Miyerkules, Agosto 30, 2023

Ang Tinig ng Diyos

 Exodo 3:1-15

“Moises, Moises.” Tinawag ng Diyos si Moises. “Narito po ako.” May takot na tugon ni Moises.

Tinig ng Diyos ang tumawag kay Moses habang siya ay nagpapastol ng tupa ng kanyang biyenan. 

Mahirap si Moses. Siya ay dayo sa Midian. Nakatago ang kanyang tunay na pagkatao sa kanyang bagong tahanan. Walang nakaka-alam na siya ay dating prinsipe sa Egypt. Maaring nasunog na sa disyerto ang dati niyang makinis na kutis. Magaspang na rin ang dating mukha niya na para lang sa mga mararangal na nakatira sa palasyo. Ang dati niyang marangal na kasuotan ay napalitan na ng mumurahing kasuotan. 

Ala-ala na lamang ng nakaraan ang Egypt.

1. Ang Pagtawag ng Diyos

Ang pagtawag ng Diyos ay may kaakibat na mabigat na tungkulin. Marami ang ayaw makinig sa tinig ng Diyos. Dahil kung susundin natin ang tinig ng Diyos, 

  • kailangan nating kalimutan ang sarili, 
  • kailangang talikuran ang masasarap na kasalanan, 
  • Kailangan nating pasanin ang ating krus. 

Pero hindi kilala ni Moises ang Diyos na si Yahweh. Kaya hindi kilala ni Moises ang tumatawag sa kanya sa pamamagitan ng nagliliyab na punungkahoy. Gayunman, sumagot si Moises sa tinig, “ Narito po ako.”

a. 


Biyernes, Agosto 25, 2023

PANANAMPALATAYA NG INA NI MOISES

 PANANAMPALATAYA NG INA NI MOISES

Old Testament Reading, 13th Sunday after Pentecost: Exodus 1:8-2:10

Nagising ng madaling araw ang dalawang batang magkapatid, dahil nakarinig sila ng pag-iyak. Boses ng kanilang ina ang kanilang naririnig na umiiyak. Mabilis na sumilip sa silid ng kanilang ina, at nakita nila ang nanay nila na nakaluhod, nakiki-usap sa Diyos ang ina.

Sa harap ng almusal, nagtanong ang isa sa mga anak, "Nay, narinig Ka naming umiiyak kanina habang kayo ay nananalangin. Ano po ang prayer ninyo?"
Sagot ng ina, "Idinadalangin ko kayo sa Diyos mga anak. Napakarami kasi ng masasamang bagay na maaring puminsala sa inyong buhay at kalusugan. Idinadalangin ko na gabayan kayo at ingatan ng Diyos."

Kahapon (Aug. 20) narinig natin ang kwento ng isa pang ina na lumapit sa Panginoong Jesus dahil nasapian ng masamang espiritu ang kanyang anak. Aktibong gumagawa ang Diablo sa buhay ng kanyang anak. Inilapit ng ina ang kanyang anak sa Panginoon at ito ay gumaling at lumaya.

Maaring masabi na hindi alam ng ina ni Moises ang susunod na mangyayari. Nasa panganib ang kanyang anak. Ngunit pilit siyang gumawa ng paraan.

1. Gumawa ng munting basket ang si Jochebed, ang ina ni Moises at pina-anod ito sa ilog. Maituturing na desperadong hakbang ito, ngunit ito ay hakbang ng pananampalataya.

Maging ang pagbibigay ng isang batang maliit ng dalawang isda at limang tinapay ay hakbang ng papanampalataya. Kahit ang mga munting gawa ay nagagamit ng Diyos tungo sa mas malaking pagkilos ng kapangyarihan ng Panginoon.

Tignan ninyo, ang maliit na gawa ng ina ni Moises, kaakibat ng malaking gawa ng Diyos ay nagbunga ng kaligtasan ni Moises at ng bansang Israel.

2. Kung may mabigat na pagsubok, ilagay ito sa mga kamay ng Diyos, sa halip na pasanin ito. Higit na may magagawa ang Diyos.

3. Magtiwala po tayo sa Diyos, lalo sa mga bagay na responsibilidad natin, ngunit alam nating hindi natin makakaya.

Ang Biblia ay patuloy na nagpapa-alala sa atin, mula sa Kawikaan 3:5-6,

"Trust in the Lord with all your heart,
and do not lean on your own understanding.
In all your ways acknowledge him,
and he will make straight your paths."

Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus

(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...