Linggo, Hunyo 25, 2023

Call of Abraham to Offer Isaac

 Tinawag Upang Maging Pagpapala

Scripture: Genesis 22:1-2

•1Dumating ang panahon na sinubukan ng Dios siAbraham. Tinawag niya siAbraham, at sumagot siAbraham sakanya. 2Pagkatapos, sinabi niya, “Dalhin mo ang kaisa-isa at pinakamamahal mong anak na siIsaac, at pumunta kayo sa lupain ng Moria. Umakyat kayo sa bundok na ituturo ko sa iyo at ialay mo siya sa akin bilang handog na sinusunog.”

Tinawag ng Diyos si Abraham, upang sumunod sa isang mabigat na utos. Sadyang may tinawag upang maglingkod sa pamamagitan ng mahirap na tungkulin. Hindi kasi natin katulad ang kaisipan ng Diyos. Iba ang kanyang pamamaraan.

Ngunit makabubuti palagi kung tayo ay sumusunod sa Diyos. Ang kanyang kalooban ay laging para sa ating ikabubuti.
  1. tinawag tayo para sumunod. 
  2. tinawag tayo upang magtiwala sa Diyos. May mahirap na bagay na nais ipagawa ang Diyos. Hindi natin ito magagawa sa ganang ating sariling lakas, ngunit sa tulong ng biyaya ng Diyos, magagawa natin ito.
  3. tinawag tayo upang maging pagpapala. Pinagpala si Abraham, pero hindi para sa sariling pakinabang. Ang sabi sa talatang 18, "Sa pamamagitan ng iyong lahi, pagpapalain ang lahat ng bansa sa daigdig sapagkat sinunod mo ang aking utos.”

Susunod tayo sa Diyos, kahit mahirap ang nais niyang ipagawa sa atin. Magtitiwala tayo sa paraan at layunin ng Diyos, at tatalikuran ang sarili, uunahin ang kalooban ng Diyos. Kung ito ang ating gagawin, hindi tayo magsisisi.

PRAYER
Ikaw ang aming Diyos, at ikaw ay tapat at mabuti. Turuan mo kaming magtiwala sa iyong kalooban. Sundin nawa ang kalooban mo Panginoon, Amen.

Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus

(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...