindi po masama kung mapamahal po tayo sa mga mala-angel na
pastor, o deaconesa. Pero huwag po ninyo silang mamahalin ng higit sa
Panginoon. May alam ako, umalis ang kanyang paboritong pastor, hindi na siya
nagsimba.
Alam po ninyo, umaalis ang mga angel upang sa gitna ng dilim,
hahanapin nawa natin ang Panginoon. Ang mga angel ay umaalis, ngunit ang Diyos
ay nananatili.
Sa gitna ng dilim, nag-usap ang mga pastol. Wala na ang mga angel,
paano ngayon? Ano ba ang dapat gawin?
Sabi ng isa sa mga pastol, "Tara sa Bethlehem, tignan natin
kung totoo ang balita ng angel sa atin."
At nagpunta sila sa Bethlehem.
At nasilayan nila ang isang higit sa lahat ng mga angel.
At nakita nila ang bagong panganak na Tagapagligtas.
Umuwi sil ana nagdiriwang, dahil nakita nila si Jesus.
Tara at hanapin natin ang Diyos na nagkatawang tao.
Dalangin ko, uuwi ka rin ngayong gabi na nagdiriwang tulad ng mga
pastol, dahil nakita mo ang Panginoong Jesus.
Panghuli, bayaan ninyong idagdag ko ang kwentong ito.
Mayroon daw isang pastol na nakakita at nakarinig din sa mga angel.
Masaya siya sa kanyang nakita, pero hindi siya sumama sa mga pastol na nagpunta
sa Bethlehem. Hindi niya nakita ang Panginoon.
Limampung tao ang nagdaan, ang pastol na ito na hindi sumama ay
matanda na at marami na siyang apo.
Minsan, tinanong siya ng isa niyang apo, "Lolo, totoo po ba ang
mga angel?" Sagot ng matanda, "Oo apo ko, magaganda sila at
napaka-ganda ng boses!"
Patuloy ng bata, "Lolo, totoo po ba na ipinanganak ang
Tagapagligtas?" Malungkot na sumagot ang matanda, "Ewan ko - apo,
ewan ko. Hindi ako nagpunta upang makita siya. Mga angel lang ang nakita
ko."
Huwag kang makuntento sa mga angel. Katagpuin mo ang Diyos. Tara na po sa Bethlehem at katagpuin si
Jesus. AMEN!
__________________________
Sermon 6: "Akin
‘To!" - Sabi ng Panginoon
Lucas 2:36-38
May kwento tungkol sa isa pang pang-aasar na ginawa ni Satanas sa
Panginoong Jesus. Sa kanilang usapan,
Devil: O ano Jesus? Parami ng parami ang sa akin. Nakikita mo yung
mga taong nahihirapan dahil sa bagyong Yolanda, mga taong sinisisi ka dahil
pinabayaan mo silang magdusa - ha ha ha ha - akin silang lahat!
Yun, yung mga tsimosong iyon - akin sila.
Yung mga nagsusugal na iyon, ang mga naglalasing - ha ha ha - akin
yan.
Jesus: Alam mo Satanas, marami pa rin ang sa akin.
Dinala ni Jesus si Satanas sa simbahan. At patuloy ng Panginoon,
"Ang mga nagsisimbang iyan, ngayung Simbang Gabi, lahat - akin yan."
Satanas: Pero yung natutulog na iyan sa simbahan, akin yan! Yung
nagtsitsimisan na ayaw makinig sa iyong Salita - akin yun. Aminin mo na Jesus,
hindi lahat ng nasa church ay sa iyo."
MGA KAPATID, UMAASA AKO NA ANG LAHAT NG NANDITO NGAYON AY SA
PANGINOON! AMEN!
Tayo po ay manalangin.
Lahat kami Panginoon ay sa Iyo, tanggapin mo ang aming buhay na
aming kaloob sa Iyo ngayong Pasko. Ang aming buong buhay, ang aming buong
kalakasan ay sa iyo Panginoon. Amen.
Pumalakpak ang lahat ng nasa Panginoon! Pabayaan nating magsabi ang
Panginoon, "Akin itong church na ito! Hallelujah!"
Sino si Ana?
May isang matandang babae sa kwento, ang pangalan po niya ay Ana -
ang ibig sabihin ng kanyang pangalan ay "grace". Magandang pangalan.
Siya ay anak ni Fanuel - ibig sabihin nito ay "mukha ng
Diyos".
Siya ay kabilang sa lahi ni Asher - ibig sabihin ng Asher ay
"pinagpala".
Talagang sa Panginoon siya dahil ang kanyang pamilya ay sumasamba sa
Panginoon. Ang mga nasa Panginoon ay mga taong naglilingkod sa Diyos. Mula pa
sa kanyang mga ninuno, sila ay tapat sa Panginoon.
Ngunit si Ana ay nagkaroon ng problema sa buhay. Maaga siyang
nabalo. Namatay agad ang kanyang asawa at hindi na siya nag-asawang muli.
Wala siyang tagapagtanggol. Nag-iisa siya sa buhay hanggang tumanda
siya. Walumpu't apat na taon na siyang biyuda (84 years) at pitung taon silang
nagsama ng namayapa niyang asawa (7 years). At kung iisapin nating siya ay
nag-asawa ng maaga (15-20 years) old, ang kanyang edad ay nasa 106+ years old
na! Napakatanda na niya noong makita niya ang Panginoong Jesus!
Hindi po simple ang mamuhay na nag-iisa sa ganito kahabang panahon.
Ngunit ang lahat ng pinagdaanan niya sa buhay ay pinaglingkod niya sa
Panginoon. Sabi ng Biblia,
"Lagi siya sa Templo, at araw-gabi'y sumasamba sa Diyos sa
pamamagitan ng pagaayuno at pananalangin."
Tanda ng Isang Taong sa Panginoon
1. Dumaan siya sa mga pagsubok ngunit, pinili niyang patuloy na
maglingkod sa Panginoon. Ang buhay niya na naglilingkod sa Panginoon ay kanyang
pinagpatuloy kahit noong dumaan siya sa pagsubok sa buhay bilang balo.
2. Tumanda siyang naglilingkod sa Panginoon. Maaring maliliit na
lamang ang hakbang ng kanyang mga paa. Ngunit patuloy sila sa paglilingkod.
Napaka-palad ng ating iglesia dahil marami pa rin tayong mga lolo at lola na
patuloy na sumasamba sa Panginoon. Sila ang mga Ana ng ating panahon. Hindi
sila nagsasawa, hindi sila tumitigil sa pagsamba at pananalangin sa Diyos. Sa
Panginoon pa rin po sila! Pwede bang palakpakan natin ang mga Senior Citizens
ng iglesia?
3. Pangatlo, patuloy siyang nagsasalita tungkol sa pagdating ng
Tagapagligtas. Siya ay isang propeta, isang tagapagsalita ng Diyos. Sabi ng
Kasulatan,
"Nagsalita rin siya tungkol sa sanggol sa lahat ng naghihintay
sa pagpapalaya ng Diyos sa Jerusalem."
Walang duda, kapag nakikita ng Panginoon si Ana, sinasabi ng
Panginoon, "AKIN ITO!"
Kapatid, kanino ka? Sa Panginoon ka ba?
Paka-isipin mo. Pinakaloob mo na ba ang iyong buhay sa Panginoon?
Kung hindi pa, hinihiling ko sa iyo, ipagkaloob mo ang sarili mo sa
Diyos, at masasabi mo pagkatapos nito, "Sa Panginoon ako." Amen.
_____________________
Sermo 7: Hamon ng Pasko
Luke 3:1-6
Wala na yatang tatalo sa mga "Laging handa!" Iyan ang
motto ng mga boyscouts at ng mga Deaconesang Harissians!
Sabi ni E. M. Foster - "Those who prepared for all the
emergencies of life beforehand may equip themselves at the expense of
joy."
Ang paghahanda para sa pagdating ng pasko ay maaring maging krisis
at maging malaking sakit ng ulo (lalo kung marami kang ina-anak). Dumating si
Juan Bautista upang ihanda ang mga tao sa pagdatal ng Panginoong Jesus. Ang
paghahanda ay isang malaking hamon.
1. The Challenge of Starting All Over Again
Sa verses 2-3, ng Lukas 3, ganito ang nakasulat,
"Ipinahayag ng Diyos ang kanyang salita kay Juan, 3 kaya't
nilibot niya ang mga lupain sa magkabilang panig ng Jordan. Siya'y nangaral,
"Pagsisihan at talikuran ninyo ang inyong mga kasalanan at magpabautismo
kayo upang kayo'y patawarin ng Diyos."
To accept that there is something wrong with yourself is a hard
challenge. Kapag ang isang tao ay nag-sisisi, tinatanggap niya na may mali sa
kanyang ginagawa na dapat ituwid.
Lalong matindi ang hamon ni Juan na magpabautismo ang Judio. Ang bautismo sa mga Judio ay para sa mga
nagisisi, at para sa mga Gentiles na nagnanais maging Judio, at nagnanais
magbago ng pananampalataya. That is to start anew in the Jewish faith. This
challenge offended many in the Jewish faith, because they were called by John
to start all over again in their faith
in God. That means, they have to accept
the truth that they fell short in being a Jew (as if they lived no better than
the Gentiles), and they have to start all over again.
Parang isang bata sa paaralan na nutusan ng guro, pero pagkatapos ay sabi ng teacher, mali, at
pinaulit na naman ang assignment. This
is both a gift and an embarassment. Pero
mas mabuti kung tatanggapin po natin ito bilang regalo. Dahil lahat tayo ay kailangang magsimula
ulit. Marami na tayo mali sa buhay na
kailangan nating ituwid.
2. The Challenge to be Open to Changes
Sa v. 5 "Matatambakan
ang bawat libis,
at mapapatag ang bawat burol at bundok.
Matutuwid ang daang liku-liko,
at mapapatag ang daang baku-bako.”
Hindi madali ang maging bukas sa mga pagbabago. Marami ang mga
pastor na naghahangad ng pagbabago, pero sa halip magkaroon ng pagbabago,
pastor ang inaalis at binabago ng iglesia (ibig kong sabihin, papalitan ka
kaagad ng PPR kapag gumawa ka ng pagbabago sa simbahan). Mag-ingat ka pastor.
Huwag kang basta-basta gagawa ng pagbabago sa liturgy...eh eh eh.
Pero ang pagtambak sa libis at pagpatag ng bundok ay mga pagbabago.
Malaking pagbabago na dapat gawin ng iglesia. Ngunit gaano kaya kahanda ang
ating iglesia para sa mga pagbabago na nais ng Diyos para sa atin? Kapag ang
Diyos ay may bagong pagkilos sa ating buhay, gaano tayo kabukas upang bigyan
siya ng laya na kumilos?
Minsan, ang mga pagbabago ay masakit tanggapin, tulad ng
"pagpatag ng bundok", ito ay pagbababa ng mga matataas. Marami ang
nasa itaas na ayaw bumaba.
Gumawa kayo ng tuwid na daan! Paano kung may dapat ituwid sa ating
mga ginagawa? Handa ba tayo na ituwid tayo ng Diyos kung kinakailangan?
3. The Challenge to Open for Divine Possibilities
Sa verse 6, ganito ang sabi "At makikita ng lahat ng tao ang
pagliligtas na gagawin ng Diyos!"
Pagiging bukas sa gagawin ng Diyos. Maraming tao ang gumagawa sa
simbahan at pagkatapos nais nilang itanyag ang kanilang pangalan para masabi
nila, "GAWA KO IYAN!" At hindi ang Diyos ang napapurihan. Marahil,
dahil hindi talaga ang Diyos ang maygawa...
Inahamon tayo ng ating Gospel Reading na maging bukas sa magagawa ng
Diyos. Ang ating magagawa bilang tao ay limitado, ang magagawa ng Diyos ay
walang limitasyon.
Ito ang mga hamon ni Juan Bautista, ang hamon ng pagiging handa sa
pagdatal ng Diyos sa mundo.
____________________
Sermon 8: Answered Prayer Ni Zacarias
Lucas 1:12-13
Nasindak si Zacarias at natakot nang makita niya ito. Ngunit sinabi ng anghel sa kanya,
"Huwag kang matakot, Zacarias! Dininig ng Diyos ang iyong panalangin. Ang
iyong asawang si Elisabet ay magkakaanak ng isang lalaki, at Juan ang
ipapangalan mo sa bata.
Ang panalangin ay mahalagang sangkap ng pagiging Kristiano. Kung ang
pagbabasa ng Biblia ay maituturing na pagkain ng ating kaluluwa, ang panalangin
ay ang paghinga nito.
Pero minsan sa ating mga pastor (pari na tulad ni Zacarias) maaring
ito ay parang trabaho lang. Maliban sa pangangaral, tayo ay tiga-panalangin ng
ibang tao.
Nang mabunot si Zacarias para manalangin para sa buong Israel, hindi
siya nanalangin para sa iba. Nanalangin siya para sa sarili niyang asawa, para
sa kagustuhan nilang magka-anak. May pagkakataon na tayong mga pastor at
deakonesa at lugmok sa problema ng ating sariling pamilya. Mayroon din tayong
sitwasyon na minsan hindi na natin sinasabi sa ating mga miembro. May
kalungkutan na ating sinasarili. Tulad ni Zacarias, dahil wala siyang anak -
ang panalangin niya ay pansarili.
1. Dapat ipanalangin ng pastor ang sarili
Minsan habang ipinapanalangin namin kayong mga miembro o ang
maraming tao - naiisip ko kung sino ang mananalangin para sa aming mga pastor
at mga deakonesa. Siguro, dapat nga
naming ipanalangin ang aming sarili tulad ng ginawa ni Zacarias.
Wika ng angel “Narining ng Diyos ang iyong panalangin, magkakaroon
ka ng anak."
Pero kailangan po namin ang inyong suporta sa panalangin. Salamat po
inyo na mapagmahal sa mga manggagawa. Higit sa mga regalo at kaloob na inyong
bigay, nais ko pa pong hilingin na huwag ninyo kaming kalilimutan sa inyong
panalangin.
May panahon na mahina kami. May panahon na inaatake kami ng lungkot.
Ipanalangin po ninyo kaming mangggawa ninyo.
2. Ang panalangin ay mabisa.
Mabisa ang panalangin dahil ang Diyos ang hinaanyayahan nating
kumilos sa halip na tayo lang ang kikilos. Higit na may magagawa ang Diyos,
kung ikukumpara sa magagawa ng tao
lamang.
Matanda na si Zacarias, at baog si Elizabeth. Sa panalangin,
kumikilos ang Diyos para tumugon. At kapag kumikilos ang Diyos, ang imposible
ay nagiging posible.
Ang Panalangin ni Zacarias
Alam niyang matanda na sila. Alam niyang imposible ang kanyang
hinihiling. Subalit patuloy pa rin siyang nanalangin. Marami sa atin ang
madaling tumigil sa pananalangin kapag nakita natin na imposible ang ating
hinihiling. Marami rin ang sumusuko sa pagdulog sa Diyos, kapag hindi agad-agad
pinagkakaloob ng Diyos ang katugunan. Nanalangin si Zacarias at dininig siya ng
Diyos, kahit imposible ang kanyang kahilingan.
3. Ang panalangin ay mabisa kapag ito ay ayon sa plano ng Diyos.
Ang kapanganakan ni Juan Bautista ay
plano ng Diyos. Hindi ito kagustuhan lamang ni Zacarias. Nangyayari ang
katugunan sa panalangin kapag ito ay ayon sa plano ng Panginoon. Hindi
sumusunod ang Diyos sa kalooban ng tao.
Ang sinusunod ng Diyos ay ang tanging kalooban niya. Sinasabi ng Biblia
na matuwid na tao si Zacarias. At ang mga matuwid na tao ay sumusunod sa kalooban ng Diyos at
hindi lamang sa kanilang sariling hangarin.
Bakit hindi mo subukang manalangin para matupad ang kalooban ng
Diyos. Halimbawa, kalooban ng Diyos na maitatag ang mga iglesia. Kalooban ng
Diyos na mapaganda natin ang mga simbahan. Kung walang pera, bakit hindi tayo
humingi sa Diyos at marubdob na manalangin? Ginagawa ng Diyos ang kanyang
kalooban kahit mahirap ito sa paningin ng tao. Kalooban ng Diyos na magtagumpay
tayo sa misyon at ebanghelismo! Hindi nagtatagumpay ang iglesia kapag, puro ito
fellowship at maintenance ang mga activities. Ngunit kapag ginagawa ng iglesia
ang kanyang misyon, Diyos ang mismong nagpupuno sa pangangailangan.
Kaya pagbulayan po natin, kapag tayo ay naghihirap bilang isang
iglesia, tanungin natin ang ating sarili: "Ginagawa ba natin ang kalooban
ng Diyos?" Isang iglesia ang nagdaraop. Mayayaman ang mga miembro, at
hindi sila nag-iikapu. Tinitipid nila ang Diyos. Nanalangin sila na pagpalain
ng Diyos ang kanilang iglesia, at sa palagay ninyo...tutugon ba ang Panginoon?
Sa palagay ko po-HINDI! Ang paraan ng Diyos upang pagpalain ang kanilang
iglesia ay ginawa na ng Diyos. Nasa kanila na ang katugunan sa kanilang panalangin,
subalit hindi sila sumusunod sa nais ng Panginoon.
4. May kahilingan ka ba sa Panginoon?
Una, alamin mo muna kung ito ay ayon sa kalooban ng Panginoon. Huwag
mong uutusan ang Diyos. Ikaw ang sumunod sa kanyang kalooban.
Pangalawa, kulitin mo ang Ama, upang mangyari ang kanyang kalooban
(na iyong hinihiling).
Pangatlo, hanapin mo ang solusyon, at maghintay kung kinakailangan
sa Kanyang panahon. Tignan mo palagi na baka, tumugon na ang Panginoon. Hindi
nahuhuli sa pagtugon ang Diyos sa panalangin. lagi siyang "on time".
Maraming tao ang bigo sa panalangin dahil akala nila, maaring utusan
ang Diyos.
Ang panalangin ay paghahanap ng kalooban ng Diyos para sa atin.
Hindi ito pagpaparating ng ating kalooban upang sumunod ang Diyos. Hindi natin
maaring mapasunod ang Diyos sa gusto natin.
Maging mapanalangin po tayo.
Idalangin po ninyo kamiang mga manggagawa. Hanapin natin ang kalooban ng
Diyos at buong puso tayong sumunod.
(Altar Call: Manalangin lalo sa mga may problema sa kanilang
sariling sambahayan.)
_________________
Sermon 9: Ang Nasayang na Pasko ni Herodes
Mateo 2:7-8
Nang mabatid ito, palihim na
ipinatawag ni Herodes ang mga matatalinong tao at inusisa kung kailan lumitaw
ang bituin. 8 Pagkatapos, sila ay pinapunta niya sa Bethlehem na ganito ang
bilin, "Hanapin ninyong mabuti ang sanggol. Kapag natagpuan ninyo siya,
ipagbigay-alam agad ninyo sa akin upang ako man ay pumunta roon at sumamba rin
sa kanya."
Ang Pasko ay isang mabuting pagkakataon para sa lahat upang magbulay
sa kapanganakan ng ating Panginoong Jesus. Ang pagdating ng Diyos na
nagkatawang tao ay ang pinakadakilang karanasan para sa lahat. Ilang taon lang
ang nakararaan, nagpunta sa Israel ang aking kapatid at mga anak niya at
ikinuwento nila ang nakakapanindig balahibong karanasan nila sa pagpunta sa
Israel.
Naisip ko, paano pa kaya ang pakiramdam ng mga taong tunay na
nakaharap ng Panginoong Jesus noon? Kung mayroon akong kina-iingitan ay sila
na nakakita sa Panginoon sa kanyang
pagkakatawang tao.
Ang pagkakataong ito ay ipinagkaloob kay Herodes. Nagkaroon siya ng pagkakataong makatagpo ang
Cristo ng Pasko. May magandang bagay na
dapat nating tularan kay Herodes;
1. He searched for Jesus.
Hinanap niya si Jesus. Mabuting hangarin ang hanapin ang Diyos.
Marami na rin ang nagsisimba sa panahong ito pero ilan kaya ng tunay na
naghahanap kay Jesus?
2. He declared his intention to worship Jesus.
Sa maraming nagpupunta sa mga simbahan ngayon, kailangan din nating
pag-aralan kung tayo nga ay tunay na nagpunta rito sa simbahan upang sumamba.
Ganito ang sabi niya, "Upang ako'y sumamba rin sa
Kanya." Nagpahayag siya ng
pagnanais sumamba.
3. He searched the Scriptures to know more about Jesus. Madalas yata nakakalimot na ang marami sa
atin sa pagbabasa ng Salita ng Diyos.
Tama pa rin ang awitin ng mga bata, "Read your Bible and pray
everyday, and you'll grow...grow...grow."
Mapalad ang mga taong tunay na naghahanap sa Diyos, dahil
masusumpungan nila ang Diyos. Tignan
ninyo si Zakeo. Hinanap niya at sinikap
na makatagpo si Jesus. Ngunit nakita
niya na sila rin pala ay hinahanap ng Panginoon.
Sa likod ng mga bagay na ito na sinabi ni Herodes tungkol kay Jesus,
may nakita ang Diyos sa tunay na motibo ni Herodes.
Sa v. 13, ang sabi,
"Pagkaalis ng mga matatalinong tao, nagpakita kay Jose sa panaginip ang
isang anghel ng Panginoon. Sinabi nito sa kanya, "Bumangon ka't dalhin mo
agad sa Egipto ang iyong mag-ina. At huwag kayong aalis doon hangga't hindi ko
sinasabi sapagkat hahanapin ni Herodes ang bata upang patayin."
UPANG PATAYIN SI JESUS?
Akala ko ba ay sasamba siya??? Akala ko ba mahal niya ang
Panginoon??? Kasinungalingan ang lahat!!
Pagsamba sa bibig, ngunit pagpatay ang
ibig!
Kapag naging huwad na pagsamba, ito na yata ang pinakamasamang bagay
na magagawa ng isang tao laban sa Diyos!
Mga kapatid, salamat sa ating bilang ngayong gabi. Salamat sa Diyos
sa inyong taos pusong pagsamba. Ginagawa ninyo ang nais ng Diyos.
Umiwas po tayo sa huwad na pananambahan na ginawa ni Herodes.
Ang lumabas sa kanyang bibig ay kabaligtaran ng kanyang gawa.
Ang Pasko ay pagkakataon upang tunay nating hanapin ang Panginoon.
Upang sambahin natin siya sa Espiritu at katotohanan. Kung ito ang tunay na
layunin natin ngayong gabi, mapapasaya natin ang Diyos.
Ngunit ang ginawa ni Herodes...sayang...sinayang niya ang kanyang
Pasko.
_________________________________
Sermon 10: Mga Lola ng Panginoong Jesus
Matthew 1:1-17
Isang kabataan ang nagreklamo sa kanyang pastor.
"Pastor, masama ang loob ko."
"Bakit naman, anak?"
"Nabusted po ako."
"Akala ko love karin ng nililigawan mo?"
"Gusto po niya ako, pero ang nanay niya, ayaw sa akin?"
"Bakit daw?"
"Pangit daw po ang aking family background. Pangit daw ang
istorya ng aming pamilya."
Kung sa iyo mangyayari ito, marahil malulungkot ka rin. Pero
napag-aralan na ba ninyo ang family background ng Panginoong Jesus?
Sa talaan ng mga ninuno ni Jesus may makikita tayong listahan ng mga
babae, apat na babae na naging lola ng
Panginoon.
Ang bawat tao ay hindi maaring pumili ng kanyang magulang, bago tayo
ipinanganak. Tanging ang Panginoong Jesus lamang ang ipinanganak na maaring
pumili ng pamilyang kanyang kabibilangan. Hindi tayo maaring pumili ng ating
pamilya.
1. Ang unang lola ni Jesus ayon sa talaan ay si Lola Tamar, na ina ni Fares at Zara, at ang
ama nila ay si Judah. Si Tamar ay manugang ni Judah. Nagka-anak ang biyenan sa
manugang.
May mga sekreto minsan sa mga pamilya na nais sanang pagtakpan na
lamang at kalimutan. Ngunit ang talaan sa Mateo 1 ay ang mismong naglantad ng
ganitong katotohanan tungkol sa salinlahi ng Panginoon.
May mga bagay na mahirap tanggapin, ngunit salamat sa Diyos na
nagbibigay ng bagong buhay. Binibigyan niya tayo ng pagkakataong makatindig
muli mula sa ating pagkalugmok sa kasalanan.
2. Si Lola Rahab ang susunod na binanggit. Si Rahab ay isang dating
prostitute.
May isang pastor na bumisita sa isang pamilya na hindi nagsisimba.
Wika ng nanay ng pamilya, "Pastor, hindi po kami nagsisimba. Baka po kasi
masunog kami kung kami ay papasok sa simbahan."
"Bakit naman po?", tanong ng pastor.
"Pastor, pang gabi po kami sa trabaho."
"Dancer po ang aking anak, at ako naman po ay nag-papa
table."
Nang marinig ito ng pastor, ibinahagi niya ang pagmamahal ng Diyos
sa mag-ina. Tumanggap ang pamilya sa Panginoon, at mula noon sila ay naging
dancers na at singers sa iglesia ng
Panginoon.
Si Rahab ay dating masamang babae. Siya ay lola ni Jesus.
3. Si Ruth na nanay ni Jesse, na ama ni Haring David ay naging asawa
ni Boaz, dahil isang gabi, ayon sa payo ni Naomi, natulog si Ruth sa tulugan ni
Boaz, upang magustuhan siya ng lalaki.
Palay na lumapit sa manok. At tinuka naman ng manok ang palay.
4. At siyempre, nabanggit din ang ina ni Solomon, si Bathsheba na
(dating asawa ni Urias). Si David ay naakit kay Bathsheba habang ang babae ay
naliligo. Pinatawag siya ng hari at sinipingan. Nagka-anak sila sa pagkakasala.
Pinapatay ni David si Urias na asawa ng babae upang lubusan niyang maangkin si
Bathsheba.
Pero bakit sila ang pinili ng Panginoon upangmaging lola niya sa
pagkakatawang tao?
Si Jesus ay ipinanganak sa isang angkan ng mga tao. At dahil sa
pagdating ng Panginoon sa sambahayan ng mga makasalanan, napatunayan na siya
nga ang Tagapagligtas ng mga makasalanan.
Ang tanging makapagliligtas sa kasalanan ng tao ay si Jesus. Wika
niya, "Dumating ako para sa mga makasalanan at hindi para sa mga
matuwid."
Maraming kasalanan ang nagaganap ngayon lalo sa loob ng
pamilya. Dapat sana, ang pamilya ay
maging lugar ng kapayapaan. Subalit sa loob pa ng pamilya nangyayari ang
maraming kalupitan gawa ng kasalanan.
Ngayong pasko, maraming pamilya may reunions. Maraming pamilya ang nangangailangan ng
pagpapatawad ng Diyos. Maraming pamilya ang
nangangailangan ng pagliligtas ng Diyos.
Ang pasko ay pagsilang ni Jesus sa pamilya.
Sana, sa ating pamilya ay maipanganak din si Jesus.
Nanghahanap pa rin ng lugar sa tahanan ang Panginoon.
Tanggapin natin siya sa ating mga tahanan.
"Sumampalataya ka kay Jesu-Cristo at maliligtas ka, ikaw at ang
iyong sambahayan."
Ito ang pahayag ng Salita ng Diyos.
Bigyan natin ng lugar si Jesus sa ating pamilya, ngayon.
________________________
Sermon 11: 11. Ang Simula ng Wakas
Mark 13:1-8
Parami ng parami ang mga balita na malapit na ang wakas ng panahon.
Nandiyan ang mga kuro-kuro tungkol sa mga nakaraang taon, halimbawa December
21, 2012. Ayaw kong maniwala sa mga ganitong uri ng balita dahil gusto kong
magpasko. Hindi lamang sa paskong darating kundi ng marami pang pasko na
darating pa. Ang ating Biblia ay nagsasabi na may katapusan talaga, ang muling
pagdating ng Panginoong Jesus sa paghuhukom. Dito magtatapos ang lahat ng
bagay, ngunit magsisimula naman ang ganap na paghahari ng Diyos.
May dalawang pasko tayong mga Kristiano. Ang una ay noong ipanganak
ang Panginoong Jesus sa Bethlehem. Naging tao ang Diyos at nakipamuhay sa ating
mga tao.
Ang pangalawang pasko ay ang Kanyang muling pagdating. Tulad ng
Israel noong una, ang paghihintay sa pagdating ng ating Messias o Tagapaligtas,
ay puno ng excitement, puno ito ng pag-asa. Ang larawan sa belen ay isang
magandang larawan, sentro dito si Jesus. Hindi na mahalaga kung nasaan sila,
ang hanap nga mga pantas at karaniwang pastol ay iisa - si Jesus.
Kaya tandaan natin, tuwing darating ang pasko, ina-alala natin ang
unang pasko, ngunit hinihintay pa natin ang parating na isa pang pasko, ang
muling pagdatal ng Panginoon. Ito ang simula ng kawakasan. Inilalarawan nito
ang pagkawasak ng maraming bagay, ngunit magtatayo naman ang Diyos ng kanyang
kaharian. Ang pagtingin natin ay dapat na muling ituon sa Diyos, at hindi sa
mga bagay na nagaganap sa sanlibutan. Ganyan ang pasko - muling kukunin ng
Panginoon ang ating atensyon, upang sa kanya lamang tayo tumingin.
Ang Marcos 13:1-8 ay pananalita ng Panginoong Jesus kung paano tayo
haharap sa mga huling panahon, kung paano tayo magiging matalino sa kabila ng
mga pagdaraya ng diablo, sa kabila ng mga kahirapan at pagsubok namaaring
dumating. Dahil ang Kristianong tunay ay matalinong haharap sa simula ng wakas
ng sanlibutan. Kaya ayon sa Panginoon, gawin natin ang sumusunod;
1. Huwag ituon ang paningin sa mga gawa ng tao.
As he came out of the temple, one of his disciples said to him,
"Look, Teacher, what large stones and what large buildings!" Then Jesus asked him, "Do you see these
great buildings? Not one stone will be left here upon another; all will be
thrown down."
Ang templo o anumang gawa ng tao para sa sarli o maging gawa para sa
Diyos ay magwawakas. Ang nagiging "focus" ng tao ay madalas ang
kanyang mga achievements. Ang mga narating ng tao gamit ang kanyang talino at
kakayanan ay mawawalan ng kabuluhan pagdating ng paghahari ng Diyos. Inakala ng
tao, na siya ang bida ng kasaysayan. Subalit ang Diyos ang sentro ng kasaysayan
at panahon. Sa huling araw, mawawasak ang lahat ng gawa ng tao at ang lahat ng
mata ay tititig na lamang sa Diyos. At si Jesus, tulad noong unang pasko, ang
magiging sentro, lahat ay luluhod at sasamba sa kanya.
2. Mag-ingat sa Pandaraya ng Kaaway
13:5 Then Jesus began to say to them, "Beware that no one leads
you astray. Many will come in my name and say, 'I am he!' and they will lead
many astray.
Alam ng kaaway na hihigupin ng Panginoong Jesus ang lahat ng
atensyon. Lahat ng tuhod ay luluhod sa Kanya. Sa Pahayag 22:3-5
“Wala roong makikitang anumang isinumpa ng Diyos. Makikita sa lunsod
ang trono ng Diyos at ng Kordero, at sasambahin siya ng kanyang mga lingkod. 4
Makikita nila ang kanyang mukha, at masusulat sa kanilang noo ang kanyang
pangalan. 5 Doo'y wala nang gabi, kaya't hindi na sila mangangailangan pa ng
mga ilaw o ng liwanag ng araw, sapagkat ang Panginoong Diyos ang magiging ilaw
nila, at maghahari sila magpakailanman.”
Kung kaya, ang kaaway ay magkukunwaring si Jesus, upang mailigaw
niya ng marami. Gagawa rin siyang sariling tatak sa noo ng mga tao.
Magkukunwari siya bilang ang Messias. Ano ang ating gagawin kung gayon?
Ang ating Panginoon mismo ang nagsabi, "Beware that no one
leads you astray." Mag-ingat tayo
upang hindi tayo madaya. Paano natin ito gagawin?
a. alamin natin ang katotohanan. Basahin at aralin po natin ang
Salita ng Diyos. Huwag po sana tayong maging mangmang at sunod-sunuran na
lamang sa mga mangararal. Mag-aral tayo at alamin ang katotohanan.
b. Laging manalangin at hilingin ang gabay ng Espiritu Santo.
c. Huwag liliban sa mga pagsamba at sama-samang pag-aaral ng Salita
ng Diyos.
Sa Hebreo 10:24-25, ganito ang paalala sa atin, "Sikapin din
nating gisingin ang damdamin ng bawat isa sa pagmamahal sa kapwa at sa paggawa
ng mabuti. 25 Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon,
gaya ng ginagawa ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa't isa, lalo
na ngayong nakikita nating malapit na ang araw ng Panginoon."
d. Umiwas sa anumang uri ng kasamaan. Wika ni John Wesley sa General
Rules for the People Called Methodists, umiwas tayo maging sa mga gawaing
ipinapalagay na mabuti ng mundo, ngunit labag sa mga utos ng Diyos, kahit ito
ay maging uso at nagiging kagalakan sa maraming tao.
e. huwag tayong magsasawa sa paggawa ng kabutihan.
Panghuli,
3. Magpatuloy tayo sa tamang pamumuhay.
Ito ay sa kabila ng mga masasamang bagay na magaganap sa ating
kapaligiran. Wika ng Panginoon,
13:7 When you hear of wars and rumors of wars, do not be alarmed;
this must take place, but the end is still to come.13:8 For nation will rise
against nation, and kingdom against kingdom; there will be earthquakes in
various places; there will be famines. This is but the beginning of the
birthpangs.
Ang pagdating ng masamang panahon ay pagkakataon para sa ating mga
Kristiano upang patunayan na tayo ay sa Diyos. Wika ng Pahayag 22:11-12,
Magpatuloy sa pagpapakasama ang masasama, magpatuloy sa
pagpapakarumi ang marurumi, ngunit ang mabubuti ay magpatuloy sa pagpapakabuti
at ang banal sa pagpapakabanal."
12 At sinabi ni Jesus, "Makinig kayo! Darating na ako! Dala ko
ang mga gantimpalang ibibigay sa bawat isa ayon sa kanyang ginawa!
Ano pa ang maari nating gawin upang magtagumpay tayo sa pagharap sa
Huling Araw ng Panginoon?
a. Tumulad tayo kay Hannah at ihandog sa Diyos ang pinakamabuti.
Ang pinakamabuti para kay Hannah ay ang ihandog ang kanyang anak na
lalaki sa Diyos. Maaring ang pinaka-mainam na magagawa natin ay ang hubugin din
natin ang susunod na henerasyon upang maglingkod sa Diyos tulad ni Samuel.
Habang pasama ng pasama ang panahon, ang nagiging biktima kadalasan ay ang
susunod na henerasyon. Bakit hindi natin sila (ang ating mga anak) ihandog sa
Diyos?
b. Ilunsad natin ang paghahari ng Diyos sa pamamagitan ng
pagpapabuti sa antas ng buhay para sa mga mahihirap.
1Samuel 2:8; "He raises up the poor from the dust; he lifts the
needy from the ash heap, to make them sit with princes and inherit a seat of
honor. For the pillars of the earth are the Lord's, and on them he has set the
world."
Ang paghahari ng Diyos ay paghahari ng mabubuting bagay para sa mga
mahihirap. Upang bigyang kapangyarihan ang mga mahihina at pagkain sa
nagugutom. Ito ay isang paraan ng paggawa ng mabuti at pagpapatupad ng kalooban
ng Diyos.
c. Mamuhay tayo bilang matatalinong Kristiano at magliwanag tayo.
Habang inililigaw ng Kaaway ang mga tao palayo sa Panginoon, akayin natin ang
mga tao patungo sa Diyos.
Ayon sa Daniel 12:3 Those who are wise shall shine like the
brightness of the sky, and those who lead many to righteousness, like the stars
forever and ever.
__________________
Sermon 12: Paghahanda sa Paskong Darating
Luke 21:25-36
Ang paglalarawan sa pasko ay madali lamang; mga parol, patay-sinding
ilaw, suman, puto bumbong, christmas tree, simbang gabi at iba pa. Sa ibang
bansa, ang larawan ng pasko ay puting kapaligiran dahil sa snow, mga pamaskong
awitin, mga ilaw at mga taong nagmamadali upang makabili ng mga regalo.
Ganito palagi ang larawan ng pasko. Sa mga mahihirap na bata, ang
pasko ay panahon ng mga panaginip upang makatikim ng mga mansanas, peras at
ubas. Kendi at ulam na hindi naihahain sa mga karaniwang petsa ng taon.
Ngunit ano nga ba ang tunay na larawan ng pasko? Tandaan na tayong
mga Kristiano ay may dalawang pasko; una, noong ipanganak si Jesus, at
pangalawa, ang muling pagdating ni Jesus sa huling panahon. Ang unang pasko ay
mailalarawan tulad ng imahen ng isang belen, naroon si Jesus na tangan ni Maria
at Jose, naroon ang mga angel, ang mga dalaw na pantas at ang mga pastol.
Ang ating teksto ay naglalarawan sa paskong darating o ikalawang
pasko. Ito ay ang kaganapan ng pagsakop ng Panginoong Jesus sa panahon, at sa
buong sangnilikha. Ang Panginoon na lamang ang magiging tampok sa kasaysayan,
na panonoorin ng lahat ng tao, di tulad ng kasalukuyan, sa ngayon, ang
kasaysayan ay ginagawa ng tao, at kabahagi lamang ang Diyos. Sa lundo ng
kasaysayan, sasakupin ng Diyos ang lahat, tayong tao ay makikibahagi na lamang
sa ginagawa ng Diyos. Noong unang pasko, ang Diyos ay suma-saatin, sa susunod
na pasko, tayo ay sasa-Diyos.
Sa unang pasko, naging tampok si Jesus subalit sa isang maliit na
sabsaban lamang, kasama ang ilang tao na nagmamasid sa pagdating ng Diyos sa
sanlibutan. Sa pangalawang pasko, manonood ang lahat ng tao, maging ang mga
namatay ay makakasaksi sa muling pagdating ni Cristo.
Ang unang pasko ay ina-alala, ang pangalawa ay pinaghahandaan.
Ngunit paano nga ba natin paghahandaan ang pangalawang pasko?
1. Maging Handa sa mga Magaganap
21:25 “There will be signs in the sun, the moon, and the stars, and
on the earth distress among nations confused by the roaring of the sea and the
waves. 21:26 People will faint from fear and foreboding of what is coming upon
the world, for the powers of the heavens will be shaken.
Ang bawat Kristiano ay dapat maging matalino sa panahong ito ng
paghahanda, dahil maraming kahirapan ang magaganap. Habang ang mga hindi Kristiano ay
nagsasamantala sa ganitong kahirapan, ang mga Kristiano naman ay dapat na
gumagawa ng kanilang misyon upang tumulong sa kapwa at nahihirapan. Habang tayo ay naghihintay sa pagdating ni
Jesus, dapat tayong gumawa at maglingkod sa iba.
2. Maging Handa sa Pagdating ni Cristo
21:27 Then they will see ‘the Son of Man coming in a cloud’ with
power and great glory.
Ang tamang paghahanda sa pagdating ni Jesus ay pagpapasakop sa
Kanyang kapangyarihan ngayon pa lamang.
3. Maging Handa sa Gagawing Pagliligtas ng Diyos
21:28 Now when these things begin to take place, stand up and raise
your heads, because your redemption is drawing near.”
4. Magbantay at maging alerto sa Pagdating ng ating Panginoon
a.Magbantay - 21:34 “Be on guard so that your hearts are not weighed
down with dissipation and drunkenness and the worries of this life, and that
day catch you unexpectedly,
b. Maging Alerto- 21:36 Be alert at all times, praying that you may
have the strength to escape all these things that will take place, and to stand
before the Son of Man.”
Maraming ginagawang paghahanda ang mga tao sa pagdating ng pasko,
subalit madalas nakakalimot sa pagdating ni Cristo.
Inihahanda ang mga pagkain at regalo. Ngunit nakakalimutan ang tunay
na nagbigay nito.
Higit sa paghahandang material, nawa’y makapaghanda tayo sa paraang
espiritual, upang salubungin si Cristo sa kanyang muling pagdating.
____________________________
Sermon 13: Sabik sa Diyos.
Lucas 3:15-17, 21-22
15 Nananabik noon ang mga tao sa pagdating ng Cristo, at inakala
nilang si Juan mismo ang kanilang hinihintay. 16 Dahil dito sinabi niya sa
kanila, "Binabautismuhan ko kayo sa pamamagitan ng tubig, ngunit ang
darating na kasunod ko ang magbabautismo sa inyo sa pamamagitan ng Espiritu
Santo at ng apoy. Siya'y higit na makapangyarihan kaysa akin; ni hindi man
lamang ako karapat-dapat na magkalag ng sintas ng kanyang sandalyas. 17 Hawak
na niya ang kalaykay upang linisin ang giikan at upang tipunin ang trigo sa
kanyang kamalig. Ngunit ang ipa'y susunugin niya sa apoy na di mamamatay
kailanman."
21 Nang mabautismuhan na ni Juan ang mga tao, binautismuhan din niya
si Jesus. Habang nananalangin si Jesus, nabuksan ang langit 22 at bumaba sa
kanya ang Espiritu Santo sa anyong kalapati. Isang tinig mula sa langit ang
narinig nila, "Ikaw ang minamahal kong Anak; lubos kitang
kinalulugdan."
Mula sa aking pagkabata, sa edad na 12, nagsimula na sa pamilya
namin ang mag-abroad. Anim kaming magkakapatid, ako ang bunso at lahat ng aking
mga kapatid naghahanap buhay sa ibang bansa.
Kung kaya ang aking buhay sa loob ng mahigit 30 taon, ay puno ng
paghihintay sa pagdating ng aking mga kapatid, lalo na kapag pasko. Kapag may
nagsabi sa kanila na sila ay darating ng pasko o bakasyon, lagi akong umaasa at
naghihintay na sila ay darating. Kagalakan para sa akin ang makita ang isa man
lang sa kanila hangga ngayon, kapag sila ay dumarating.
1. Katuparan ng Paghihintay
Ang Epifanio ay katuparan ng Diyos sa kanyang pangako na siya ay
darating. At ang isang halimbawa ng katuparang ito ay ang bautismo ni Jesus,
kung saan ipinahayag ang presensya ng Diyos Ama, Anak at Espiritu Santo.
At inilarawan ni Lucas ang tamang damdamin sa paghihintay sa
pagdating ng Tagapagligtas, wika niya,
"Nananabik noon ang mga tao sa pagdating ng Cristo."
(v.15)
Nanabik sila sa Diyos. Mapalad ang mga taong uhaw sa Panginoon, sila
na naghahanap ng kanyang mukha. Tulad ng minsang pagkauhaw ni David sa Diyos,
sa Awit 42:1-2,
As the deer pants for streams of water,
so my soul pants for you, O God.
2 My soul thirsts for God, for the living God.
When can I go and meet with God?
Sinasabi na sa South Korea ang mga nagsisimba ay tumatakbong papasok
sa mga simbahan. Marahil sila ay sabik sa Diyos. Ngunit sa ating mga simbahan
bakit laging huli ang mga nagsisimba? Bakit parang wala tayong kasabikan sa
Diyos?
Ang kasabikan sa Diyos ay damdamin ng pagmamahal sa Panginoon. Nais
ng Diyos na siya ay kinauuhawan at hinahanap.
Ayon sa Deut 4:29-30, “But if
from there you seek the Lord your God, you will find him if you look for him
with all your heart and with all your soul.”
2. Mga Bagay na Aasahan sa Pagdating ni Jesus
Tuwing Pasko, sa aking paghihintay sa aking mga kapatid, umaasa ako
sa kanilang pagdating may pasalubong akong tatanggapin. Wala akong pinagkaiba
sa mga anak ng mga OFW na naghihintay ng pasalubong mula sa mg adarating na
magulang nila. Hawig ito ang damdaming ito sa mga naghihintay sa pagdating ng
Panginoon.
Ang mga taong umaasa sa Diyos ay nagkakaroon ng pag-asa. Ang mga may
pag-asa ay nagkakaroon ng lakas. Ang ating pag-asa mula sa Diyos ay hindi
lamang mga hungkag na panaginip kundi mga katotohanang aasahan natin na
mangyayari dahil buhay ang ating Diyos. Ang lahat ng Kanyang mga pangako ay
kanyang tutuparin.
May mga bagay na dapat nating asahan sa pagdating ng Cristo, ayon
kay Juan Bautista,
a. Sa kanyang pagdating paghihiwalayin niya ang trigo (mga tunay na
sumasampalataya) sa ipa (mga huwad at nananatili sa kasalanan). Wika ng Pahayag
22:11, sa pagdating ng huling panahon, makikita na,
"Magpatuloy sa pagpapakasama ang masasama, magpatuloy sa
pagpapakarumi ang marurumi, ngunit ang mabubuti ay magpatuloy sa pagpapakabuti
at ang banal sa pagpapakabanal."
Ang isang taong pinananahanan ng Diyos ay naka-aalam na siya ay
hiniwalay na ng Diyos mula sa kasalanan. Tayo ay mga pinili ng Diyos mula sa
karaniwan upang gawing mga anak ng kabanalan.
b. Sa Kanyang pagdating babautismuhan niya tayo ng Espiritu Santo at
apoy. Isang dahilan marahil kung bakit kakaunti ang nasasabik sa Panginoon, ay
dahil hindi nila alam kung ano ang pinakamahalagang aasahan nila mula sa Diyos.
Karamihan sa atin ay umaasa ng mga pagpapalang material sa halip na mapuno ng
mga pagpapalang espiritual. Kapuspusan sa Banal na Espiritu at pagiging mainit,
nag-aapoy sa pananampalataya ang pinakamahalagang kaloob ng Diyos sa mga
Kristiano.
Huwag na tayong magtataka kung bakit parami ng parami ang nanlalamig
sa ating pananampalataya. Huwag na tayong magtatanong kung bakit walang
kapangyarihan ang Kristianismo sa ating panahon...Tulad ni Samson ang maraming
Kristiano, dati, puno sila ng lakas at tapang, ngunit iniwan na sila ng
Espiritu ng Diyos.
Ngunit kung babautismuhan tayo ng Diyos ng kanyang Espiritu, wika ng
Panginoong Jesus,
"Magkakaroon kayo ng kapangyarihang magpahayag (Gawa
1:8)!"
c. Sa Kanyang pagdating maasahan natin ang pakiki-isa ng Diyos sa
ating mga kahinaan at pagliligtas sa ating mga kasalanan. Siya ay nabatuismuan
din, siya na walang kasalanan. Ang bautismo ay para lamang sa mga nagsisising
makasalanan. Dahil wala siyang kasalanan, hindi niya kailangan ang bautismo,
ngunit kailangan natin ang Tagapagligtas.
Ginawa niya ito, para sa ating ikaliligtas.
d. Sa Kanyang pagdating sa ating buhay, makakaasa tayo ng presensya
ng Diyos sa ating buhay. Naranasan naba natin ang kaibahan ng tumanggap sa
Panginoon sa hind pa? Alam na ba natin ang pagkakaiba ng isang taong
tinatahanan ng presensya ng Diyos kumpara sa isang tao na wala sa kanya ang
Diyos?
Ang Epifanio ay panahon upang alamin natin kung nasa ating nga ba
ang presensya ng Panginoon. Minsang nasabi ni John Wesley,
"Hindi ako natatakot na nawala sa mundo ang mga Metodista,
ang kinatatakutan ko ay ang manatili sila sa mga bansa, sa America
man o sa Europa, na wala namang kapangyarihan."
Totoo nga mga kapatid, kung ang ating pananampalatayang Metodista ay
hindi na kinakikitaan ng presensya ng Diyos sa ating buhay, ano pa nga ba ang
halaga nito?
Sa pagkakataong ito, buksan natin ang ating mga puso at damhin ang
presensya ng Diyos sa ating buhay. Kasama natin ang Diyos.
__________________________
Sermon 15: Hinanap Si Jesus
ng Matatalinong Tao
Matthew 2:1-12
Wise people are not only blessed, but also, they are blessings to
other people. We can always enumerate genius people like Einstein or, Mother
Teresa, who are so gifted and yet they learned to live for God and for other
people. Sa ganitong paraan, hindi lang sila pinagpala, kundi pag-papala sila sa
iba.
According to 1 Chron. 12:1&32, David needed to win the war
against Saul, so he would be the king of Israel, he ask every tribe of Israel
to send warriors to rally with him. Issachar, a very small tribe sent wise men,
instead of warriors. According to verse 32: "Isaacar: 200 mga pinuno
kasama ang mga angkang kanilang pinamumunuan. Ang mga ito'y marunong humula ng
panahon at nagpapasya kung ano ang hakbang na gagawin ng bansang Israel".
Sa anumang sitwasyon ng bansa, ng personal na buhay o sa buhay man
ng ating iglesia, ang mga may kakayanang mag-isip at magmungkahi na may talino
na mula sa Diyos ay kailangang bigyan ng puwang upang marinig, upang tayo ay
umunlad.
Kailangan natin ang mga "taga-Isaacar ng ating iglesia",
mga tao na makakabasa sa takbo ng ating panahon upang tayo ay umunlad at
makatulong sa pagbabago ng mundo sa pamamagitan ng pagdidisipulo para kay
Kristo.
Tanging si Mateo lamang ang bumanggit tungkol sa mga Tatlong Mago.
Kadalasan, ang "mago" ay binibigyan ng kahulugang "wise" o
matatalino. Maaring sila ay mga astrologers* o nag-aaral sa takbo ng mga bituin
at sila ay mula pa sa Iraq (silangan ng Israel).
Bakit natin nasasabi na sila nga ay matatalino?
1. Una, nauuwaan nila ang kahulugan bituin na siyang tanda o
"sign"mula sa Diyos. Ang isang katangian nila na dapat nating tularan
ay ang kanilang pagiging bukas at sensitibo sa mga pagkilos ng Diyos sa
kanilang panahon. Ang kalooban ng Diyos ay hindi madaling makita. Kadalasan,
bagamat sinasabi natin na nais nating malaman ang kalooban ng Diyos, ngunit
dahil nakaharang ang ating sariling kalooban, hindi natin marinig ang kalooban
ng Panginoon. Kadalasan, hindi natin makita ang mga plano ng Diyos, dahil may
sarili na tayong plano para sa sarili. Madalas matakpan ang kalooban ang Diyos
ng ating sariling kalooban.
Subalit ang mga mago ay may bukas na pananaw, at nakikita nila ang
kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng bituin. Maraming tao ang hindi na
nagagabayan ng Diyos dahil wala na silang panahon upang magmasid kung ano ang
nais gawin ng Diyos.
2. Pangalawa, nauunawaan nila ang Epifanio o paglitaw ng Diyos sa
buhay ng batang si Jesus. Ang kanilang paghahanap ay nauwi sa pagsamba. Ang
pagsamba ay pagkilala sa pagiging Diyos ni Jesus. Kinilala nila na sa
pamamagitan ni Jesus, ang Diyos ay buhay at aktibong kumikilos sa mundo.
Madaling magkamali ang marami. Akala nila, sapat na ang maniwala na
may Diyos. Subalit sa babala ni Santiago, "kahit ang diablo man ay
naniniwala na may Diyos"! Ang Epifanio ay paglitaw ng Diyos sa pamamagitan
ng isang "aktibong presensya" sa mundo.
At nauwaan nila ang ikinikilos ng Diyos, bagama't sila ay mga pagano (hindi mga Judio).
3. Nauwaan nila (ayon sa kanilang mga kaloob ang plano ng Diyos sa
buhay ni Jesus.
Ang isa ay nagbigay ng ginto - handog para sa isang hari.
Si Jesus ay dapat na kilalaning hari ng ating buhay. Maliban na
kikilalanin natin siya bilang Panginoon, hindi tayo paghaharian ng Diyos. Wika
ni Juan Wesley, "dapat nating tiyakin kung tunay nga na isinuko na natin
ang ating buhay sa kanya". Ito ang kahulugan ng gintong handog, ang
pagkilala sa paghahari ng Panginoong Jesus sa ating daigdig at personal na
buhay.
Ang isa ay nagbigay ng kamanyang o incenso.
Ang incenso ay gamit ng pari (priest) sa templo bilang tagapamagitan
sa tao at Diyos. Malinaw sa Biblia na si Jesus ay ang tanging Tagapamagitan sa
tao at Diyos, at walang makakarating sa Ama kundi sa pamamagitan lamang ng
Panginoong Jesus. Sabi sa 1 Tim. 2:4,
"Sapagkat iisa ang Diyos, at tanging si Jesu-Cristo lamang ang
taong tagapamagitan sa atin at sa Diyos."
Ang kanyang pagkakatawang tao ay natatanging gawa ng Diyos upang
mailigtas tayo mula sa ating mga kasalanan.
At ang ikatlo ay nagbigay ng mira - pabango.
Ang mira ay iang uri ng dagta (sap) na ginagamit bilang pabango. Ang
pabango ay hindi lamang sa mga buhay kundi para din sa mga patay (Mateo
26:6-13). Maalala na minsang binuhusan ng pabango si Jesus at kanyang sinabi
ang ganito,
"Hindi pa ma'y binuhusan na niya ako ng pabango bilang
paghahanda sa paglilibing sa akin." - Mateo 26:12
Sa Marcos 16:1 ay ganito naman ang sinasabi,
"Pagkaraan ng Araw ng Pamamahinga, si Maria Magdalena, si Maria
na ina ni Santiago at si Salome ay bumili ng pabango upang sila ay magpunta sa
libingan at lagyan ng pabango ang bangkay ni Jesus."
Ang pabango kung gayon ay pagkilala sa gagawing pagliligtas ng Diyos
sa pamamagitan ng kamatayan ng Panginoong Jesus!
Ang pagiging matatalino ng mga mago kung gayon ay bunga ng kanilang
malinaw na pagkakaunawa kung sino si Jesus ay kung ano ang plano ng Diyos sa
buhay ng Panginoong Jesus. Ito ay malinaw na kaalaman nila sa "pagbasa sa
mga tanda ng panahon", dahil nangungusap ang Diyos sa kanila.
Ganito rin ang pahayag ni San Pablo sa Efeso 3:3-4
"Tulad ng naisulat ko na, ipinahayag sa akin ng Diyos ang
kanyang hiwaga. 4 At habang binabasa ninyo ito, malalaman ninyo kung ano ang
pagkaunawa ko sa hiwaga tungkol kay Cristo." Ang Tatlong Mago ay nakakaunawa sa mga
"hiwaga ng Diyos".
This is a New Year, a new challenge for all of us. But have we
consulted God for our plans? Are we open for the epiphany, for the active
actions of God? Kung may nais baguhin ang Diyos sa buhay natin, bibigyan ba
natin ng kalayaan ang Diyos? Will Jesus be your KING, your PRIEST and your
SAVIOR?
_____________
* Sa panahon ng NT, ang mga "magi" ay kinabibilangan ng
mga astrologers, manghuhula, magicians.
__________________________________
SERMON SERIES - SET3
Simbang Gabi 2019 (9 Nights Sermons)
Theme: "Pasko: Biyaya ng Diyos Para sa Lahat"
1. Ang Biyaya ng Diyos sa Mga Mahihirap
Luke 2:8-17 - Ang Mga
Pastol
Mahirap ang maging mahirap.
Minsan galing ako sa jail ministry. Pagkatapos kong ipanalangin ang
isang nakulong matapos paratangan ng pagnanakaw ng isang pares ng tsinelas. Siya ay nakulong ng higit sa dalawang
taon. Hindi umuusad ang kanyang kaso.
Wala siyang pambayad ng abogado. Wala
akong nagawa kundi ipanalangin siya. Malungkot akong umuwi pabalik ng simbahan
na nagtatanong sa Diyos kung bakit.
May mga mahirap na hindi kayang ipaglaban ang sarili kahit agawan
sila ng karapatan, lupa o kung
maparatangan, kahit walang ginawang
kasalanan. Kung mayroong higit na nangangailangan sa biyaya ng Diyos, sila ang
mga mahihirap sa lipunan.
Ang mga pastol sa parang na nagbabantay magdamagan ay maitutulad sa
mga security guard na nagbabantay sa gabi.
BInabantayan nila ang ibang gusali o banko, o bahay ng may bahay. Ngunit wala sila sa sariling tahanan upang
mabantayan ang sariling pamilya. Habang
tulog ang marami, sila ay gising na naghahanapbuhay. Subukan mong silipin sa gabi ang mga
nangunguha ng basura upang ibenta ito para gawing pera.
Habang hinahanap natin kung ano ang nasa puso ng Diyos para sa mga
mahihirap, gusto ko kayong anyayahan na
magbulay ngayong Pasko sa kalagayan ng mga pastol. Tara, dalhin natin ang ang Mabuting Balita ng
Biyaya ng Diyos sa kanila tulad ng ginawa ng mga angel.
Ang mga Pastol sa Parang
Ang mga pastol dahil mahirap, kadalasan silang napagbibintangang magnanakaw noong panahon na
iyon. Sa panahong ipanganak si Jesus may
dalawang uri lamang ng tao. Mahirap at
mayaman. Walang middle class noon. 75% ay mahirap, at 25% ay mayaman. Ang mayayaman ay mga Romanong may mataas na
tungkulin. Mga politiko at
makapangyarihan sa militar. Sila rin ang
kadalasang may-ari ng lupa.
Habang ang mga karaniwang tao ay kadalasang nagtatabraho sa bukid ng
mga mayayaman. May mga sumusweldong
tulad ng mga karpintero, mga bayarang katulong (payed servants) at magagaling
sa mga paggawa ng mga gusali (artisans).
Kabilang sa mga mahirap ang mga bayarang pastol. Kung wala silang
makitang trabaho sa isang araw, at wala silang sahod. Pinakamahirap ang mga
namamalimos, dahil sa kapansanan, mga prostitutes (may mga balo na nagbebenta
ng sarili upang may ipakain sa pamilya, at mga magnanakaw).
Ang Mabuting Balita Para sa Mahirap
Ano nga ba ang mabuting balita sa mahirap? Para sa pulubi, kung may
magbibigay ng limos, ito ay mabuting balita.
Ang libreng relief goods, pakain, o medical mission ay mabuting balita
sa nagdarahop.
Sa biglang tingin, ang kapanganakan ng Panginoon ay parang “hindi”
mabuting balita. Dahil wala itong
libreng pakain, o libreng gamot o limos!
Ngunit mayroong higit pang pakinabang ang Mabuting Balitang ito tungkol
sa pagdating ng Tagapagligtas.
1. Una, mabuting balita sa mga pastol ang balita tungkol kay Jesus
dahil ito ay nagpapa-alala ng pag-angat sa buhay ng pastol na si David
(v.11). Ang Cristong Panginoon ay
isinilang sa bayan ni David. Si Haring
David ay hari na nagmula sa angkan ng mga pastol. Ang panawagan sa mga pastol
ay pagkilala sa magagawa ng Diyos sa kanilang buhay, tulad ng ginawa ng Diyos
sa buhay ng ninuno nilang si David.
Ang iglesia ay tinatawagan ng Diyos upang magbigay ng ganitong
pag-asa sa mahihirap. Ibalita sa kanila
ang maaring gawin ng Diyos upang buksan ang pagkakataon ng pag-angat sa
buhay. At ito ay totoong Mabuting
Balita.
2. Pangalawa, mabuting balita sa mga pastol na si Jesus ay
ipinanganak sa kanilang kalagayan. Ang Cristong Panginoon ay makikita sa isang
tanda, siya ay nakahiga sa sabsaban. Ang
sabsaban ay gamit ng pastol upang pakainin ang mga hayop. Nakita nila ang Tagapagligtas sa kanilang
piling. Naroon ang Diyos sa kanilang
abang kalagayan! Nakapiling nila ang
Diyos sa kanilang pagiging pastol. Ito ay mabuting balita! Ngunit paano dadalhin ng iglesia ang
Mabuting Balita sa mga mahihirap? Ang sagot ay makikita natin kung paano
nagsagawa ng misyon ang mga unang Kristiano.
Misyong Kristiano: Mahirap Para sa Mahihirap
Karamihan sa mga sinaunang Kristiano ay mahihirap. Ngunit sa kanilang offerings, sila ay
tumulong sa mga balo, (1 Timoteo 5:3) , upang hindi na mamalimos, o magnakaw o
ibenta ang sarili para lang makakain.
Ang pagtulong ng iglesia ay naging laganap sa gitna ng kahirapan ng
maraming mamamayan. Halimbawa dito ang
pahayag ni Pablo, sa 2 Corinto 8:2,
“Dumanas sila ng matinding kahirapan at ito'y isang mahigpit na pagsubok
sa kanila. Ngunit sa kabila ng kanilang paghihikahos, masayang-masaya pa rin
sila at bukás ang palad sa pagbibigay.”
Makikita na ang naging susi sa tagumpay ng Kristianismo ay ang
pagtutulungan ng mga Kristiano sa gitna ng kahirapan. Sa ganitong paraan nila naramdaman ang
pag-ibig at presensya ng Diyos sa iglesia.
Ang Tagumpay ng Kanilang Misyon
Ayon sa Gawa 4:32-33, “
Nagkaisa ang damdamin at isipan ng lahat ng mananampalataya, at di itinuring
ninuman na sarili niya ang kanyang mga ari-arian, kundi para sa lahat. 33
Taglay ang dakilang kapangyarihan, ang mga apostol ay patuloy na nagpapatotoo
tungkol sa muling pagkabuhay ng Panginoong Jesus.[d] At ang masaganang
pagpapala ay tinaglay nilang lahat.”
Ayon sa patotoo ni Pablo, sa 2 Corinto 8:9,
“Hindi kaila sa inyo ang kagandahang-loob ng ating Panginoong
Jesu-Cristo, na kahit na mayaman ay naging dukha upang maging mayaman kayo sa
pamamagitan ng kanyang pagiging dukha.”
May Pag-asang Dala ang Pasko
kung totoong mabuting balita ang dala ng
mga Kristianong tulad mo.
Kaya nagwakas ang ating talata sa ganito, “ Umalis ang mga pastol na
nagpupuri sa Diyos at nagpapahayag ng kanyang kadakilaan dahil sa lahat ng
narinig nila at nakita, ayon sa sinabi sa kanila ng anghel.” (Lk. 2:20). Halina, magdala tayo ng totoong mabuting
balita sa mahihirap.
_____________________
2. Ang Biyaya ng Diyos sa mga
Maykapangyarihan at Mayayaman - Mateo 2:7-8
“Nang mabatid ito, palihim na
ipinatawag ni Herodes ang mga pantas at inusisa kung kailan lumitaw ang bituin.
Pagkatapos, sila ay pinapunta niya sa Bethlehem na ganito ang bilin, “Hanapin
ninyong mabuti ang sanggol. Kapag natagpuan ninyo siya, ipagbigay-alam agad
ninyo sa akin upang ako man ay pumunta roon at sumamba rin sa kanya.”
_____________________
Dumarating ang Mabuting Balita sa kahit sa mayayaman at
maykapangyarihan. Ang kwento ni Cornelio
sa Gawa 10 ay isang halimbawa. Dumating
si Jesus para kay Zaqueo, na isa ring mayaman. Ang pagliligtas ng Diyos ay para
sa lahat. Ang mga mayayaman ay
nanganganib na mapamahal sa kanilang salapi.
Sabi sa 1 Timoteo 6:10,
“Sapagkat ang pag-ibig sa salapi ay ugat ng lahat ng kasamaan. Dahil
sa paghahangad na yumaman, may mga taong nalalayo sa pananampalataya at
nasasadlak sa maraming kapighatian.”
Maaring ang mga mayayaman ay malungkot sa kalooban. Dahil walang taong nagiging kuntento sa
kayamanan. Ang tunay na kaligayahan ay
wala sa kayamanan. Ang tunay na
kaligayahan ay nagmumula sa Diyos na nagbibigay ng tunay na kapayapaan. Ang
pinakamahalagang kayamanan sa buhay, tulad ng kapayapaan, masarap na pagtulog,
kaligayahan sa pamilya ay hindi natutumbasan ng salapi.
Kailangan ng Mayayaman at Makapangyarihan ang Biyaya ng Diyos
Maaring ang isang mayaman ay hungkag ang buhay. Ang dami ng salapi ay maaring magdulot ng
takot, at pangamba. Maraming
makapangyarihang politiko ang takot na ipapatay ng kaaway sa politika. Maraming
mayaman ang nangangailangan ng kapayapaan mula sa Diyos.
Dumating ang Mabuting Balita Kay Herodes
Hindi aksidente ang pangyayaring ito. Lahat ng kwento sa Biblia ay kwento ng
pakikitagpo ng Diyos sa ibat-ibang uri ng tao. Nais katagpuin ng Diyos si
Herodes. Ang pagkakataon ng kaligtasang
espiritual ay pinagkakaloob ng Diyos sa
lahat ng tao, masama man o mabuti. Ayon
sa 1 Timothy 2:4,
“Ibig niyang ang lahat ng tao ay maligtas at makaalam ng
katotohanang ito.”
1. Kailangan ng mga mayayaman ang kapayapaan mula sa Panginoon. Ito ang naranasan ni Zaqueo. Ito ang anyaya ng Panginoon sa mayamang
kabataan sa Lucas 18:18-30. Utos ng
Panginoon na ibenta ng mayaman ang kanyang kayamanan, ipamigay ito sa
mahihirapa t sumunod siya kay Jesus.
2. Kailangan ng mga mayayaman ang mas makahulugang buhay. Nagiging makahulugan ang buhay kung ang tao
ay may misyon. Ang pagyaman ay hindi misyon. Ang misyon ay ang paggamit sa
kayamanan sa pagtulong sa iba. Ang mga
Kristianong mayayaman ay may malaking maitutulong sa ministeryo ng
Panginoon. Sabi ni Pablo tungkol sa
mayayaman sa 1Timoteo 6:18,
“Utusan mo silang gumawa ng mabuti at magpakayaman sa mabubuting
gawa, maging bukas-palad at matulungin sa kapwa.”
3. At ang pinakamahalaga, kailangan din nila ang pagliligtas ng
Diyos. Hindi maililigtas ng kayamanan
ang kaluluwa ng tao.
Mahalagang maipakilala ng iglesia ang Panginoong Jesus bilang
Tagapagligtas ng lahat. Kailangang
makita ng mga mayayaman at makapangyarihan
ang pangangailangan nila sa Diyos.
Ang Tugon ni Herodes
Nagkaroon ng malaking interes si Herodes sa Panginoong Jesus. Sa isang banda mabuti ito. Kailangan nating gawing “interesting” sa mayayaman ang ministeryo ng
iglesia. Kailangang makita ng mga
mayayaman ang mabuting ibubunga ng kanilang paglahok sa mninisteryo ng
Panginoon sa iglesia.
Kaya pinatawag niya ang mga Pantas upang alamin kung saan makikita
si Jesus.
Tanungin po natin ang ating sarili:
May gawain ba tayo ng pagpapakilala sa Panginoong Jesus sa mga
mayayaman?
Minsan, madali sa atin ang makipag-kaibigan sa mayayaman, nakikita
rin ba natin ang ating misyon upang tulungan silang maligtas sa kasalanan?
Ang Ginawa ng Mga Pantas
1. Hindi ikinaila ng mga Pantas ang kanilang paghahanap sa
Tagapagligtas. Sinabi nila na ay
naghahanap sa Panginoong ipinanganak upang sambahin ang Messias. Maraming Kristiano, ikinahihiya nila ang
pagbabahagi ng Mabuting Balita kaya hindi dumadaloy ang biyaya ng Diyos sa
buhay ng iba.
2. Hindi natakot ang mga
Pantas. Si Herodes ay kilalang masamang
tao. May panganib sa pagbabahagi ng
Mabuting Balita. Maari kang pagtawanan o
pahirapan. Sa iglesia sa Iran, Middle
East, maraming kwento ng mga babaeng pastor ang pinagsasamantalahan upang
itigil na nila ang pangangaral ng Salita ng Diyos. Sa isang interview ng isang pastora na
pinagsamantalahan, wika niya,
“Kung ito ang paraan upang maihandog ko ang aking katawan sa
Diyos,isa itong karangalan.”
Conclusion:
Alam natin na hindi tunay na sumampalataya si Herodes sa Panginoong
Jesus. Huwad ang kanyang pagsasabi na sasambahin niya ang Tagapagligtas. Ngunit
huwag nawang tumigil ang iglesia sa pagdadala ng Mabuting Balita ng kaligtasan. Dahil kailangan ng mga taong mayayaman ang
biyaya ng Diyos upang sila ay maligtas. Marami pang Herodes, o Pilato at Zaqueo
ang nais katagpuin ng Panginoon.
___________________________
3. Biyaya ng Diyos Kay Simeon
Lucas 2:25-35 - (Biyaya Para sa mga Senior Citizens)
Maganda at kapuri-puri ang ministeryo ng ibang iglesia sa mga Senior
Citizens. Salamat din sa gobyerno
na nagbibigay tulong sa mga Seniors ng
bayan. Mabuti kung ang iglesia lokal ay
magkakaroon ng konkretong ministeryo para sa mga Senior Citizens.
May ilang pangamba ang mga Senior o mga tumatanda;
1. Pangamba na mawalan ng silbi.
Habang tumatanda ang isang tao, mas marami na ang hindi niya
nagagawa. Kaya nagbibigay ito ng
damdamin ng insecurities.
2. Pangamba ng pag-iisa. May
pamilya na ang mga anak, kaya madalas mag-isa ang mga matatanda. Maraming
matatanda ang nakakaranas ng depression.
3. Pangamba na nagiging pabigat
na sila sa mga anak at apo nila. Feeling of uselessness.
4. Takot sa kamatayan. Alam
nila na palapit na ang kamatayan.
Dumadami ang sakit nila, at ramdam nila ang pagkatok ng kamatayan sa
kanilang buhay.
May ministeryo po tayo sa mga matatanda. At ito ang ating tatalakayin sa ating mensahe
sa Simbang Gabing ito. Huwag nating
kalilimutan ang ating mga magulang na tumatanda na. Inalagaan nila tayo noong bata pa tayo,
alagaan natin sila ngayon matanda na sila.
May kwento tungkol sa isang matanda na nagpunta sa gumagawa ng cell
phone. Reklamo niya, “May sira ang aking
cellphone. Paki-ayos mo anak.”
Tinignan ng cellphone repairman ang Nokia ng matanda. “Wala pong sira lolo. Maayos po ang cellphone niyo.”
Sagot ng matanda, “E bakit
hindi tumatawag ang mga anak ko sa akin? “Sagot ng repairman, “Lolo, ang mga
anak ninyo ang may sira.”
Mababasa sa Lucas 2:28, “kinarga ni Simeon ang sanggol. Pagkatapos,
nagpuri siya sa Diyos”.
Sa ibang salin, Niyakap ni Simeon ang sanggol, at siya ay nagpuri sa
Diyos.”
Maraming Matatanda ang Nagnanais Yumakap sa Panginoon
1. Maraming magulang naghahanap ng puwang sa iglesia upang patuloy
na maglingkod. May mga retired teachers na matapos magtrabaho, at saka sila
nagpastor. May dahilan ang iba, sabi ng
isa, “Nais kong ipaglingkod sa Diyos ang nalalabi kong buhay.” Ang ganitong magandang halimbawa ay dapat
bigyang puwang sa iglesia.
2. Marami ring magulang ang naglingkod noon, at retired na ngayon sa
ministeryo. Maraming sundalo ang
Panginoon na nagbuwis ng kanilang lakas sa pagmimisyon noong kalakasan
nila. At ngayong matanda na sila,
mahalagang pagpalain natin sila.
3. Marami rin ang matatanda sa labas ng iglesia na nangangailangan
ng attention ng simbahan. Hindi po kilala nina Jose at Maria si Simeon. Ngunit
biglang kinuha at kinalong ng matanda ang sanggol. (Mabuti at hindi pa uso noon
ang ngunguha ng bata. Kundi napagkamalan si SImeon.)
Ngunit isang malaking kamalian kapag ang iglesia ay naglilingkod
lamang sa kanyang miembrong nasasakupan.
Sa bawat baranggay ay may maraming matatanda na dapat abutin ng
iglesia. Mga hindi kaanib ng iglesia na
naghahangad na yumakap sa Tagapagligtas!
Naranasan ko po ang magbahagi ng Salita ng Diyos sa isang matanda na
naka-wheel chair. PInanalangin ko siya
at palaging dinadalaw, kahit hindi siya miembro ng aking destino. Kinatatakutan pala ang matanda ito dahil
dati siyang “killer” o “hitman for hire”.
Ngunit bago siya pumanaw, tumanggap siya sa Panginoon at humingi ng
tawad sa Diyos sa lahat ng kanyang kasalanang nagawa.
May mga matatanda na naghihintay sa pagliligtas ng Diyos.
May mga matatanda na nakagawa ng mga kasalanan noong malakas pa
sila.
Ang Panalangin ng Matandang Simeon
Masasalamin ang inaasam ng mga katulad ni matandang Simeon sa
panalanging ito;
1. Panalangin ng payapang paglisan sa mundong ito. Mababasa
sa v. 29
“Ngayon, Panginoon ko,
ayon sa inyong ipinangako, mapayapa mo
nang kunin ang iyong alipin.”
2. Panalangin ng kasiguruhan
ng kaligtasan para sa mga Simeon sa ating paligid. Sabi
v. 30, “Sapagkat namalas na ng aking mga mata ang iyong pagliligtas,”.
Ang pagliligtas ng Diyos ay kailangan ng lahat, bata man o
matanda. Ngunit nagmamadali ang
pangangailangang maligtas ng mga matatanda.
Dahil kaunti na lamang ang kanilang nalalabing panahon.
Malaking pagkukulang kapag ang iglesia ay hindi marunong
mag-ebanghelismo sa mga tao. Maraming
tao ang namamatay na hindi tumatanggap sa Panginoong bilang Tagapagligtas. Kailangan nilang makilala ang Panginoong
Jesus upang patawarin sila at bigyan ng buhay na walanghanggan.
3. Panalangin upang ibahagi ang
Kaligtasan sa iba. Nais ding
maranasan ng mga seniors ang magbahagi ng Salita ng Diyos. Sabi sa
verse 32, ang sanggol ay “Isang
ilaw ng pagpapahayag sa mga Hentil”.
Ang isang naligtas ay may pagnanais na magbahagi sa kanyang
tinanggap.
Isang matanda ang nakakilala sa Panginoon. Ayon sa kanya, “Pastor,
ang aking misyon ay ang maipakilala sa aking buong pamilya ang Panginoon. Bago
man ako pumanaw, dalangin ko na mailapit ko sa Diyos ang aking pamilya sa ating
iglesia.”
4. Nais ng mga Senior na maging pagpapala din sa iba, v. 34.
Umabot po tayo sa mga matatanda ng ating lugar. Misyunan po natin sila at bigyang bahagi sa
misyon ng iglesia.
______________________________________
4. Ang Biyaya ng Diyos sa Buhay ni Ana
Lucas 2:36-38
36 Naroon din si Ana, isang propetang babae na anak ni Fanuel, mula
sa lipi ni Aser. Napakatanda na niya. Pitong taon niyang nakapiling ang kanyang
asawa matapos maikasal. 37 Ngayon ay isa na siyang balo sa edad na walumpu't
apat. Hindi niya nililisan ang templo kundi araw at gabi siyang nag-aayuno at
nananalangin doon. 38 Pagdating niya nang mga oras na iyon, nagpuri siya sa
Diyos at nagsimulang magsalita tungkol sa sanggol sa lahat ng mga naghihintay
ng katubusan ng Israel.
Sa kwento ng Metodismo, hindi maikakaila kung paano ginamit ng Diyos
ang mga babaeng Kristiano sa paglago ng pananampalataya. Si Susana Wesley na
ina ni John Wesley ay isang halimbawa.
Si Ptra. Paz Macaspac, ang pinaka-unang babaeng ordinadong pastor sa
Pilipinas ay hindi nag-asawa. Hanggang
sa kanyang kamatayan, siya ay nanatiling naglingkod sa mga Aeta ng kabundukan
ng Zambales, Bataan, Pampanga at Tarlac, at nanguna sa pagkatatag ng Immanuel
Bible School para sa mga katutubo.
Hindi matatawaran ang nagawa ng mga kababaihan para sa iglesia ng
Panginoon.
Ang gabing ito ay maituturing na pagpupugay sa mga kababaihang
Kristiano bilang mga pinagpala ng Diyos.
At hindi lamang sila pinagpala, dahil sila ay malaking pagpapala sa
buhay ng iglesia. Hindi magiging
kumpleto ang iglesia kung wala sila.
Ang Biyaya ng Diyos sa Buhay ni Anna
1. Si Anna ay isang propetisa - siya ang tanging babaeng tuwirang
tinawag na propetisa sa buong Bagong TIpan.
2. Siya ay purong Israelita.
Ang mga Israelita ay kinikilala sa kanilang lineage o patunay ng
kanilang salinlahi. ALam nila kung
kaninong tribu sila kabilang. Isang
taong kilala ang kanyang ama (Phenuel - mukha ng Diyos) at ang kanyang tribu ay
Asher (pinagpala).
Pagkilala sa Biyaya ng Pamilya at Buhay
Maraming tao sa ngayon ang despressed. Mas napapansin nila ang negatibong bahagi ng kanilang buhay. Hindi maiaalis ang mga pangit na karanasan sa
buhay. Ngunit maari nating tignan ang
mga positibo, sa halip na mag sentro sa mga hindi maganda.
Ang ating pananampalataya ay nag-aanyaya upang bilangin natin ang
mga pagpapala ng Diyos sa kanilang buhay at pamilya. Si Anna ay maaring nag-asawa tulad ng
karaniwang babae noon. Sa edad halimbawa na 14, nag-aasawa ang mga kabataan sa panahon na iyon. Pagkatapos ng
7 taon, siya ay nabalo. Kung siya ay balo sa loob ng 84 na taon, siya ay nasa edad
na (84 + 7 + 14) 105! Sa panahon
na iyon, kawawa ang mga balo. Sa halip na mag-asawa ulit, pinili ni Anna
ang maglingkod sa Diyos.
Ang edad na ito ay ikinukumpara sa katapatan ni Judith sa Diyos, ang
babaeng bayani ng Israel sa Lumang Tipan (sa Apocrypha).
Sa ganitong edad niya nakatagpo ang Panginoong Jesus. Tunghayan natin ang mga pagpapala sa buhay ni Anna.
1. Una ang pagpapala ng
pamilya - ito ay mahalaga kay
Anna. Pinakilala siya ayon pangalan ng
kanyang ama at kinibibilangang tribu sa Israel. Sa mga Judio, tinututuring nilang pagpapala
ang kanilang kinabibilangang pamilya at lahi.
2. Pangalawa, ang kadalisayan
ng kaniyang pananampalataya (purity
of faith) ay kanyang iningatan. Sa
lumang kaugalian ng mga Judio, ang isang balo na hindi nag-asawa ay tanda ng
kanyang pagtitiwala sa Diyos, na hindi siya pababayaan ng Panginoon.
Ang dalawang mabuting halimbawang ito ay ipinapakilala sa buhay ni
Anna. At bilang tugon niya sa biyaya sa
kanya ng Diyos, si Anna ay naglingkod sa
Panginoon hanggang sa kanyang pagtanda bilang isang propeta. Siya ay naging tagapag-salita ng Diyos sa
kanyang bayan. Siya ay nagbigay ng
pag-asa sa mg anaghihintay sa Tagapagligtas.
Ang Inihandog na Buhay sa Diyos
Ang halimbawa ni Anna ay buhay na inihandog sa Diyos. Sa gipit niyang kalagayan bilang isang balo,
mas pinili niya ang magtiwala at maglingkod sa Panginoon. Ayon sa Roma 12:1-2,
“Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa habag ng Diyos, ipinapakiusap
ko sa inyo na ialay ninyo ang inyong mga katawan bilang handog na buháy, banal,
at kalugud-lugod sa Kanya. Ito ang inyong karapat-dapat na pagsamba.”
1. Si Anna ay nabuhay na nagtitiwala sa biyaya ng Panginoon. Ang mga balo ay walang asawang lalaki na
magbibigay proteksyon para sa kanila.
Karaniwan din na ang lalaki ang maghahanapbuhay, habang ang asawang
babai ay magtatrabaho sa bahay at nagpapalaki ng mga anak. Bilang balo, maaring si Anna ay namuhay na
mag-isa. Hindi natin alam kung may anak
siya. May anak man siya o wala,
itinaguyod niya ang sarili (o pamilya) na mag-isa sa biyaya ng Diyos.
2. Si Anna ay nabuhay na naglilingkod sa Diyos, hanggang pagtanda.
Ang pagiging propeta ay hindi madali. Maaring magalit ang mga tao sa propeta
lalo kung may dapat ituwid na kamalian sa gobyerno, sa templo o sa malng gawain
ng mga tao.
Si Anna ay dapat pamarisan.
a. sa tamang pagkilala niya sa mga pagpapala ng Diyos - pamilya, at
lahi.
b. sa pagpapanatili ng kadalisayan ng pagkatao bilang lingkod ng
Diyos.
c. sa pagtitiwala sa katapatan ng Diyos sa isang tulad niyang balo.
d. sa buhay na naglilingkod habang nabubuhay.
Purihin ang Diyos sa kanyang biyaya sa mga taong nagtitiwala sa
Kanya!
__________________________
5. Ang Biyaya ng Diyos sa mga Mago
Matthew 2:1-12
Kahit ang mga matatalinong
tao ay nangangailangan ng biyaya ng Diyos.
May mga taong magagaling, mataas
ang pinag-aralan, ngunit kailangan pa rin nila ang Diyos. Sino mang magsasabing
walang Diyos ay mangmang, gaano man siya katalino sa kanyang tingin.
“Wala namang Diyos!” ang sabi ng hangal sa kanyang sarili. Mababasa
ito sa Awit 14:1.
May mga matatalino, ngunit ginagamit nila ang talino sa domination o
pag control sa iba. May mga matatalino
na ang hangarin lamang sa buhay ay magpayaman.
May mga matatalino na gumagamit ng kanilang kaalaman sa maling paraan.
Sila ay nagsasamantala, umaabuso, at nananakit ng kapwa.
May matatalino naman na
yumayaman dahil sa kanilang galing, at tumutulong sa kapwa. Sila ay gumagawa ng paraan upang mapabuti ang
kalagayan ng buhay sa daigdig.
Ang Mga Mago
Ang mga mago ay matatalinong tao.
Maaring sila ay mga scientists, mathematicians, magicians, priests, o
mga principe. Mga leader sa mga
probinsya o bayan. Sila ay mga elite ng lipunan. Mayaman at matatalino. Sila ay maaring
nagmula sa Iran o Iraq.
Ang kanilang paghahanap sa Messias ay tanda ng pangangailangan ng
sinumang tao sa Diyos. Kahit ang mga
pagano (hindi Judio) na tulad nila, ay umaasam sa pagliligtas ng Diyos. Ramdam nila na mayroong pang higit sa talino
ng tao na kailangan upang mailigtas ang sanlibutan. Ngayong alam na nila na hindi kakayanin ng
tao na mabuhay sa sariling kakayahan, hinahanap nila ang Diyos na magbibigay sa
kanila ng mas lalong malalaim na kahulugan sa buhay.
Ang Biyaya ng Tala
Sa interpretasyon ng mga Mago o matatalinong tao, ang Diyos ay nangungusap sa kalikasan at sa
kalawakan. Ang tala na simbolo ng hari ng Israel, ayon sa kanilang nauunawaan,
ito ay panawagan ng Diyos upang kanilang hanapin ang Tagapagligtas ng
sanlibutan.
Naranasan mo ba na mangusap ang Diyos sa iyo sa mga nangyayari sa
iyong paligid? SaBiblia, nangusap ang Diyos kay Gideon sa kalikasan sa mga
basang tela.
Sa iglesia, mayroong isang kabataang nagmamasid sa Sunday School. Walang gurong magtuturo ng
Biblia sa mga bata. Bigla niyang
nanaramdaman na siya ay tinatawag ng Diyos upang maglingkod. Nagsimulang magng
seryoso ang kabataan sa pag-aaral ng Biblia hanggang siya ay naging pastor.
Maraming pagkakataon, ang Diyos tumatawag sa mga tao ayon sa
nakikita at naririnig nila sa paligid. Laging nagbibigay ng senyales ang Diyos
sa kanyang panawagan upang ilapit niya ang mga tao sa kanya.
Kung may matalinong tao sa inyong igesia, na hindi pa nakikilahok sa
ministeryo ng Panginoon. Maari pong
idalangain sila at anyayahan din na maglingkod sa Panginoon. Maaring ang mga taong ito ay hindi tumanggap
sa pagliligtas ng Diyos. Maging tala ka
sana para sa kanila kapatid. Ilapit
natin sila sa Diyos at maging biyaya sa kanila.
Ang Biyaya ng Talino
Ang mga mago ay biniyayaan ng talino upang ipaliwanag ang mga
bagay-bagay at mga pangyayari. Ang Diyos
ay nagbibigay ng mga kaloob (gifts) ng
galing at husay sa ibat-ibang bagay. Ang
iba ay binigyan niya ng kakayahang mangaral, magturo, gumawa, at
magpagaling. Ang gamit ng talino sa
Biblia ay hindi upang magpayaman o magpasikat ang isang tao. Ito ay para sa
paglilingkod sa Diyos at sa kanyang iglesia.
Ang nais ng Diyos ay magamit ang kakayahan ng mga tao para sa ikalalago
ng iglesia.
Ang Kanilang Tugon
Maaring nagsimulang sundan ng mga mago ang tala, out of
curiousity. Katagalan, maaring natutunan
nila na ito ay tala ng hari ng Israel.
Hanggang malaman nila na ito ay umaakay sa kanila patungo sa
Tagapagligtas.
May mga naging miembro sa iglesia na sa una ay curious lamang, nis
lamang nilang makita ang simbahan o isang kaibigan sa church. Ngunit sa kakapakinig ng salita ng Diyos ay
tmanggap sa Panginoon at naging miembrong ating simbahan. Yung iba nga, nakikain lang sa feeding
program. Dahil may libreng pagkain,
laging bumabalik. Sa kakapakinig ng Salita ng Diyos, ay tumanggap sa Panginoon!
Naging Pastor pa ngayon. At malakas pa rin siyang kumain hanggang ngayong
pastor na siya! Pero tapat namang
naglilingkod sa Diyos mga kapatid. Malakas nga lang kumain si Pastor.
Ang paglalakbay ng tatlong
Pantas, lalo nilang nakilala ang
Messias. Sa bawat hakbang nila sa
paglalakbay, lalo silang napapalapit sa Tagapagligtas. At eto ang kanilang naging tugon ng
matagpuan nila si Jesus:
1. Nagkaloob sila ng
makahulugang handog. Ginto,
tanda ng paghahari ni Cristo. Kamanyang
(insenso) - tanda ng pagiging punong saserdote ni Cristo, at mira-
(pabango), tanda na ihahandog ni Cristo ang kanyang buhay para sa kaligtasan ng
sanlibutan.
Kapag naghahandog po kayo, huwag yung tira-tirang barya. Huwag po kayong maghahandog sa Diyos ng
walang kabuluhang handog. Gawin po ninyong makahulugan ang inyong kaloob.
a. Magkaloob bilang isang
nagpapasakop sa paghahari ng Diyos -
(offering under the
Lordship of Jesus Christ) sinisimbolo ng ginto.
b. Magkaloob na may malalim na pagkatalaga o committment - na
sinisimbolo ng pagpapailalaim natin sa pagka-saserdote ng Panginoong Jesus (offering under the
priesthood of Christ)
c. Magkaloob sa Panginoon na nagkaloob ng kanyang sarili sa iyo.
2. Sumunod sa Halituntunin ng Diyos
Ang pangalawang tugon nila sa biyaya ng Diyos ay ang maingat na
pagsunod nila sa mga halituntunin ng Diyos. Kinausap sila ng Panginoon at sila
ay sumusunod. Maraming tao ang kinakausap ng Diyos pero sarili nila ang kanilang sinusunod.
Wika ng Panginoon, “If you love me keep my commandments.”
Ang tunay na karunungan ay nasa pagsunod.
Sa training ng mga navy sa malaking barko. Ang unang halituntutunin
ay “Obey first before you complain.”
Habang nakatayo ang maraming navy sa barko, biglang sumigaw ang platoon
leader, “DAPA!” Lahat ay dumapa.
“WISSSH!” Isang mahabang kable ang naputols a barko. At sinumang hindi dumapa ay siguradong pugot
ang ulo sa lakas ng hampas ng kableng bakal.
Matatalino ang mga Mago dahil marnong silang
magkaloob ng makahulugang
handog
at marunong silang sumunod
sa Diyos.
Gawin natin silang halimbawa;
1. Unawain natin ang nais ipabatid ng Diyos sa atin, makinig,
magmasid,
2. Gamitin ang mga kaloob sa atin ng Diyos sa paglilingkod sa
iglesia
3. Abuting ang mga matatalino upang sila man ay makakilala sa
pagliligtas ng Diyos.
4. Maghandog ng makahulugang handog.
5. Maging masunurin sa kalooban ng Panginoon.
______________________________
6. Ang Biyaya ng Diyos Kay
Zechariah at Elizabeth
Lucas 1:5-24
Ang Pasko ay kadalasang pagtitipon ng pamilya upang magpasalamat sa Diyos. Sa tahanang
Pilipino, sa ating kultura, lagi nating inuuna ang pamilya bago ang
sarili. Kaya lagi nating tinutulungan
ang bawat isa. Ang umaasenso at umangat
ay laging sumasaklolo sa kapatid na nangangailangan. Ang pamilya ay ang pinaka-mahalagang biyaya
ng Diyos sa atin.
Ang Pamilya ni Zacarias
Ang mag-asawang Zacarias at Elizabeth ay walang anak. Ang pagkakaroon ng anak ay pagpapala. Kayong mga kabataan, ibinigay kayo ng Diyos
sa inyong mga magulang upang maging pagpapala. Huwag kayong maging sakit ng
ulo, o sama ng kalooban para sa inyong mga magulang.
Sina Zacarias at Elizabeth ay malungkot dahil matanda na sila. Sino
ang mag-aalaga sa kanila? Sino ang
magpapatuloy ng kanilang paglilingkod sa Diyos?
Sinasabi na sila ay angkan ni Abijah, isang dakilang pari sa templo,
at si Elizabeth ay lahi ni Aaron, ang unang pinakapunong pari ng Israel. Pinagpatuloy nila ng pagka-pari ng kanilang
ninuno. Sino ang magpapatuloy sa
kanilang paglilingkod?
Pagpapala ng Anak at Paglilingkod
1. Dumalangin si Zacarias sa Diyos ng anak, at ibinigay sa kanya ang
katuparan ng kanyang kahilingan (v.13).
Ang Diyos ay nagpapala sa pamamagitan ng panalangin. Ang mga anak ay pagpapala ng Diyos.
“Humingi kayo at kayo ay bibigyan.”
ito ang wika ng Panginoon.
Mahalagang makita ng mga kabataan na sila kaloob ng Diyos sa
kanilang mga magulang. At dapat ding
mahalin ng bawat magulang ang kanilang mga anak.
2. Ang pagpapala ng paglilingkod.
Sina Zacarias at Elizabeth ay mga naglilingkod sa templo. Wala silang
ibang hanapbuhay, kundi ang tumanggap ng kaloob ng mga taong nagsisimba sa
templo.
At ito ay pagpapala.
Hindi lahat ay tinawag sa ganitong gawain.
Ang mga lahi ni Aaron at Abijah, hanggang sa kanilang mga anak at
apo ay maglilingkod sa templo. Ito ang
kanilang magiging buhay.
a. Una, ang paglilingkod sa simbahan, para sa mga tinawag ng Diyos
ay isang pribilehiyo. Sa biglang tingin,
ito ay mabigat na responsibilidad.
Ngunit napatunayan ng lahat ng naglingkod sa simbahan na ito ay malaking
pagpapala sa kanila, maging sa kanilang mga kapatid at pamilya.
b. Pangalawa, ito ang nagbibigay ng kahulugan sa buhay ng mga
tinawag. Kung hindi nila ito gagawin,
ito ay mabigat na dalahin sa kanilang buhay.
Sabi ni Pablo,
“Kawawa ako kung hindi ko ipapangaral ang Ebanghelyo -1 Cor. 9:16.
Ito ang panalangin ni Zacarias, ang magkaroon siya ng anak, upang
hindi mapatid ang paglilingkod ng kanyang pamilya sa Diyos.
Ang Ministeryo ni Juan Bautista
Mga kabataan, makinig po kayo.
Eto ang gawin ninyong ministry ng buhay ninyo, para maging pagpapala
kayo:
1. Maging kaligayahan
kayo ng inyong mga
magulang at pagpapala sa
maraming tao (v. 14).
2. Magiging kagalakan kayo sa Diyos (v.15)
3. Gagabayan ninyo pabalik sa Diyos
ang mga tao (v.16)
4. Pagkakasunduin niya ang mga ama at anak (v.17a) - katuparan ito
ng Malakias 4:5-6. Ang tinutukoy na pagkakasundo ay
pakiki-isa ninyo sa inyong mga magulang sa pagsunod sa nais ng Diyos
. Maging modelo kayo sa pakikiisa sa mga
magulang ninyo sapaglilingkod.
Maging Pamilya ng Pagpapala
Ang pamilya ni Zacarias ay hindi lamang pinagpala. Sila mismo ay naging pagpapala sa iba.
Katulad sila ng pamilya ni Abraham. Wika
ng Panginoon kay Abraham, “Pagpapalain kita ... at gagawin kitang pagpapala .”
(Gen. 12:2).
"I will make you into a great nation and I will bless you;
I will make your name great, and you will be a blessing.”
Ngayong Pasko, upang dumaloy ang pagpapala sa loob ng ating pamilya,
1. Mga magulang, magdalanginan kayong mag-asawa. Baka may problema ang asawa ninyo, at wala
kayong kalam-alam sa bigat ng problema niya.
2. Idalangin din ninyo mga magulang ang inyong mga anak. Bigyan
ninyo sila ng emotional at spiritual
support. Huwag lang puro pera at
material na bagay.
3. Mga anak, makinig po kayo, be a blessing to your parents.
Mag-aral kayong mabuti at alagaan sina mama at papa sa kanilang pagtanda.
4. Mag-kaisa kayo sa pamilya sa paglilingkod sa Diyos. Magka-sundo
kayong mag-ama sa paglilingkod sa Panginoon.
Kahit magkaiba kayo ng music - yung tatay at nanay - lumang himno at ang
mga anak ay Christian ROck, basta magtulungan kayo at magka-isa sa paglilingkod
sa iisang Diyos.
5. Maging pagpapala sa iba.
Tapusin po natin ang sermon na ito
sa isang panalangin para sa pamilya.
___________________________
7. Ang Biyayang Dala ng mga
Angel
Luke 2:1-20
Ang awiting “Hark the Herald Angels Sing” ay sinulat ni Charles
Wesley, isa sa mga ama ng Metodismo.
Siya ay nakababatang kapatid ni John Wesley. Ang nilalaman ng awit ay paggunita sa ating
pagbasa sa Biblia.
Habang nagbabantay ang mga pastol sa parang, dumating ang mga angel
at sila umawit. Milyong mga angel ng
kalangitan - umaawit!
Maraming korista sa mga simbahan ang nagpapa-alala sa mga katangian
ng mga angel. Mga korista, praise and
worship team na may pusong umaawit ng papuri sa Diyos. Sila ay mga Levita ng ating panahon.
Ang Ministeryo ng Pag-awit sa Diyos
Ang unang mga temple stewards, korista at musicians sa Bible ay mga
Levita sa Lumang Tipan. Sila ay pinili
dahil sa kanilang pusong maka-diyos. Dapat, ganyan ang mga choir members, mga
Praise and Worship Teams, hindi lang maganda ang boses - dapat maka-diyos.
Mababasa sa Exodo 32:26, “ So he (Moses) stood at the entrance to
the camp and said, "Whoever is for the Lord, come to me." And all the
Levites rallied to him.
Eto yung pangyayari na takot lumapit sa Diyos ang marami dahil sa
pagsamba sa gintong guya. Subalit, ang
mga Levita, pinatunayan nila na sila ay sa panig ng Diyos. May mensahe ang
buhay nila.
Isa pa, laging sinasabi ng Diyos na “ang mga Levita ay akin” (Bilang 3:12;45). Sila ay nilinis at itinalaga sa banal na
gawain (Bilang 8:6). Sila ay umaawit
upang dalhin ang presensya ng Diyos sa gitna ng mga taong nagsisimba. Sila rin
ang may tungkuling mag-ingat at maglinis
ng mga banal na kagamitan ng templo. Kaya kayong members ng choir, mga PAW,
sinasabi ng Panginoon, tinuturo kayo, “Akin yan!” Huwag kayong lilipat sa partido ni
Satanas. Sa Diyos kayo mga anak.
Mensahe at Awit ng Mga Angel
Ang mga Levita, mga choir and praise team, ay katulad ng mga angel,
may mensaheng dala ang buhay nila, at mayroon silang awitin para sa Panginoon.
Eto ang mensahe ng angel;
1. Pinanganak ang Messias.
Ito ay katuparan ng sinabi ni Isaias (9:6). Ipanganganak ang sanggol na lalaki, at siya
ang Prinsipe ng kapayapaan, ang
Makapangyarihang Ama..
Narinig nila ang pinakamabuting Balita na maaring marinig ng isang
tao. Dumating na ang inyong
Tagapagligtas!
2. Pangalawang mensahe niya ay, “Makikita ninyo siya.”
Oo nga naman, kung ipinanganak si Jesus, pero kung hindi mo naman
siya makikita - eh wala rin. Kaya sabi ng angel, “You find the baby...”
Maraming nag-cecelebrate ng Christmas but, they do not find the baby. Sayang di
po bah?
Panalangin ko, ngayong pasko, makatagpo mo si Jesus kapatid.
3. Pangatlo, there will be a sign.
Makikita ninyo siya na nakabalot ng lampin sa sabsaban. Makikita ninyo ang Diyos ng kaitaasan, sa
nakalulunos na kalagayan, sa sabsaban. Ang Diyos ng kalangitan, nasa kalagayan
ng pinakadukhang - katulad ninyo.
Dumating siya para sa inyo.
At kayo ang unang binalitaan sa kanyang pagdating.
Kung mauunawaan lamang natin ang laki ng biyaya ng Diyos para sa
atin- wala ng magpapakamatay na tao.
Tulad ng panalangin ni Pablo sa mga Taga Efeso, “Nawa’y maunawaan ninyo
ang lalim at lawak ng pag-ibig ng Diyos para sa inyo...”
Ang Awit ng mga Angel
Sabi sa verse 13-14,
“Suddenly a great company of the heavenly host appeared with the angel,
praising God and saying, "Glory to
God in the highest, and on earth peace to men on whom his favor rests."
Ganito ang nilalaman ng
kanilang awit,
a. Una, awit ito tungkol sa gloria
o karangalan ng Diyos sa kaitaasan.
Ito ay patotoo ng awiting papuri sa Diyos. Ang Diyos ay dakila! Ang
Diyos ay banal! Ang Diyos ay papurihan sa kaitaasan!
Napaka-dakila po ng Diyos! Ito
po ba ang lumabas sa bibig ninyo kapag kayo ay nagpupuri? Ito po ba ang ibig ng inyong pagpalakpak sa
Panginoon? Glory to God!
Pinakita ng pag-awit mga angel kung paano ang tamang pagpupuri sa
Diyos. At ang awitin nila ay
umalingawngaw sa buong universe. Sabi ni
John Wesley, “Kapag umaawit kayo, huwag kayong parang umaawit sa libing.” Kasi po, buhay ang Diyos na inaawitan natin,
hindi patay.
b. Pangalawa, naglalaman ang awitin ng ganitong lyrics, “Peace on
earth and goodwill to men.” Ang awitin
nila ay nagdadala ng pag-asa ng kapayapaan sa mundong ito. CHOIR. Huwag po kayong aawit ng sintunado sa
simbahan. Mag practice po kayong mabuti.
Baka po sa kakapakinig sa inyo ng mga nagsisimba, mawalan sila ng
pag-asa.
Ganito yung awit na may mensahe.
Nagdadala ito ng pag-asa, ng kapayapaan, ang kagalakan sa mga tao.
c. Pangatlo, pinagdugtong ng awitin ng mga angel ang langit at lupa.
Dahil ito ang Pasko - nagtagpo ang Diyos at tao.
Nagkita ang kadakilaan ng Diyos at ang dukhang kalagayan ng tao.
Nagsanib ang kalangitan at sangdaigdigan.
At naranasan ng mga pastol na kasama nila ang Diyos.
Ang Tugon ng Mga Pastol sa
Mensahe at Awit
Wika ng mga pastol, “Tara pumunta tayo sa Bethlehem.”
Ang Bethlehem ay halos walong kilometro mula sa kinaroroonan ng mga
pastol. Gumawa sila ng desisyon, upang
hanapin ang bagong silang na Tagapagligtas.
Mahalaga ang paghahanap.
May mga naghahanap ng mga bagay na walang kabuluhan.
May naghahanap - yung mga KSP, kulang sa pansin, naghahanp sila ng
pagpansin.
Ok lang na hanapin natin yung kulang sa ating buhay.
Pero ang mensahe ng angel, “Ipinanganak si Jesus para sa iyo -
hanapin mo rin siya.”
________________________
8. Biyaya Para kay Jose
Mateo 1:18-25
Mabilis sumikat sa youtube ang awiting “Blessing” ni Laura Story.
'Cause what if your blessings
come through raindrops
What if Your healing comes
through tears
What if a thousand sleepless
nights
are what it takes to know
You're near
What if trials of this life
are Your mercies in disguise
Tama ang awiting ito. May pagpapala ang Diyos na dumarating sa
maskara (disguise) ng pagsubok, pero sila ay pagpapala.
Mercies in Disguise
Ang pagdating ng biyaya sa buhay ni Joseph ay halimbawa ng “mercies
in disguise”. Bago dumating ang kanilang
kasal ni Mary, buntis si Mary, at hindi ito anak ni Joseph!
Sabi nga ng isang pastor, “Palabiro din ang Diyos.” Halimbawa, noong ibalita ng mga angel na
magkaka-anak si Sarah at Abraham, masyadong matanda na sila. Kaya natawa si Sarah sa balita - “Ano ito?
JOKE? Paano ako magkaka-anak sa tanda kong ito?” At ang biyaya ng Diyos ay naranasan ng
matandang Sarah, at siya ay nagka-anak.
TInatawag nating Mabuting Balita ang kapanganakan ng Panginoong
Jesus, pero kay Joseph, ito ay dumating na masamang balita. Hindi ito katanggap-tanggap na balita.
Sabi nga ng isang lalaking pinagtaksilan ng asawa, “Anak ng tokwa,
ba’t ako pa!” Dahil inakala ni Joseph na taksil si Maria.
But God turned this bad news into good news for Joseph.
Alam ko na nakakaranas po tayo ng maraming badnews sa buhay. Pero,
wait lang, manalangin po tayo. Naniniwala po ako na may magagandang bagay na
ginagawa ng Diyos sa buhay natin.
Ang Biyaya ng Diyos Kay Joseph
Ang pagdating ng Diyos sa buhay ng sinumang tao ay blessing. Kahit
ito pa ay sa anyo malaking responsibilidad.
Kahit ito ay sa anyo ng krus, ng pagsubok. Kung ito ay panawagan ng Diyos upang
tanggapin mo siya at paglingkuran. Kung
ito ang maglalapit sa iyo sa Diyos - kapatid, tanggapin mo ito!
Ang Documentary Film sa youtube, na “Sheep Among Wolves” ay kwento
ng mga Kristiano sa bansang Iran. SIla
ay pinangungunahan ng mga babaeng pastor. Karamihan sa mga pastor ay
pinagsasamantalahan upang masira ang kanilang loob at tumigil na sa pangangaral
ng Slita ng Diyos sa mga Muslim. Sa
isang interview, tinanong ang isang pastora,
“Noong ikaw ay pagsamantalahan, ano ang sinabi mo sa Diyos?”
Sagot niya, “Panginoon, kung ito ang paraan upang maihandog ko ang
aking sarili sa iyo, karangalan para sa akin ang maihandog ko ang sarili sa
iyo.”
Lumalago ang iglesia sa Iran, at China at Russia, dahil sa
pananatiling tapat ng mga Kristiano sa gitna ng mga pasakit. Nakikita ng mga hindi Kristiano, na ang mga
Kristiano sa kanilang bansa ay tunay na nagmamahal sa Panginoong Jesus.
Pahirapan man sila o patayin, sila ay tapat sa Diyos. Ang pasya ni Joseph na
tanggapin si Jesus ay kahihiyan sa mata ng iba, ngunit ito ay karangalan sa
Diyos.
May mga naglilingkod sa Diyos na minamaliit at pinagtatawanan ng
iba, ngunit ang mga ito ay krus na nagbibigay karangalan sa Panginoon. Ang anumang sakrispisyo para sa Panginoon ay
magbubunga ng tagumpay sa ministeryo ng Panginoon.
At ang Diyos ay makatuwiran.
Puputungan niya ng korona ang tagumpay ang mga dumanas ng
kapighatian. SIla ay pararangalan sa
kaharian ng Diyos. Sabi ng Panginoon sa Revelatio 2:10, “Be faithful, even to
the point of death, and I will give you the crown of life. “
Dahil sa pagtanggap ni Joseph sa Panginoong Jesus, tumanggap siya ng
pagpapala na hindi naranasan ng iba;
1. Pinagpala si Jose, dahil
binigyan siya ng karangalang magbigay pangalan sa Diyos na nagkatawang tao.
Siya ang binigyang karapatan ng Diyos
upang magbigay pangalan sa Panginoong Jesus. Dahil dito, kinilala ang Panginoong Jesus,
bilang anak ni David, ayon sa salinlahi ni Joseph (Mateo 1). Sabi sa Kawikaan
21:21, “He who pursues righteousness and
love finds life, prosperity and honor.“
2. Pinagpala si Jose, dahil naging instrumento siya sa pagpapalaki
sa batang si Jesus. Sa ganitong paraan,
naging instrumento siya sa pagliligtas ng Diyos. Naging kabahagi siya sa mga plano ng Diyos.
Maraming misyonero, pastor, deaconesa at laiko ang dumaranas ng mga
pagsubok at kahirapan sa paglilingkod.
Ngunit dahil alam nilang sila ay ginagamit na instrumento ng Diyos sa
kanyang pagliligtas, sila ay patuloy lamang sa pagsunod. Ito ay isang pagpapala sa kanila.
3. Pinagpala rin si Joseph
dahil tinanggap niya si Maria bilang asawa. Pagpapala ang magkaroon ng
asawang masunurin sa Panginoon at may
takot sa Diyos. Kaya kayong mga kabataan, manligaw kayo sa mga kapwa Metodista
natin. Maganda nga, hindi naman
mananampalataya - sakit ng ulo yan. Ikaw
din, baka yang maganda na yan pa ang maglayo sa iyo sa Panginoon. Humanap ka na lang Kristiano.
Pero sa totoo lang , malaking blessing kapag ang kasama mo sa buhay
ay kasama mo rin sa paglilingkod sa Diyos.
Alam po ninyo, si John Wesey ay hindi naging masaya sa kanyang
buhay may-asawa. Maliban sa
hindi sila nagka-anak ng asawa niya, ang asawa niya ay balakid sa
kanyang misyon. Problema niya ang kanyang asawa sa
paglilingkod sa Diyos.
Sa ating buhay, huwag sana nating palampasin ang mga pagpapalang
ito. Kung tayo ay tinatawagan ng Diyos
na maglingkod sa kanya, kahit mahirap, sumunod po tayo. Siguradong pagpapala
iyan kapatid.
Pagpapala Para sa Atin
Tlularn natin si Joseph upang tayo rin ay pagpalain ng
Panginoon. Gawin natin ang mga sumusnod:
1. Maging Faithful Katulad ni Joseph.
Mahirap man, kung ito ay malinaw na kalooban ng Diyos, maging tapat
po tayo sa Panginoon. Hindi po madali
ang sumunod sa kalooban g Diyos. Ang
Panginoong Jesus mismo ang nagsabi,
“And anyone who does not carry his cross and follow me cannot be my
disciple.” - Luke 14:27
Tandaan, ang mga tawag ng Diyos ay dumarating sa anyo ng krus.
2. Second, maging Obedient katulad ni Joseph.
Kung faith without works is dead, obedience is the ebidence of
faithfulness to God. Sabi ng Panginoon
Jesus, “If you love me, obey my commandments.”
3. Tanggapin natin si Jesus sa ating buhay.
Para matuloy ang Pasko sa buhay mo kapatid, siguraduhin mong
tinanggap mo si Jesus. Christmas without
Christ is not Christmas. Sabi ng ating
talata,
24 When Joseph woke up, he did what the angel of the Lord had
commanded him and took Mary home as his wife. 25 But he had no union with her
until she gave birth to a son. And he gave him the name Jesus.
(Matt 1:24-25)
__________________________________
9. Biyaya Para kay Maria
Lucas 1:26-38
Sa lahat ng tao sa lupa, tanging si Maria ang lubos na
pinagpala. Walang ibang taong
pinarangalan ng Diyos ng higit kay Maria.
Ngunit, hindi ibig sabihin na dapat manalangin kay Maria o sa kanino pa
mang santo. Pinaparangalan natin si
Maria bilang ina ng ating Panginoong Jesus, ngunit huwag tayong maging devoto
sa kanya. Huwag tayong yuyuko sa kanya. Hindi siya kapantay ng Diyos. Kahit ang mga angel ay tatanggi kung
yuyukuran. Hindi sila papayag. Sa
Pahayag 22:8-9
“I, John, am the one who heard and saw these things. And when I had
heard and seen them, I fell down to worship at the feet of the angel who had
been showing them to me. 9 But he said to me, "Do not do it! I am a fellow
servant with you and with your brothers the prophets and of all who keep the
words of this book. Worship God!"
Kahit sa mga Sampung Utos, malinaw ang sabi, “Huwag kayong gagawa ng
anumang larawang dinukit. Huwag ninyo
silang paglilingkuran o yuyukuran...”
Gayunman, ang halimbawa ni Maria ay ang pinakamabuting halimbawa ng
pagsunod sa kalooban ng Diyos.
Ang pagtango niya sa angel Gabriel upang ipagbuntis ang Messias, ay
kahandaan upang harapin ang kamatayan alang-alang sa kalooban ng
Panginoon. Sa kanyang pagbubuntis, maari
siyang patayin ng sarili niyang pamilya. Ganito ang batas nila ayon sa
nasusulat sa Deut.17:7.
1. Pinagpala si Maria Dahil ang Diyos ay nasa kanya.
Hail Mary, full of grace, the
Lord is with you.
Dumadaloy ang biyaya ng Diyos sa mga taong “sumasakanila ang Diyos”. Si Elizabeth ay napuno sa Espiritu ng
Diyos. Ang mga alagad ay napuno ng
Espiritu Santo (Gawa 2:4) gayun din si Pablo (Gawa 13:9), at iba pa.
Maging ang mga alagad ay
sinabihan ng Panginoonna maghintay upang mapuspos sila ng Banal na Espiritu
(Gawa 1:8). Dahil, “ang pinapatnubayan
ng Banal na Espiritu ay mga anak ng Diyos” (Roma 8:14).
2. Pinagpala si Maria Dahil Instrumento Siya ng Diyos
Ang kanyang pagka-babae ay naging pagpapala ng maging ina siya ng
Panginoong Jesus. Ang ating “usefulness” sa Diyos ay mahalaga pagdating sa
paglilingkod sa ministeryo. Kapag nagagamit po tayo ng Diyos, nagiging
pagpapala tayo habang tayo rin ay pinagpapala. Kahit biro lang po, kapag nasa
misyon, ayaw kong kasama yung ayaw magpagamit sa Diyos. Nakakarami lang sila at nakakasikip ng sasakyan. Tapos,
malakas pang kumain sa meryenda. Kung
gusto mong maglingkod kapatid, magpagamit ka sa Diyos.
3. Pinagpala si Maria Naging Ina Siya ng Panginoong Jesus
There is blessing in
motherhood.
Hindi natin sinasabi na si Maria ay ina ng Diyos. Dahil hindi naman
naging Diyos ang Panginoong Jesus dahil kay Maria. SIya ay naging tao dahil sa pagbubuntis ni Maria. Kaya si Maria ay ina ni Jesus sa pagkatao, at
hindi sa pagka-diyos.
Ang pagiging ina ni Maria ay pagpapala sa kanya. Kaya siya ay lubos na pinagpala sa lahat ng
mga babae. Si Maria ay modelo ng Kristianong pananampalataya. Siya ay ulirang babae, at ulirang ina. SIya ang pinakamabuting halimbawa na mababasa
Biblia kung paano maging masunurin sa Diyos, sapamamagitan ng paghahandog ng
sarili sa Panginoon.
Tularan natin si Maria
1. Hilinging mapuspos tayo ng kadiyosan. Hilingin ang Banal na Espiritu ang pupuspos
sa atin (Luke 11:13)
2. Ihandog natin ang sarili, upang magamit ng Diyos.