Linggo, Disyembre 10, 2023

Sermon sa Simbang Gabi 2023

 SIMBANG GABI 2023

Reclaiming the Gifts of Christmas (Pag-angkin sa mga Biyaya ng Pasko)

Ang mga biyaya ng Pasko ay mga kaloob ng Diyos sa atin sa pamamagitan ni Jesus na ating Panginoon at Tagapagligtas. Siya ang Diyos na nagkatawang tao upang maipakilala ang Diyos sa kabuoan. Ayon sa Biblia, “The fullness of God dwells in Him” (Jesus).  Dumating ang Panginoong Jesus upang ipakilala ang Ama, at gayun ang Anak, Bilang Tagapagligtas.  At ang Panginoong Jesus din ang nagbabaustismo sa mga Kristiano upang tanggapin natin ang Banal na Espiritu.  Tunay na nasa kanya ang kabuoan ng pagka-Diyos. 

Ang mga pamagat ng mga Sermon at mga salalayang mga talata sa Biblia ay pinili at inayos ni Dr. Carmen Scheurman ng West Pampanga District. Ang mga Sermon Titles at mga Bible Texts ay aking sinundan upang gawing mga Sermon Outlines. 

Sa pamamagitan ng pagbubulay sa mga salaysay ayon Kay San Mateo, muli nating angkinin ang mga kaloob na biyaya ng Diyos dala ng pagdating ng ating Manunubos.  

Tanggapin nating lahat ang kapayapaan ng Diyos. Maligayang Pasko po sa ating lahat!


Jestril Alvarado

West Pampanga District

__________________   

Paalala: 

Kung nais ninyong magkaloob ng pasasalamat sa sumulat nitong mga sermon outlines, 

maaring magdala ng donasyon sa Gcash 09615897723, bilang tulong sa iba pang ministeryo ng West Pampanga District. – Salamat po. 

___________________________________________________________________________   

Sermon 1. Simbang Gabi. December 16, 2023

Pananalig: Handog Pamana ng mga Ninuno 

Mateo 1:1-17

May mga taong ipinanganak na may dugong bughaw, dahil sa pamana ng kanilang mga mga ninuno.  Sinasabi na ang mga apelidong Soliman, ay mga lahi ni Rajah Solayman. Hindi po ako sigurado dito, bagamat may nagsasabing ganito. Ang iba ay mayaman bago pa ipinanganak, dahil sa kanilang mga ninuno. Ang iba, sinasabi na may nagmana ng talino dahil sa genes ng kanilang mga ninuno.  Gayunman, may namamana talagang bagay mula sa ugat ng mga angkan.  

Ang pananampalataya sa Diyos, ay ang pinakamahalagang pamana na maaring angkinin ng isang tao mula sa kanyang mga ninuno. Sina Jose at Maria ay may salinlahi na maaring balikan upang makita nila kung ano ang pamana na mayroon sila bilang sambahayan.  At ito ay ang kanilang pananampalataya sa Diyos. At gayun din naman tayo.  Ang totoo, tayong lahat ay may pinanggalingang lahi ng mga mananampalataya na nagpapatuloy sa ating buhay, anggang sa mga susunod pang henerasyon.  Napakahalaga na makita natin ang ating ugat ng pananampalataya, upang makilala natin ang mga nananalaytay na dugo na bumubuhay sa ating patuloy na kaugnayan sa Diyos. 

Sa araw ng Pasko, ang Makapangyarihan, ang hindi-karaniwang Diyos ay naging karaniwang tao na tulad natin. Sinasabi ng Kasulatan na “Ang Salita ay naging tao at siya ay nakipamuhay kasama natin” (Jn. 1:14a). Ang Salitang tinutukoy ay “kasama ng Diyos at siya ay Diyos” (Jn. 1:1).  Ang Lumikha ay nakipamuhay sa kanyang mga nilikha.

Sa pagkakatawang tao ang Diyos, siya ay napabilang sa angkan, ni Abraham at David.  

Tayo, hindi kabilang ang Panginoong Jesus, ay walang karapatang mamili ng lahi kung saan tayo ipanganganak. Alangan namang, bago ka isilang e pipili ka muna ng magulang, at lahi at ilong. Kaya kung ipinanganak ka at ang ilong mo ay pango, tanggapin mo na iyan. Kung may pera ka edi ipa-opera mo na yan.  Pero iyan ang ilong mo noong ipanganak ka.  Iyan ang kulay mo na kaloob ng Diyos sa iyong kapanganakan. 

Pero ang Diyos, bago siya ipinanganak bilang tao ay pumili siya ng isang angkan. Pumili rin siya kung sino ang kanyang magiging ina at ama.  Pinili niya ang lahi ni Abraham, ni Haring David, at ang mga sumunod ay mga pari, mga hari, mga propeta at mga karaniwang tao.  

Ang Mga Ninuno ng Panginoong Jesus

Tunghayan natin ngayon ang piniling angkan ng Panginoon upang mapabilang ang Diyos sa kanyang mga nilikha. 

1. Una, ang pamilya ng Panginoong Jesus ay mula sa angkan ng mga taong makasalanan. 

Ang kasalanan ay masaklap na katotohanan sa anomang lipi ng sangkatauhan.  Wika ng Biblia, “Ang lahat ay nagkasala at walang karapat-dapat sa Diyos”.  Bakit pinili ng Diyos ang pamilya ni Haring David, o ni Abraham, o ni Ruth?  Hindi dahil si David at iba pa ay karapat-dapat.  

Si Haring David ay nangalunya. At pinapatay niya ang inosenteng si Urias para makuha si Bathsheba.  Si Abraham ay isang duwag. Para iligtas ang sarili, iniwan niya si Sarah sa kamay ng hari ng Egypt. 

Si Jacob ay mapandaya. Si Rahab na dating prostitute.  Si Ruth ay disente ng kaunti, pero siya ay napangasawa ni Boaz, dahil siya ay natulog sa higaan ni Boaz, nang sa gayun ay makita siya ng lalaki na handa na para masipingan. Si Ruth ay lola ni Jesus. 

May alam akong bata, na lumaki sa kulungan, dahil noong ipanganak siya, nakakulong ang kanyang nanay. Wala siyang magawa di po ba? Ipinanganak siya sa pamilya ng mga makasalanan. Parang tayo.

2. Pangalawa, ang Panginoong Jesus ay ipinanganak sa angkan ng makasalanan ngunit angkan din naman na may pananalig sa Diyos. 

Ang mga ninuno ng Panginoong Jesus ay mga makasalanang nakaranas ng biyaya ng Diyos. Bagamat hindi sila karapat-dapat.  Sila ay mga itinuturing na mga banal sa Kasulatan man o sa mata ng Diyos dahil tinanggap nila ang kaawaan ng Diyos. 

Sino ba ang mga banal?  - Sila ay mga makasalanan, at tanggap nila na sila ay makasalanan. Sila ay nagsisi, at nagtamo ng kapatawaran. 

Sino ang mga hindi banal? – Sila ay mga makasalanan, pero sa paniwala nila, sila ay banal.

Ang angkan ng ating Panginoong Jesus, ay lipi ng mga taong kumapit sa Diyos, sa kabila ng kanilang mga kasalanang nagawa. Sa paliwanag ng Hebreo 11, ang mga sumampalataya sa Diyos ay nagtamo ng pagkilala ng Diyos.  Hindi dahil sa kanilang mabuting gawa o sariling kabanalan, kundi sa pamamagitan ng pananalig sa kabutihan at kaawaan ng Diyos. 

3. Pangatlo, ang mga ninuno ng Panginoong Jesus ay nagtitiwala, umaasa at naghihintay sa pagdating ng Manunubos. Dahil ang Lumang Tipan ay puno ng mga hula tungkol sa pagdating ni Jesus.  Ayon mismo sa Panginoong Jesus sa Juan 8:56, “Si Abraham mismo ay matutuwa na makita ako sa araw na ito!” Ang mga unang Israelita, mga propeta at mga lingkod ng Diyos, ay naghihintay sa pagdating ng Messias. 

Lalo na ang mga ninuno ni Jesus sa pamilya ni Jose.  Dahil si Jose ay kabilang sa lipi ni David. 

Si Jose ay taga-Bethlehem.  May pangako ang Diyos na kakalingain niya ang mga anak ni David, tulad ng isang Ama. Na ituturing niyang mga anak niya ang mga anak ni David (2Sam.7:14).  Ang pag-asang ito ay hindi nawala sa mga angkan ni Haring David, sila ay patuloy na umaasa na magsusugo ang Diyos ng Messia. Sabi sa Awit 89: 3-4, 

“Sabi mo, O Yahweh, isang kasunduan ang iyong ginawa kay David mong hirang

at ito ang iyong pangakong iniwan: “Isa sa lahi mo'y laging maghahari, ang kaharian mo ay mamamalagi.”

Sila ay angkan ng mga makasalanan, pinatawad at naligtas dahil sa pananalig sa Diyos.  Ang pamilyang pinili para sa Panginoong Jesus ay pinagkatiwalaan upang maghari sa Israel.  Sila ay pamilya ng mga naglilingkod sa Diyos, tulad ng ninuno nilang si Abraham. Tayo rin ay maaring maging pamilya ng Diyos, kung bubuksan natin ang ating mga tahanan, ang ating mga puso at buhay para sa Panginoon. 

__________________________________

Sermon 2: Simbang Gabi. December 17, 2023

Handog Pamana ng mga Magulang 

Mateo 1:18-21

Ano ang pagkilala mo sa iyong mga magulang? Natatandaan mo ba kung paano sila nag-aaway at nagkakasundong muli? Maiba ako ng tanong. Paano mo nga pala ipinapakita ang iyong appreciation sa kanila? Mahal mo ba ang iyong mga magulang kahit sila ay may mga pagkukulang?

Walang perpektong magulang. Kahit ang mga magulang ng ating Panginoong Jesus, ay hindi. 

Sa ating salalayan sa Bibia, mababasa natin kung paano nagsimula sa pagpapamilya si Jose at Maria. 

Kamuntik nang hindi matuloy ang kasal.  Dahil, magkatipan pa lang sila, ay nabuntis na si Maria. At hindi si Jose ang tatay. 

Ang pagiging magkatipan sa kanilang kultura ay isang taon ng paghihintay, bago ang kasal.  Bawal pa ang magsiping, pero sa mata ng madla, sila ay nagkasundo na upang maging mag-asawa. Sa punto pa lamang na ito, binigkis na sila dahil sa kasunduan ng kanilang mga pamilya, bilang magkatipan.  Kaya kung magkahiwalay man sila bilang magkatipan, kailangan silang dumaan sa proseso ng diborsyo.

Ito ang background ng mga magulang ng ating Panginoong Jesus, sa kanyang pagkakatawang tao.

Gusto ko sana kayong imbitahan na makinig sa Salita ng Diyos ngayon.  At kung kayo ay mag-asaawa at kung may problema po kayo.  May pag-asa pa. Lumapit kayo sa Diyos. Huwag po tayong gagawa ng bagay na sisira sa ating pamilya.  Maging tapat sa ating kabiyak. Madalas, ang tunay na solusyon sa ating problemang mag-asawa ay tunay na pag-ibig.  At minsan, tunay na pagpapatawad. Dahil kahit nagmamahal tayo ng tunay, ay maari din tayong magkulang. 

Anong uri ng magulang mayroon ang Panginoong Jesus?

1. Una, sila ay may pananampalataya sa Diyos. 

  • Ang kanilang buhay ay nakaugnay sa Diyos.  
  • Si Maria ay isang babae na “kinalulugdan ng Diyos”. 
  • Samantalang si Jose ay “isang taong matuwid”. 
  • Malinaw na sila namuhay na may takot sa Diyos. 

2. Masasabi rin natin, na ang mga magulang ni Jesus ay may pagsunod sa Diyos. 

Hindi po madali ang sumunod sa Diyos lalo sa kalagayan nina Jose at maria. Bakit po? 

Dahil ang utos ng Diyos ay magbuntis si Maria, habang siya ay dalaga pa. Maari po siyang sumpain at ikahiya ng kanyang sariling pamilya. At ang utos naman ng Diyos kay Jose, ay pakasalan si Maria, kahit alam niyang hindi siya ang ama ng bata.  

Sadyang may pagkakataon, na may pinapagawa ang Diyos na mahirap gawin.  

At ang tugon ni Maria, “Mangyari nawa sa akin ang kalooban ng Diyos.  Ako ay lingkod ng Panginoon.”

At ang tugon ni Jose, “Pagkagising, sinunod ni Jose ang sabi ng angel, ayon sa utos ng Diyos, at pinakasalan niya si Maria.” (2.24). 

Ang mga taong masunurin sa Diyos ay nagpapahalaga sa Diyos ng higit sa sarili. 

At habang lumalaki ang pagpapahalaga ng isang tao sa Diyos, nagsisimulang mamatay ang taong ito sa sarili.  Tulad ng sabi St. Paul, “I no longer live. It is Christ who lives in me.” Dahil kalooban ng Diyos ang pinakamahalaga sa kanya.  Ang kabuluhan ng kanyang buhay ay ang kanyang pagsunod sa Diyos.  Ganun sina Jose at Maria na mga magulang ni Jesus. 

Sabi ni C.S. Lewis, may dalawang klase ng tao sa mundo. 

  • Ang una, ay tao na nagsasabi sa Diyos, “Thy will be done.” Ikaw ang bahala Panginoon.
  • Ang pangalawa, ay nagsasabi sa Diyos, “My will be done.” Wala kang pakialam. Buhay ko to.

May mga misyonero sa napakahirap puntahang lugar para lamang ipangaral ang Salita ng Diyos. 

May mga nakukulong, o pinapatay dahil sa pangangaral tungkol sa Panginoong Jesus. 

Ipinagamit nila ang sarili para mangyari ang kalooban ng Diyos.  

Maaring ibilang sina Jose at Maria sa mga taong ito, nabuhay sila at namatay para sa Diyos. 

3. Pangatlo, masasabi natin na si Jose at Maria ay may malalim na pagtitiwala sa Diyos. 

May mga pagtawag ang Diyos sa mahirap na uri ng paglilingkod. Ang mga Kristiano noong unang panahon ay nakaranas ng matinding pagtitiis.  Tulad ng paglalarawang nasusulat sa Pahayag 2:10, “Huwag kayong matakot sa mga paghihirap na inyong mararanasan. Tignan ninyo! Ikukulong kayo ng diablo, upang subukin. Manatili kayong tapat hanggang kamatayan, at kayo ay tatanggap ng putong ng buhay.” 

Sa pagtango nina Jose at Maria sa plano ng Diyos,

Malalagay sa kahihiyan si Jose, at pagtatawanan siya ng ibang tao.

Maaring papatayin si Maria, at paratangan ng kasalanan ng pangangalunya.

At alam natin na maging ang sanggol na si Jesus ay binalak ding patayin ni Herodes. 

Upang iligtas ang sanggol na si Jesus, ang buhay ni Jose at Maria ay laging nasa panganib.  

Salamat sa Panginoon na patuloy sa kanyang patnubay, at sila pinapunta ng Diyos sa Egypt upang maligtas. Nabuhay sila na may tiwala sa Diyos kaya sila ay manatiling ligtas sa kapahamakan.

Mababasa sa Lucas 2:43 at 48, “nagpa-iwan si Jesus ng hindi batid ng kanyang mga magulang” kaya nang makita siya, sinabi ni Maria, “Anak, hinahanap ka namin ng iyong tatay. Nag-alala kami ng husto ng tatay mo.” 

Malaking pagpapala ang Panginoong Jesus para kay Maria at Jose bilang anak. Ngunit, pagpapala ring tunay sina Jose at Maria para sa Panginoong Jesus.  Sila ay mabuting magulang. Pamana nila sa kanilang mga anak ang kanilang pananampalataya, pagsunod, at pagtitiwala sa Diyos. 

__________________________   

Sermon 3: Simbang Gabi. December 18, 2023

Paghahandog ng Diyos ng Sarili

Mateo 1:22-23

Noong nasa seminary kami ng UTS, sa chapel service, sinabihan na maghandog ng natatanging awit ang mga seminarians. Subalit noong oras na ng pagkanta, limang estudyante lamang ang tumindig.  Bago ang awit, sabi nang isa, “Folks, we are 40 in the class, but only five of us made it to the altar. 

But don’t worry.  The rest of the class will still be singing with us—'spiritually.’ Tawanan kami ng todo sa chapel service. 

Sa ating panahon, iba-iba na ang kahulugan ng salitang ‘presence’. 

Virtual presence. 

Sa mga pagpupulong ngayon, o sa classroom, mayroon na ring ‘virtual presence’ o ‘online presence.’ You are absent, but still connected. Nakikinig ka at naririnig ka ng iyong mga kasama sa klase. 

Spiritual presence. 

Ang Diyos ay espiritu ayon sa John 4:24, at ang Diyos nasa lahat ng dako ayon sa Jeremiah 23:23-24. Ang presence ng Diyos sa ganitong paraan ay ‘spiritual presence’. May iba-ibang paliwanag tungkol dito. Ang isa ay – nagsusugo ang Diyos ng kanyang mga espiritu, o mga angels, at sila ay nagsisilbing kamay, mata, tainga at tagapagsalita ng Diyos. O ang isa pa, ay ang paliwanag na: ang Diyos ay nasa lahat ng dako. 

Sa kapanganakan ng Messias, ang Diyos ay nagkatawang tao. 

Ayon sa John 1:14, “Ang Salita ay naging tao at nakipamuhay sa atin.” Dagdag pa ng 1Jn..1:1, “ang aming narinig, at aming nakita, at nahawakan ng aming mga kamay, ang Salita ng buhay, ang siyang ipinapakilala namin sa inyo.”

Reincarnation: Ito ang malinaw na physical presence ng Diyos. 

Ang mga Judio, at mga Muslim ay tulad nating mga Kristiano na naniniwala sa iisang Diyos. Subalit tayong mga Kristiano lamang ang sumasampalataya na ang ating Diyos ay nagkatawang tao. At ito ay nangyari noong ipanganak ang Panginoong Jesus. At ito ay nangyari upang ihandog ng Diyos ang kanyang sarili para sa kaligtasan ng kanyang nilikha. 

Bakit kailangang pang magkatawang tao ng Diyos?


Emmanuel, Kasama natin ang Diyos. 

Hindi pa ba sapat na may mga angel na nag-susumbong sa Diyos? Hmm, halimbawa, nakita ka ng angel na gumagawa ng malaswa, habang nanonood ka ng masamang panoorin.  Arruy, nahuli ka ng angel mo.  Isusumbong ka niya sa Diyos.  At kung gumawa ka ng mabuti at na report ka sa langit.  O kaya, malungkot ka at may mabigat na problem.  At naramdaman mo na ang spirit ng Diyos ay malapit sa iyo.  Hindi pa ba sapat iyon?

Nagkatawang tao ang Lumikha upang tayo ay makakilala ng lubos sa Diyos. 

“Ang ganap na pagka-Diyos ay nananatili sa kanya (Jesus)”, ito ay ayon sa Colosas 1:19. 

At ito ay nasaksihan ng mga alagad sa itaas ng bundok noong magbago ng anyo ang Panginoong Jesus. Ayon sa patotoo ni Juan, 

            “Nakita namin ang kanyang kaluwalhatian.” (Jn. 1:14). 

Sa mga aral at halimbawa ng Panginoong Jesus, ipinakilala niya ang Diyos Ama. 

Dahil walang nakakakilala ng lubos sa Ama kundi ang Anak. 

Isa pa, naging tao ang Diyos upang mamuhay tayo na tulad niya. Sa pamamagitan ng halimbawa ng Panginoong Jesus, natuto tayo kung paano ang tamang pagpapakatao.

Ang Panginoong Jesus ang itinuturing na pangalawang Adan. Ang unang Adan ay nahulog sa pagkakasala, matapos tuksuhin ng ahas. Samantalang ang Panginoong Jesus ay tinukso ngunit hindi nagkasala. Sa halimbawa ng pagsunod sa Diyos Ama, bilang Anak, ipinakita ng Panginoon sa atin ang tamang pagtalima sa Diyos. Dahil tayo ay nilikha upang magbigay luwalhati sa Diyos. Ito ang layunin ng ating pagkatao, ang sumunod at maglingkod sa Diyos.  

Pangatlo, nagkatawang tao ang Diyos upang tayo ay maligtas tayo sa pamamagitan niya. 

Ang kamatayan ni Cristo ay ang sukdulang biyaya ng Diyos para iligtas tayo mula sa ating mga kasalanan. 

Hindi natin kayang lutasin ang problema ng ating mga kasalanan, dahil tayo mismo ang problema. Tayo ay makasalanan. Wala po tayong panghugas sa ating sariling kasalanan. 

Tayo ay marumi.  Tanging ang dugong malinis ang makapaglilinis sa atin. Kailangan ang kamatayan ng Kordero upang tumigis ang dugo.

Diyos lamang ang banal, at walang kasalanan. Kung hindi siya magkakatawang tao, hindi titigis ang kanyang dugo para sa ating kaligtasan. Siya ay nagkatawang tao upang siya ay mamatay upang iligtas tayo sa kasalanan. 

Ang Pasko ay pag-aalay ng Diyos ng kanyang buhay. 

Kapatid, ipinagkakaloob ng Diyos ang kanyang sarili sa iyo. 

Tanggapin mo siya at pabayaan mong iligtas ka niya mula sa iyong kasalanan. 

Jesus ang pangalan niya. Ibig sabihin ng kanyang pangalan, “Si Yahweh ay nagliligtas.”

Siya ang ating Tagapagligtas. 

Maari po ba tayong yumuko at manalangin. Tanggapin po natin ang handog ng Diyos. 

_____________________________   

Sermon 4: Simbang Gabi.  December 19, 2023

Ang Bunga ng Pagsunod 

Mateo 1:24-25

Si Carlos P. Romulo, ang dakilang Pilipino na naging pangulo ng United Nations, ay naging magaling na mananalumpati, mula pa noong siya ay nasa highschool.  Nagwagi siya sa isang patimpalak, sa highschool.  Nilapitan siya ng kanyang katunggali, ngunit hindi nakipag-kamay si Carlos. 

“Bakit hindi mo kinamayan si Julio?” tanong ng tatay ni Carlos. “Nagsabi siya ng laban sa akin ama, bago ang patimpalak.” Niyakap siya ng kanyang ama, na nagsabi, “Anak, turo ng lolo mo, habang tumatanda ang kawayan, lalo itong tumitibay. Pagtagal, lalo itong natututong yumuko at sumunod sa hangin.” 

Sinunod ni Carlos ang utos ng kanyang ama. At ito ay nagbunga ng tagumpay sa kanyang buhay.

Ang pagsunod sa Diyos ay mabuting bagay. At sasabihin ng Panginoon, sa masunuring alipin, “Magaling! Ikaw na tapat at masunuring alipin.” 

May isang kabataan ang nag-memorya ng Sampung Utos ng Diyos sa Sunday School. “Huwag kang magnanakaw, huwag kang magsisinungaling, huwag kang papatay…huwag kang mangangalunya.”

Nang magdalaga, niligawan ng isang may asawa ang kabataan.  Pumatol ang dalaga. Siya ay nabuntis at iniwan ng lalaki.  Alam ng kabataan ang mga utos.  Ngunit hindi niya sinunod. Ito ay nagbunga ng masamang buhay sa kabataan. 

Ang pagsunod ay may kaaakibat na pagpapala. Ang hindi pagsunod sa Diyos ay may kaakibat na sumpa.  Kaya habang may panahon pa, sumunod na tayo sa Diyos at talikuran ang kasalanan.

Dalawang bagay ang ginawang pagsunod ni Jose ayon sa utos ng angel.

1. Ang unang ginawa niya, pinakasalan ni Jose si Maria. 

Ang pag-aasawa noon ay hindi tulad ngayon.  Ang ligawan noon ay sa pagitan ng mga magulang. Kapag nagkasundo na ang mga magulang, sa loob ng isang taon, ang mga ikakasal ay magka-tipan, o engaged na.  Pero bawal pang magsiping. Hihintayin na lamang nila ang kasal, paglipas ng isang taon na darating. 

Ngunit, hindi pa lumilipas ang isang taon, naglihi na si Maria. Wala pang kasal. At hindi sinipingan ni Jose ang kanyang katipan.  Kahit hindi pa sila kasal, may bisa na ang kasunduan ng mga magulang nila. Kaya batas ng diborsyo ang paraan para sila magkahiwalay. Ito ang balak ni Jose. 

Ngunit inutusan ng angel ng Diyos si Jose, sa pamamagitan ng panaginip, na ituloy niyang pakasalan si Maria.  Ano ang ibig sabihin nito?

     May plano ang Diyos, at hindi ang mga pamamaraan ng tao ang gagamitin, kundi pamamaraan ng Diyos.  May pamamaraan ang Diyos na mahirap unawain, kaya mahirap ding sundin. 

     Ang kailangan ay pagtitiwala at pagsunod. Trust and obey. At ito ang ginawa ni Jose. 

Dahil kung hindi siya magtitiwala sa Diyos, hindi siya makakasunod. 

     Ang pagtitiwala sa Diyos ay hindi po bulag na pagsunod. Hindi po nangangahulugan na basta na lamang sumunod si Jose si Jose sa Diyos. Dahil ang konsepto po ng “Trust and obey” ay:

Una, kilala mo dapat ang iyong sinusunod na Diyos.  Para sa mga tapat na Israelita, ang Diyos ay mabuti at tapat. Hindi uutusan ng Diyos para ipahamak. At dahil mabuti ang Diyos, laging mabuti ang layunin ng Diyos. 

Pangalawa, makapangyarihan ang Diyos. 

Pangatlo, ang Diyos ay nagpapala sa mga sumusunod sa kanyang mga utos. 

Si Abraham ay tumalima sa Diyos, kahit hindi niya alam kung saan at kung anong uri ng lupain ang Canaan.  Pero pumunta siya doon dahil sa utos ng Diyos. 

Si Jonah ay pumunta sa Nineveh, kahit alam niya na kaaway ang mga tao roon. Ngunit alam niya na ang Diyos ay mapagpatawad at maawain. 

Kilala ni Jose ang Diyos na kanyang sinusunod.  Kahit alam niyang mahirap ang nais ipagawa ng Diyos sa kanya. Ngunit kahit mahirap, ang mga tunay na Kristiano ay sumusunod sa halimbawa ni Cristo.  Lagi nating sinasabi, “Mangyari nawa Panginoong ang kalooban mo.” Thy will be done.


2. Ang pangalawang ginawang pagsunod ni Jose ay pinangalanan niyang Jesus ang sanggol. 

Ang pagpapangalan ng bata ay mahalagang tungkuling magulang.  Ito ay ayon sa nakikitang bukas ng magulang para sa kanyang anak. Kaya ang mga magulang ay nagbibigay ng magandang pangalan sa kanilang mga anak, dahil nais nilang magkaroon ng magandang buhay ang kanilang mga anak. 

Ang pangalang Jesus ay hindi nanggaling kay Jose.  Ito ay galing sa Diyos Ama, sa tunay na Ama ng sanggol. 

Ang pagsunod ni Jose na pangalanan si Jesus ng JESUS, ay pagtalima sa kalooban ng Diyos para sa bata. Nais ng Diyos Ama, na ang sanggol ay magiging Tagapagligtas ng lahat ng tao.

Jesus, ibig sabihin, “Ang Diyos ay nagliligtas!” ito ang magiging buhay at kinabukasan ng sanggol, ang ipakilala na ang Diyos ay nagliligtas ng buhay mula sa kasalanan.

Pagsunod sa Diyos mga kapatid. Ito ay tanda na kilala natin ang Diyos. Na mahal natin ang Diyos. 

Na nagtitiwala po tayo sa Diyos. 

Sumunod po tayo at maglingkod sa Panginoon. Amen. 


_______________________    

Sermon 5: Simbang Gabi. December 20, 2023

Ang Handog na Liwanag ng Bituin Patungo sa Hari ng Pasko 

Mateo 2:1-4, 7-10

Hindi pa nauuso ang mga bombilya at mga ilaw de kuryente, ay nagsisindi na ng mga kandila at ilaw gasera ang mga tao sa Europa tuwing panahon ng Pasko.  Ito ay para ilawan ang mga nagsisimba ng gabi tuwing Pasko. Dahil magdadaan ang mga tao sa madidilim na lansangan patungong simbahan. Naglalabas ng mga ilawan ang mga kabahayan, upang ilawan ang mga kapwa nila Kristiano. 

Ang Pasko ay panahon ng pagsasabit ng mga ilaw, ng mga parol na hugis bituin. 

Ito ay pag-alala natin sa bituin ng Pasko na gumabay sa mga Pantas, upang makita nila si Jesus. 

Handog na Liwanag

Hindi lahat ng panahon ay maliwanag.  Laging may bahagi ang buhay na madilim. 

     Para sa mga sumasampalataya sa Diyos, ang Salita ng Diyos, ang mga kasulatan ay liwanag ng Diyos sa ating daraanan. Upang hindi tayo dapat matisod o maligaw.

     Tayo mismong mga alagad ni Cristo ay inuutusan upang maging liwanag sa iba. Wika ng Panginoon, “Paliwanagin ninyo ang inyong mga ilaw, upang makita ng mga tao ang inyong mabubuting gawa. Nang sa gayon, ay papupurihan nila ang inyong Ama na nasa langit.”

     Ang Panginoong Jesus din ay nagsabi na, “Ako ang liwanag ng sanlibutan.”

Kaya ang pagiging mananampalataya ay pamumuhay sa liwanag ng Diyos.  Ang liwanag na ito ay kaloob ng Diyos sa atin. 

Ang Bituin

Sa paghahanap ng mga Pantas sa Messias, ginabayan sila ng Diyos ng liwanag ng bituin, patungo sa hari ng mga Judio – si Jesus. Ano ang ibig sabihin nito?

     Si Jesus (na Hari) ay anak ni David (Mat. 1:1)

     Ang bituin ay sagisag ng mga hari ng Israel, dahil sila ay angkan ni Haring David. 

     Ito rin ay sagisag ng katapatan ng Diyos, ayon sa pangako ng Panginoon kay Haring David. 

Nangako ang Diyos sa 2 Sam. 7:16, na magiging hari ng Israel ang mga susunod na salinlahi ni David. 


Ang Mga Pantas ay Mga Hentil

Agad nating mapapansin na ang mga Pantas ay hindi mga Judio.  Sila ay mga paganong mula sa silangan.  Maaring Persia (Iran sa ating panahon). At sila ay may paghahangad na makita ang batang Messias, ang Hari ng mga Judio - upang kilalanin, sambahin, at handugan. May mga pagsasaliksik na ang mga Persians ay may paniniwalang tinatawag na Zoroastrian, ang kanilang propeta, si Zoroaster, ay may hula tungkol sa isang Messias, na ipapanganak sa Israel. Maaring sila ay mga Babylonians, dahil masusing pinag-aaralan ng mga Babylonians ang mga bituin. O baka sila mga Arabong mula sa disyerto. Walang katiyakan, ngunit alam natin na hindi sila mga Judio. 

Mga matatalinong Hentil na kikilala sa Hari ng mga Judio? Ano ang kahulugan nito?

     Maliban sa pagiging anak ni David, si Jesus ay anak din ni Abraham. Si Abraham ay magiging pagpapala sa lahat ng bansa, ayon sa Gen. 12:3. 

     Kaya inaasahan ni Mateo, na may mas maraming hindi Judio ang lalapit pa kay Jesus, tulad ng centurion, at iba pang Hentil (Mat. 8:11). “Sinasabi ko sa inyo, marami pa ang manggagaling sa silangan at kanluran ang makikisalo kay Abraham, Isaac at Jacob sa kaharian ng langit.”

Ang Pasko kung gayon ay ang paghahari ng Messias, hindi lamang sa mga Judio, kundi pa naman, sa lahat ng tao, kahit Hentil – kung sila ay kikilala sa paghahari ng Diyos. 

Halimbawa ng Mabuting Paghahandog sa Hari

Ginabayan ng liwanag ang mga Pantas patungong Bethlehem, sa bayan ni Haring David. Nakarating ang mga pantas sa bahay nina Maria, at nakita nila ang batang Jesus. Siya ay sinamba nila at hinandugan.  

     Tulad ng mga Pantas, tayo rin ay ginagabayan ng Diyos sa kanyang liwanag, upang makarating tayo sa tamang pagkilala sa Panginoon. 

     Inaasahan din ng Diyos ang ating pagtugon, kung paano tayo sasamba sa Hari ng Pasko matapos na tayo ay pagpalain ng buhay, talino, o ari-arian. Pinagpala tayo ng pamilya, kaibigan, iglesia at iba pa. Napakaraming pagpapala ang kaloob ng Diyos. 

     At dahil ang ating Diyos ay may damdamin, naniniwala ako na kagalakan ng Diyos, maluluwalhati ang Diyos kung siya ya hahandugan natin tulad ng ginawa ng mga Pantas. 

Ang araw ng Pasko ay pagkakaloob ng Diyos ng kanyang sarili, upang maging ating Tagapagligtas. 

Ang araw ng Pasko ay pakikitagpo ng Diyos sa atin upang tayo ay maligtas. 

O pasalamatan ninyo ang Panginoon, sapagkat siya ay mabuti. 

Ang pag-ibig niya ay walang hanggan, 

At nananatili!

Amen!

___________________   

Sermon 6: Simbang Gabi. December 21, 2023

Bethlehem: Ang Biyaya ng Tinubuang Lupa  

Mateo 2:1-6

Nakakatuwang mapanood ang mga papuri ng ibang lahi sa mga Pilipino at sa pag-appreciate nila sa ating bansa sa internet. Kinikilala nila ang Pilipinas, bilang lugar ng mga hospitable, magaganda at magaling kumanta. Sana, tayo ring mga Pilipino mismo ay makita natin ang kagandahan ng ating lupang tinubuan. Hindi lamang sa pisikal na kagandahan nito, kundi bilang isang kaloob ng Diyos sa atin. Ang ating tinubuang lupa ay biyaya ng Maykapal. 

Para sa mga Israelita, sa tagpong ito, at ayon kay San Mateo, ang Bethlehem ay higit pa sa isang munting bayan lamang.  Ito ay may “spiritual value” para kay Jose, at maging sa Diyos.  Dahil ito ang lugar ni Haring David.  Dito binuhusan ng langis ni Propeta Samuel ang ulo ng pastol, upang itanghal na Hari.  At si Jose ay mula sa lipi ni Haring David. 

Ayon kay San Mateo, si Jose at Maria ay naninirahan sa Bethlehem (kakaiba sa salaysay ni San Lucas, na bumisita lamang sina Jose sa Bethlehem, kaya wala silang nasilungan kundi sabsabsan). Sa version ni San Mateo, hindi sila bisita sa Bethlehem. Sila ay taga Bethlehem.  Sila ay salinlahi ni Haring David, ang dakilang hari ng Israel. 

Ayon sa hula na nabasa ng mga pari at magagaling sa Kasulatan na pinatawag ni Herodes, “Ikaw, Bethlehem, bayan ng Judah, ay hindi nahuhuli sa ibang bayan ng Judah, dahil mula sa iyo ang darating na maghahari, isang pastol para sa mamamayan ng Israel.”

Sa ating pagbubulay sa Simbang Gabi, nais ko kayong anyayahan na, paka-isipin po natin ang nagagawa ng Diyos, kung paano niya itinataas ang mga nasa mababang kalagayan, kung paano binabago ng Diyos ang buhay ng mga tao, gamit ang pag-alala at pagtanggap sa biyaya ng lupang tinubuan, ang bayan tinubuan ni Jesus – ang Bethlehem.

1. Una, ang Bethlehem ay nagpapa-alala sa kabutihan ng Diyos. 

Bethlehem means, house of bread or of blessings.

Makagagawa ang Dakilang Diyos ng dakilang bagay, sa buhay ng mga karaniwang tao, na namumuhay sa karaniwang lupain tulad ng Bethlehem. Ang Bethlehem ay maliit at mahirap na bayan sa panahon na iyon. Ngunit dito hinubog ng Diyos ang mga hari ng Israel.  Sa Bethlehem, pinagpala ng Diyos ang isang karaniwang pastol, at siya ay naging hari. Kumikilos ang Diyos sa maliit na bayang ito. 

Maliit ba ang tingin mo sa sarili mo? Kinakawawa ka ba ng ibang tao? I am not asking you to “play victim”.  Pero may pagkakataon talaga na bumababa ang tingin natin sa ating sarili, maaring naaawa tayo sa ating sarili, dahil may nagawa tayong kamalian, o hindi tayo nakaabot sa expectations ng iba.  

Marahil panahon na para tignan natin ang ating sarili kung paano po tayo nakikita ng Diyos. 

Sa halip na maawa ka sa sarili, bakit hindi alalahanin ang kabutihan ng Diyos sa buhay mo?

At ito ang inspirasyon na dala ng Bethlehem. Ito ay maliit, at mahirap, pero especial ito sa Diyos.

Pwede po bang sabihin mo sa katabi mo, “maging sino ka man, especial ka sa Diyos.”

It’s time for us to experience the goodness of God, and let God transform our lives. 

Mga kapatid, ang kabutihan ng Diyos ay bumabago ng buhay. 


2. Pangalawa, ang maliit na bayang Bethlehem ay simbolo ng katapatan ng Diyos. 

Ang katapatan ay napapatunayan sa mga tinutupad na pangako.  At nangako ang Panginoon sa Lumang Tipan, “Sa iyo Bethlehem, manggagaling ang Tagapagligtas ng Israel”. 

Nakita natin na ginabayan ng Diyos ang mga Pantas patungong Bethlehem, 

Hindi sa Jerusalem! Hindi sa mga palasyo! Hindi sa mga templo! 

Dahil sa Bethlehem makikita ang katuparan ng pangako ng Diyos. Naroon ang batang si Jesus.

Kaya ngayong Pasko, kung talagang si Jesus ang hanap mo, balikan mo ang kabutihan at katapatan ng Diyos sa buhay mo. At doon sa Bethlehem ng iyong buhay, katagpuin mo si Jesus. 

May isang tao na matagumpay sa ibang bansa. Siya ay yumaman. Naging tanyag at iginagalang. 

Pero noong mag-retiro, bumalik siya sa kanyang tinubuang bayan dito sa Pilipinas. Sabi niya, dito ako unang pinagpala ng Diyos. Dito sa maliit na baryo namin, dito ko unang naranasan ang kabutihan at katapatan ng Diyos. 

Kaya kapag binalikan mo ang munting Bethlehem ng iyong buhay, makakatagpo mo muli ang Diyos na una mong minahal. 

3. Pangatlo, ang Bethlehem ay lalagyanan ng kadakilaan ng Diyos.  

Madalas ang Diyos ay “nagtatago” at makikita lamang sa kalagayan ng mga munti, at payak na kalagayan ng buhay – tulad ng Bethlehem. Ito ay mahalagang tema sa Ebanghelyo ni San Mateo.  Sa Mateo 25, sinabi ng Panginoong Jesus, “Ako ay nagutom, ako ay nakulong, at walang maisuot…” Parang sinasabi niya, “Ako ay nakatago sa mga maliliit sa lipunan, nakikita ba ninyo ako? Handa ba kayong pumunta kung nasaan ako?” 

Alam ng mga pari at mga dalubhasa sa Jerusalem ang Bethlehem, (limang milya lang ang layo nito), pero hindi sila pumunta doon. Bakit? Dahil hindi sila naniniwala na lilitaw doon ang Dakilang Diyos ng Israel. Para sa mga pari, ang presensya ng Diyos ay nananatili lamang sa Jerusalem. Samantalang si Herodes ay nakatingin lamang sa kanyang sariling karangalan, sa loob ng kanyang palasyo. Pero para sa mga Pantas, sa mga uhaw sa Diyos, sa mga naghahanap sa Diyos na nagkatawang tao, handa silang pumunta sa mahirap at munting bayan ng Bethlehem. At nasaksihan nila doon ang kadakilaan ng Diyos. 

Para sa iba, ang Bethlehem ng kanilang buhay ay ang lugar kung saan nila unang inimbitahan si Jesus sa kanilang puso. 

May iba, na ang kanilang Bethlehem ay lugar kung saan sila tinawag ng Diyos, upang magbago. Upang maglingkod. 

Sa atin pong panalangin, inaanyayahan ko kayo na balikan natin ang lugar na magpapakita sa atin, 

Sa kabutihan, katapatan at kadakilaan ng Diyos. 

Halina sa ating Bethlehem. 

______________________________ 

Sermon 7: Simbang Gabi. December 22, 2023

Mga Handog Para sa Diyos na Nagkatawang Tao 

Mateo 2:9-11

Totoo ba na, hindi kumpleto ang Pasko kung walang regalo?  Ang Pasko ay tungkol sa pag-reregalo ng Diyos ng kanyang sarili, bilang handog sa tao, para ating kaligtasan. 

Ang Pasko sa Pilipinas ay nagsisimula ng Setyembre. Gusto ito ng mga malls at department stores.  Mas marami ang mamimili.  Mas kikita ang mga negosyante. 

Ang dahilan ay, nakasentro ang isip at paningin ng mga tao sa regalo, sa halip na sa Cristo ng Pasko. 

Sa isang birthday party, dahil sa sobrang dami ng handa, agad kumain ang mga bisita, at nakalimutan nilang batiin, ipanalangin at awitan ang may birthday.  Nangyayari rin ito sa birthday celebration ng Panginoong Jesus.  Marami ang hindi nakaka-alala sa Diyos tuwing Pasko. 

Ang mga Pantas, noong nakarating na sila sa Bethlehem, 

1. Nakita nila ang Batang Hari at sinamba nila si Jesus. 

It’s a great thing to honor God on Christmas.  Magpunta po tayo sa church, katagpuin natin ang Panginoon.  Sambahin po natin siya. Para sa mga Pantas, ito ay pambihirang pagkakataon na hindi dapat palampasin. 

Ang salitang ‘Christmas’ ay mula sa dalawang salita. Christ at mass.  Opo, ‘misa o pagsamba para kay Cristo.’  

Kung may pinakadakilang handog na maari nating ipagkaloob sa Diyos, ito ay ang ating pagsamba. 

2. Pangalawa, noong makarating na sila sa Bethlehem, sila ay naghandog ng ginto, kamanyang at mira. 

     Ang ginto ay regalo ng pagkilala sa isang hari. 

May maraming hari, noon at ngayon. Pero iisa ang hari ng kalangitan na bumaba sa lupa.  At ito ay naunawaan ng mga Pantas. Karangalan para sa isang tulad nila ang makapaglingkod sa Panginoon. 

May isang Kristiano na pinagpala ng Panginoon, at ito ay nagkaloob ng malaking halaga sa gawain ng Panginoon. Ang asawa niya ay hindi mananampalataya, at nagreklamo. “Bakit donate ka na ng donate sa church ninyo? Anong mapapala mo diyan?” reklamo ng asawa. 

Sagot ng Kristiano, “Sweetheart, sa Diyos galing ang lahat ng blessings na ating tinatanggap. Ang ating donation ay pasasalamat natin sa Diyos. Kung tutuusin, kulang pa iyan.” 

The Lord is honored when we recognize him as King.  Gawin po nating hari ng ating buhay ang Panginoong Jesus.

Pangalawa, binigyan siya ng kamanyang o insenso. Ito ay regalo sa pari.

Ito ay gamit ng mga pari.  Nang mga taong namamagitan sa Diyos at tao. 

Ayon sa Hebreo 2:17, “Kaya nga, siya ay naging katulad ng kanyang mga kapatid sa lahat ng bagay. Ito ay naganap upang siya ay maging mahabagin at tapat na Kataas-taasang Pari (High Priest) na papawi sa kasalanan ng lahat ng tao.” Ang salitang ‘priest’ ay mula sa Latin an ‘pontifex’, ibig sabihin ay ‘nagtatayo ng tulay’.

Ang Panginoong Jesus ang ating Tagapamagitan sa Diyos. Siyaay gumawa ng daan patungo sa Diyos. Dagdag pa mula sa Hebreo 7:26, 

“Nararapat lamang na magkaroon tayo ng ganitong Punong Pari: banal, walang dungis, hindi mahuhulog sa tukso, hindi nakiki-ayon sa makasalanan, at itinaas sa kataas-taasang kalangitan.’”

Sa pagkilala natin sa Panginoong Jesus bilang saserdote o pari, 

     makakalapit tayo sa Diyos. 

     Magkakamit tayo ng kapatawaran at kaligtasan.

Pangatlo, ang handog na binigay sa Panginoon ay mira. Isang uri ng pabango.

Ito ay pabango sa patay, o pambalsamo sa bangkay. Sanggol pa lamang ang Panginoon ay naroon na sa kanyang kuna ang anino ng krus. Maliit pa lamang siya ay nagbabanta na ang kamatayan. 

Sa sinabi ni Simeon kay Maria, “Ang bata ay magiging punyal sa iyong dibdib.”  Alam ng mga pantas na ang Batang Hari ng Bethlehem ay nabuhay para mamatay na may layunin.  

Ang kanyang kamatayan ay katubusan sa marami

Ang mga regalong handog ay pawang tumutukoy sa pagkilala ng mga Pantas kay Jesus.  

Si Jesus ay Hari, Pari at Manunubos na mag-aalay ng kanyang buhay para sa kaligtasan ng sinumang mananalig sa kanya bilang Anak ng Diyos. 

3. Una, sila ay sumamba. Pangalawa, sila ay naghandog. Pangatlo, sila ay patuloy na sumunod sa paggabay ng Diyos. 

Tatlong bagay ang nagpapatatag sa ating relasyon sa Diyos. Pagsamba, paghahandog at pagsunod. 

Alisin mo ang pagsunod at mawawalan ng kabuluhan ang pagsamba at paghahandog. Gayundin ang kung mawawala ang isa, maging pagsamba, o paghahandog.  Hindi maaring bawasan ang tatlo.

Sinasabi ni San Mateo na ang mga pantas ay marunong makinig sa tuntunin ng Diyos. Ang kanilang matalas na pakikinig ay nagbigay sa kanila ng mas matalas na pag-iisip. 

Pagkatapos nating magsimba at maghandog – pag-labas natin at uuwi na po tayo.  Pero huwag kayong makakalimot na sumunod sa Diyos. 




Lunes, Nobyembre 27, 2023

Simbang Gabi Series 123

 

Simbang Gabi SERIES, May Tatlong sets ng mga Sermons Para sa Simbang Gabi
Mapagpalang Pasko sa Inyong Lahat.

 

Set 1: Ang Diyos Sa Loob ng Sambahayan (10 Sermons)

_____________________________________  

Sermon 1:

Emmanuel: Ang Diyos sa Loob ng Tahanan

Mateo 1:18-25

 

Ang pamilya, ay idea ng Diyos. Sa unang paglikha, agad naisip ng Panginoon ang pamilya. "Hindi mabuti na nag-iisa ang lalaki." Kaya pinagkaloob niya sa lalaki ang katuwang, ang mapapangasawa niya, at ang resulta ay ang pagbuo ng Diyos sa unang pamilya.

 

Kung paanong pinalakas ng pagmamahal ang pamilya, ito naman ay pinahina ng kasalanan. Ito ang sanhi kung bakit nawalay ang mga pamilya sa Diyos.

 

Sa pagkakatawang tao ng Diyos sa pamamagitan ng Panginoong Jesus, sa isang pamilya rin siya unang nakipamuhay.  Nakasalalay kasi sa pamilya ang lakas ng lipunan, at tagumpay ng bawat tao.

 

Ang pamilya ni Jose, Maria at Jesus, ay modelo ng maka-diyos na Pamilya ng mga Kristiano.  Ito ay madalas na hindi inaaral ng mga Protestante. Ngunit naniniwala ako na ito ay mabuting aralin ngayong Pasko 2016.

 

Ang Pamilyang Maka-Diyos ay modelong pamilya na ginawa ng Diyos.

 

Kailangan natin ang isang modelong pamilya upang ating pamarisan. Marami ang mga struggling families sa ating panahon.  At hindi malayo na tayo mismo, ay mayroong problematic family.

 

Ang akala natin, ang nagbibigkis sa mag-asawa ay ang pag-ibig nila sa isa't isa.  Ngunit ang pag-ibig ng tao ay humihina. Ang pag-ibig ng tao ay hindi sasapat upang mapatatag ang pamilya.

 

Ano ang nagpapatibay sa  Pamilya Maka-diyos?

 

1. Pananatili sa Presensya ng Diyos.

 

Sa mga Kristianong tahanan, ang presensya ng Diyos sa loob ng pamilya ang pangunahing nagpapatibay sa relasyong mag-asawa, magkapatid at magulang sa anak. .

 

Sa simula, ang pagdating ng Panginoong Jesus ay nagmukhang "problema" sa mag-asawang Jose at Maria.  Bago pa sila ikasal, nakitang buntis na si Maria, at maaga pa, inisip na ni Jose na hiwalayan si Maria. Ang pagkabuntis ni Maria ay isang eskandalosong usapin.  Ngunit ito ay nalampasan ng pamilyang maka-diyos.

Paano? Sa patuloy ng kwento kasi ng  Pamilyang maka-diyos, yung inakala nilang "presensya ng problema" ito pala ay "presensya ng Diyos"! Kaya kapag may problema po tayo sa pamilya, do not magnify your problem. Instead, let us magnify GOD. Laging ang presensya ng Diyos ang solusyon sa ating problema.

 

2. Pagtupad sa Layunin ng Diyos.

 

Pangalawang makikita nating dahilan kung bakit matibay ang pamilya nina Jose at Maria, ay ang malinaw na pagkaunawa nila sa "layunin ng Diyos" para sa kanilang buhay pamilya.

 

May halimbawa akong kwento: naghiwalay na mag-asawang pastor at si Misis.  Sabi kasi ni Misis, "Ikaw lang ang tinawag ng Diyos upang maglingkod, ako hindi!" Hindi sila nagkakasundo kung pareho nga silang tinawag upang maglingkod sa Diyos.  Ayun, naghiwalay tuloy.

 

Nilinaw ng angel kay Maria at Jose na may malaking bagay na nais mangyari ang Diyos sa kanilang itatayong pamilya.  Sila ay parehong gagamitin ng Diyos na instrumento para sa kaligtasan ng sanlibutan.

 

Ang mababaw na dahilan ng iba sa pag-aasawa ay para masunod  ang layaw ng laman, para sa sariling kaligayahan o kasama ang minamahal upang magpayaman. Ngunit higit pa rito ang layunin ng Diyos para sa Sagradong Pamilya. Alamin po natin ang banal na layunin ng Diyos sa ating pamilya.

 

3. Pagsunod sa Paraan ng Diyos.

 

Ang pangatlong nagpapatibay sa Kristianong pamilya ay ang pagsunod sa pamamaraan ng Diyos. Ang mag-asawang Kristiano ay nakatalaga sa Diyos (Godly Committment on Marriage). Dito, ang tungkuling mag-asawa ay "tungkulin sa Diyos", sa halip na 'tungkulin lamang sa isa't isa' o sa mga anak.'

 

Ang Kristianong pamilya ay sumusunod sa mga pamamaraan ng Diyos. Kung paano pinamamahalaan ang Pamilya Sagrada, ay sa pamamagitan ng paggabay ng Diyos. Nagungusap ang Diyos sa kanila, at sinusunod naman nila ang Panginoon.

 

Panalangin Para sa Pamilya

 

May mga pamilyang babad sa problema. Idalangin natin sila.

Maaring nandito kayo upang mailigtas ang inyong pamilya mula sa pagkawasak...

Matutulungan po kayo ng Diyos-

Nais natin ilapit sa Panginoon ang bawat pamilya ---manalangin po tayo.

 

(Note to Pastors- maaring mag dedicate ng symbolic family picture ang bawat pamilya sa church at ihandog ang mga ito sa altar)

 

___________________________ 

 

Sermon 2:  Parangal sa Mga Ina

Lucas 1:26-38;  2:4-7

 

Ang pagiging ina ay napakalaking tungkulin.  Ang iba sa atin ay mga ina, ngunit lahat tayo pinanganak at pinalaki ng ating mga ina.

 

Kasabihan ng mga Judio ang ganito, “God can not be anywhere so he made the mothers.”   Ang ina ang nagsisilbing presensya ng Diyos na kumakalinga sa kanilang mga anak.

 

Si Maria

 

Siya ay isang birhen - maaring 14 taong gulang o mas bata pa. Ito ang karaniwang edad ng mga nag-aasawa sa panahon na iyon. Siya ay wala pang karanasan sa lalaki, bagamat naipangakong magiging asawa siya ni Jose.

 

Ngayong alam na natin kung ano ang kanyang posibleng edad at kalagayan sa buhay, kaya na nga ba niyang maging ina? Sa pananaw ng Panginoon, handa na siya. At siya ang karapat-dapat na babae upang maging ina ng Panginoong  Jesus.

 

1. Ang pagiging ina ay isang pagtawag ng Diyos.

(Motherhood is a high calling from God.)

 

Si Maria ay tinawag ng Diyos upang maging lalagyanan (vessel) ng ating Panginoong Jesus.

At gayundin, ang bawat ina ay may mataas na pagkatawag mula sa Diyos.

 

Young women, prepare yourselves for this high calling. huwag kayong magmamadali sa pag-asawa.

 

Your being a women is sacred.  Pahalagahan po ninyo ang inyong pagka babae, tulad ng pagpapahalaga ng Diyos sa inyong pagka-babae.

 

 

2. Kinalugdan siya ng Diyos.

 

Ang Ebanghelyo ni Lucas ay kapansin-pansing may pagpapahalaga sa mga babae. At sinumulan niya ito sa paglalarawan kay Maria na isang babaeng itinaas ng Diyos, upang maging ina ng Tagapagligtas.

 

Pagmasdan din natin ang kalagayan ng mga babae sa ating panahon. Marami ang ibinebentang babae. Mga larawan ng mga babae sa billboard, patalastas at ano pa. Si Maria ay larawan ng mga babae, na itinataas ng Diyos (Hail Mary full of grace, the Lord is with you.)

 

3. Ang Kasabikan ng Diyos sa Matamis Nating “Oo”

 

This applies to all Christians.  Umaasam ang Panginoon ng ating pagtango sa kanyang panawagan upang magamit niya ang ating mga buhay.

 

At First, this came as a Mary’s Surprise

 

Sa unang dating ng balita, nabigla si Maria at nagulumihanan.  Wala siyang idea kung paano ito mangyayari. Totoo na ang anyaya ng Diyos ay mukhang mahirap kung hindi man imposible.

 

(Illustration)

 

Si Henry Martyn, ay isang distinguished scholar mula sa Cambridge University. Sa edad na 20 taon siya ay may mataas ng naabot sa larangan ng mathematics. Siya ay biniyayaan ng pambihirang talino. Siya tumanggap ng pinakamataas na pagkilala sa larangan ng matematika sa panahon ng kanyang kabataan.

Gayunman, hindi siya naging masaya dahil sa mga naabot niya. Naramdaman niyang may kulang pa sa kanyang buhay. Naghanap siya ng higit na kahulugan ng buhay.

 

Pagkatapos niyang aralin ang layunin ng kanyang buhay, si Henry Martyn ay nagtungo sa India bilang isang missionary sa edad na 24 taon. Sa kanyang pagdating sa kanyang misyon, siya ay nanalangin ng ganito "Lord, let me burn out for You."

 

Ang mga sumunod na 7 taon ng kanyang buhay bago siya pumanaw, naisalin niya sa tatlong (3) mahihirap na wikang Asiano ang Biblia. Sa ganitong paraan naging makabuluhan ang kanyang buhay, bagamat maikli lamang ang kanyang pananatili sa mundo.

 

Ang kahulugan ng buhay para sa bawat tunay na Kristiano ay nasa pagsunod sa yapak ni Jesu-Cristo. Tayong lahat ay kabahagi sa gawain ng Panginoon na palaganapin ang Salita ng Diyos

 

Then It Resulted into Mary’s Surrender

 

Nasasaad sa Luke 1:38 ang sinabi Maria,  "I am the Lord's servant," Mary answered. "May it be to me as you have said."

 

Ang buhay niya ay isinuko niya sa Panginoon.

 

Ang pagsukong ito ni Maria sa panawagan ng Diyos ay mahalaga para sa atin. Kung kaya sa lahat ng mga Kristiano, si Maria na ina ng Panginoon Jesus ay tinuturing na "pinaka mapalad sa lahat".

 

Ang pagsambang ito ay pasasalamat sa Diyos sa buhay ng bawat ina, na tumanggap sa tawag ng Diyos.

 

Then Salvation Came into the World, Because the Savior was Born from a Woman's Womb

 

Mula sa sinapupunan ni Maria, ipinanganak ang Tagapagligtas.

Mula sa sinapupunan ng mga ina, pinanganak tayong lahat.

Salamat sa mga ina, sa kanilang mga sakrispisyo. sa pagpapagamit nila sa Diyos.

 

PALAPITIN ANG MGA INA SA ALTAR UPANG SILA AY IPANALANGIN.

 

 

______________________

 

Sermon 3: Pagpaparangal sa Mga Ama

Mateo 1: 18-20; 2:13-14

 

Nasaan ba ang mga kalalakihang Metodista? Nasaan ba ang mga ulirang Metodistang AMA??

 

Idalangin natin na magtindig ng mga tunay na lalaking Kristiano ang Diyos sa ating mga tahanan! Pwede po ba kayong sumigaw ng "Amen!"

 

Nawa’y sasangayon kayo sa sasabihin ko.

 

1. Ang tunay na lalaking Kristiano, hindi lasenggo!

2. Ang tunay na lalaking Kristiano, tapat sa asawa!

3. Ang tunay na lalaking Kristiano, nananalangin! Nagbabasa ng Biblia!

 

Kailangan natin ang mga Kristianong kalalakihan.  Nagtuturo ang isang youth leader sa kanyang Care Group, sabi niya, "Ngayong tinanggap na natin ang Panginoong Jesus bilang Tagapagligtas, huwag na tayong magbibisyo."

 

Nagtanong yung isang member ng grupo, "Kuya bakit yung mga UMM, naglalasing gabi-gabi?" Toinks!  Patay tayo diyan pastor....

 

Sa mensahe ngayon, matutunghayan natin si Jose, bilang modelong ama, at mabuting asawang lalaki sa Kristianong Pamilya.

 

Siya ay isang taong matuwid.

 

Ito ang turing sa kanya ng Biblia. Ito ang tingin sa kanya ng Diyos.

Nagtanong ako sa Panginoon, "Lord, matuwid ba ako sa tingin mo?"

 

Malinaw ang sagot sa akin, "HINDE!" Marami talaga akong ginawang mali. Hindi po ako pasado, bagsak ako, tulad ng maraming ama.

 

Pero si Jose, na napangasawa ni Maria ay pasado sa Diyos.  What made him righteous before  God?

 

Tandaan: Inisip niya sa una, na nadaya siya ng kanyang mapapangasawa. Buntis na agad si Maria bago pa sila nagsiping.

 

Ang pag-aasawa noon ay hawig sa ating kulturang Pinoy.

 

Unang Hakbang sa Pag-aasawa Noon.

 

Mayroon munang usapan ng magiging magkabalae (pamamalae) o Engagement.  Magkakasundo muna ang mga magulang ng mga pamilya. Pero sa mga Judio noon, sa unang hakbang pa lamang, ituturing na silang mag-asawa.  Pero kadalasan, yung babae mananatili muna sa tahanan ng kanyang magulang ng isang taon.

 

Pangalawang Hakbang sa Pag-aasawa Noon.

 

Kasalan na ito. Magsasama na ang dalawa at iiwan nila ang dating pamilya.

 

Ayon sa Biblia, sina Jose at Maria ay engaged na, pero hindi sila nagsiping. Ngunit nadiskubre ni Jose na buntis si Maria.

 

Sa puntong ito, tinawag ng Biblia na matuwid si Jose. Paano?

 

1. Binalak niyang hiwalayan si Maria ng tahimik.

 

Naghanap siya ng katarungan, ngunit ayaw niyang mapahiya o maparusahan si Maria. It is a clear justice with compassion. Ipatutupad niya ang batas, pero hindi niya hahayaang mapahiya si Maria.

 

Without compassion, pwede niyang ipapatay si Maria ayon sa Deut:21-22.

 

Ang ibig sabihin ng "hiwalayan ng tahimik" ay maaring paggamit sa mga dahilan ng paghihiwalay na mababasa sa Bilang 5:11-15.

 

2. Nakikinig siya sa Diyos.

 

Nakaramdam siya ng sakit ng kalooban, dahil buntis si Maria at hindi siya ang ama.  Ngunit nangibabaw ang kalooban ng Diyos kaysa sariling damdamin.  Ang ganitong tatag sa pagsubok ay magagawa lamang ng isang taong nakikinig sa Diyos.

 

3. Tumatalima siya sa mga utos ng Panginoon.

 

Pagkarinig sa layunin ng Diyos kung bakit nangyari ang pagkabuntis ni Maria, tumalima si Jose sa kalooban ng Panginoon.  Mas madaling sundin ang sarili niyang damdamin sa  tagpong ito.  Madali ang magalit kung alam mong tama ang iyong akala. Ngunit pinili niya ang kalooban ng Diyos. Ang ginawang ito ni Jose ay pagtalikod sa sarili, upang sumunod sa Panginoon.

 

Pagpaparangal sa Mga Ama

 

Tawagin ang mga Ama, na lumapit sa altar upang sila ay ipanalangin.

 

_________________________ 

 

Sermon 4: Pagbibigay Parangal sa mga Naglilingkod sa Iglesia

Lucas 1:5-13

 

Ang panalangin ay mahalagang sangkap ng pagiging Kristiano. Kung ang pagbabasa ng Biblia ay maituturing na pagkain ng ating kaluluwa, ang panalangin ay ang paghinga nito.

 

Pero minsan sa ating mga pastor at mga deaconesa (pari na tulad ni Zacarias) maaring ito ay parang trabaho lang. Maliban sa pangangaral, kaming mga manggagawa ay tiga-panalangin ng ibang tao.

 

Ngunit, nang mabunot ang pangalan ni Zacarias para manalangin para sa buong Israel, hindi siya nanalangin para sa bansa niya. Nanalangin siya para sa sarili niyang asawa, para sa kagustuhan nilang magka-anak. May pagkakataon na tayong mga pastor at deakonesa at lugmok sa problema ng ating sariling pamilya. Mayroon din tayong sitwasyon na minsan hindi na natin sinasabi sa ating mga miembro. May kalungkutan na ating sinasarili. Tulad ni Zacarias, dahil wala siyang anak - nanalangin siya  upang hilinging pagkalooban siya ng supling.

 

1. Panalangin para sa sariling pamilya.

Minsan habang ipinapanalangin namin kayong mga miembro o ang maraming tao - naiisip ko kung sino ang mananalangin para sa aming mga pastor at mga  deakonesa, at para sa aming pamilya. Siguro, dapat nga naming ipanalangin ang aming sariling pamilya tulad ng ginawa ni Zacarias.

 

Wika ng angel “Narinig ng Diyos ang iyong panalangin, magkakaroon ka ng anak."

 

Pero kailangan po namin ang inyong suporta sa panalangin. Salamat po inyo na mapagmahal sa mga manggagawa. Higit sa mga regalo at kaloob na inyong bigay, nais ko pa pong hilingin na huwag ninyo kaming kalilimutan sa inyong panalangin.

May panahon na mahina kami. May panahon na inaatake kami ng problema sa pamilya. Ipanalangin po ninyo kaming manggagawa ninyo.

 

2. Ang panalangin ay mabisa.

Mabisa ang panalangin dahil ang Diyos ang hinaanyayahan nating kumilos sa halip na tayo lang ang kikilos. Higit na may magagawa ang Diyos, kung ikukumpara sa magagawa ng tao  lamang.

 

Matanda na si Zacarias, at baog si Elizabeth. Sa panalangin, kumikilos ang Diyos para tumugon. At kapag kumikilos ang Diyos, ang imposible ay nagiging posible.

 

Ang Panalangin ni Zacarias

 

Alam niyang matanda na sila. Alam niyang imposible ang kanyang hinihiling. Subalit patuloy pa rin siyang nanalangin. Marami sa atin ang madaling tumigil sa pananalangin kapag nakita natin na imposible ang ating hinihiling. Marami rin ang sumusuko sa pagdulog sa Diyos, kapag hindi agad-agad pinagkakaloob ng Diyos ang katugunan. Nanalangin si Zacarias at dininig siya ng Diyos, kahit imposible ang kanyang kahilingan.

 

3. Ang panalangin ay mabisa kapag ito ay sumusunod sa plano ng Diyos.

 

Ang kapanganakan ni Juan Bautista ay  plano ng Diyos. Hindi ito kagustuhan lamang ni Zacarias. Nangyayari ang katugunan sa panalangin kapag ito ay ayon sa plano ng Panginoon. Hindi sumusunod ang Diyos sa kalooban ng tao.  Ang sinusunod ng Diyos ay ang tanging kalooban niya. Sinasabi ng Biblia na matuwid na tao si Zacarias. At ang mga matuwid  na tao ay sumusunod sa kalooban ng Diyos at hindi lamang sa kanilang sariling hangarin.

 

Bakit hindi mo subukang manalangin para matupad ang kalooban ng Diyos. Halimbawa, kalooban ng Diyos na maitatag ang mga iglesia. Kalooban ng Diyos na mapaganda natin ang mga simbahan. Kung walang pera, bakit hindi tayo humingi sa Diyos at marubdob na manalangin?

 

Ginagawa ng Diyos ang kanyang kalooban kahit mahirap ito sa paningin ng tao. Kalooban ng Diyos na magtagumpay tayo sa misyon at ebanghelismo! Hindi nagtatagumpay ang iglesia kapag, puro ito fellowship at maintenance ang mga activities. Ngunit kapag ginagawa ng iglesia ang kanyang misyon, Diyos ang mismong nagpupuno sa pangangailangan.

 

Kaya pagbulayan po natin, kapag tayo ay naghihirap bilang isang iglesia, tanungin natin ang ating sarili: "Ginagawa ba natin ang kalooban ng Diyos?" Isang iglesia ang nagdaraop. Mayayaman ang mga miembro, at hindi sila nag-iikapu. Tinitipid nila ang Diyos. Nanalangin sila na pagpalain ng Diyos ang kanilang iglesia, at sa palagay ninyo...tutugon ba ang Panginoon? Sa palagay ko po-HINDI! Ang paraan ng Diyos upang pagpalain ang kanilang iglesia ay ginawa na ng Diyos.

Nasa kanila na ang katugunan sa kanilang panalangin, subalit hindi sila sumusunod sa nais ng Panginoon.

 

4. May kahilingan ka ba sa Panginoon?

 

Una, alamin mo muna kung ito ay ayon sa kalooban ng Panginoon. Huwag mong uutusan ang Diyos. Ikaw ang sumunod sa kanyang kalooban.

 

Pangalawa, kulitin mo ang Ama, upang mangyari ang kanyang kalooban para sa iyong sambahayan (na iyong hinihiling).

 

Pangatlo, hanapin mo ang solusyon, at maghintay kung kinakailangan sa Kanyang panahon. Tignan mo palagi na baka, tumugon na ang Panginoon. Hindi nahuhuli sa pagtugon ang Diyos sa panalangin. lagi siyang "on time".

 

Maraming tao ang bigo sa panalangin dahil akala nila, maaring utusan ang Diyos.

 

Ang panalangin ay paghahanap ng kalooban ng Diyos para sa atin. Hindi ito pagpaparating ng ating kalooban upang sumunod ang Diyos. Hindi natin maaring mapasunod ang Diyos sa gusto natin.

 

Maging mapanalangin po tayo.  Idalangin po ninyo kaming mga manggagawa. Hanapin natin ang kalooban ng Diyos para sa ating sambahayan at buong puso tayong sumunod sa Diyos.

 

PAGPAPARANGAL SA MGA NAGLILINGKOD SA IGLESIA

 

Maaring isa sa mga laiko ang mananalangin para sa mga lingkod ng Panginoon sa iglesia.

 

Kailangan ng mga pastor ang panalangin ng iglesia. Ito ang magandang pagkakataon upang pagpalain sila ng kapulungan.

 

______________________________ 

 

Sermon 5: Pagbibigay Pugay sa Iglesia, Bilang Pamilya ng Diyos

Lucas 1:46-55

 

Ang mga gawain sa iglesia ay gawaing pampamilya.

Minsan, ang umaawit ay isang clan o pamilya.

Ang mga nagkakaloob ng mga bulaklak ay pampamilya.

 

Ang ating iglesia ay iglesia na nagsusulong sa ministeryo ng pamilya, dahil tayo ay PAMILYA NG DIYOS.

 

Dahil tayo po ay tahanan ng Diyos, dapat ding makita makita sa ating sariling pamilya ang pagiging maka-diyos. Dapat HALATA ang ating pagiging Kristianong pamilya. Our home family must be an extension of our church family - since we belong to God's family.

 

Dapat makita sa atin ang pag-unlad sa pamumuhay espiritual.

 

at hangarin din ng Diyos natin na umunlad ang ating kabuhayan. Hindi naman po lingid sa atin na marami ang mahirap ang kabuhayan sa atin. Yung sakto lang sa araw-araw.  Naglakas ako ng loob na tanungin kayo, kasi- naniniwala ako na ang Diyos ay interesado sa ating kalagayan sa buhay.

 

Kalooban ng Panginoon na umunlad tayo sa buhay espiritual.

Kalooban din ng Diyos na umangat ang ating kabuhayan.

May malasakit ang Diyos sa ating pamilya.

May kinalaman ang Diyos sa ating kinabubuhay.

 

Ang Awit ni Maria, Awit ng Kristianong Pamilya

 

Ang awiting ito ay naglalarawan ng kalagayan ng mga pamilya noon (ng mga unang Kristiano) na inilarawan sa awitin ni ni Maria, ang Magnificat.

 

Ngunit ito rin ay himnong Kristiano noong unang siglo. Nilalarawan nito ang kalagayan at pag-asa ng mga Kristiano noon.

 

Ang unang iglesia ay nagsimula bilang mga munting iglesia sa tahanan ng mga pamilyang Kristiano.

 

Pagmasdan halimbawa ang pmga pagbati ni Apostol Pablo na mababasa sa Roma 16.

 

Pagbati sa iglesia sa tahanan ni Junia, Equila...sila ay mga grupong Kristiano, sa mga bahay ng mga church leaders. Ito ay bago nagkaroon ng mga gusaling simbahan.

 

Sila ay nagtuturingan bilang pamilya ng Diyos.   Nagtatawagan sila bilang magkakapatid sa Panginoon.  Natural sa kanila ang mahalin ang isa’t isa. 

 

Kahit sa ating panahon, ang iglesia ay nagiging mahina kapag nawala na ang diwa ng pagiging pamilya sa Diyos.  Madaling mahati ang iglesia na walang pag-ibig.

 

Aralin natin ang mga ito ang mga katangian ng pamilya ng Diyos na tinatawag na iglesia;

 

1. A Worshiping Family

 

Sila ay pamilyang sumasamba sa Panginoon, ayon sa v. 47.

Dapat itong bigyang diin dahil interesado ang Panginoong Jesus sa ating iglesia bilang pamilya ng Diyos. Alam ninyo, yung pamilya natin sa laman, yung blood and marital relations natin ay hindi magpapatuloy sa langit.  Sabi ng Panginoong Jesus, yung family relations natin sa iglesia ang siyang mananatili sa kaharian ng Diyos.

 

 “Sino ang aking ina, at kapatid?” tanong ng Panginoon. “Sila na tumutupad sa kalooban ng aking Ama.”  Sila yung tunay na pamilya ng Diyos.  Hindi natin sinasabi na dapat nating pabayaan ang ating pamilya sa laman.  Ang sinasabi ng Panginoon, ay dapat nating mahalin ang ating kapwa miembro, dahil ang ating relasyon sa iglesia ay mananatili hanggang sa kabilang buhay.

 

Kaya sabihin ninyo sa mga anak ninyo, kapatid ninyo, asawa ninyo, MAGSIMBA TAYO SA PANGINOON.  Dahil pamilya tayo ng Diyos.

 

Behold what manner of love the Fathr has given unto us.  That we shall be called the children of God! Pamilya po tayo ng Panginoon.

 

2. A Faithful Family

 

Pangalawang katangian nila, “Nagtitiwala sila sa katapatan ng Diyos, at itinuturing nila ang sarili na mapalad, (v.48).

 

Ang mga unang Kristiano ay nakaranas ng paghihirap at kamatayan. Ngunit nanatili silang nagtitiwala sa Diyos at kumikilala sa sarili nila bilang mga pinagpala.

 

Pwede bang sabihin mo sa sarili mo, “I am blessed!”  Hindi ka malas.  Hindi ka biktima.  Hindi pangit ang buhay mo.  At hindi ka rin pangit. Magtiwala ka sa Diyos. Kayang ayusin ng Diyos ang anumang problema ng pamilya mo.

 

We as God's family, we are supposed to look at ourselves as GOD'S FAVORITES!  Tama po iyon, paborito tayo ng Diyos.  And God will surely bless us, because our is faithful.

 

It is just proper therefore, for us to be faithful to God.  Our faithfulness is our proper response to the faithfulness of God.

 

Kaya sabihin ninyo sa mga anak ninyo, kapatid ninyo, asawa ninyo, MAGING TAPAT TAYO SA PANGINOON.  Dahil pamilya tayo ng Diyos.

 

3. A Hoping Family

 

Kaya,  umaasa sila ng mabuting bagay na gagawin ng Diyos sa kanilang mga buhay.  They live in this kind of “hopeful expectation”.   Parang mga bata sila na umaasa na kapag dumating na si daddy, may dala siyang pasalubong. Naniniwala sila na tutulungan sila ng Diyos.  Umaasa sila na ibabangon ng Diyos ang Israel.

 

Minsang sinabi ni John Wesley, “Kapag naging Kristiano ang isang tao, gaganda ang kanyang buhay.”  Pagkakatiwalaan kasi siya dahil sa kanyang katapatan.   Uunlad siya dahil sa kanyang pagiging anak ng Diyos, talino at kasipagan. Ang Kristiano, may pag-asa, dahil umaasa siya na tutulungan siya at ibabangon ng Diyos.

 

Ang mga Kristiano noong unang siglo ay mga dating mahihirap tulad ni Onesimo. Mababasa sa Sulat ni Pedro, na marami sa kanila ay mga alipin (1 Pedro 2:18).

 

Ngunit mababasa sa awitin, na umaasa silang “itataas sila ng Diyos ang mga aba”!

 

Kumusta po ang pamilya ninyo? Let us take this moment to minister to our  church as a family.

May hindi ba nag-uusap dito sa loob ng church?   Huwag naman ninyong palalampasin ang Pasko na hindi kayo nagpapatawaran.

 

May problema ba tayo na dapat ipanalangin?

Kayang ayusin ng Diyos ang anumang problema ng pamilya mo. Let us pray for our church family.

 

_________________________________

 

Sermon 6:

Benedictus: Pagpapala ng Mga Magulang sa Kanilang Mga Anak

Lucas 1:67-79

 

Ang awiting ito na tinatawag na Benedictus, ay pagpapala ng isang ama sa kanyang anak, ni Zacharias sa kanyang anak na si Juan Bautista.  Sa kapanganakan pa lamang ng bata, nakita na ni Zacharias ang nais gawin ng Diyos sa kanyang anak.

 

Ang mga anak natin ay nakatingin sa atin bilang kanilang mga modelo, mga inspirasyon at mga gabay. Umaasa sila sa atin na iiangatan natin sila at aarugain, mamahalin at gagabayan hanggan sa kanilang paglaki.

 

May narinig na ba kayong isang ama, na nagsabi ng ganito sa anak niya - "Wala ka talagang kinabukasan! Tamad, bobo....!”

 

Sa ating pamilyang Kristiano, nakasalalay ang tagumpay ng layunin ng Diyos para sa sanlibutan at sa mga lipunan.  Ang magiging uri ng buhay ng ating mga anak ang siyang magiging buhay ng ating lipunan.

 

We are called and tasked by God to prepare our kids towards the future through family. We create societies within our families.

 

Ano nga bang klaseng tao ang hinuhubog ng pamilyang Kristiano?

 

Bilang mga ama, at mga ina, tungkulin nating pangunahan ang ating mga anak sa tama.  Nasa ating kamay ang paglinang sa kanilang mga ugali at kaisipan.  Tayo ang magpapakilala sa Diyos sa ating mga anak.

 

1. Tayong mga magulang ang mga propeta ng ating mga anak.

 

Kung kaya, bilang Kristianong magulang, paano mo ba nakikita ang ginagawa ng Diyos sa buhay ng iyong mga anak?  Maaga pa, nakita na ni Zacharias ang malaking gagawin ng Diyos kay Juan Bautista.

 

Bilang magulang, hindi natin hawak ang bukas ng ating mga anak. Ngunit  tayo ang huhubog at maghahanda sa ating anak para sa kanyang kinabukasan.  Paano natin ito gagawin?

 

a. Let us declare positive things to our children. 

 

Sa halip na pabaunan sila ng mga salitang sisira ng kanilang kalooban, at pagkatao, bakit hindi natin bigyan ng inspirasyon ang ating mga anak?

 

Pinangalanan ni Zacharias ang anak niya bilang John, ang ibig sabihin, “God is gracious”.  Na para bang sinasabi niya, “Ang anak ko ay biyaya ng Diyos.” o “Anak, regalo ka ng Diyos sa ating pamilya.” “Mapalad kami na ikaw ay naging anak namin.”

 

b. Let us be an example for them.

 

2.  Pangalawa, may tungkulin tayong gabayan ang ating mga anak upang matamo nila ang plano ng Diyos. Ipinagkaloob ng Diyos ang ating mga anak upang maging mabuting bukas para sa kinabukasan ng ating sambahayan.

 

__________________ 

 

Sermon 7:

Pagbalik Tanaw sa Ating Minanang Pananampalataya

Mateo 1:1-17

 

Napag-aralan na ba ninyo ang inyong family background?

Kung sino ang inyong mga ninuno sa pamilya?

Kung paano kayo naging Metodista?  Dahil sa lolo at lola ninyo?

 

Sa tahanan man o sa iglesia, mayroong nauna sa atin na nag-iwan ng mga pamana, lalo sa pananampalataya.  May mga magulang tayo na nagtayo ng ating iglesia, at ngayon tayo ang umaani ng kanilang mga sakripisyo at pagpapagal.

 

Sa ating pagsamba ngayon, subukan nating alalahanin ang mga ninuno ng ating pananampalataya.

Pauna ko lang po, ang ating mga ninuno sa iglesia ay hindi mga perfectong tao.  Sa kanilang pagiging karaniwan, sila ay nagpagamit sa Diyos.

 

Sa talaan ng mga ninuno ni Jesus may makikita tayong listahan ng mga babae,  apat na babae na naging lola ng Panginoon.

 

Ang bawat tao ay hindi maaring pumili ng kanyang magulang, bago tayo ipinanganak. Tanging ang Panginoong Jesus lamang ang ipinanganak na maaring pumili ng pamilyang kanyang kabibilangan. Hindi tayo ang maaring pumili ng ating pamilya.

 

1. Ang Halimbawa ni Tamar

 

Ang unang lola ni Jesus ayon sa talaan ay si  Lola Tamar, na ina ni Fares at Zara, at ang ama nila ay si Judah. Si Tamar ay manugang ni Judah. Nagka-anak ang biyenan sa manugang.

 

May mga sekreto minsan sa mga pamilya na nais sanang pagtakpan na lamang at kalimutan. Ngunit ang talaan sa Mateo 1 ay ang mismong naglantad ng ganitong katotohanan tungkol sa salinlahi ng Panginoon.  Sa kwentong ito, inaanyayahan ko kayo na tignan ang kwentong ito ng pananampalataya.

 

a. Pinaglaban ni Tamar ang kanyang karapatan bilang bahagi ng pamilya.

 

Kahit sa iglesia, may mga pangyayari na masalimuot, tulad ng pagtatanggol ng mga miembro ng kanilang karapatan bilang bahagi ng pamilya ng Diyos. Mapapanatili natin ang tatag ng pamilya ng Diyos sa pamamagitan ng pagtatanggol at paglingap lalo sa mga balo.

 

b. Bigyang pansin ang mga mahihirap.

 

Sa kwento ng Lumang Tipan, si Tamar ay pinabayaan ng kanyang biyenan.  Ang babaeng balo at nag-iisa sa panahon na iyon ay napakahirap.

 

Siya ay itinapon ng kanyang biyenan.  Siya ay pinabayaan.

 

Mga kapatid sa Panginoon, may paalala ng Biblia sa atin: huwag nating pababayaan ang mga mahihirap sa iglesia, lalo ang mga balo.

 

2. Halimbawa ni Rahab.

 

Si Lola Rahab ang susunod na binanggit. Si Rahab ay isang dating prostitute. May isang pastor na bumisita sa isang pamilya na hindi nagsisimba. Wika ng nanay ng pamilya, "Pastor, hindi po kami nagsisimba. Baka po kasi masunog kami kung kami ay papasok sa simbahan."

"Bakit naman po?", tanong ng pastor.

"Pastor, pang gabi po kami sa trabaho."

"Dancer po ang aking anak, at ako naman po ay nag-papa table."

 

Nang marinig ito ng pastor, ibinahagi niya ang pagmamahal ng Diyos sa mag-ina. Tumanggap ang pamilya sa Panginoon, at mula noon sila ay naging dancers  na at singers sa iglesia ng Panginoon.

 

Si Rahab ay dating masamang babae. Siya ay lola ni Jesus.

 

Sa loob ng pamilya ng Diyos, may mga "dating" makasalanan.  Sa totoo lang, lalo tayo ay "dating" makasalanan.  Lahat tayo ay may pangit na nakalipas.

 

a. Sa iglesia, ang mga Rahab ay naghahanap ng pagtanggap.

b. Humihingi sila ng pagpapatawad ng Diyos, at humingi rin sila ng ating pagpapatawad.

c. Huwag natin silang ilulugmok sa kanilang pangit na nakalipas.

d, Huwag natin silang hahatulan, dahil pinatawad na sila ng Diyos.

 

Dahil totoo ang pagliligtas ng Diyos, tungkulin natin ang tulungan silang magsisi, magbago at makaranas ng ganap na pagliligtas ng Diyos mula sa kasalanan.

 

 

3. Ang Kwento ni Ruth

 

Si Ruth na nanay ni Jesse, na ama ni Haring David ay naging asawa ni Boaz, dahil isang gabi, ayon sa payo ni Naomi, natulog si Ruth sa tulugan ni Boaz, upang magustuhan siya ng lalaki.  Palay na lumapit sa manok. At tinuka naman ng manok ang palay.

 

Masasabi ko na nakakatawa ang istoryang ito.

 

It is a very good love story.

 

Our church is full of people who fell in love.  Kahit na yung mga ninuno natin sa iglesia.

 

Mga dating UMYF na nagkita sa Christmas Institute, pag-uwi ng December 30, NAGTANAN!!

Yung lalaki ngayo ay pastor, at yung babae ay deaconesa. O say mo? Ah ahahah!

 

Yung mga kalalakihan dito na noong UMYAF days, lagi sa prayer meeting.  Yun pala, yung crush niya nandoon, kaya ayaw niyang mag-absent sa choir, sa fellowship, sa worship.  Hindi pala nakikinig kay pastor, sa crush pala nakikipag kwento! Ayun, lima na ang mga anak at pito na ang apo.

 

It is a simple story of falling in love, under God's direction, Ruth and Boaz became the ancestors of David, of the great Kings and even the King of Kings.

 

4. Ang Kwento ni Bathsheba.

 

At siyempre, nabanggit din ang ina ni Solomon, si Bathsheba na (dating asawa ni Urias). Si David ay naakit kay Bathsheba habang ang babae ay naliligo. Pinatawag siya ng hari at sinipingan. Nagka-anak sila sa pagkakasala. Pinapatay ni David si Urias na asawa ng babae upang lubusan niyang maangkin si Bathsheba.

 

Maaring sasabihin ninyo, "Sana binura na lang ang istoryang ito sa Bible."

Teka sandali mga kapatid...

 

God's grace is bigger than our sins. This story is a story of how good God is to people who failed to be good. Maraming tao ang mapang-usga, pero ang Diyos, siya ay maawain sa mga nagkasala.

 

Conclusion:

 

Pero bakit sila ang pinili ng Panginoon upang maging lola niya sa pagkakatawang tao?

 

Si Jesus ay ipinanganak sa isang angkan ng mga tao. At dahil sa pagdating ng Panginoon sa sambahayan ng mga makasalanan, napatunayan na siya nga ang Tagapagligtas ng mga makasalanan.

 

Ang tanging makapagliligtas sa kasalanan ng tao ay si Jesus. Wika niya, "Dumating ako para sa mga makasalanan at hindi para sa mga matuwid." Maraming kasalanan ang nagaganap ngayon lalo sa loob ng pamilya.  Dapat sana, ang pamilya ay maging lugar ng kapayapaan. Subalit sa loob pa ng pamilya nangyayari ang maraming kalupitan gawa ng kasalanan.

 

Ngayong pasko, maraming pamilya ang may reunions.  Maraming pamilya ang nangangailangan ng pagpapatawad ng Diyos. Maraming pamilya ang  nangangailangan ng pagliligtas ng Diyos.

 

At kahit na sa loob ng iglesia, nagliligtas pa rin at nagpapatawad ang Diyos.

 

Alalahanin natin ang mga ninuno ng ating pananampalataya.  Pasalamatan natin ang Diyos sa mga lolo at lola na nagpamana ng kanilang karanasan at pananampalataya sa Diyos.

 

_________________________________ 

 

Sermon 8: Parangal sa mga Matatandang Kalalakihan

Lucas 2: 25-33

 

Mayroong isang matanda sa Iglesia sa Sunrise UMC, na kamakailan lang pumanaw. Siya si Apung Mading Manasala.  Tuwing pupunta kami doon, maaga pa ay naghihintay na siya sa daungan ng bangka.

 

Siya yung sumasalubong sa amin sa sakayan ng bangka.   Matanda na siya.  Sa offering, siya yung pinaka huli, dahil mahina na siyang lumakad. Pero hindi magiging kumpleto ang paghahandog, kung hindi pa siya tapos. Hihintayin at hihintayin namin siyang makapag kaloob.

 

Noong nakaraang Linggo, inilibing si Apung Mading.

Nasa Panginoon sa siya noon pa mang buhay siya. Lubusan na siyang bumalik sa Diyos ngayon.

 

May mga matatandang lalaki sa loob ng church,ma dapat nating pangalagaan.  Sila ay inilagay ng Diyos sa iglesia, mula noong kabataan sila hanggang ngayon, upang pamarisan natin sila.

 

Today, let us bless this men of God.

 

May ilang katangian si Matandang Simeon; ayon sa verse 25,

 

v25Noon ay may isang lalaki sa Jerusalem na ang pangalan ay Simeon. Ang lalaking ito’y matuwid at masipag sa kabanalan na naghihintay sa kaaliwan ng Israel at nasa kanya ang Espiritu Santo.

 

Isa-isahin natin ang mga ito;

 

1. Siya ay matuwid.

 

Namumuhay siya na may kabanalan. Kailangan natin ang ganitong matatanda sa iglesia at sa lipunan.  Kung mayroong mapalad na pamilya, sila yung may lolo na matuwid ang pamumuhay.

 

Minsan ko nang narinig ang kwento tungkol sa tinig ng isang lolo sa kanyang 90th birthday, “Mga anak ko, mga apo, ni minsan hindi ako nagdala sa loob ng ating tahanan ng bagay na ninakaw.  Ingatan ninyo ang maganda nating apelido. Tayo ay pamilyang Metodista, tayo ay Kristiano.”

 

Namuhay na isang modelo ng pananalataya ang matandang ito para sa sumunod na henerasyon ng kanyang pamilya.

 

2. Siya ay masipag sa kabanalan.

 

Maraming kalalakihan ang ayaw magsimba ayon sa pag-aaral.  Mas gusto nila ang manood ng boxing.  Mas gusto nilang maglibang.  Kaunti ang mga nagsisimbang kalalakihan. Kay ng aang tawag sa UMM ay "Natodas MEN".  Marami na ang umalis sa pananampalataya sa mga kalalakihan.

 

Pero hindi si Simeon.

 

Hanggang sa kanyang pagtanda, nanatili siya na naglilingkod at sumasamba sa Panginoon.

 

3. Nasa kanya ang Espiritu Santo.

 

Ito yung pinaka sa mga katangian ni Matandang Simeon.

 

Ayon sa Roma 8:16, "Ang mga pinananahanan ng Espitu Santo ay mga anak ng Diyos."

 

Ang Espiritu Santo ang tatak ng ating kaligtasan (Efeso 4:30).

 

Ano nga ba ang halaga ng mataas na pinag-aralan sa ministeryo man o sa secular school, kung ang isang tao ay hindi pinananahanan ng Banal na Espiritu?  Pastor na magaling ngunit wala sa kanya ang Espiritu ng Diyos?

 

Si Lolo Simeon ay napaka-ordinaryo, pero extra ordinaryo - dahil nasa kanya ang Diyos.

 

Eto yung dapat nating asamin.  Mawala na ang lahat, huwag lang sana tayong iiwan ng Espiritu ng Diyos.

 

5. At panghuli, siya ay nanatiling naghihintay sa pagliligtas ng Diyos.

 

Kaya sa pagdating ng Panginoong Jesus, nalubos ang kagalakan ni Simeon. Siya ay handa sa pagdating ng Messias.

 

May mga matatanda sa iglesia na malapit na...malapit na silang mag celebrate ng 80th birthday.

Hindi ko sinabing malapit na silang mamatay ah!   Sabi ko malapit na silang maging senior citizen, kayo naman.

 

Pero si Simeon, tinanggap na niya yung kaligtasan na dala ni Cristo.

 

Sabi ni Pablo, " Sa mamatay man o mabuhay, kay Cristo ako."

 

Ganito si Simeon mga kapatid.

 

Sa Paskong ito, parangalan natin sila.

 

 

__________________________ 

 

Sermon 9:

(Simbang Gabi: Dec. 24) Anna: Pagpapala sa Mga Matatandang Kababaihan ng Iglesia

Lucas 2:36-38

 

v36Naroon din sa templo ang isang propetang babae na ang pangala'y Ana, anak ni Fanuel na mula sa lipi ni Aser. Siya'y napakatanda na. Pitong taon lamang silang nagsama ng kanyang asawa, v37nang siya'y mabalo. At ngayon, walumpu't apat na taon na siya.a Lagi siya sa templo at araw-gabi'y sumasamba sa Diyos sa pamamagitan ng pag-aayuno at pananalangin. v38Lumapit siya nang oras ding iyon at nagpasalamat sa Diyos. Nagsalita rin siya tungkol kay Jesus sa lahat ng naghihintay sa pagpapalaya ng Diyos sa Jerusalem.

 

Paano kaya ang iglesiang ito kung wala si Manang___________, si nanay ________________. Mga kababaihan na naglilinis ng iglesia, naglalaba ng damit ni pastor, nagluluto tuwing may fellowship?

 

Kababaihan na tumutugtog sa organo. etc...

 

Hindi magiging kumpleto ang iglesia, kung wala sila.

 

Ang kwento ng pasko ay hindi magiging kumpleto kung hindi babanggitin si Ana. Ang matandang propetang babae sa templo.

 

1. Siya'y napaka tanda na.

 

Kung siya ay nakapag-asawa ng 14 years old, at nakasama ng kanyang yumaong asawa ng 7 years, at balo siya ng 84 na taon - siya ay edad na 105 ng makita niya ang Panginoong Jesus sa templo.

 

Maraming iglesia ang pinagpala dahil sa mga magulang na nananatili sa iglesia.  Hanggat kaya nilang makalakad, kakayanin nilang magsimba.

 

Ito po ay katapatan sa Diyos na dapat nating tularan.

 

Maraming Kristiano ay mainit na ngsisimula sa pananampalataya ngunit hindi sila nanatili.  Aklat na "Finishing Well"  "maraming tao ang marunong magsimula, ngunit bigo sa pagtatapos".

 

Sa karanasan ni Anna, kung kailan siya tumanda, sa kanyan gtapat na pananatili sa templo, nakatagpo niya ang Panginoong Jesus.  

 

2. Si Anna ay namuhay na may kabanalan.

 

Ayon sa Luke 2:37, “She never left the temple but worshiped night and day, fasting and praying.”

 

Matanda na siya, ngunit nanatili siyang tapat sa Panginoon habang nabubuhay.  May nagsasabi na ang mga matatanda ay mga taong lipas na.

 

May isang matanda na ayaw bumitaw sa kanyang bisyo.   Binabawalan siya ng kanyang pamilya.  Ngunit sagt niya, “Itong bisyong ito ang tangi kong kasiyahan.”

 

Ngunit kakaiba ang mga katulad ni Anna, matanda na sila ngunit hindi pa tapos ang Diyos sa kanilang buhay. Patuloy silang ginagamit ng Diyos sa kanilang katandaan. Hindi sila bumibitaw sa Panginoon.  Sabi sa 2 Tim. 2:12, "If a man cleanses himself he will be a vessel of honor, made holy, useful to the master and prepared for every good work."

 

3.  Si Anna ay namuhay na mapagpasalamat sa Diyos.

 

Ayon sa v.38, “Coming up to them at that very moment, she gave thanks to God and spoke about the child to all who were looking forward to the redemption of Jerusalem.”

 

Nakatagpo niya ang Tagapagligtas. Nakita niya ang pagliligtas ng Diyos.  At ito ay kanyang ibinahagi sa iba.

 

Ang buhay ni Anna ay buhay ng isang taong may fulfillment.  Hindi nabigo ang Diyos sa kanyang buhay.

 

Conclusion:

 

Si Anna ay isang halimbawa ng buhay Kristiano, na bagamat matanda na, ay namuhay ng matagumpay sa kanyang pananampalataya.

 

Mayroong mga matatanda ngayon sa iglesia na dapat nating parangalan at ipanalangin.  Mga matatandang babae sa pamilya, na dapat bisitahin ngayong pasko.

 

Tawagin natin sila at idalangin.

 

 

____________________________ 

 

Sermon 10:

(Christmas Sermon 2016) The Difference Made By The Baby Jesus

Lucas 2:8-20

 

How Christ makes difference?

 

1. His birth glorified God in the highest - that is "God is glorified in the highest possible manner".  Ito ang unang epekto kapanganakan ni Cristo. Naitaas ang Diyos sa kaitaasan.  Ang kadakilaan ng Diyos ay naramdaman ng lahat ng Kanyang nilikha.

 

Mapapansin na ang mga angel ay nagsi-awitan.  Ang buong langit ay nagdiriwang! Naramdaman ang kapangyarihan ng Diyos sa buong kalangitan.

 

Ang pinakamalakas na earthquake sa dekadang ito ay naganap noong March 11, 2011 sa Japan.   Ito ay lumikha ng tsunami na gumiba ng napakaraming bahay at mga lungsod. Naramdaman ito sa buong bansa.

 

2.  His birth changed the lives of the shepherds.

 

a. Ang mga pastol ay tinuturing na mababa dahil sa kanilang kahirapan sa buhay.   Karaniwang tinitignan ng mababa ang mga mahihirap.

 

May isang kabataan sa church ang nag-aaral ngayon sa isang mamahaling paaralan. Kwento niya, hindi siya masaya sa paaralang iyon.  Maarte wika niya ang mga nag-aaral,  Hindi niya nararanasan ang tunay na pakikipagkaibigan sa mga kaklase niya, dahil mayayaman ang mga ito.

 

b. Ang  mga pastol ay mga taong hindi masyadong pansin sa Israel noon, dahil sila yung hindi gaanong nakakatupad sa mga batas pangrelihiyon ng mga Judio.  Sila ay tinuturing na "religious outcast", dahil hindi sila nakapagbibigay ng ikapu, o hindi sila nakakasamba ng regular, at ibapa (ayon kay Barclay).

 

Sa tagpong ito ng Pasko, ang mensahe ng kapanganakan ng Panginoon ay unang narinig ng mga pastol.

 

Ang mensahe ay nagsasaad ng ganito - "Peace on earth and good will to all people."   "Kapayapaan sa lupa at kasaganaan sa lahat ng tao."

 

 Ang pakay ng Diyos sa Pasko ay para sa ikabubuti ng buhay ng lahat ng tao, lalo ang mga mahihirap.  Kung mangyayari ito, magaganap ang layunin ng Diyos.  Kung kaya sabi ng awitin ng mga angel, "Ang kapanganakan ni Jesus ya magbubunga ng kagalakan sa LAHAT ng tao!

 

3. His birth changed the life of a family.

 

Joseph and Mary were never been the same when Jesus was born.

 

Any family where Jesus is will change.

 

Problematic families, if Jesus will be welcomed in your home, your family will surely change. Try to let Jesus in, and you will see. Lives will be changed. Families will be changed. The world will be changed.

 

SIMBANG GABI: SERMON SERIES 2

Simbang Gabi Sermon Series 1, Paglakad sa Liwanag ng Panginoon (15 Tagalog Sermons)

Sermon 1: Paglakad sa Liwanag ng Panginoon

Mateo 24:36-44; Isaias 2:1-5

 

May kwento kung paano naligtas ang isang pamilya noong WW2.  Nasukol ng mga Hapones ang isang pamilya ng mga Pilipino at ikinulong sa isang liblib ng lugar.

 

Isang gabi, gumawa ng paraan ang pamilya upang makatakas.  Sa pamumuno ng ama, nagawa nilang humukay sa lupa para makalabas sa bilangguan.  Napakadilim ng gabi, halos walang maaninag sa gubat na kanilang dinaanan.  Hawak ang isang gasera, unang lumakad ang ama at ang tanging sinusundan ng kanyang pamilya ay ang kilos ng munting ilaw.  Hanggang nakarating ang pamilya sa isang yungib na kanilang pinagtaguan.

 

Paglipas ng gabi, pinagmasdan ng pamilya sa kanilang binagtas.   Tinahak nila ay  mga bangin sa malawak na kagubatan habang  nasa dilim.  Sa pangunguna ng ama, gamit ang isang munting ilawan, naakay niya sa ligtas na lugar ang kanyang buong sambahayan.

 

Ang pagiging Kristiano ay paglakad sa gabay ng liwanag ng Diyos.  Ang tatlong Pantas ay ginabayan ng kalangitan sa pamamagitan ng liwanag ng bituin patungo sa tirahan ng Banal na Pamilya.   Dumating ang mga angel at nagliwanag noong ibalita ang kapanganakan ng Tagapagligtas sa mga pastol.   Ang Pasko ay tungkol sa liwanag ng Diyos na tatanglaw sa atin, kahit sa gitna ng dilim.  Ito ay tulad ng wika ng Awit, “Ang Panginoon ang aking liwanag at Kaligtasan.  Kanino ako matatakot?”

 

Pasko: Pag-alala at Paghahanda

 

Tayo ay may dalawang Pasko, ang una ay naganap na  noong unang dumating ang Panginoon sa mundo upang makipamuhay sa atin.  Siya ay nagkatawang tao, upang iligtas tayo mula sa ating mga kasalanan.

 

At may ikalawang Pasko - ito ay ang muling pagdating ng Panginoon bilang Hukom ng sanlibutan.  Sa ikalawang Pasko, ililigtas niya ang mga sumampalataya sa Kanya ngunit hahatulan niya sa kaparusahan ang mga hindi nanalig sa kanya.  Tatanggapin ng Panginoon ang mga tumanggap sa kanya at tatanggihan niya ang mga tumanggi sa Kanya.  Ang ikalawang Pasko ang ating hinihintay.   At hindi natin alam kung kailan ito mangyayari.

 

Ang pagdiriwang natin ng Pasko, kung gayun ay may dalawang nilalaman.   Ang una ay paggunita sa  unang Pasko, dahil dumating ang Tagapagligtas.  At ito rin ay paghahanda sa muling pagdating ng Panginoon bilang Hukom ng sanlibutan.   Kung kaya, dapat po tayong maging handa sa pagdating  ng Pasko.  Paano?

 

1. Gumawa tayo ng espitual na paghahanda.

May paalala ang Panginoon para sa tamang paghahanda sa kanyang muling pagdating.  Noong araw na bago lumubog ang mundo sa panahon ni Noe, ang mga tao ay naghanda rin.  Sabi ng Panginoon sa talatang 38, “Nang mga araw na iyon, bago bumaha, ang mga tao'y nagsisikain, nag-iinuman, at nagsisipag-asawa hanggang sa pumasok si Noe sa barko.”

 

Marami ang katulad ng mga tao noong panahon ni Noe, naghahanda sila ng pagkain, palamuti, at nagsasaya , ngunit hindi sila gumagawa ng mga paghahandang espiritual.   Abala ang marami sa pagsasaya, habang si Noe ay abala para sa kaligtasan ng kanyang pamilya.   Maraming paghahanda ang ginagawa ng maraming tao.   Para sa mga may maraming ina-anak, financial na paghahanda - kung may maraming pangregalo.  Yung walang budget, naghahanda upang magtago sa mga ina-anak.

 

Yung may maraming kamag-anak na bibisita, naghahanda ng maraming pagkain, at ina-ayos ang bahay ng maraming palamuti.  Kung walang budget, nagtatago rin.

 

Ngunit higit dito mga kapatid, kailangan po natin ang paghahanda ng ating buong pagkatao.  Kailangan tayong maging handa upang maging karapat-dapat sa pagdating ng ating Panginoon.

 

 2. Gumawa ng Pang-kapayapaang Paghahanda

Ang paghahandang hinihingi ng Panginoon ay hindi  lamang espiritual na paghahanda.   Inuutusan din ng Panginoon ang lahat ng bansa upang  “magpairal ng katarungan” (v.4).  Ang Pasko ay tungkol sa pagpapairal sa kapayapaan at kasaganaan ng Diyos para sa buong sanlibutan bunga ng katuwiran.

 

Sa ating panahon, marami pa rin ang mga taong hindi nagkakamit ng katarungan at kapayapaan.  Ang sistema ng maraming gobyerno ay puno ng corruption.   Ang mga mahihirap ay inaabuso at sinasamantala.  At marami ring tao ang nagwawalang bahala sa mga ganitong katotohanan.

 

Ang Pasko ay nagdadala ng balita ng kapayapaan sa buong sanlibutan, mula sa Panginoon.   Ang kapayaan ay hindi lamang pangarap na inilalagay ng Diyos sa ating mga puso- ito ay plano na nais ipatupad ng Diyos sa sanlibutan.

 

Sa Biblia, ang kapayapaan ay nagmula sa salitang shalom.  Ito ay madalas ginagamit katumbas ng kapayapaan.  Ngunit sa kabuoan, ito ay nangangahulugan din ng ganap na kaligtasan (salvation).  Dahil ang kaligtasan dala ng Pasko ay kapayapaan at buhay na ganap dito sa lupa hanggang sa langit.

 

Sabi pa ni Propeta Isaias, “Kaya't gagawin na nilang araro ang kanilang mga tabak, at karit naman ang kanilang mga sibat. Mga bansa'y di na mag-aaway at sa pakikidigma'y di na magsasanay.”

 

3. Lumakad Tayo sa Liwanag ng Panginoon

Panghuli, ang paghahandang nararapat sa Pasko ay pagkakaroon ng buhay na lumalakad sa liwanag ng Diyos.  Ito ay isang buhay na binago mula sa kadiliman tungo sa liwanag.

Hindi ito pansamantalang pagbabago dahil sa okasyon ng Pasko, kundi, dapat tayong magbago dahil sa ating pagtatalaga ng buhay sa Panginoon ng Pasko.  Ang pagbabagong sinasabi ni Propeta Isaias ay hindi rin pagkukunwaring pagbabago.   Ang pagbabagong dala ng Panginoong Jesus ay may malawakang resulta sa buhay ng mga individual, mga bansa at sa buong mundo.

 

Ang tunay na paghahanda sa Pasko ay pamumuhay sa liwanag ng Diyos ng walang humpay.  Ito ay pagkakaroon ng bagong buhay na karapat-dapat  ialay sa Panginoon ng mga panginoon, at Hari ng mga hari.

 

Ito ay pamumuhay sa katarungan ng Diyos.   Ang mga tao ay hindi na magsasanay sa pakikidigma.  Ang lahat ay mamumuhay sa kapayapaan ng Panginoon.

 

Ang Panginoon ay may malaking plano para sa Pasko.  Nais  niyang maging handa ang buong mundo para sa kanyang muling pagdating. Naghahanda ka na ba?

 

 

__________________________

 

Sermon 2: Tunay na Pagsisisi

Mateo 3:1-12, Isaias 11:1-10

 

Ang lahat ng tatlong aklat ng ebanghelyo nina Mateo, Lucas at Marcos ay nagsisimula sa mensahe ni Juan Bautista tungkol sa pagsisisi at bautismo.  Ang mabuting balita ay tungkol sa biyaya ng Diyos na nagpapatawad ng kasalanan.  Malinaw ito sa pahayag sa San Lucas 24:47, 

“Sa kanyang pangalan, ang pagsisisi at kapatawaran ng mga kasalanan ay dapat ipangaral sa lahat ng bansa, magmula sa Jerusalem.”

 

May kwento tungkol sa isang napariwara dahil namumuhay siya sa  pagkakasala.  Mayroong kaibigang Kristiano ang binatang ito at iinimbitahan siya sa kapilya.  Nagsimba ang binata alang-alang sa pakikisama niya sa kaibigan.  Ngunit habang nakikinig ng sermon, bumaon sa puso ng binata ang mensahe ng Diyos.  Lumabas siya ng halos maluha sa kawawa niyang kalagayan bilang isang makasalanan.  Pagkatapos ng pagsamba, nag-meryenda  ang magkaibigan.  Wika ng binata sa kanyang kaibigang nag-anyaya sa kanya, “Pare, kawawa ako... kawawa ang aking kaluluwa.”  At sagot naman ng Kristianong binata, “Natutuwa ako pare, buti nga sa iyo.”

 

Nabigla ang binata sa sagot ng Kristianong kaibigan niya.  “Pare, huwag kang magbiro.  Alam kong pupunta ako ng impierno dahil sa mga kasalanan ko.”

 

Sagot ulit ng Kristiano, “Oo nga pare, buti nga sa iyo. Hindi kita inaasar pare.  Pakinggan mo ang sabi ng Panginoong Jesus sa Biblia - “I came to seek and save the lost”, ibig sabihin pare, dumating si Cristo para iligtas ang mga nagsisising  tulad mo at umaamin ng kasalanan. Nakahanda ang Diyos na patawarin tayo sa ating mga kasalanan pare.”

 

Sa halip na maasar, napangiti ang kabataan, at tinanggap niya  ang Panginoon bilang kanyang Tagapagligtas.”

 

Sa ating mensahe ngayon, nais ko po kayong anyayahang makinig sa tatlong bagay; 1.)  Ano ang pagsisi? 2.) Paano magsisi? at 3.) Bakit kailangang magsisi?

 

1.  Ano ang Pagsisisi?

 

Una, ang pagsisi ay nagsisimula sa pag-kumpisal o pag-amin ng ating mga  kasalanan.  Sabi sa 1 Juan 1:9-10,  “Subalit kung ipinapahayag natin sa Diyos ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya'y tapat at matuwid.  Kung sinasabi nating hindi tayo nagkakasala, ginagawa nating sinungaling ang Diyos, at wala sa atin ang kanyang salita.”

 

Pangalawa, ayon kay apostol Pablo, ang pagisisi ay damdamin ng kalungkutan dahil sa nagawang kasalanan.  Sabi sa 2 Corinto 7:9 -10, “Ngayon ay nagagalak na ako sapagkat ang kalungkutang iyon ang ginamit ng Diyos para akayin kayo na pagsisihan at  talikuran ang inyong pagkakasala, kaya't hindi kayo napasama dahil sa amin.  Sapagkat ang kalungkutang buhat sa Diyos ay nagbubunga ng pagsisisi at pagbabago tungo sa kaligtasan.”

 

2.  Paano nga ba ang magsisi?

 

Totoo na nagsisimula ang pagsisi sa pamamagitan ng pag-amin ng kasalanan, at pagtanggap sa parusang kalakip nito, ngunit hindi ito dito nagtatapos.    Ang pagsisisi ay pagtalikod sa kasalanan.

 

May kwento tungkol sa isang matanda, sa  edad na halos 70 na -  ay napatunayang nagnakaw noong siya ay kabataan pa.   Ngunit dahil matagal na ang pangyayari, hindi na siya maaring patawan ng parusa.  Gayunman, ang matanda ay nakakilala sa Panginoon.  Bagamat hindi siya naparusahan sa kulungan, sinikap ng matanda na bayaran ang kanyang ninakaw.

 

Tumanggi ang husgado na tanggapin ang nais ibayad ng matanda. Wika ng judge, “Limampung taon na ang nakararaan, dapat ng kalimutan ang kaso laban sa iyo, wala kang dapat bayaran.”

Ngunit sumagot ang matanda, “Alam kong wala ng bisa ang kaso laban sa akin, ngunit nais kong patunayan na ako ay nagsisisi sa kasalanang iyon  na aking nagawa noong ako ay kabataan pa.”

 

Mababasa natin na may lumapit ding mga Pariseo at Saduceo kay Juan upang magpabautismo, ngunit tinanggian sila ni Juan.    “Patunayan muna ninyo sa inyong mga buhay na kayo'y talagang nagsisisi na” wika niya.   Nais nilang pabautismo, ngunit dahil iniisip nilang sila ay mabubuting tao na  walang kasalanang dapat pagsisihan, hindi sila naging karapat-dapat sa bautismo ni Juan.   Alam din ni Juan na hindi nila tatanggapin ang Panginoong Jesus bilang Tagapagligtas, dahil  ayaw nilang aminin na sila man ay makasalanang nangangailangan ng habag ng Diyos.  Ang pagisisi ay pag-amin na may kasalanan tayong dapat talikuran.

 

Ang bautismo ay hindi tanda ng kabanalan.  Ito ay kapahayagan ng pag-amin sa kasalanang pinagsisisihan upang makamit ang pagpapatawad ng Diyos.

 

3.  Panghuli, sinasabi ni Juan na dumating na ang paghahari ng Diyos.  Ito ang dahilan kung bakit kailangan nating magsisi.   Magiging ganap ang ating pagsisisi kung magpapasakop tayo sa paghahari ng Panginoon.

 

Ang kasalanan ay lantarang pagsuway sa Diyos.   Naka-ilang kasalanan na po ba tayo?  Ilang beses mo na bang nilabag ang mga batas ng Diyos?  At ano ang napala  natin sa ating pagsuway? Ano nga ba ang bunga nito? Pansamantalang kaligayahan na magbubulid sa atin ng walanghanggang kaparusahan.

Salamat sa Diyos ay mayroon pa tayong isa pang pagkakataon.  Upang magsisi.  Upang humingi ng tawad.  Upang magkamit ng bagong buhay na nilinis sa dugo ni Cristo.

 

Nasubukan na po ba ninyong regaluhan ang inyong sarili kapag dumarating ang Pasko? Ang pagsisi ay magandang regalo sa sarili. Ang kapatarawan ng Diyos ay matagal ng ipinagkaloob ng Panginoon.  Ito ay ibinigay na sa atin noong unang dumating ang Panginoong Jesus sa lupa.

 

Una siyang ipinakilala ni Juan Bautista, “Narito ang kordero ng Diyos, na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan!”

 

Nag-aalis ng kasalanan.  Ito po ang kayang gawin ng Panginoon para sa mga katulad nating makasalanan.  Ngayong pasko, bilang regalo ng Diyos sa atin, at bilang regalo na rin sa ating sarili-talikuran na natin ang ating mga kasalanan at magpasakop na tayo sa Diyos.

Regaluhan mo naman ang sarili mo. Tanggapin mo ang kaloob ng Diyos para sa iyong kaligtasan.

 

 

________________________

 

Sermon 3:  Siya na Nga Ba ang Messias?

    Mateo 11:2-11

 

Ang Pagdatal (Advent) ay paghihintay sa biglaang muling pagdating ng Panginoon.  At dahil hindi natin alam kung kailan Siya darating, dapat tayong manatiling gising sa ating pananampalataya, matalinong nagmamasid sa takbo ng panahon, at patuloy na gumagawa sa ating paglilingkod sa ating Diyos.

 

Sa ating paghihintay, kailangan tayong maging matiyaga. Maaring magsawa tayo sa kahihintay. Kailangan nating patatagin ang ating pananampalataya, upang hindi tayo manghinawa. Sa ating pagmamasid at pakikinig, kailangan tayong maging maingat.  Marami ang magsasabi na dumating na ang kawakasan.  May nagsasabi na dumating na nga muli ang Messias.  At baka tayo madaya ng mga maling balita tungkol sa pagbabalik ng ating Tagapagligtas.

 

Kailangan po tayong maging matalino sa ating paghusga sa ating mga naririnig na balita, lalo sa muling pagdating ng Panginoon.  Huwag tayong basta-basta naniniwala sa mga maling akala.  Pag-aralan nating mabuti ang mga nagsasabi na dumating na ang Panginoon.

 

May kwento tungkol sa isang mayaman na naghanda ng masarap na hapunan para sa kanyang mga kaibigan.  Kumuha siya ng magagaling na chef, upang magluto ng special beef steak.  Nagpabili siya ng mamahaling mushrooms upang ilagay sa gravy.  Dumating na ang araw ng piging, at napansin ng mayaman na umitim ang mga kabute, at wala ng panahon para bumili sila ng panibago.

 

Ang ginawa ng mayaman, nagpaluto siya ng ilang kabute at ipinakain ito sa aso. Sabi niya, “Kung walang mangyayaring masama sa aso, ayos lang ang mga mushrooms na ito.”

 

Sa handaan, kumakain na ang mga bisita, ng biglang lumapit ang isang katulong sa mayaman at bumulong, “Ma’am, namatay po si Doggie.”

 

Dahil sa narinig, agad-agad  sumigaw ang mayaman, “Mga kaibigan, lahat kayo ay maaring nakakain ng sirang kabute, at maaring malason - takbo na kayo agad sa hospital!”   Kaya ang lahat ng bisita ay kumaripas ng takbo sa pagamutan.

 

Ng wala ng bisita, tanong ulit ng mayaman, “Nasaan si Doggie?  Bumula ba ang bibig?  Paano siya nalason?”

Sabi ng katulong, “Nasa kalsada pa po siya Ma’am, nasagasaan po kasi siya ng kotse!”

 

Hindi muna nagtanong ang mayaman kung ano ang ikinamatay ng kanyang aso - dahil agad siyang gumawa ng konklusyon, naging malaking pagkakamali ang kanyang naging desisyon na pauwiin niya ang kanyang mga bisita.   Wala palang lason ang mga kabute.

 

Tungkol sa Panginoong Jesus, marami ring tao ang gumagawa ng madaliang konklusyon ay madalas ay napapahamak!

Sa ating binasang kasulatan sa araw na ito, narinig nating nagpadala  ng dalawang tao si John the Baptist, upang itanong sa Panginoon kung siya na nga ba ang Messias, o kung aasa pa sila sa pagdating ng ibang Tagapagligtas.  Hindi nagmadaling gumawa ng sariling konklusyon si John, nagtanong muna siya.

 

Minsang sinabi ni Apostol Pablo sa Filipos 3:10,

 

“Ang tanging hangarin ko ngayon ay lubusang makilala si Cristo, maranasan ang kapangyarihan ng kanyang muling pagkabuhay, makibahagi sa kanyang mga paghihirap, at maging katulad niya sa kanyang kamatayan upang ako man ay muling buhayin mula sa mga patay.”

 

Alam ninyo, ang mga  matiyagang nagtatanong, ay hindi basta-basta naliligaw. Ang mga marunong makinig, ay mas madaling matuto.  Ang gayun din ang mga tunay na naghahanap sa katotohanan. Ang paglalagak ng pananampalataya sa Diyos para sa ating kaligtasan ay lubhang mahalaga.  Hindi ito minamadali at dapat, ito ay pinag-aaralang mabuti.  Ang pananampalataya ay may epekto sa kahihinatnan ng ating kaluluwa.  Kaya mabuti pang aralin natin mabuti ang ating pananampalataya.  Ito nga ba ay katotohanan?  Dadalhin ba ako nito sa buhay na walanghanggan? Sapat na ba ang aking nalalaman tungkol sa Panginoong Jesus?

 

Ang Tanong ni Juan

 

Nakaraang Linggo, narinig nating pinakilala ni Juan Bautista ang Panginoong Jesus. Taasan niyang sinabi tungkol sa Panginoon, “Narito ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan.”   Ngunit ngayon, siya mismo ang nagpapatanong kung siya na nga ba ang inaasahang Tagapagligtas! Ano ba ang nilalaman ng tanong ni Juan?

 

1. Tanong  ito upang lumalim ang pagkakilala ni Juan sa Panginoon sa oras ng pagsubok.  Si Juan noon ay nakakulong dahil sa kanyang tapat na pagsunod sa utos ng Diyos.  Pero, bakit?  Nakarinig na ba kayo ng tanong ng isang tapat sa Diyos, “Bakit kung kailan ako naging tapat sa Panginoon, ngayon pa dumating ang mga pagsubok sa aking buhay?”

 

Sa mga ganitong panahon, ang tugon sa ating suliranin ay ang lalo nating kilalanin ang  ating sinusunod na Panginoon.

 

2. Pangalawa, tanong ito kung tama ba ang direksyon ni Juan sa kanyang ministeryo.   Si Juan Bautista ay nakulong at malapit ng pugutan ng ulo.  Sa biglang tingin, hindi siya nagtagumpay.   Ngunit, ano nga po ba ang sukatan ng tagumpay ng isang sumusunod sa Panginoon?

 

May isang naging pastor at naging tapat sa kanyang tungkulin.  Ngunit mas dumami pa ang mga sakripisyo sa kanyang ministeryo. Kaya ang kanyang tanong, “Tama nga ba itong desisyon ko na maglingkod?  Ikaw nga ba iyan Panginoon? Baka mali ang aking sinusunod?”

Ang tagumpay natin ay makikita sa malawakang epekto ng ating sakripisyo at ministeryo para sa kaligtasan ng maraming tao at hindi sa sariling pakinabang.

 

May isang paring Katoliko noong 1800’s, si Father Jozef De Veuster, - mas kilala bilang Saint Damien, ay nagmisyon sa Molokai, Hawaii.   Ang Molokai noon ay tapunan ng mga taong leproso.  Sa kanyang pangangaral, wala siyang nakitang tagumpay.  Walang nagnais makinig sa kanyang pangangaral ng Salita ng Diyos.  Madalang na makakita siya ng mga nagsisimba. Kaya minabuti na lamang niyang bumalik sa Belgium.

 

Ngunit bago siya nakasakay ng barko, napansin niya ang mga kakaibang sugat sa kanyang balat.  Nahawa na pala siya sa sakit na ketong!  Dahil dito, napilitan siyang bumalik sa Molokai, upang manatili na doon.  Ngayon, hindi na siya misyonero lamang doon, isa na siya sa mga may ketong, na tulad ng marami.

 

Sa kanyang pagbabalik sa colony, napansin ni Father Josef na mas dumami ang nagsisimba at nagnanais makinig sa kanyang pangangaral.  Mula noon, mas marami ang naligtas at tumanggap sa Panginoon.  At sa pamamagitan ng kanyang sakripisyo, lalong nagpakilala ang Panginoon sa buhay ni Father Damien.

 

Ang mga pagsubok sa buhay ng mga naglilingkod sa ministeryo ay daan upang lalong lumalim ang ating pagkilala sa ating Panginoon.  Kung kailan tayo nahihirapan, lalo tayong nagtatanong.  At sa ating pagtatanong, lalong pinapakita ng Diyos ang kanyang kalooban.  Sa ganitong paraan, lalo nating nakikilala ang Panginoong Jesus.

 

Nakita at Narinig

 

Ang sagot ng Panginoon sa kanila ay, “Sabihin ninyo kay Juan ang iyong nakita at narinig.Nakakakita ang mga bulag, nakakalakad ang mga pilay, gumagaling at lumilinis ang mga ketongin, nakakarinig ang mga bingi, muling nabubuhay ang mga patay, at ipinapangaral sa mga mahihirap ang Magandang Balita.”

 

Hindi “Oo” o “Hindi” ang tugon ng Panginoon kundi paliwanag ayon sa naging karanasan ng mga alagad.  Ang katotohanan ay nakita nila at narinig.   Ang kalooban ng Diyos ay natupad sa kanilang harapan.

 

Tanging ang kanilang nasaksihan ang maari nilang ibalita sa kanilang gurong si Juan Bautista.

 

Tulad nila, wala tayong maaring ibahagi sa iba kundi ang ating sariling karanasan mula sa Panginoon.  Ang tunay na karanasan sa Diyos ay hindi maaring itatwa o pabulahanan.  Ito ay ebidensya na kanilang naranasan mula sa Panginoon.

 

 

___________________________

 

Sermon 4: Pagkabalisa ng Isang Taong Matuwid

Mateo 1:18-25

 

May isang kabataan ang may tatak ng “K” sa t-shirt. Nang tanungin ng kaibigan kung ano ang kahulugan ng tatak na “K”, ang sagot ng kabataan ay “K - for confused”.  Ngunit ang sabi ng kaibigan, “Friend, naman!  Ang “confused” ay nagsisimula sa letter “C” hindi letter “K”!

 

Sagot ng kabataan, “Friend naman! Hindi mo ba gets? Confused nga ako eh!”

 

In Love si Joseph, Pero Confused!

 

Masarap ang ma-inlove.  Lalo kapag malapit na ang kasal.  Sino ba dito ang nakaka-alala noong ma in-love kayo?   At malapit na kayong ikasal, Wow! Handa na ang kakainin ng bisita.   Ready na ang damit.  Nakaayos na ang simbahan.

 

At biglang nagduwal ang mapapangasawa mo, mukhang naglilihi.  Naiisip mo, “Buntis ba ‘to?  Teka, hindi ko naman siya ginalaw ah.  Niloloko ba ako nito?“

 

Napakasakit Kuya Eddie.  Ganito nga ang nangyari kay Joseph.  Ang kanyang mapapangasawa ay nagdadalang tao.  At hindi siya ang ama ng nasa kanyang sinapupunan.

 

Ang tiwala (trust) ay mahalaga sa relasyon ng mag-asawa.  Kung hindi ka marunong magtiwala sa mga lalaki at lagi kang may duda, magpakatanda ka na lamang ng dalaga!  Ngunit kung gusto mo talagang mag-asawa, kailangan kang matutong magtiwala.

 

Good relationships are founded on trust.  However, trust can be destroyed in a moment, but it takes a lifetime to repair a damaged trust. Napakadaling sirain ng tiwala, pero habang buhay ang kailangan para ibalik ito.

 

Gayunman, nasira ang tiwala ni Joseph kay Mary sa una.  Inisip nito na hiwalayan ang kanyang mapapangasawa.

 

An honest man's dilemma: --  Kahit ang mga mabubuting tao, maari pa rin silang magkaroon ng malaking problema.  Maraming mabubuting tao ang nagdurusa sa mga bagay na hindi naman nila kasalanan.

 

Gayunman, alam natin na ang naging problema ni Joseph ay  kalooban  ng Diyos.  Hindi ito madaling unawain at tanggapin, dahil ang isipan ng Diyos ay hindi natin isipan,  ang paraan ng Diyos ay hindi natin paraan.

 

At sa pagkakataong ito,  si Joseph ay inuutusang sumunod, sa bagay na mahirap unawain.    Gayunman, nanatili siyang sumusunod at nagtiwala siya sa Diyos.  Samahan po ninyo ako sa pagbubulay sa pakatao ni Joseph at pakinggan kung paano siya naging kaaya-aya sa Diyos sa panahon ng pagsilang ng Panginoong Jesus.

 

1.  Una, he got Confused.

 

Believing in Jesus can always be confusing in the beginning.  Maraming bagay ang nakakalito sa pananampalataya.  Halimbawa dito ang Doctrine of Trinity, tatlong persona ng iisang Diyos.  Ang paghihirap ng mga taong matuwid - why do good people suffer?  Or why do God allow suffering if God is good?

 

Malapit na silang ikasal, at napatunayan na buntis si Maria.  Teka, unfair yata iyon para kay Joseph, dahil hindi siya ang tatay ng bata.   However, alam natin na ito ay masalimuot na paraan ng Diyos.  God is challenging the faith of Joseph - to believe first before doubting.

 

I believe that we here are just like Joseph, marami po tayong tanong sa buhay.  Ang mahirap dito, wala tayong makitang sagot sa marami nating tanong.  Noong una kong makita yung resulta ng bagyong Yolanda, naluha ako at nagtanong din ako - “Lord bakit po?” Madalas kapag ganito ang kalagayan natin, tulad ni Joseph, ang tanging magagawa natin ay ipadala na lang sa panalangin ang ating tanong at maghintay na sagot.  Life is full uncertain questions with uncertain answers.

 

Sabi ng Panginoon sa Isaiah 40:13, “3 Who has understood the mind of the Lord, or instructed him as his counselor?”

 

Faith is a challenge to believe on the things not seen. It can be confusing but we have to believe.  May isang pastor na dumaan sa matinding pagsubok sa buhay, at halos umalis na siya sa pagka-pastor dahil sa tindi ng hirap na kanyang pinagdaanan.  Sa pakiwari ng pastor, siya ay parang hinahampas at dinudurog ng mga nagaganap sa kanyang buhay.  Kaya nagtanong siya sa Diyos, “LORD! BAKIT PO?”

 

Sagot ni Lord, “Ang bawat hampas at pagdurog na nararamdaman mo ay paraan ko upang maalis ang iyong pagmamataas.  Sa ganitong paraan, nais kitang hubugin bilang aking lingkod.”

 

Si Apostol Pablo man ay nagkaroon ng tinik sa laman.  Maaring isang malubhang sakit ito.  Hiniling  niya sa Panginoon na alisin nawa ang tinik sa kanya, ngunit ang sagot ng Panginoon ay ganito, "My grace is sufficient for you,  for my power is made perfect in weakness." (2 Cor 12:9).

 

Sa usapin ng pananampalataya sa Diyos, kailangan nating tapatan gn pananampalataya ang ating pagkalito at mga tanong, at asahan natin na aakayan tayo ng Diyos upang maunawaan din natin ang kanyang mga paraan.

 

2.  Then Joseph got Convinced.

 

It is natural for faith to seek understanding.  It is normal for us to search for meaning.  Bakit ba ito nangyayari?   Bakit kung kailan ako naging Christian, ngayun ako dinudumog ng mga pagsubok?

 

Natutunan ko sa aking pagsunod sa Panginoon na ang Diyos ay hindi lubusang nananahimik.   Totoo na may pagkakataon na nananahimik ang Diyos, pero ang kanyang presensya ay nananatili sa mga taong kanyang minamahal.  On times when God  chooses to remain silent, His presence may still be felt. Para sa akin, hindi po ang sagot ng Diyos ang mahalaga kapag ako ay may tanong.  Mas mahalaga ang kanyang presensya, na hindi niya ako iiwan.  

 

However, during that confusing moment in the life of Joseph, God sent an angel, to assure Joseph that God is in control.  He was given both the assurance of God’s presence and an answer to his question.

 

Isa pang pastor ang tapat naglilingkod sa Panginoon ang biglang nagkaroon ng cancer.  Sa loob ng maramign taon, nagtatanogn siya ng “bakit” sa Diyos.  At sumagot ang Panginoon sa kanya, “Hanggang saan mo ba ako maaring pagkatiwalaan?”

 

After hearing God’s voice, that pastor put her trust in God.  Then she was  healed.  Then she understood, fully conviced that God knows what the Almighty is doing.

 

3.  Then Joseph was Finally Convicted to Offer Himself fully to God.

 

Tulad ni Mary, lubusang nagpasakop sa plano ng Panginoon si Joseph.  He soon realized that accepting Jesus is not a burden at all.

 

Accepting Mary and Jesus into his family was actually a mark of his total submission to the will of God.

 

Makikita natin na sa karanasan ni Joseph ang tunay na pananampalataya.

 

Pananampalataya na nagbunga ng pagtitiwala.  Pagtitiwala nagbunga ng pagpapasakop.  Pagpapasakop na nagbunga ng pagsunod.

 

Pagtitiwala sa Diyos

 

Minsan sinabi ni John Wesley na may mga Kristiano na maaring tatawagin ng Diyos sa isang napakahirap na ministeryo.  Na maaring dadaan sila sa maraming pagtitiis at  mga malupit na pagsubok upang  magampanan nila ang kalooban ng Diyos.

 

Ngunit ang sakripisyong ito ay magbubunga ng malaking kabutihan sa pakinabang ng marami.  Ang tawag ng mga theologians dito ay “meaningful suffering” - o paghihirap na may kahulugan.   Ginagawa ito ng mga nagmamahal sa Diyos.

 

________________________

 

Sermon 5:  Angel ng Buhay Ko!

Luke 2:1-20

 

Sa aking pagka-assign sa isang iglesia, maraming kwento ng mga angelic visitations ang aking narinig. Ang pinaka-pambihira ay yung kwento ni Tatay Benny Bengco, noong na-operahan siya ng kidney.

 

Ayon sa testimony ni tatay Benny, isang matangkad na doctor ang nag volunteer na tutulong sa kanya sa hospital.

 

Nagpakilala ang doctor at naging malapit ang loob nito sa matanda. Nangako pa ang doctor na dadalawin pa niya si tatay Benny araw-araw. Sa pananatili ni tatay Benny sa hospital, dinalaw naman siya ng doctor ng madalas. Kini-kwentuhan siya ng doctor at pinalalakas ang loob. Nag-uusap sila palagi tungkol sa kabutihan ng Diyos at nananalangin.

 

Noong gumaling na si tatay benny, bago umuwi sa Olongapo City, sinikap niyang hanapin ang nasabing doctor na nagpakilala sa kanya sa hospital. Una dahil paalis na sila upang magpaaalam at para makapag-pasalamat.

 

Ipnagtanong niya ang pangalan ng doctor at inilarawan ni tatay benny ang mukha nito at taas. Iisa ang sagot ng mga nasa hospital - walang ganung doctor sa nasabing hospital. Sabi ni Tatay Benny sa kanyang patotoo - para sa kanya, angel ang doctor na iyon.

 

Sa ating Gospel Reading, binisita ng mga angel ang mga pastol. Pambihira ang gabing iyon! Ang dilim ay napuno ng nakasisilaw na liwanag! Isang angel ang nagsalita - at mga angel ang mga umawit!

 

Nakaka-inggit naman ang mga pastol na iyon!

 

1. Angel ang nagdala ng balita.

 

Angel ang nag-sermon. Kung ganito ang sermon tuwing Linggo, ang dami yata ng mga magsisimba. Mala-angel na pastor - gwapo na - magaling pa! Naks naman!

 

Ang mensahe ng angel ay tungkol sa kapanganakan ng Panginoong Jesus. At hamon niya sa mga pastol, "Pumunta kayo sa Bethlehem at tignan ang sanggol."

 

2. Heto pa! Mga angel din ang choir!

 

Ang sarap talaga kapag ang choir ay napaka-galing umawit! Nagsimba ka palang ay parang nakapasyal ka na sa langit. Ang sarap kaya ng mga kasamang mala-angel na choir.

 

"Gloria in excellesis Deo!" - ito po ang awit nila.

 

Angel ng Buhay Ko.

 

Sa ating buhay Kristiano, mayroon talagang angel na sinusugo ang Panginoon. Minsan, hindi man literal na angel, may mga tao na ginagamit ang Diyos upang tulungan tayo. Sila ang mga mala-angel na kaibigan, pastor, deaconessa, magulang, kapatid at iba pa.

 

Sila ay mga tao na nagbibigay pag-asa at saya sa atin.

Sila ay mga tagapagdala ng mabuting balita sa atin.

At kapag nalulungkot tayo at nalulugmok sa buhay - hayyy salamat sa kanila, nabubuhayan tayo ng loob at nagkakaroon ng panibagong pag-asa.

 

Masarap po talaga ang may angel sa buhay. Kaya kung naghahanap ka ng angel - sikapin mo rin na maging blessing karin sa iba. Para ka na ring angel noon sa buhay ng ibang tao. Ang ibang tao - sa halip na maging angel ----- naku, makakakurot ka sa gigil, sa halip na may pakpak, sungay.....

 

Salamat po Panginoon sa mga angel! Dahil sa kanila lumiliwanag ang buhay!

 

Umalis ang mga Angel

 

Ngunit pagkatapos umawit - pagkatapos magsalita ng isa sa kanila, umalis na po sila lahat. At dumilim ulit! Naiwan ang mga pastol sa katahimikan ng gabi.

 

Masarap ang may angel sa buhay. May isang miembro, para kanya, ang angel niya sa buhay ay ang paborito niyang pastor. Inspired po talaga ang miembro basta si Pastor ang preacher. Kaya hindi uma-absent ng service ang member na ito. Makita lang niya ang kanyang angel pastor - ay naku! kumpleto na ang kanyang Linggo.

 

Pero minsan - sa Annual Conference, inilipat ng DS ang angel pastor. Pinalipad sa ibang destino. Nagbago tuloy ang tingin ng miembro sa DS (dati kasi, angel din ang tingin sa DS).

 

Pero mga kapatid, mga angel man ay umaalis din! Angel na kaibigan, angel na pastor, angel na deaconesa at kahit sino pa siya, umaalis din talaga ang mga sugo ng Diyos at dinadala po sila ng Panginoon sa ibang lugar.

 

Pero sa kanilang mensahe, iisa lang ang kanilang sinasabi - "Pumunta kayo sa Bethlehem, hanapin ninyo ang Panginoong isinilang sa sabsaban."

 

Heto po ang tanong para sa atin,

 

"Ano ang hinahanap ninyo sa loob ng iglesia, angel ba o ang Panginoon?" Hindi po masama kung mapamahal po tayo sa mga mala-angel na pastor, o deaconesa. Pero huwag po ninyo silang mamahalin ng higit sa Panginoon. May alam ako, umalis ang kanyang paboritong pastor, hindi na siya nagsimba.

 

Alam po ninyo, umaalis ang mga angel upang sa gitna ng dilim, hahanapin nawa natin ang Panginoon. Ang mga angel ay umaalis, ngunit ang Diyos ay nananatili.

 

Sa gitna ng dilim, nag-usap ang mga pastol. Wala na ang mga angel, paano ngayon? Ano ba ang dapat gawin?

 

Sabi ng isa sa mga pastol, "Tara sa Bethlehem, tignan natin kung totoo ang balita ng angel sa atin."

 

At nagpunta sila sa Bethlehem.

At nasilayan nila ang isang higit sa lahat ng mga angel.

At nakita nila ang bagong panganak na Tagapagligtas.

Umuwi sil ana nagdiriwang, dahil nakita nila si Jesus.

 

Tara at hanapin natin ang Diyos na nagkatawang tao.

Dalangin ko, uuwi ka rin ngayong gabi na nagdiriwang tulad ng mga pastol, dahil nakita mo ang Panginoong Jesus.

 

Panghuli, bayaan ninyong idagdag ko ang kwentong ito.

 

Mayroon daw isang pastol na nakakita at nakarinig din sa mga angel. Masaya siya sa kanyang nakita, pero hindi siya sumama sa mga pastol na nagpunta sa Bethlehem. Hindi niya nakita ang Panginoon.

 

Limampung tao ang nagdaan, ang pastol na ito na hindi sumama ay matanda na at marami na siyang apo.

 

Minsan, tinanong siya ng isa niyang apo, "Lolo, totoo po ba ang mga angel?" Sagot ng matanda, "Oo apo ko, magaganda sila at napaka-ganda ng boses!"

Patuloy ng bata, "Lolo, totoo po ba na ipinanganak ang Tagapagligtas?" Malungkot na sumagot ang matanda, "Ewan ko - apo, ewan ko. Hindi ako nagpunta upang makita siya. Mga angel lang ang nakita ko."

 

Huwag kang makuntento sa mga angel. Katagpuin mo ang Diyos.  Tara na po sa Bethlehem at katagpuin si Jesus. AMEN!

 

__________________________

 

Sermon 6:  "Akin ‘To!" - Sabi ng Panginoon

Lucas 2:36-38

 

May kwento tungkol sa isa pang pang-aasar na ginawa ni Satanas sa Panginoong Jesus. Sa kanilang usapan,

 

Devil: O ano Jesus? Parami ng parami ang sa akin. Nakikita mo yung mga taong nahihirapan dahil sa bagyong Yolanda, mga taong sinisisi ka dahil pinabayaan mo silang magdusa - ha ha ha ha - akin silang lahat!

 

Yun, yung mga tsimosong iyon - akin sila.

Yung mga nagsusugal na iyon, ang mga naglalasing - ha ha ha - akin yan.

 

Jesus: Alam mo Satanas, marami pa rin ang sa akin.

 

Dinala ni Jesus si Satanas sa simbahan. At patuloy ng Panginoon, "Ang mga nagsisimbang iyan, ngayung Simbang Gabi, lahat - akin yan."

 

Satanas: Pero yung natutulog na iyan sa simbahan, akin yan! Yung nagtsitsimisan na ayaw makinig sa iyong Salita - akin yun. Aminin mo na Jesus, hindi lahat ng nasa church ay sa iyo."

 

MGA KAPATID, UMAASA AKO NA ANG LAHAT NG NANDITO NGAYON AY SA PANGINOON! AMEN!

 

Tayo po ay manalangin.

 

Lahat kami Panginoon ay sa Iyo, tanggapin mo ang aming buhay na aming kaloob sa Iyo ngayong Pasko. Ang aming buong buhay, ang aming buong kalakasan ay sa iyo Panginoon. Amen.

 

Pumalakpak ang lahat ng nasa Panginoon! Pabayaan nating magsabi ang Panginoon, "Akin itong church na ito! Hallelujah!"

 

Sino si Ana?

 

May isang matandang babae sa kwento, ang pangalan po niya ay Ana - ang ibig sabihin ng kanyang pangalan ay "grace". Magandang pangalan.

 

Siya ay anak ni Fanuel - ibig sabihin nito ay "mukha ng Diyos".

 

Siya ay kabilang sa lahi ni Asher - ibig sabihin ng Asher ay "pinagpala".

 

Talagang sa Panginoon siya dahil ang kanyang pamilya ay sumasamba sa Panginoon. Ang mga nasa Panginoon ay mga taong naglilingkod sa Diyos. Mula pa sa kanyang mga ninuno, sila ay tapat sa Panginoon.

 

Ngunit si Ana ay nagkaroon ng problema sa buhay. Maaga siyang nabalo. Namatay agad ang kanyang asawa at hindi na siya nag-asawang muli.

 

Wala siyang tagapagtanggol. Nag-iisa siya sa buhay hanggang tumanda siya. Walumpu't apat na taon na siyang biyuda (84 years) at pitung taon silang nagsama ng namayapa niyang asawa (7 years). At kung iisapin nating siya ay nag-asawa ng maaga (15-20 years) old, ang kanyang edad ay nasa 106+ years old na! Napakatanda na niya noong makita niya ang Panginoong Jesus!

 

Hindi po simple ang mamuhay na nag-iisa sa ganito kahabang panahon. Ngunit ang lahat ng pinagdaanan niya sa buhay ay pinaglingkod niya sa Panginoon. Sabi ng Biblia,

 

"Lagi siya sa Templo, at araw-gabi'y sumasamba sa Diyos sa pamamagitan ng pagaayuno at pananalangin."

 

Tanda ng Isang Taong sa Panginoon

 

1. Dumaan siya sa mga pagsubok ngunit, pinili niyang patuloy na maglingkod sa Panginoon. Ang buhay niya na naglilingkod sa Panginoon ay kanyang pinagpatuloy kahit noong dumaan siya sa pagsubok sa buhay bilang balo.

 

2. Tumanda siyang naglilingkod sa Panginoon. Maaring maliliit na lamang ang hakbang ng kanyang mga paa. Ngunit patuloy sila sa paglilingkod. Napaka-palad ng ating iglesia dahil marami pa rin tayong mga lolo at lola na patuloy na sumasamba sa Panginoon. Sila ang mga Ana ng ating panahon. Hindi sila nagsasawa, hindi sila tumitigil sa pagsamba at pananalangin sa Diyos. Sa Panginoon pa rin po sila! Pwede bang palakpakan natin ang mga Senior Citizens ng iglesia?

 

3. Pangatlo, patuloy siyang nagsasalita tungkol sa pagdating ng Tagapagligtas. Siya ay isang propeta, isang tagapagsalita ng Diyos. Sabi ng Kasulatan,

 

"Nagsalita rin siya tungkol sa sanggol sa lahat ng naghihintay sa pagpapalaya ng Diyos sa Jerusalem."

 

Walang duda, kapag nakikita ng Panginoon si Ana, sinasabi ng Panginoon, "AKIN ITO!"

 

Kapatid, kanino ka? Sa Panginoon ka ba?

 

Paka-isipin mo. Pinakaloob mo na ba ang iyong buhay sa Panginoon?

Kung hindi pa, hinihiling ko sa iyo, ipagkaloob mo ang sarili mo sa Diyos, at masasabi mo pagkatapos nito, "Sa Panginoon ako." Amen.

 

 

_____________________

 

Sermo 7:  Hamon ng Pasko

Luke 3:1-6

 

Wala na yatang tatalo sa mga "Laging handa!" Iyan ang motto ng mga boyscouts at ng mga Deaconesang Harissians!

 

Sabi ni E. M. Foster - "Those who prepared for all the emergencies of life beforehand may equip themselves at the expense of joy."

 

Ang paghahanda para sa pagdating ng pasko ay maaring maging krisis at maging malaking sakit ng ulo (lalo kung marami kang ina-anak). Dumating si Juan Bautista upang ihanda ang mga tao sa pagdatal ng Panginoong Jesus. Ang paghahanda ay isang malaking hamon.

 

1. The Challenge of Starting All Over Again

 

Sa verses 2-3, ng Lukas 3, ganito ang nakasulat,

"Ipinahayag ng Diyos ang kanyang salita kay Juan, 3 kaya't nilibot niya ang mga lupain sa magkabilang panig ng Jordan. Siya'y nangaral, "Pagsisihan at talikuran ninyo ang inyong mga kasalanan at magpabautismo kayo upang kayo'y patawarin ng Diyos."

 

To accept that there is something wrong with yourself is a hard challenge. Kapag ang isang tao ay nag-sisisi, tinatanggap niya na may mali sa kanyang ginagawa  na dapat ituwid.

 

Lalong matindi ang hamon ni Juan na magpabautismo ang Judio.  Ang bautismo sa mga Judio ay para sa mga nagisisi, at para sa mga Gentiles na nagnanais maging Judio, at nagnanais magbago ng pananampalataya. That is to start anew in the Jewish faith. This challenge offended many in the Jewish faith, because they were called by John to start all over again  in their faith in God.  That means, they have to accept the truth that they fell short in being a Jew (as if they lived no better than the Gentiles), and they have to start all over again.

 

Parang isang bata sa paaralan na nutusan ng guro, pero  pagkatapos ay sabi ng teacher, mali, at pinaulit na naman ang assignment.  This is both a gift and an embarassment.  Pero mas mabuti kung tatanggapin po natin ito bilang regalo.  Dahil lahat tayo ay kailangang magsimula ulit.  Marami na tayo mali sa buhay na kailangan nating ituwid.

2. The Challenge to be Open to Changes

 

Sa  v. 5 "Matatambakan ang bawat libis,

at mapapatag ang bawat burol at bundok.

Matutuwid ang daang liku-liko,

at mapapatag ang daang baku-bako.”

 

Hindi madali ang maging bukas sa mga pagbabago. Marami ang mga pastor na naghahangad ng pagbabago, pero sa halip magkaroon ng pagbabago, pastor ang inaalis at binabago ng iglesia (ibig kong sabihin, papalitan ka kaagad ng PPR kapag gumawa ka ng pagbabago sa simbahan). Mag-ingat ka pastor. Huwag kang basta-basta gagawa ng pagbabago sa liturgy...eh eh eh.

 

Pero ang pagtambak sa libis at pagpatag ng bundok ay mga pagbabago. Malaking pagbabago na dapat gawin ng iglesia. Ngunit gaano kaya kahanda ang ating iglesia para sa mga pagbabago na nais ng Diyos para sa atin? Kapag ang Diyos ay may bagong pagkilos sa ating buhay, gaano tayo kabukas upang bigyan siya ng laya na kumilos?

 

Minsan, ang mga pagbabago ay masakit tanggapin, tulad ng "pagpatag ng bundok", ito ay pagbababa ng mga matataas. Marami ang nasa itaas na ayaw bumaba.

 

Gumawa kayo ng tuwid na daan! Paano kung may dapat ituwid sa ating mga ginagawa? Handa ba tayo na ituwid tayo ng Diyos kung kinakailangan?

 

3. The Challenge to Open for Divine Possibilities

 

Sa verse 6, ganito ang sabi "At makikita ng lahat ng tao ang pagliligtas na gagawin ng Diyos!"

 

Pagiging bukas sa gagawin ng Diyos. Maraming tao ang gumagawa sa simbahan at pagkatapos nais nilang itanyag ang kanilang pangalan para masabi nila, "GAWA KO IYAN!" At hindi ang Diyos ang napapurihan. Marahil, dahil hindi talaga ang Diyos ang maygawa...

Inahamon tayo ng ating Gospel Reading na maging bukas sa magagawa ng Diyos. Ang ating magagawa bilang tao ay limitado, ang magagawa ng Diyos ay walang limitasyon.

 

Ito ang mga hamon ni Juan Bautista, ang hamon ng pagiging handa sa pagdatal ng Diyos sa mundo.

 

 

____________________

 

Sermon 8: Answered Prayer Ni Zacarias

Lucas 1:12-13

Nasindak si Zacarias at natakot nang makita niya ito.   Ngunit sinabi ng anghel sa kanya, "Huwag kang matakot, Zacarias! Dininig ng Diyos ang iyong panalangin. Ang iyong asawang si Elisabet ay magkakaanak ng isang lalaki, at Juan ang ipapangalan mo sa bata.

 

Ang panalangin ay mahalagang sangkap ng pagiging Kristiano. Kung ang pagbabasa ng Biblia ay maituturing na pagkain ng ating kaluluwa, ang panalangin ay ang paghinga nito.

Pero minsan sa ating mga pastor (pari na tulad ni Zacarias) maaring ito ay parang trabaho lang. Maliban sa pangangaral, tayo ay tiga-panalangin ng ibang tao.

 

Nang mabunot si Zacarias para manalangin para sa buong Israel, hindi siya nanalangin para sa iba. Nanalangin siya para sa sarili niyang asawa, para sa kagustuhan nilang magka-anak. May pagkakataon na tayong mga pastor at deakonesa at lugmok sa problema ng ating sariling pamilya. Mayroon din tayong sitwasyon na minsan hindi na natin sinasabi sa ating mga miembro. May kalungkutan na ating sinasarili. Tulad ni Zacarias, dahil wala siyang anak - ang panalangin niya ay pansarili.

 

1. Dapat ipanalangin ng pastor ang sarili

 

Minsan habang ipinapanalangin namin kayong mga miembro o ang maraming tao - naiisip ko kung sino ang mananalangin para sa aming mga pastor at mga  deakonesa. Siguro, dapat nga naming ipanalangin ang aming sarili tulad ng ginawa ni Zacarias.

 

Wika ng angel “Narining ng Diyos ang iyong panalangin, magkakaroon ka ng anak."

 

Pero kailangan po namin ang inyong suporta sa panalangin. Salamat po inyo na mapagmahal sa mga manggagawa. Higit sa mga regalo at kaloob na inyong bigay, nais ko pa pong hilingin na huwag ninyo kaming kalilimutan sa inyong panalangin.

May panahon na mahina kami. May panahon na inaatake kami ng lungkot. Ipanalangin po ninyo kaming mangggawa ninyo.

 

2. Ang panalangin ay mabisa.

 

Mabisa ang panalangin dahil ang Diyos ang hinaanyayahan nating kumilos sa halip na tayo lang ang kikilos. Higit na may magagawa ang Diyos, kung ikukumpara sa magagawa ng tao  lamang.

 

Matanda na si Zacarias, at baog si Elizabeth. Sa panalangin, kumikilos ang Diyos para tumugon. At kapag kumikilos ang Diyos, ang imposible ay nagiging posible.

 

Ang Panalangin ni Zacarias

Alam niyang matanda na sila. Alam niyang imposible ang kanyang hinihiling. Subalit patuloy pa rin siyang nanalangin. Marami sa atin ang madaling tumigil sa pananalangin kapag nakita natin na imposible ang ating hinihiling. Marami rin ang sumusuko sa pagdulog sa Diyos, kapag hindi agad-agad pinagkakaloob ng Diyos ang katugunan. Nanalangin si Zacarias at dininig siya ng Diyos, kahit imposible ang kanyang kahilingan.

3. Ang panalangin ay mabisa kapag ito ay ayon sa plano ng Diyos.

 

Ang kapanganakan ni Juan Bautista ay  plano ng Diyos. Hindi ito kagustuhan lamang ni Zacarias. Nangyayari ang katugunan sa panalangin kapag ito ay ayon sa plano ng Panginoon. Hindi sumusunod ang Diyos sa kalooban ng tao.  Ang sinusunod ng Diyos ay ang tanging kalooban niya. Sinasabi ng Biblia na matuwid na tao si Zacarias. At ang mga matuwid  na tao ay sumusunod sa kalooban ng Diyos at hindi lamang sa kanilang sariling hangarin.

 

Bakit hindi mo subukang manalangin para matupad ang kalooban ng Diyos. Halimbawa, kalooban ng Diyos na maitatag ang mga iglesia. Kalooban ng Diyos na mapaganda natin ang mga simbahan. Kung walang pera, bakit hindi tayo humingi sa Diyos at marubdob na manalangin? Ginagawa ng Diyos ang kanyang kalooban kahit mahirap ito sa paningin ng tao. Kalooban ng Diyos na magtagumpay tayo sa misyon at ebanghelismo! Hindi nagtatagumpay ang iglesia kapag, puro ito fellowship at maintenance ang mga activities. Ngunit kapag ginagawa ng iglesia ang kanyang misyon, Diyos ang mismong nagpupuno sa pangangailangan.

 

Kaya pagbulayan po natin, kapag tayo ay naghihirap bilang isang iglesia, tanungin natin ang ating sarili: "Ginagawa ba natin ang kalooban ng Diyos?" Isang iglesia ang nagdaraop. Mayayaman ang mga miembro, at hindi sila nag-iikapu. Tinitipid nila ang Diyos. Nanalangin sila na pagpalain ng Diyos ang kanilang iglesia, at sa palagay ninyo...tutugon ba ang Panginoon? Sa palagay ko po-HINDI! Ang paraan ng Diyos upang pagpalain ang kanilang iglesia ay ginawa na ng Diyos. Nasa kanila na ang katugunan sa kanilang panalangin, subalit hindi sila sumusunod sa nais ng Panginoon.

 

4. May kahilingan ka ba sa Panginoon?

 

Una, alamin mo muna kung ito ay ayon sa kalooban ng Panginoon. Huwag mong uutusan ang Diyos. Ikaw ang sumunod sa kanyang kalooban.

 

Pangalawa, kulitin mo ang Ama, upang mangyari ang kanyang kalooban (na iyong hinihiling).

 

Pangatlo, hanapin mo ang solusyon, at maghintay kung kinakailangan sa Kanyang panahon. Tignan mo palagi na baka, tumugon na ang Panginoon. Hindi nahuhuli sa pagtugon ang Diyos sa panalangin. lagi siyang "on time".

 

Maraming tao ang bigo sa panalangin dahil akala nila, maaring utusan ang Diyos.

 

Ang panalangin ay paghahanap ng kalooban ng Diyos para sa atin. Hindi ito pagpaparating ng ating kalooban upang sumunod ang Diyos. Hindi natin maaring mapasunod ang Diyos sa gusto natin.

 

Maging mapanalangin po tayo.  Idalangin po ninyo kamiang mga manggagawa. Hanapin natin ang kalooban ng Diyos at buong puso tayong sumunod.

 

(Altar Call: Manalangin lalo sa mga may problema sa kanilang sariling sambahayan.)

 

_________________

 

Sermon 9: Ang Nasayang na Pasko ni Herodes

Mateo 2:7-8

Nang mabatid ito,  palihim na ipinatawag ni Herodes ang mga matatalinong tao at inusisa kung kailan lumitaw ang bituin. 8 Pagkatapos, sila ay pinapunta niya sa Bethlehem na ganito ang bilin, "Hanapin ninyong mabuti ang sanggol. Kapag natagpuan ninyo siya, ipagbigay-alam agad ninyo sa akin upang ako man ay pumunta roon at sumamba rin sa kanya."

 

Ang Pasko ay isang mabuting pagkakataon para sa lahat upang magbulay sa kapanganakan ng ating Panginoong Jesus. Ang pagdating ng Diyos na nagkatawang tao ay ang pinakadakilang karanasan para sa lahat. Ilang taon lang ang nakararaan, nagpunta sa Israel ang aking kapatid at mga anak niya at ikinuwento nila ang nakakapanindig balahibong karanasan nila sa pagpunta sa Israel.

 

Naisip ko, paano pa kaya ang pakiramdam ng mga taong tunay na nakaharap ng Panginoong Jesus noon? Kung mayroon akong kina-iingitan ay sila na  nakakita sa Panginoon sa kanyang pagkakatawang tao.

 

Ang pagkakataong ito ay ipinagkaloob kay Herodes.  Nagkaroon siya ng pagkakataong makatagpo ang Cristo ng Pasko.  May magandang bagay na dapat nating tularan kay Herodes;

 

1. He searched for Jesus.

Hinanap niya si Jesus. Mabuting hangarin ang hanapin ang Diyos. Marami na rin ang nagsisimba sa panahong ito pero ilan kaya ng tunay na naghahanap kay Jesus?

 

2. He declared his intention to worship Jesus.

Sa maraming nagpupunta sa mga simbahan ngayon, kailangan din nating pag-aralan kung tayo nga ay tunay na nagpunta rito sa simbahan upang sumamba.

 

Ganito ang sabi niya, "Upang ako'y sumamba rin sa Kanya."  Nagpahayag siya ng pagnanais sumamba.

 

3. He searched the Scriptures to know more about Jesus.  Madalas yata nakakalimot na ang marami sa atin sa pagbabasa ng Salita ng Diyos.  Tama pa rin ang awitin ng mga bata, "Read your Bible and pray everyday, and you'll grow...grow...grow."

Mapalad ang mga taong tunay na naghahanap sa Diyos, dahil masusumpungan nila ang Diyos.  Tignan ninyo si Zakeo.  Hinanap niya at sinikap na makatagpo si Jesus.  Ngunit nakita niya na sila rin pala ay hinahanap ng Panginoon.

 

Sa likod ng mga bagay na ito na sinabi ni Herodes tungkol kay Jesus, may nakita ang Diyos sa tunay na motibo ni Herodes.

 

Sa  v. 13, ang sabi, "Pagkaalis ng mga matatalinong tao, nagpakita kay Jose sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sinabi nito sa kanya, "Bumangon ka't dalhin mo agad sa Egipto ang iyong mag-ina. At huwag kayong aalis doon hangga't hindi ko sinasabi sapagkat hahanapin ni Herodes ang bata upang patayin."

 

UPANG PATAYIN SI  JESUS?

 

Akala ko ba ay sasamba siya??? Akala ko ba mahal niya ang Panginoon???  Kasinungalingan ang lahat!! Pagsamba sa bibig,  ngunit pagpatay ang ibig!

 

Kapag naging huwad na pagsamba, ito na yata ang pinakamasamang bagay na magagawa ng isang tao laban sa Diyos!

 

Mga kapatid, salamat sa ating bilang ngayong gabi. Salamat sa Diyos sa inyong taos pusong pagsamba. Ginagawa ninyo ang nais ng Diyos.

 

Umiwas po tayo sa huwad na pananambahan na ginawa ni Herodes.

 

Ang lumabas sa kanyang bibig ay kabaligtaran ng kanyang gawa.

 

Ang Pasko ay pagkakataon upang tunay nating hanapin ang Panginoon. Upang sambahin natin siya sa Espiritu at katotohanan. Kung ito ang tunay na layunin natin ngayong gabi, mapapasaya natin ang Diyos.

 

Ngunit ang ginawa ni Herodes...sayang...sinayang niya ang kanyang Pasko.

 

_________________________________

 

Sermon 10:  Mga  Lola ng Panginoong Jesus

Matthew 1:1-17

 

Isang kabataan ang nagreklamo sa kanyang pastor.

"Pastor, masama ang loob ko."

"Bakit naman, anak?"

"Nabusted po ako."

"Akala ko love karin ng nililigawan mo?"

"Gusto po niya ako, pero ang nanay niya, ayaw sa akin?"

"Bakit daw?"

"Pangit daw po ang aking family background. Pangit daw ang istorya ng aming pamilya."

 

Kung sa iyo mangyayari ito, marahil malulungkot ka rin. Pero napag-aralan na ba ninyo ang family background ng Panginoong Jesus?

 

Sa talaan ng mga ninuno ni Jesus may makikita tayong listahan ng mga babae,  apat na babae na naging lola ng Panginoon.

 

Ang bawat tao ay hindi maaring pumili ng kanyang magulang, bago tayo ipinanganak. Tanging ang Panginoong Jesus lamang ang ipinanganak na maaring pumili ng pamilyang kanyang kabibilangan. Hindi tayo maaring pumili ng ating pamilya.

 

1. Ang unang lola ni Jesus ayon sa talaan ay si  Lola Tamar, na ina ni Fares at Zara, at ang ama nila ay si Judah. Si Tamar ay manugang ni Judah. Nagka-anak ang biyenan sa manugang.

 

May mga sekreto minsan sa mga pamilya na nais sanang pagtakpan na lamang at kalimutan. Ngunit ang talaan sa Mateo 1 ay ang mismong naglantad ng ganitong katotohanan tungkol sa salinlahi ng Panginoon.

 

May mga bagay na mahirap tanggapin, ngunit salamat sa Diyos na nagbibigay ng bagong buhay. Binibigyan niya tayo ng pagkakataong makatindig muli mula sa ating pagkalugmok sa kasalanan.

 

2. Si Lola Rahab ang susunod na binanggit. Si Rahab ay isang dating prostitute.

 

May isang pastor na bumisita sa isang pamilya na hindi nagsisimba. Wika ng nanay ng pamilya, "Pastor, hindi po kami nagsisimba. Baka po kasi masunog kami kung kami ay papasok sa simbahan."

"Bakit naman po?", tanong ng pastor.

"Pastor, pang gabi po kami sa trabaho."

"Dancer po ang aking anak, at ako naman po ay nag-papa table."

 

Nang marinig ito ng pastor, ibinahagi niya ang pagmamahal ng Diyos sa mag-ina. Tumanggap ang pamilya sa Panginoon, at mula noon sila ay naging dancers  na at singers sa iglesia ng Panginoon.

 

Si Rahab ay dating masamang babae. Siya ay lola ni Jesus.

 

3. Si Ruth na nanay ni Jesse, na ama ni Haring David ay naging asawa ni Boaz, dahil isang gabi, ayon sa payo ni Naomi, natulog si Ruth sa tulugan ni Boaz, upang magustuhan siya ng lalaki.

 

Palay na lumapit sa manok. At tinuka naman ng manok ang palay.

 

4. At siyempre, nabanggit din ang ina ni Solomon, si Bathsheba na (dating asawa ni Urias). Si David ay naakit kay Bathsheba habang ang babae ay naliligo. Pinatawag siya ng hari at sinipingan. Nagka-anak sila sa pagkakasala. Pinapatay ni David si Urias na asawa ng babae upang lubusan niyang maangkin si Bathsheba.

 

Pero bakit sila ang pinili ng Panginoon upangmaging lola niya sa pagkakatawang tao?

 

Si Jesus ay ipinanganak sa isang angkan ng mga tao. At dahil sa pagdating ng Panginoon sa sambahayan ng mga makasalanan, napatunayan na siya nga ang Tagapagligtas ng mga makasalanan.

 

Ang tanging makapagliligtas sa kasalanan ng tao ay si Jesus. Wika niya, "Dumating ako para sa mga makasalanan at hindi para sa mga matuwid."

 

Maraming kasalanan ang nagaganap ngayon lalo sa loob ng pamilya.  Dapat sana, ang pamilya ay maging lugar ng kapayapaan. Subalit sa loob pa ng pamilya nangyayari ang maraming kalupitan gawa ng kasalanan.

 

Ngayong pasko, maraming pamilya may reunions.  Maraming pamilya ang nangangailangan ng pagpapatawad ng Diyos. Maraming pamilya ang  nangangailangan ng pagliligtas ng Diyos.

 

Ang pasko ay pagsilang ni Jesus sa pamilya.

Sana, sa ating pamilya ay maipanganak din si Jesus.

Nanghahanap pa rin ng lugar sa tahanan ang Panginoon.

Tanggapin natin siya sa ating mga tahanan.

 

"Sumampalataya ka kay Jesu-Cristo at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sambahayan."

 

Ito ang pahayag ng Salita ng Diyos.  Bigyan natin ng lugar si Jesus sa ating pamilya, ngayon.

 

________________________

 

Sermon 11: 11. Ang Simula ng Wakas

Mark 13:1-8

 

Parami ng parami ang mga balita na malapit na ang wakas ng panahon. Nandiyan ang mga kuro-kuro tungkol sa mga nakaraang taon, halimbawa December 21, 2012. Ayaw kong maniwala sa mga ganitong uri ng balita dahil gusto kong magpasko. Hindi lamang sa paskong darating kundi ng marami pang pasko na darating pa. Ang ating Biblia ay nagsasabi na may katapusan talaga, ang muling pagdating ng Panginoong Jesus sa paghuhukom. Dito magtatapos ang lahat ng bagay, ngunit magsisimula naman ang ganap na paghahari ng Diyos.

 

May dalawang pasko tayong mga Kristiano. Ang una ay noong ipanganak ang Panginoong Jesus sa Bethlehem. Naging tao ang Diyos at nakipamuhay sa ating mga tao.

 

Ang pangalawang pasko ay ang Kanyang muling pagdating. Tulad ng Israel noong una, ang paghihintay sa pagdating ng ating Messias o Tagapaligtas, ay puno ng excitement, puno ito ng pag-asa. Ang larawan sa belen ay isang magandang larawan, sentro dito si Jesus. Hindi na mahalaga kung nasaan sila, ang hanap nga mga pantas at karaniwang pastol ay iisa - si Jesus.

 

Kaya tandaan natin, tuwing darating ang pasko, ina-alala natin ang unang pasko, ngunit hinihintay pa natin ang parating na isa pang pasko, ang muling pagdatal ng Panginoon. Ito ang simula ng kawakasan. Inilalarawan nito ang pagkawasak ng maraming bagay, ngunit magtatayo naman ang Diyos ng kanyang kaharian. Ang pagtingin natin ay dapat na muling ituon sa Diyos, at hindi sa mga bagay na nagaganap sa sanlibutan. Ganyan ang pasko - muling kukunin ng Panginoon ang ating atensyon, upang sa kanya lamang tayo tumingin.

 

Ang Marcos 13:1-8 ay pananalita ng Panginoong Jesus kung paano tayo haharap sa mga huling panahon, kung paano tayo magiging matalino sa kabila ng mga pagdaraya ng diablo, sa kabila ng mga kahirapan at pagsubok namaaring dumating. Dahil ang Kristianong tunay ay matalinong haharap sa simula ng wakas ng sanlibutan. Kaya ayon sa Panginoon, gawin natin ang sumusunod;

 

1. Huwag ituon ang paningin sa mga gawa ng tao.

As he came out of the temple, one of his disciples said to him, "Look, Teacher, what large stones and what large buildings!"  Then Jesus asked him, "Do you see these great buildings? Not one stone will be left here upon another; all will be thrown down."

 

Ang templo o anumang gawa ng tao para sa sarli o maging gawa para sa Diyos ay magwawakas. Ang nagiging "focus" ng tao ay madalas ang kanyang mga achievements. Ang mga narating ng tao gamit ang kanyang talino at kakayanan ay mawawalan ng kabuluhan pagdating ng paghahari ng Diyos. Inakala ng tao, na siya ang bida ng kasaysayan. Subalit ang Diyos ang sentro ng kasaysayan at panahon. Sa huling araw, mawawasak ang lahat ng gawa ng tao at ang lahat ng mata ay tititig na lamang sa Diyos. At si Jesus, tulad noong unang pasko, ang magiging sentro, lahat ay luluhod at sasamba sa kanya.

 

2. Mag-ingat sa Pandaraya ng Kaaway

 

13:5 Then Jesus began to say to them, "Beware that no one leads you astray. Many will come in my name and say, 'I am he!' and they will lead many astray.

 

Alam ng kaaway na hihigupin ng Panginoong Jesus ang lahat ng atensyon. Lahat ng tuhod ay luluhod sa Kanya. Sa Pahayag 22:3-5

 

“Wala roong makikitang anumang isinumpa ng Diyos. Makikita sa lunsod ang trono ng Diyos at ng Kordero, at sasambahin siya ng kanyang mga lingkod. 4 Makikita nila ang kanyang mukha, at masusulat sa kanilang noo ang kanyang pangalan. 5 Doo'y wala nang gabi, kaya't hindi na sila mangangailangan pa ng mga ilaw o ng liwanag ng araw, sapagkat ang Panginoong Diyos ang magiging ilaw nila, at maghahari sila magpakailanman.”

 

Kung kaya, ang kaaway ay magkukunwaring si Jesus, upang mailigaw niya ng marami. Gagawa rin siyang sariling tatak sa noo ng mga tao. Magkukunwari siya bilang ang Messias. Ano ang ating gagawin kung gayon?

Ang ating Panginoon mismo ang nagsabi, "Beware that no one leads you astray."  Mag-ingat tayo upang hindi tayo madaya. Paano natin ito gagawin?

 

a. alamin natin ang katotohanan. Basahin at aralin po natin ang Salita ng Diyos. Huwag po sana tayong maging mangmang at sunod-sunuran na lamang sa mga mangararal. Mag-aral tayo at alamin ang katotohanan.

 

b. Laging manalangin at hilingin ang gabay ng Espiritu Santo.

 

c. Huwag liliban sa mga pagsamba at sama-samang pag-aaral ng Salita ng Diyos.

 

Sa Hebreo 10:24-25, ganito ang paalala sa atin, "Sikapin din nating gisingin ang damdamin ng bawat isa sa pagmamahal sa kapwa at sa paggawa ng mabuti. 25 Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng ginagawa ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa't isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang araw ng Panginoon."

 

d. Umiwas sa anumang uri ng kasamaan. Wika ni John Wesley sa General Rules for the People Called Methodists, umiwas tayo maging sa mga gawaing ipinapalagay na mabuti ng mundo, ngunit labag sa mga utos ng Diyos, kahit ito ay maging uso at nagiging kagalakan sa maraming tao.

 

e. huwag tayong magsasawa sa paggawa ng kabutihan.

 

Panghuli,

3. Magpatuloy tayo sa tamang pamumuhay.

Ito ay sa kabila ng mga masasamang bagay na magaganap sa ating kapaligiran. Wika ng Panginoon,

 

13:7 When you hear of wars and rumors of wars, do not be alarmed; this must take place, but the end is still to come.13:8 For nation will rise against nation, and kingdom against kingdom; there will be earthquakes in various places; there will be famines. This is but the beginning of the birthpangs.

 

Ang pagdating ng masamang panahon ay pagkakataon para sa ating mga Kristiano upang patunayan na tayo ay sa Diyos. Wika ng Pahayag 22:11-12,

 

Magpatuloy sa pagpapakasama ang masasama, magpatuloy sa pagpapakarumi ang marurumi, ngunit ang mabubuti ay magpatuloy sa pagpapakabuti at ang banal sa pagpapakabanal."

12 At sinabi ni Jesus, "Makinig kayo! Darating na ako! Dala ko ang mga gantimpalang ibibigay sa bawat isa ayon sa kanyang ginawa!

 

Ano pa ang maari nating gawin upang magtagumpay tayo sa pagharap sa Huling Araw ng Panginoon?

 

a. Tumulad tayo kay Hannah at ihandog sa Diyos ang pinakamabuti.

 

Ang pinakamabuti para kay Hannah ay ang ihandog ang kanyang anak na lalaki sa Diyos. Maaring ang pinaka-mainam na magagawa natin ay ang hubugin din natin ang susunod na henerasyon upang maglingkod sa Diyos tulad ni Samuel. Habang pasama ng pasama ang panahon, ang nagiging biktima kadalasan ay ang susunod na henerasyon. Bakit hindi natin sila (ang ating mga anak) ihandog sa Diyos?

 

b. Ilunsad natin ang paghahari ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapabuti sa antas ng buhay para sa mga mahihirap.

 

1Samuel 2:8; "He raises up the poor from the dust; he lifts the needy from the ash heap, to make them sit with princes and inherit a seat of honor. For the pillars of the earth are the Lord's, and on them he has set the world."

 

Ang paghahari ng Diyos ay paghahari ng mabubuting bagay para sa mga mahihirap. Upang bigyang kapangyarihan ang mga mahihina at pagkain sa nagugutom. Ito ay isang paraan ng paggawa ng mabuti at pagpapatupad ng kalooban ng Diyos.

 

c. Mamuhay tayo bilang matatalinong Kristiano at magliwanag tayo. Habang inililigaw ng Kaaway ang mga tao palayo sa Panginoon, akayin natin ang mga tao patungo sa Diyos.

 

Ayon sa Daniel 12:3 Those who are wise shall shine like the brightness of the sky, and those who lead many to righteousness, like the stars forever and ever.

 

__________________

 

Sermon 12: Paghahanda sa Paskong Darating

Luke 21:25-36

 

Ang paglalarawan sa pasko ay madali lamang; mga parol, patay-sinding ilaw, suman, puto bumbong, christmas tree, simbang gabi at iba pa. Sa ibang bansa, ang larawan ng pasko ay puting kapaligiran dahil sa snow, mga pamaskong awitin, mga ilaw at mga taong nagmamadali upang makabili ng mga regalo.

 

Ganito palagi ang larawan ng pasko. Sa mga mahihirap na bata, ang pasko ay panahon ng mga panaginip upang makatikim ng mga mansanas, peras at ubas. Kendi at ulam na hindi naihahain sa mga karaniwang petsa ng taon.

 

Ngunit ano nga ba ang tunay na larawan ng pasko? Tandaan na tayong mga Kristiano ay may dalawang pasko; una, noong ipanganak si Jesus, at pangalawa, ang muling pagdating ni Jesus sa huling panahon. Ang unang pasko ay mailalarawan tulad ng imahen ng isang belen, naroon si Jesus na tangan ni Maria at Jose, naroon ang mga angel, ang mga dalaw na pantas at ang mga pastol.

 

Ang ating teksto ay naglalarawan sa paskong darating o ikalawang pasko. Ito ay ang kaganapan ng pagsakop ng Panginoong Jesus sa panahon, at sa buong sangnilikha. Ang Panginoon na lamang ang magiging tampok sa kasaysayan, na panonoorin ng lahat ng tao, di tulad ng kasalukuyan, sa ngayon, ang kasaysayan ay ginagawa ng tao, at kabahagi lamang ang Diyos. Sa lundo ng kasaysayan, sasakupin ng Diyos ang lahat, tayong tao ay makikibahagi na lamang sa ginagawa ng Diyos. Noong unang pasko, ang Diyos ay suma-saatin, sa susunod na pasko, tayo ay sasa-Diyos.

 

Sa unang pasko, naging tampok si Jesus subalit sa isang maliit na sabsaban lamang, kasama ang ilang tao na nagmamasid sa pagdating ng Diyos sa sanlibutan. Sa pangalawang pasko, manonood ang lahat ng tao, maging ang mga namatay ay makakasaksi sa muling pagdating ni Cristo.

 

Ang unang pasko ay ina-alala, ang pangalawa ay pinaghahandaan. Ngunit paano nga ba natin paghahandaan ang pangalawang pasko?

 

1. Maging Handa sa mga Magaganap

21:25 “There will be signs in the sun, the moon, and the stars, and on the earth distress among nations confused by the roaring of the sea and the waves. 21:26 People will faint from fear and foreboding of what is coming upon the world, for the powers of the heavens will be shaken.

 

Ang bawat Kristiano ay dapat maging matalino sa panahong ito ng paghahanda, dahil maraming kahirapan ang magaganap.  Habang ang mga hindi Kristiano ay nagsasamantala sa ganitong kahirapan, ang mga Kristiano naman ay dapat na gumagawa ng kanilang misyon upang tumulong sa kapwa at nahihirapan.  Habang tayo ay naghihintay sa pagdating ni Jesus, dapat tayong gumawa at maglingkod sa iba.

 

2. Maging Handa sa Pagdating ni Cristo

 

21:27 Then they will see ‘the Son of Man coming in a cloud’ with power and great glory.

 

Ang tamang paghahanda sa pagdating ni Jesus ay pagpapasakop sa Kanyang kapangyarihan ngayon pa lamang.

 

3. Maging Handa sa Gagawing Pagliligtas ng Diyos

 

21:28 Now when these things begin to take place, stand up and raise your heads, because your redemption is drawing near.”

 

4. Magbantay at maging alerto sa Pagdating ng ating Panginoon

 

a.Magbantay - 21:34 “Be on guard so that your hearts are not weighed down with dissipation and drunkenness and the worries of this life, and that day catch you unexpectedly,

 

b. Maging Alerto- 21:36 Be alert at all times, praying that you may have the strength to escape all these things that will take place, and to stand before the Son of Man.”

 

Maraming ginagawang paghahanda ang mga tao sa pagdating ng pasko, subalit madalas nakakalimot sa pagdating ni Cristo.

 

Inihahanda ang mga pagkain at regalo. Ngunit nakakalimutan ang tunay na nagbigay nito.

 

Higit sa paghahandang material, nawa’y makapaghanda tayo sa paraang espiritual, upang salubungin si Cristo sa kanyang muling pagdating.

 

____________________________

 

Sermon 13: Sabik sa Diyos.

Lucas 3:15-17, 21-22

 

15 Nananabik noon ang mga tao sa pagdating ng Cristo, at inakala nilang si Juan mismo ang kanilang hinihintay. 16 Dahil dito sinabi niya sa kanila, "Binabautismuhan ko kayo sa pamamagitan ng tubig, ngunit ang darating na kasunod ko ang magbabautismo sa inyo sa pamamagitan ng Espiritu Santo at ng apoy. Siya'y higit na makapangyarihan kaysa akin; ni hindi man lamang ako karapat-dapat na magkalag ng sintas ng kanyang sandalyas. 17 Hawak na niya ang kalaykay upang linisin ang giikan at upang tipunin ang trigo sa kanyang kamalig. Ngunit ang ipa'y susunugin niya sa apoy na di mamamatay kailanman."

 

21 Nang mabautismuhan na ni Juan ang mga tao, binautismuhan din niya si Jesus. Habang nananalangin si Jesus, nabuksan ang langit 22 at bumaba sa kanya ang Espiritu Santo sa anyong kalapati. Isang tinig mula sa langit ang narinig nila, "Ikaw ang minamahal kong Anak; lubos kitang kinalulugdan."

 

Mula sa aking pagkabata, sa edad na 12, nagsimula na sa pamilya namin ang mag-abroad. Anim kaming magkakapatid, ako ang bunso at lahat ng aking mga kapatid naghahanap buhay sa ibang bansa.

 

Kung kaya ang aking buhay sa loob ng mahigit 30 taon, ay puno ng paghihintay sa pagdating ng aking mga kapatid, lalo na kapag pasko. Kapag may nagsabi sa kanila na sila ay darating ng pasko o bakasyon, lagi akong umaasa at naghihintay na sila ay darating. Kagalakan para sa akin ang makita ang isa man lang sa kanila hangga ngayon, kapag sila ay dumarating.

 

1. Katuparan ng Paghihintay

 

Ang Epifanio ay katuparan ng Diyos sa kanyang pangako na siya ay darating. At ang isang halimbawa ng katuparang ito ay ang bautismo ni Jesus, kung saan ipinahayag ang presensya ng Diyos Ama, Anak at Espiritu Santo.

 

At inilarawan ni Lucas ang tamang damdamin sa paghihintay sa pagdating ng Tagapagligtas, wika niya,

 

"Nananabik noon ang mga tao sa pagdating ng Cristo." (v.15)

 

Nanabik sila sa Diyos. Mapalad ang mga taong uhaw sa Panginoon, sila na naghahanap ng kanyang mukha. Tulad ng minsang pagkauhaw ni David sa Diyos, sa Awit 42:1-2,

 

As the deer pants for streams of water,

so my soul pants for you, O God.

2 My soul thirsts for God, for the living God.

When can I go and meet with God?

 

Sinasabi na sa South Korea ang mga nagsisimba ay tumatakbong papasok sa mga simbahan. Marahil sila ay sabik sa Diyos. Ngunit sa ating mga simbahan bakit laging huli ang mga nagsisimba? Bakit parang wala tayong kasabikan sa Diyos?

 

Ang kasabikan sa Diyos ay damdamin ng pagmamahal sa Panginoon. Nais ng Diyos na siya ay kinauuhawan at hinahanap.   Ayon  sa Deut 4:29-30, “But if from there you seek the Lord your God, you will find him if you look for him with all your heart and with all your soul.”

 

2. Mga Bagay na Aasahan sa Pagdating ni Jesus

 

Tuwing Pasko, sa aking paghihintay sa aking mga kapatid, umaasa ako sa kanilang pagdating may pasalubong akong tatanggapin. Wala akong pinagkaiba sa mga anak ng mga OFW na naghihintay ng pasalubong mula sa mg adarating na magulang nila. Hawig ito ang damdaming ito sa mga naghihintay sa pagdating ng Panginoon.

 

Ang mga taong umaasa sa Diyos ay nagkakaroon ng pag-asa. Ang mga may pag-asa ay nagkakaroon ng lakas. Ang ating pag-asa mula sa Diyos ay hindi lamang mga hungkag na panaginip kundi mga katotohanang aasahan natin na mangyayari dahil buhay ang ating Diyos. Ang lahat ng Kanyang mga pangako ay kanyang tutuparin.

 

May mga bagay na dapat nating asahan sa pagdating ng Cristo, ayon kay Juan Bautista,

 

a. Sa kanyang pagdating paghihiwalayin niya ang trigo (mga tunay na sumasampalataya) sa ipa (mga huwad at nananatili sa kasalanan). Wika ng Pahayag 22:11, sa pagdating ng huling panahon, makikita na,

 

"Magpatuloy sa pagpapakasama ang masasama, magpatuloy sa pagpapakarumi ang marurumi, ngunit ang mabubuti ay magpatuloy sa pagpapakabuti at ang banal sa pagpapakabanal."

 

Ang isang taong pinananahanan ng Diyos ay naka-aalam na siya ay hiniwalay na ng Diyos mula sa kasalanan. Tayo ay mga pinili ng Diyos mula sa karaniwan upang gawing mga anak ng kabanalan.

 

b. Sa Kanyang pagdating babautismuhan niya tayo ng Espiritu Santo at apoy. Isang dahilan marahil kung bakit kakaunti ang nasasabik sa Panginoon, ay dahil hindi nila alam kung ano ang pinakamahalagang aasahan nila mula sa Diyos. Karamihan sa atin ay umaasa ng mga pagpapalang material sa halip na mapuno ng mga pagpapalang espiritual. Kapuspusan sa Banal na Espiritu at pagiging mainit, nag-aapoy sa pananampalataya ang pinakamahalagang kaloob ng Diyos sa mga Kristiano.

 

Huwag na tayong magtataka kung bakit parami ng parami ang nanlalamig sa ating pananampalataya. Huwag na tayong magtatanong kung bakit walang kapangyarihan ang Kristianismo sa ating panahon...Tulad ni Samson ang maraming Kristiano, dati, puno sila ng lakas at tapang, ngunit iniwan na sila ng Espiritu ng Diyos.

 

Ngunit kung babautismuhan tayo ng Diyos ng kanyang Espiritu, wika ng Panginoong Jesus,

 

"Magkakaroon kayo ng kapangyarihang magpahayag (Gawa 1:8)!"

 

c. Sa Kanyang pagdating maasahan natin ang pakiki-isa ng Diyos sa ating mga kahinaan at pagliligtas sa ating mga kasalanan. Siya ay nabatuismuan din, siya na walang kasalanan. Ang bautismo ay para lamang sa mga nagsisising makasalanan. Dahil wala siyang kasalanan, hindi niya kailangan ang bautismo, ngunit kailangan natin ang Tagapagligtas.

 

Ginawa niya ito, para sa ating ikaliligtas.

 

d. Sa Kanyang pagdating sa ating buhay, makakaasa tayo ng presensya ng Diyos sa ating buhay. Naranasan naba natin ang kaibahan ng tumanggap sa Panginoon sa hind pa? Alam na ba natin ang pagkakaiba ng isang taong tinatahanan ng presensya ng Diyos kumpara sa isang tao na wala sa kanya ang Diyos?

 

Ang Epifanio ay panahon upang alamin natin kung nasa ating nga ba ang presensya ng Panginoon. Minsang nasabi ni John Wesley,

 

"Hindi ako natatakot na nawala sa mundo ang mga Metodista,

ang kinatatakutan ko ay ang manatili sila sa mga bansa, sa America man o sa Europa, na wala namang kapangyarihan."

 

Totoo nga mga kapatid, kung ang ating pananampalatayang Metodista ay hindi na kinakikitaan ng presensya ng Diyos sa ating buhay, ano pa nga ba ang halaga nito?

 

Sa pagkakataong ito, buksan natin ang ating mga puso at damhin ang presensya ng Diyos sa ating buhay. Kasama natin ang Diyos.

 

__________________________

 

Sermon 15:  Hinanap Si Jesus ng Matatalinong Tao

Matthew 2:1-12

 

Wise people are not only blessed, but also, they are blessings to other people. We can always enumerate genius people like Einstein or, Mother Teresa, who are so gifted and yet they learned to live for God and for other people. Sa ganitong paraan, hindi lang sila pinagpala, kundi pag-papala sila sa iba.

 

According to 1 Chron. 12:1&32, David needed to win the war against Saul, so he would be the king of Israel, he ask every tribe of Israel to send warriors to rally with him. Issachar, a very small tribe sent wise men, instead of warriors. According to verse 32: "Isaacar: 200 mga pinuno kasama ang mga angkang kanilang pinamumunuan. Ang mga ito'y marunong humula ng panahon at nagpapasya kung ano ang hakbang na gagawin ng bansang Israel".

 

Sa anumang sitwasyon ng bansa, ng personal na buhay o sa buhay man ng ating iglesia, ang mga may kakayanang mag-isip at magmungkahi na may talino na mula sa Diyos ay kailangang bigyan ng puwang upang marinig, upang tayo ay umunlad.

 

Kailangan natin ang mga "taga-Isaacar ng ating iglesia", mga tao na makakabasa sa takbo ng ating panahon upang tayo ay umunlad at makatulong sa pagbabago ng mundo sa pamamagitan ng pagdidisipulo para kay Kristo.

 

Tanging si Mateo lamang ang bumanggit tungkol sa mga Tatlong Mago. Kadalasan, ang "mago" ay binibigyan ng kahulugang "wise" o matatalino. Maaring sila ay mga astrologers* o nag-aaral sa takbo ng mga bituin at sila ay mula pa sa Iraq (silangan ng Israel).

 

Bakit natin nasasabi na sila nga ay matatalino?

 

1. Una, nauuwaan nila ang kahulugan bituin na siyang tanda o "sign"mula sa Diyos. Ang isang katangian nila na dapat nating tularan ay ang kanilang pagiging bukas at sensitibo sa mga pagkilos ng Diyos sa kanilang panahon. Ang kalooban ng Diyos ay hindi madaling makita. Kadalasan, bagamat sinasabi natin na nais nating malaman ang kalooban ng Diyos, ngunit dahil nakaharang ang ating sariling kalooban, hindi natin marinig ang kalooban ng Panginoon. Kadalasan, hindi natin makita ang mga plano ng Diyos, dahil may sarili na tayong plano para sa sarili. Madalas matakpan ang kalooban ang Diyos ng ating sariling kalooban.

 

Subalit ang mga mago ay may bukas na pananaw, at nakikita nila ang kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng bituin. Maraming tao ang hindi na nagagabayan ng Diyos dahil wala na silang panahon upang magmasid kung ano ang nais gawin ng Diyos.

 

2. Pangalawa, nauunawaan nila ang Epifanio o paglitaw ng Diyos sa buhay ng batang si Jesus. Ang kanilang paghahanap ay nauwi sa pagsamba. Ang pagsamba ay pagkilala sa pagiging Diyos ni Jesus. Kinilala nila na sa pamamagitan ni Jesus, ang Diyos ay buhay at aktibong kumikilos sa mundo.

 

Madaling magkamali ang marami. Akala nila, sapat na ang maniwala na may Diyos. Subalit sa babala ni Santiago, "kahit ang diablo man ay naniniwala na may Diyos"! Ang Epifanio ay paglitaw ng Diyos sa pamamagitan ng isang "aktibong presensya" sa mundo.

 

At nauwaan nila ang ikinikilos ng Diyos, bagama't sila ay  mga pagano (hindi mga Judio).

3. Nauwaan nila (ayon sa kanilang mga kaloob ang plano ng Diyos sa buhay ni Jesus.

 

Ang isa ay nagbigay ng ginto - handog para sa isang hari.

 

Si Jesus ay dapat na kilalaning hari ng ating buhay. Maliban na kikilalanin natin siya bilang Panginoon, hindi tayo paghaharian ng Diyos. Wika ni Juan Wesley, "dapat nating tiyakin kung tunay nga na isinuko na natin ang ating buhay sa kanya". Ito ang kahulugan ng gintong handog, ang pagkilala sa paghahari ng Panginoong Jesus sa ating daigdig at personal na buhay.

 

Ang isa ay nagbigay ng kamanyang o incenso.

Ang incenso ay gamit ng pari (priest) sa templo bilang tagapamagitan sa tao at Diyos. Malinaw sa Biblia na si Jesus ay ang tanging Tagapamagitan sa tao at Diyos, at walang makakarating sa Ama kundi sa pamamagitan lamang ng Panginoong Jesus. Sabi sa 1 Tim. 2:4,

 

"Sapagkat iisa ang Diyos, at tanging si Jesu-Cristo lamang ang taong tagapamagitan sa atin at sa Diyos."

 

Ang kanyang pagkakatawang tao ay natatanging gawa ng Diyos upang mailigtas tayo mula sa ating mga kasalanan.

 

At ang ikatlo ay nagbigay ng mira - pabango.

Ang mira ay iang uri ng dagta (sap) na ginagamit bilang pabango. Ang pabango ay hindi lamang sa mga buhay kundi para din sa mga patay (Mateo 26:6-13). Maalala na minsang binuhusan ng pabango si Jesus at kanyang sinabi ang ganito,

 

"Hindi pa ma'y binuhusan na niya ako ng pabango bilang paghahanda sa paglilibing sa akin." - Mateo 26:12

 

Sa Marcos 16:1 ay ganito naman ang sinasabi,

"Pagkaraan ng Araw ng Pamamahinga, si Maria Magdalena, si Maria na ina ni Santiago at si Salome ay bumili ng pabango upang sila ay magpunta sa libingan at lagyan ng pabango ang bangkay ni Jesus."

 

Ang pabango kung gayon ay pagkilala sa gagawing pagliligtas ng Diyos sa pamamagitan ng kamatayan ng Panginoong Jesus!

 

Ang pagiging matatalino ng mga mago kung gayon ay bunga ng kanilang malinaw na pagkakaunawa kung sino si Jesus ay kung ano ang plano ng Diyos sa buhay ng Panginoong Jesus. Ito ay malinaw na kaalaman nila sa "pagbasa sa mga tanda ng panahon", dahil nangungusap ang Diyos sa kanila.

 

Ganito rin ang pahayag ni San Pablo sa Efeso 3:3-4

"Tulad ng naisulat ko na, ipinahayag sa akin ng Diyos ang kanyang hiwaga. 4 At habang binabasa ninyo ito, malalaman ninyo kung ano ang pagkaunawa ko sa hiwaga tungkol kay Cristo."  Ang Tatlong Mago ay nakakaunawa sa mga "hiwaga ng Diyos".

 

This is a New Year, a new challenge for all of us. But have we consulted God for our plans? Are we open for the epiphany, for the active actions of God? Kung may nais baguhin ang Diyos sa buhay natin, bibigyan ba natin ng kalayaan ang Diyos? Will Jesus be your KING, your PRIEST and your SAVIOR?

_____________

* Sa panahon ng NT, ang mga "magi" ay kinabibilangan ng mga astrologers, manghuhula, magicians.

 

 

 

__________________________________  

 

SERMON SERIES - SET3

 

Simbang Gabi 2019 (9 Nights Sermons)

Theme: "Pasko: Biyaya ng Diyos Para sa Lahat"

 

1. Ang Biyaya ng Diyos sa Mga Mahihirap

       Luke 2:8-17 - Ang Mga Pastol

 

Mahirap ang maging mahirap.

 

Minsan galing ako sa jail ministry. Pagkatapos kong ipanalangin ang isang nakulong matapos paratangan ng pagnanakaw ng isang  pares ng tsinelas.  Siya ay nakulong ng higit sa dalawang taon.  Hindi umuusad ang kanyang kaso. Wala siyang pambayad ng abogado.  Wala akong nagawa kundi ipanalangin siya. Malungkot akong umuwi pabalik ng simbahan na nagtatanong sa Diyos  kung bakit.

 

May mga mahirap na hindi kayang ipaglaban ang sarili kahit agawan sila ng karapatan, lupa o  kung maparatangan, kahit  walang ginawang kasalanan. Kung mayroong higit na nangangailangan sa biyaya ng Diyos, sila ang mga mahihirap sa lipunan.

 

Ang mga pastol sa parang na nagbabantay magdamagan ay maitutulad sa mga security guard na nagbabantay sa gabi.  BInabantayan nila ang ibang gusali o banko, o bahay ng may bahay.  Ngunit wala sila sa sariling tahanan upang mabantayan ang sariling pamilya.  Habang tulog ang marami, sila ay gising na naghahanapbuhay.  Subukan mong silipin sa gabi ang mga nangunguha ng basura upang ibenta ito para gawing pera.

 

Habang hinahanap natin kung ano ang nasa puso ng Diyos para sa mga mahihirap,  gusto ko kayong anyayahan na magbulay ngayong Pasko sa kalagayan ng mga pastol.  Tara, dalhin natin ang ang Mabuting Balita ng Biyaya ng Diyos sa kanila tulad ng ginawa ng mga angel.

 

Ang mga Pastol sa Parang

 

Ang mga pastol dahil mahirap, kadalasan silang  napagbibintangang magnanakaw noong panahon na iyon.  Sa panahong ipanganak si Jesus may dalawang uri lamang ng tao.  Mahirap at mayaman.   Walang middle class noon.   75% ay mahirap, at 25% ay mayaman.    Ang mayayaman ay mga Romanong may mataas na tungkulin.  Mga politiko at makapangyarihan sa militar.  Sila rin ang kadalasang may-ari ng lupa.

Habang ang mga karaniwang tao ay kadalasang nagtatabraho sa bukid ng mga mayayaman.  May mga sumusweldong tulad ng mga karpintero, mga bayarang katulong (payed servants) at magagaling sa mga paggawa ng mga gusali (artisans).  Kabilang sa mga mahirap ang mga bayarang pastol. Kung wala silang makitang trabaho sa isang araw, at wala silang sahod. Pinakamahirap ang mga namamalimos, dahil sa kapansanan, mga prostitutes (may mga balo na nagbebenta ng sarili upang may ipakain sa pamilya, at mga magnanakaw).

 

Ang Mabuting Balita Para sa Mahirap

 

Ano nga ba ang mabuting balita sa mahirap? Para sa pulubi, kung may magbibigay ng limos, ito ay mabuting balita.  Ang libreng relief goods, pakain, o medical mission ay mabuting balita sa nagdarahop.

 

Sa biglang tingin, ang kapanganakan ng Panginoon ay parang “hindi” mabuting balita.   Dahil wala itong libreng pakain, o libreng gamot o limos!  Ngunit mayroong higit pang pakinabang ang Mabuting Balitang ito tungkol sa pagdating ng Tagapagligtas.

 

1. Una, mabuting balita sa mga pastol ang balita tungkol kay Jesus dahil ito ay nagpapa-alala ng pag-angat sa buhay ng pastol na si David (v.11).  Ang Cristong Panginoon ay isinilang sa bayan ni David.  Si Haring David ay hari na nagmula sa angkan ng mga pastol. Ang panawagan sa mga pastol ay pagkilala sa magagawa ng Diyos sa kanilang buhay, tulad ng ginawa ng Diyos sa buhay ng ninuno nilang si David.

 

Ang iglesia ay tinatawagan ng Diyos upang magbigay ng ganitong pag-asa sa mahihirap.  Ibalita sa kanila ang maaring gawin ng Diyos upang buksan ang pagkakataon ng pag-angat sa buhay.  At ito ay totoong Mabuting Balita.

 

2. Pangalawa, mabuting balita sa mga pastol na si Jesus ay ipinanganak sa kanilang kalagayan. Ang Cristong Panginoon ay makikita sa isang tanda, siya ay nakahiga sa sabsaban.  Ang sabsaban ay gamit ng pastol upang pakainin ang mga hayop.  Nakita nila ang Tagapagligtas sa kanilang piling.  Naroon ang Diyos sa kanilang abang kalagayan!  Nakapiling nila ang Diyos sa kanilang pagiging pastol. Ito ay mabuting balita!   Ngunit paano dadalhin ng iglesia ang Mabuting Balita sa mga mahihirap? Ang sagot ay makikita natin kung paano nagsagawa ng misyon ang mga unang Kristiano.

Misyong Kristiano: Mahirap Para sa Mahihirap

 

Karamihan sa mga sinaunang Kristiano ay mahihirap.  Ngunit sa kanilang offerings, sila ay tumulong sa mga balo, (1 Timoteo 5:3) , upang hindi na mamalimos, o magnakaw o ibenta ang  sarili para lang makakain.

 

Ang pagtulong ng iglesia ay naging laganap sa gitna ng kahirapan ng maraming mamamayan.   Halimbawa dito ang pahayag ni Pablo, sa 2 Corinto 8:2,  “Dumanas sila ng matinding kahirapan at ito'y isang mahigpit na pagsubok sa kanila. Ngunit sa kabila ng kanilang paghihikahos, masayang-masaya pa rin sila at bukás ang palad sa pagbibigay.”

 

Makikita na ang naging susi sa tagumpay ng Kristianismo ay ang pagtutulungan ng mga Kristiano sa gitna ng kahirapan.  Sa ganitong paraan nila naramdaman ang pag-ibig at presensya ng Diyos sa iglesia.

 

Ang Tagumpay ng Kanilang Misyon

 

Ayon sa   Gawa 4:32-33, “ Nagkaisa ang damdamin at isipan ng lahat ng mananampalataya, at di itinuring ninuman na sarili niya ang kanyang mga ari-arian, kundi para sa lahat. 33 Taglay ang dakilang kapangyarihan, ang mga apostol ay patuloy na nagpapatotoo tungkol sa muling pagkabuhay ng Panginoong Jesus.[d] At ang masaganang pagpapala ay tinaglay nilang lahat.”

 

Ayon sa patotoo ni Pablo, sa 2 Corinto 8:9,

“Hindi kaila sa inyo ang kagandahang-loob ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na kahit na mayaman ay naging dukha upang maging mayaman kayo sa pamamagitan ng kanyang pagiging dukha.”

 

May Pag-asang Dala ang  Pasko kung  totoong mabuting balita ang dala ng mga Kristianong tulad mo.

 

Kaya nagwakas ang ating talata sa ganito, “ Umalis ang mga pastol na nagpupuri sa Diyos at nagpapahayag ng kanyang kadakilaan dahil sa lahat ng narinig nila at nakita, ayon sa sinabi sa kanila ng anghel.” (Lk. 2:20).  Halina, magdala tayo ng totoong mabuting balita sa mahihirap.

 

_____________________

 

2.  Ang Biyaya ng Diyos sa mga Maykapangyarihan at Mayayaman - Mateo 2:7-8

 

 “Nang mabatid ito, palihim na ipinatawag ni Herodes ang mga pantas at inusisa kung kailan lumitaw ang bituin. Pagkatapos, sila ay pinapunta niya sa Bethlehem na ganito ang bilin, “Hanapin ninyong mabuti ang sanggol. Kapag natagpuan ninyo siya, ipagbigay-alam agad ninyo sa akin upang ako man ay pumunta roon at sumamba rin sa kanya.”

_____________________

 

Dumarating ang Mabuting Balita sa kahit sa mayayaman at maykapangyarihan.  Ang kwento ni Cornelio sa Gawa 10 ay isang halimbawa.  Dumating si Jesus para kay Zaqueo, na isa ring mayaman. Ang pagliligtas ng Diyos ay para sa lahat.  Ang mga mayayaman ay nanganganib na mapamahal sa kanilang salapi.  Sabi sa 1 Timoteo 6:10,

 

“Sapagkat ang pag-ibig sa salapi ay ugat ng lahat ng kasamaan. Dahil sa paghahangad na yumaman, may mga taong nalalayo sa pananampalataya at nasasadlak sa maraming kapighatian.”

 

Maaring ang mga mayayaman ay malungkot sa kalooban.  Dahil walang taong nagiging kuntento sa kayamanan.  Ang tunay na kaligayahan ay wala sa kayamanan.  Ang tunay na kaligayahan ay nagmumula sa Diyos na nagbibigay ng tunay na kapayapaan. Ang pinakamahalagang kayamanan sa buhay, tulad ng kapayapaan, masarap na pagtulog, kaligayahan sa pamilya ay hindi natutumbasan ng salapi.

 

Kailangan ng Mayayaman at Makapangyarihan ang Biyaya ng Diyos

 

Maaring ang isang mayaman ay hungkag ang buhay.  Ang dami ng salapi ay maaring magdulot ng takot, at pangamba.  Maraming makapangyarihang politiko ang takot na ipapatay ng kaaway sa politika. Maraming mayaman ang nangangailangan ng kapayapaan mula sa Diyos.

 

Dumating ang Mabuting Balita Kay Herodes

 

Hindi aksidente ang pangyayaring ito.  Lahat ng kwento sa Biblia ay kwento ng pakikitagpo ng Diyos sa ibat-ibang uri ng tao. Nais katagpuin ng Diyos si Herodes.  Ang pagkakataon ng kaligtasang espiritual ay pinagkakaloob  ng Diyos sa lahat ng tao, masama man o mabuti.  Ayon sa 1 Timothy 2:4,

“Ibig niyang ang lahat ng tao ay maligtas at makaalam ng katotohanang ito.”

 

1. Kailangan ng mga mayayaman ang kapayapaan mula sa Panginoon.  Ito ang naranasan ni Zaqueo.  Ito ang anyaya ng Panginoon sa mayamang kabataan sa Lucas 18:18-30.  Utos ng Panginoon na ibenta ng mayaman ang kanyang kayamanan, ipamigay ito sa mahihirapa t sumunod siya kay Jesus.

 

2. Kailangan ng mga mayayaman ang mas makahulugang buhay.  Nagiging makahulugan ang buhay kung ang tao ay may misyon.  Ang pagyaman ay  hindi misyon. Ang misyon ay ang paggamit sa kayamanan sa pagtulong sa iba. Ang  mga Kristianong mayayaman ay may malaking maitutulong sa ministeryo ng Panginoon.  Sabi ni Pablo tungkol sa mayayaman sa 1Timoteo 6:18,

 

“Utusan mo silang gumawa ng mabuti at magpakayaman sa mabubuting gawa, maging bukas-palad at matulungin sa kapwa.”

 

3. At ang pinakamahalaga, kailangan din nila ang pagliligtas ng Diyos.  Hindi maililigtas ng kayamanan ang kaluluwa ng tao.

 

Mahalagang maipakilala ng iglesia ang Panginoong Jesus bilang Tagapagligtas ng lahat.  Kailangang makita ng mga mayayaman at makapangyarihan  ang pangangailangan nila sa Diyos.

 

Ang Tugon ni Herodes

 

Nagkaroon ng malaking interes si Herodes sa Panginoong Jesus.  Sa isang banda mabuti ito.  Kailangan nating gawing  “interesting” sa mayayaman ang ministeryo ng iglesia.  Kailangang makita ng mga mayayaman ang mabuting ibubunga ng kanilang paglahok sa mninisteryo ng Panginoon sa iglesia.

 

Kaya pinatawag niya ang mga Pantas upang alamin kung saan makikita si Jesus.

 

Tanungin po natin ang ating sarili:

 

May gawain ba tayo ng pagpapakilala sa Panginoong Jesus sa mga mayayaman?

Minsan, madali sa atin ang makipag-kaibigan sa mayayaman, nakikita rin ba natin ang ating misyon upang tulungan silang maligtas sa kasalanan?

 

Ang Ginawa ng Mga Pantas

 

1. Hindi ikinaila ng mga Pantas ang kanilang paghahanap sa Tagapagligtas.  Sinabi nila na ay naghahanap sa Panginoong ipinanganak upang sambahin ang Messias.  Maraming Kristiano, ikinahihiya nila ang pagbabahagi ng Mabuting Balita kaya hindi dumadaloy ang biyaya ng Diyos sa buhay ng iba.

 

2.  Hindi natakot ang mga Pantas.  Si Herodes ay kilalang masamang tao.  May panganib sa pagbabahagi ng Mabuting Balita.  Maari kang pagtawanan o pahirapan.  Sa iglesia sa Iran, Middle East, maraming kwento ng mga babaeng pastor ang pinagsasamantalahan upang itigil na nila ang pangangaral ng Salita ng Diyos.  Sa isang interview ng isang pastora na pinagsamantalahan, wika niya,

 

“Kung ito ang paraan upang maihandog ko ang aking katawan sa Diyos,isa itong karangalan.”

 

Conclusion:

 

Alam natin na hindi tunay na sumampalataya si Herodes sa Panginoong Jesus. Huwad ang kanyang pagsasabi na sasambahin niya ang Tagapagligtas. Ngunit huwag nawang tumigil ang iglesia sa pagdadala ng Mabuting Balita ng kaligtasan.  Dahil kailangan ng mga taong mayayaman ang biyaya ng Diyos upang sila ay maligtas. Marami pang Herodes, o Pilato at Zaqueo ang nais katagpuin ng Panginoon.

 

___________________________

 

3. Biyaya ng Diyos Kay Simeon

Lucas 2:25-35  -  (Biyaya Para sa mga Senior Citizens)

 

Maganda at kapuri-puri ang ministeryo ng ibang iglesia sa mga Senior Citizens.  Salamat din sa gobyerno na  nagbibigay tulong sa mga Seniors ng bayan.  Mabuti kung ang iglesia lokal ay magkakaroon ng konkretong ministeryo para sa mga Senior Citizens.

 

May ilang pangamba ang mga Senior o mga tumatanda;

 

1. Pangamba na mawalan ng silbi.  Habang tumatanda ang isang tao, mas marami na ang hindi niya nagagawa.  Kaya nagbibigay ito ng damdamin ng insecurities.

 

2. Pangamba ng pag-iisa.  May pamilya na ang mga anak, kaya madalas mag-isa ang mga matatanda. Maraming matatanda ang nakakaranas ng depression.

 

3. Pangamba na nagiging pabigat  na sila sa mga anak at apo nila. Feeling of uselessness.

 

4. Takot sa kamatayan.  Alam nila na palapit na ang kamatayan.  Dumadami ang sakit nila, at ramdam nila ang pagkatok ng kamatayan sa kanilang buhay.

 

May ministeryo po tayo sa mga matatanda.  At ito ang ating tatalakayin sa ating mensahe sa Simbang Gabing ito.  Huwag nating kalilimutan ang ating mga magulang na tumatanda na.  Inalagaan nila tayo noong bata pa tayo, alagaan natin sila ngayon matanda na sila.

 

May kwento tungkol sa isang matanda na nagpunta sa gumagawa ng cell phone.  Reklamo niya, “May sira ang aking cellphone.  Paki-ayos mo anak.”

 

Tinignan ng cellphone repairman ang Nokia ng matanda.  “Wala pong sira lolo.  Maayos po ang cellphone niyo.”

Sagot ng matanda, “E  bakit hindi tumatawag ang mga anak ko sa akin? “Sagot ng repairman, “Lolo, ang mga anak ninyo ang may sira.”

Mababasa sa Lucas 2:28, “kinarga ni Simeon ang sanggol. Pagkatapos, nagpuri siya sa Diyos”.

Sa ibang salin, Niyakap ni Simeon ang sanggol, at siya ay nagpuri sa Diyos.”

 

Maraming Matatanda ang Nagnanais Yumakap sa Panginoon

 

1. Maraming magulang naghahanap ng puwang sa iglesia upang patuloy na maglingkod. May mga retired teachers na matapos magtrabaho, at saka sila nagpastor. May dahilan ang iba,  sabi ng isa, “Nais kong ipaglingkod sa Diyos ang nalalabi kong buhay.”   Ang ganitong magandang halimbawa ay dapat bigyang puwang sa iglesia.

 

2. Marami ring magulang ang naglingkod noon, at retired na ngayon sa ministeryo.  Maraming sundalo ang Panginoon na nagbuwis ng kanilang lakas sa pagmimisyon noong kalakasan nila.  At ngayong matanda na sila, mahalagang pagpalain natin sila.

 

3. Marami rin ang matatanda sa labas ng iglesia na nangangailangan ng attention ng simbahan. Hindi po kilala nina Jose at Maria si Simeon. Ngunit biglang kinuha at kinalong ng matanda ang sanggol. (Mabuti at hindi pa uso noon ang ngunguha ng bata. Kundi napagkamalan si SImeon.)

 

Ngunit isang malaking kamalian kapag ang iglesia ay naglilingkod lamang sa kanyang miembrong nasasakupan.  Sa bawat baranggay ay may maraming matatanda na dapat abutin ng iglesia.   Mga hindi kaanib ng iglesia na naghahangad na yumakap sa Tagapagligtas!

 

Naranasan ko po ang magbahagi ng Salita ng Diyos sa isang matanda na naka-wheel chair.   PInanalangin ko siya at palaging dinadalaw, kahit hindi siya miembro ng aking destino.   Kinatatakutan pala ang matanda ito dahil dati siyang “killer” o “hitman for hire”.  Ngunit bago siya pumanaw, tumanggap siya sa Panginoon at humingi ng tawad sa Diyos sa lahat ng kanyang kasalanang nagawa.

May mga matatanda na naghihintay sa pagliligtas ng Diyos.

May mga matatanda na nakagawa ng mga kasalanan noong malakas pa sila.

Ang Panalangin ng Matandang Simeon

 

Masasalamin ang inaasam ng mga katulad ni matandang Simeon sa panalanging ito;

 

1. Panalangin ng payapang paglisan sa mundong ito.  Mababasa  sa  v. 29

     “Ngayon, Panginoon ko, ayon sa inyong ipinangako, mapayapa mo        nang kunin ang iyong alipin.”

 

2.  Panalangin ng kasiguruhan ng kaligtasan para sa mga Simeon sa ating paligid.  Sabi  v. 30, “Sapagkat namalas na ng aking mga mata ang iyong pagliligtas,”.

 

Ang pagliligtas ng Diyos ay kailangan ng lahat, bata man o matanda.  Ngunit nagmamadali ang pangangailangang maligtas ng mga matatanda.  Dahil kaunti na lamang ang kanilang nalalabing panahon.

 

Malaking pagkukulang kapag ang iglesia ay hindi marunong mag-ebanghelismo sa mga tao.  Maraming tao ang namamatay na hindi tumatanggap sa Panginoong bilang Tagapagligtas.  Kailangan nilang makilala ang Panginoong Jesus upang patawarin sila at bigyan ng buhay na walanghanggan.

 

3. Panalangin upang ibahagi ang  Kaligtasan sa iba.  Nais ding maranasan ng mga seniors ang magbahagi ng Salita ng Diyos.  Sabi sa  verse 32,  ang sanggol ay “Isang ilaw ng pagpapahayag sa mga Hentil”.

 

Ang isang naligtas ay may pagnanais na magbahagi sa kanyang tinanggap.

Isang matanda ang nakakilala sa Panginoon. Ayon sa kanya, “Pastor, ang aking misyon ay ang maipakilala sa aking buong pamilya ang Panginoon. Bago man ako pumanaw, dalangin ko na mailapit ko sa Diyos ang aking pamilya sa ating iglesia.”

 

4. Nais ng mga Senior na maging pagpapala din sa iba, v. 34.

 

Umabot po tayo sa mga matatanda ng ating lugar.  Misyunan po natin sila at bigyang bahagi sa misyon ng iglesia.

 

 ______________________________________

 

4. Ang Biyaya ng Diyos sa Buhay ni Ana

     Lucas 2:36-38

 

36 Naroon din si Ana, isang propetang babae na anak ni Fanuel, mula sa lipi ni Aser. Napakatanda na niya. Pitong taon niyang nakapiling ang kanyang asawa matapos maikasal. 37 Ngayon ay isa na siyang balo sa edad na walumpu't apat. Hindi niya nililisan ang templo kundi araw at gabi siyang nag-aayuno at nananalangin doon. 38 Pagdating niya nang mga oras na iyon, nagpuri siya sa Diyos at nagsimulang magsalita tungkol sa sanggol sa lahat ng mga naghihintay ng katubusan ng Israel.

 

Sa kwento ng Metodismo, hindi maikakaila kung paano ginamit ng Diyos ang mga babaeng Kristiano sa paglago ng pananampalataya. Si Susana Wesley na ina ni John Wesley ay isang halimbawa.  Si Ptra. Paz Macaspac, ang pinaka-unang babaeng ordinadong pastor sa Pilipinas ay hindi nag-asawa.  Hanggang sa kanyang kamatayan, siya ay nanatiling naglingkod sa mga Aeta ng kabundukan ng Zambales, Bataan, Pampanga at Tarlac, at nanguna sa pagkatatag ng Immanuel Bible School para sa mga katutubo.

 

Hindi matatawaran ang nagawa ng mga kababaihan para sa iglesia ng Panginoon.

 

Ang gabing ito ay maituturing na pagpupugay sa mga kababaihang Kristiano bilang mga pinagpala ng Diyos.  At hindi lamang sila pinagpala, dahil sila ay malaking pagpapala sa buhay ng iglesia.  Hindi magiging kumpleto ang iglesia kung wala sila.

 

Ang Biyaya ng Diyos sa Buhay ni Anna

 

1. Si Anna ay isang propetisa - siya ang tanging babaeng tuwirang tinawag na propetisa sa buong Bagong TIpan.

 

2. Siya ay purong Israelita.  Ang mga Israelita ay kinikilala sa kanilang lineage o patunay ng kanilang salinlahi.  ALam nila kung kaninong tribu sila kabilang.    Isang taong kilala ang kanyang ama (Phenuel - mukha ng Diyos) at ang kanyang tribu ay Asher (pinagpala).

Pagkilala sa Biyaya ng Pamilya at Buhay

 

Maraming tao sa ngayon ang despressed.  Mas napapansin nila ang negatibong  bahagi ng kanilang buhay.  Hindi maiaalis ang mga pangit na karanasan sa buhay.  Ngunit maari nating tignan ang mga positibo, sa halip na mag sentro sa mga hindi maganda.

 

Ang ating pananampalataya ay nag-aanyaya upang bilangin natin ang mga pagpapala ng Diyos sa kanilang buhay at pamilya.  Si Anna ay maaring nag-asawa tulad ng karaniwang babae noon.  Sa edad  halimbawa na 14, nag-aasawa ang  mga kabataan sa panahon na iyon.  Pagkatapos ng  7 taon,  siya ay nabalo.  Kung siya ay balo sa loob ng  84 na taon, siya ay  nasa edad  na  (84 + 7 + 14) 105! Sa panahon na iyon, kawawa ang  mga balo.  Sa halip na mag-asawa ulit, pinili ni Anna ang maglingkod sa Diyos.

 

Ang edad na ito ay ikinukumpara sa katapatan ni Judith sa Diyos, ang babaeng bayani ng Israel sa Lumang Tipan (sa Apocrypha).

 

Sa ganitong edad niya nakatagpo ang Panginoong Jesus.  Tunghayan natin ang  mga pagpapala sa buhay ni Anna.

 

1. Una ang pagpapala ng  pamilya - ito ay  mahalaga kay Anna.  Pinakilala siya ayon pangalan ng kanyang ama at kinibibilangang tribu sa Israel.   Sa mga Judio, tinututuring nilang pagpapala ang kanilang kinabibilangang pamilya at lahi.

 

2. Pangalawa,  ang kadalisayan ng kaniyang pananampalataya  (purity of  faith) ay kanyang iningatan. Sa lumang kaugalian ng mga Judio, ang isang balo na hindi nag-asawa ay tanda ng kanyang pagtitiwala sa Diyos, na hindi siya pababayaan ng Panginoon.

 

Ang dalawang mabuting halimbawang ito ay ipinapakilala sa buhay ni Anna.  At bilang tugon niya sa biyaya sa kanya ng Diyos, si Anna ay naglingkod  sa Panginoon hanggang sa kanyang pagtanda bilang isang propeta.  Siya ay naging tagapag-salita ng Diyos sa kanyang bayan.  Siya ay nagbigay ng pag-asa sa mg anaghihintay sa Tagapagligtas.

Ang Inihandog na Buhay sa Diyos

 

Ang halimbawa ni Anna ay buhay na inihandog sa Diyos.  Sa gipit niyang kalagayan bilang isang balo, mas pinili niya ang magtiwala at maglingkod sa Panginoon.    Ayon sa Roma 12:1-2,

 

“Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa habag ng Diyos, ipinapakiusap ko sa inyo na ialay ninyo ang inyong mga katawan bilang handog na buháy, banal, at kalugud-lugod sa Kanya. Ito ang inyong karapat-dapat na pagsamba.”

 

1. Si Anna ay nabuhay na nagtitiwala sa biyaya ng Panginoon.   Ang mga balo ay walang asawang lalaki na magbibigay proteksyon para sa kanila.  Karaniwan din na ang lalaki ang maghahanapbuhay, habang ang asawang babai ay magtatrabaho sa bahay at nagpapalaki ng mga anak.  Bilang balo, maaring si Anna ay namuhay na mag-isa.  Hindi natin alam kung may anak siya.  May anak man siya o wala, itinaguyod niya ang sarili (o pamilya) na mag-isa sa biyaya ng Diyos.

 

2. Si Anna ay nabuhay na naglilingkod sa Diyos, hanggang pagtanda. Ang pagiging propeta ay hindi madali. Maaring magalit ang mga tao sa propeta lalo kung may dapat ituwid na kamalian sa gobyerno, sa templo o sa malng gawain ng mga tao.

 

Si Anna ay dapat pamarisan.

 

a. sa tamang pagkilala niya sa mga pagpapala ng Diyos - pamilya, at lahi.

b. sa pagpapanatili ng kadalisayan ng pagkatao bilang lingkod ng Diyos.

c. sa pagtitiwala sa katapatan ng Diyos sa isang tulad niyang balo.

d. sa buhay na naglilingkod habang nabubuhay.

 

Purihin ang Diyos sa kanyang biyaya sa mga taong nagtitiwala sa Kanya!

 

__________________________

 

5. Ang Biyaya ng Diyos sa mga Mago

Matthew 2:1-12

 

Kahit ang  mga matatalinong tao ay nangangailangan ng biyaya ng Diyos.   May mga  taong magagaling, mataas ang pinag-aralan, ngunit kailangan pa rin nila ang Diyos. Sino mang magsasabing walang Diyos ay mangmang, gaano man siya katalino sa kanyang tingin.

 

“Wala namang Diyos!” ang sabi ng hangal sa kanyang sarili. Mababasa ito sa Awit 14:1.

 

May mga matatalino, ngunit ginagamit nila ang talino sa domination o pag control sa iba.  May mga matatalino na ang hangarin lamang sa buhay ay magpayaman.  May mga matatalino na gumagamit ng kanilang kaalaman sa maling paraan. Sila ay nagsasamantala, umaabuso, at nananakit ng kapwa.

 

May matatalino  naman na yumayaman dahil sa kanilang galing, at tumutulong sa kapwa.  Sila ay gumagawa ng paraan upang mapabuti ang kalagayan ng buhay sa daigdig.

 

Ang Mga Mago

 

Ang mga mago ay matatalinong tao.  Maaring sila ay mga scientists, mathematicians, magicians, priests, o mga principe.  Mga leader sa mga probinsya o bayan. Sila ay mga elite ng lipunan.  Mayaman at matatalino. Sila ay maaring nagmula sa  Iran o Iraq.

 

Ang kanilang paghahanap sa Messias ay tanda ng pangangailangan ng sinumang tao sa Diyos.  Kahit ang mga pagano (hindi Judio) na tulad nila, ay umaasam sa pagliligtas ng Diyos.  Ramdam nila na mayroong pang higit sa talino ng tao na kailangan upang mailigtas ang sanlibutan.   Ngayong alam na nila na hindi kakayanin ng tao na mabuhay sa sariling kakayahan, hinahanap nila ang Diyos na magbibigay sa kanila ng mas lalong malalaim na kahulugan sa buhay.

 

Ang Biyaya ng Tala

 

Sa interpretasyon ng mga Mago o matatalinong tao,  ang Diyos ay nangungusap sa kalikasan at sa kalawakan. Ang tala na simbolo ng hari ng Israel, ayon sa kanilang nauunawaan, ito ay panawagan ng Diyos upang kanilang hanapin ang Tagapagligtas ng sanlibutan.

 

Naranasan mo ba na mangusap ang Diyos sa iyo sa mga nangyayari sa iyong paligid? SaBiblia, nangusap ang Diyos kay Gideon sa kalikasan sa mga basang tela.

 

Sa iglesia, mayroong isang kabataang nagmamasid  sa Sunday School. Walang gurong magtuturo ng Biblia sa mga bata.  Bigla niyang nanaramdaman na siya ay tinatawag ng Diyos upang maglingkod. Nagsimulang magng seryoso ang kabataan sa pag-aaral ng Biblia hanggang siya ay naging pastor.

 

Maraming pagkakataon, ang Diyos tumatawag sa mga tao ayon sa nakikita at naririnig nila sa paligid. Laging nagbibigay ng senyales ang Diyos sa kanyang panawagan upang ilapit niya ang mga tao sa kanya.

 

Kung may matalinong tao sa inyong igesia, na hindi pa nakikilahok sa ministeryo ng Panginoon.  Maari pong idalangain sila at anyayahan din na maglingkod sa Panginoon.  Maaring ang mga taong ito ay hindi tumanggap sa pagliligtas ng Diyos.  Maging tala ka sana para sa kanila kapatid.  Ilapit natin sila sa Diyos at maging biyaya sa kanila.

 

Ang Biyaya ng Talino

 

Ang mga mago ay biniyayaan ng talino upang ipaliwanag ang mga bagay-bagay at mga pangyayari.  Ang Diyos ay nagbibigay ng mga kaloob (gifts)  ng galing at husay sa ibat-ibang bagay.  Ang iba ay binigyan niya ng kakayahang mangaral, magturo, gumawa, at magpagaling.  Ang gamit ng talino sa Biblia ay hindi upang magpayaman o magpasikat ang isang tao. Ito ay para sa paglilingkod sa Diyos at sa kanyang iglesia.  Ang nais ng Diyos ay magamit ang kakayahan ng mga tao para sa ikalalago ng iglesia.

Ang Kanilang Tugon

 

Maaring nagsimulang sundan ng mga mago ang tala, out of curiousity.  Katagalan, maaring natutunan nila na ito ay tala ng hari ng Israel.  Hanggang malaman nila na ito ay umaakay sa kanila patungo sa Tagapagligtas.

 

May mga naging miembro sa iglesia na sa una ay curious lamang, nis lamang nilang makita ang simbahan o isang kaibigan sa church.  Ngunit sa kakapakinig ng salita ng Diyos ay tmanggap sa Panginoon at naging miembrong ating simbahan.  Yung iba nga, nakikain lang sa feeding program.  Dahil may libreng pagkain, laging bumabalik. Sa kakapakinig ng Salita ng Diyos, ay tumanggap sa Panginoon! Naging Pastor pa ngayon. At malakas pa rin siyang kumain hanggang ngayong pastor na siya!  Pero tapat namang naglilingkod sa Diyos mga kapatid. Malakas nga lang kumain si Pastor.

 

Ang paglalakbay ng  tatlong Pantas, lalo nilang nakilala ang  Messias.  Sa bawat hakbang nila sa paglalakbay, lalo silang napapalapit sa Tagapagligtas.   At eto ang kanilang naging tugon ng matagpuan nila si Jesus:

 

1. Nagkaloob sila ng  makahulugang handog.   Ginto, tanda ng paghahari ni Cristo. Kamanyang  (insenso) - tanda ng pagiging punong saserdote ni Cristo, at mira- (pabango), tanda na ihahandog ni Cristo ang kanyang buhay para sa kaligtasan ng sanlibutan.

 

Kapag naghahandog po kayo, huwag yung tira-tirang barya.  Huwag po kayong maghahandog sa Diyos ng walang kabuluhang handog. Gawin po ninyong makahulugan ang inyong kaloob.

 

a. Magkaloob bilang  isang nagpapasakop  sa paghahari ng Diyos -

      (offering under the Lordship of Jesus Christ) sinisimbolo ng ginto.

b. Magkaloob na may malalim na pagkatalaga o committment -  na          sinisimbolo ng pagpapailalaim natin sa pagka-saserdote ng      Panginoong Jesus (offering under the priesthood of Christ)

c. Magkaloob sa Panginoon na nagkaloob ng kanyang sarili  sa iyo.

2. Sumunod sa Halituntunin ng Diyos

 

Ang pangalawang tugon nila sa biyaya ng Diyos ay ang maingat na pagsunod nila sa mga halituntunin ng Diyos. Kinausap sila ng Panginoon at sila ay sumusunod. Maraming tao ang kinakausap ng Diyos pero sarili nila  ang kanilang sinusunod.

 

Wika ng Panginoon, “If you love me keep my commandments.”

Ang tunay na karunungan ay nasa pagsunod.

 

Sa training ng mga navy sa malaking barko. Ang unang halituntutunin ay “Obey first before you complain.”  Habang nakatayo ang maraming navy sa barko, biglang sumigaw ang platoon leader, “DAPA!”  Lahat ay dumapa.

 

“WISSSH!” Isang mahabang kable ang naputols a barko.  At sinumang hindi dumapa ay siguradong pugot ang ulo sa lakas ng hampas ng kableng bakal.

 

Matatalino ang mga Mago dahil marnong silang

 magkaloob ng makahulugang handog

  at marunong silang sumunod sa Diyos.

 

Gawin natin silang halimbawa;

 

1. Unawain natin ang nais ipabatid ng Diyos sa atin, makinig, magmasid,

2. Gamitin ang mga kaloob sa atin ng Diyos sa paglilingkod sa iglesia

3. Abuting ang mga matatalino upang sila man ay makakilala sa pagliligtas ng Diyos.

4. Maghandog ng makahulugang handog.

5. Maging masunurin sa kalooban ng Panginoon.

 

 ______________________________

 

6.     Ang Biyaya ng Diyos Kay Zechariah at Elizabeth

       Lucas 1:5-24

 

Ang Pasko ay kadalasang pagtitipon ng pamilya  upang magpasalamat sa Diyos.   Sa tahanang  Pilipino, sa ating kultura, lagi nating inuuna ang pamilya bago ang sarili.  Kaya lagi nating tinutulungan ang bawat isa.  Ang umaasenso at umangat ay laging  sumasaklolo sa kapatid na nangangailangan.   Ang pamilya ay ang pinaka-mahalagang biyaya ng Diyos sa atin.

 

Ang Pamilya ni Zacarias

 

Ang mag-asawang Zacarias at Elizabeth ay walang anak.  Ang pagkakaroon ng anak ay pagpapala.  Kayong mga kabataan, ibinigay kayo ng Diyos sa inyong mga magulang upang maging pagpapala. Huwag kayong maging sakit ng ulo, o sama ng kalooban para sa inyong mga magulang.

 

Sina Zacarias at Elizabeth ay malungkot dahil matanda na sila. Sino ang mag-aalaga sa kanila?  Sino ang magpapatuloy ng kanilang paglilingkod sa Diyos?

 

Sinasabi na sila ay angkan ni Abijah, isang dakilang pari sa templo, at si Elizabeth ay lahi ni Aaron, ang unang pinakapunong pari ng Israel.  Pinagpatuloy nila ng pagka-pari ng kanilang ninuno.  Sino ang magpapatuloy sa kanilang paglilingkod?

 

Pagpapala ng Anak at Paglilingkod

 

1. Dumalangin si Zacarias sa Diyos ng anak, at ibinigay sa kanya ang katuparan ng kanyang kahilingan (v.13).  Ang Diyos ay nagpapala sa pamamagitan ng panalangin.  Ang mga anak ay pagpapala ng Diyos.

 

“Humingi kayo at kayo ay bibigyan.”  ito ang wika ng Panginoon.

 

Mahalagang makita ng mga kabataan na sila kaloob ng Diyos sa kanilang mga magulang.  At dapat ding mahalin ng bawat magulang ang kanilang mga anak.

2. Ang pagpapala ng paglilingkod.  Sina Zacarias at Elizabeth ay mga naglilingkod sa templo. Wala silang ibang hanapbuhay, kundi ang tumanggap ng kaloob ng mga taong nagsisimba sa templo.

 

At ito ay pagpapala.

Hindi lahat ay tinawag sa ganitong gawain.

 

Ang mga lahi ni Aaron at Abijah, hanggang sa kanilang mga anak at apo ay  maglilingkod sa templo. Ito ang kanilang magiging buhay.

 

a. Una, ang paglilingkod sa simbahan, para sa mga tinawag ng Diyos ay isang pribilehiyo.  Sa biglang tingin, ito ay mabigat na responsibilidad.  Ngunit napatunayan ng lahat ng naglingkod sa simbahan na ito ay malaking pagpapala sa kanila, maging sa kanilang mga kapatid at pamilya.

 

b. Pangalawa, ito ang nagbibigay ng kahulugan sa buhay ng mga tinawag.  Kung hindi nila ito gagawin, ito ay mabigat na dalahin sa kanilang buhay.

 

Sabi ni Pablo,

“Kawawa ako kung hindi ko ipapangaral ang Ebanghelyo -1 Cor. 9:16.

 

Ito ang panalangin ni Zacarias, ang magkaroon siya ng anak, upang hindi mapatid ang paglilingkod ng kanyang pamilya sa Diyos.

 

Ang Ministeryo ni Juan Bautista

 

Mga kabataan, makinig po kayo.  Eto ang gawin ninyong ministry ng buhay ninyo, para maging pagpapala kayo:

 

1. Maging kaligayahan  kayo  ng inyong  mga  magulang at pagpapala sa       maraming tao (v. 14).

2. Magiging kagalakan kayo sa Diyos (v.15)

3. Gagabayan ninyo pabalik sa Diyos  ang mga tao (v.16)

4. Pagkakasunduin niya ang mga ama at anak (v.17a) - katuparan ito ng     Malakias 4:5-6.  Ang tinutukoy na pagkakasundo  ay  pakiki-isa ninyo sa inyong mga magulang sa pagsunod sa nais ng Diyos .  Maging modelo kayo sa pakikiisa sa mga magulang ninyo sapaglilingkod.

Maging Pamilya ng Pagpapala

 

Ang pamilya ni Zacarias ay hindi lamang pinagpala.  Sila mismo ay naging pagpapala sa iba. Katulad sila ng pamilya ni Abraham.  Wika ng Panginoon kay Abraham, “Pagpapalain kita ... at gagawin kitang pagpapala .” (Gen. 12:2).

 

"I will make you into a great nation and I will bless you;

I will make your name great, and you will be a blessing.”

 

Ngayong Pasko, upang dumaloy ang pagpapala sa loob ng ating pamilya,

 

1. Mga magulang, magdalanginan kayong mag-asawa.  Baka may problema ang asawa ninyo, at wala kayong kalam-alam sa bigat ng problema niya.

 

2. Idalangin din ninyo mga magulang ang inyong mga anak. Bigyan ninyo sila ng  emotional at spiritual support.  Huwag lang puro pera at material  na bagay.

 

3. Mga anak, makinig po kayo, be a blessing to your parents. Mag-aral kayong mabuti at alagaan sina mama at papa sa kanilang pagtanda.

 

4. Mag-kaisa kayo sa pamilya sa paglilingkod sa Diyos. Magka-sundo kayong mag-ama sa paglilingkod sa Panginoon.  Kahit magkaiba kayo ng music - yung tatay at nanay - lumang himno at ang mga anak ay Christian ROck, basta magtulungan kayo at magka-isa sa paglilingkod sa iisang Diyos.

 

5. Maging pagpapala sa iba.

 

Tapusin po natin ang sermon na ito  sa isang panalangin para sa pamilya.

 

___________________________

 

7.  Ang Biyayang Dala ng mga Angel

      Luke 2:1-20

 

Ang awiting “Hark the Herald Angels Sing” ay sinulat ni Charles Wesley, isa sa mga ama ng Metodismo.  Siya ay nakababatang kapatid ni John Wesley.  Ang nilalaman ng awit ay paggunita sa ating pagbasa sa Biblia.

 

Habang nagbabantay ang mga pastol sa parang, dumating ang mga angel at sila umawit.  Milyong mga angel ng kalangitan - umaawit!

 

Maraming korista sa mga simbahan ang nagpapa-alala sa mga katangian ng mga angel.  Mga korista, praise and worship team na may pusong umaawit ng papuri sa Diyos.  Sila ay mga Levita ng ating panahon.

 

Ang Ministeryo ng Pag-awit sa Diyos

 

Ang unang mga temple stewards, korista at musicians sa Bible ay mga Levita sa Lumang Tipan.  Sila ay pinili dahil sa kanilang pusong maka-diyos. Dapat, ganyan ang mga choir members, mga Praise and Worship Teams, hindi lang maganda ang boses - dapat maka-diyos.

 

Mababasa sa Exodo 32:26, “ So he (Moses) stood at the entrance to the camp and said, "Whoever is for the Lord, come to me." And all the Levites rallied to him.

 

Eto yung pangyayari na takot lumapit sa Diyos ang marami dahil sa pagsamba sa gintong guya.  Subalit, ang mga Levita, pinatunayan nila na sila ay sa panig ng Diyos. May mensahe ang buhay nila.

 

Isa pa, laging sinasabi ng Diyos na “ang  mga Levita ay akin” (Bilang 3:12;45).  Sila ay nilinis at itinalaga sa banal na gawain (Bilang 8:6).  Sila ay umaawit upang dalhin ang presensya ng Diyos sa gitna ng mga taong nagsisimba. Sila rin ang may tungkuling  mag-ingat at maglinis ng mga banal na kagamitan ng templo. Kaya kayong members ng choir, mga PAW, sinasabi ng Panginoon, tinuturo kayo, “Akin yan!”  Huwag kayong lilipat sa partido ni Satanas.  Sa Diyos kayo mga anak.

Mensahe at Awit ng Mga Angel

 

Ang mga Levita, mga choir and praise team, ay katulad ng mga angel, may mensaheng dala ang buhay nila, at mayroon silang awitin para sa Panginoon.

 

Eto ang mensahe ng angel;

 

1. Pinanganak ang Messias.  Ito ay katuparan ng sinabi ni Isaias (9:6).  Ipanganganak ang sanggol na lalaki, at siya ang  Prinsipe ng kapayapaan, ang Makapangyarihang Ama..

 

Narinig nila ang pinakamabuting Balita na maaring marinig ng isang tao.  Dumating na ang inyong Tagapagligtas!

 

2. Pangalawang mensahe niya ay, “Makikita ninyo siya.”

 

Oo nga naman, kung ipinanganak si Jesus, pero kung hindi mo naman siya makikita - eh wala rin. Kaya sabi ng angel, “You find the baby...” Maraming nag-cecelebrate ng Christmas but, they do not find the baby. Sayang di po bah?

 

Panalangin ko, ngayong pasko, makatagpo mo si Jesus kapatid.

 

3. Pangatlo, there will be a sign.  Makikita ninyo siya na nakabalot ng lampin sa sabsaban.  Makikita ninyo ang Diyos ng kaitaasan, sa nakalulunos na kalagayan, sa sabsaban. Ang Diyos ng kalangitan, nasa kalagayan ng pinakadukhang - katulad ninyo.

 

Dumating siya para sa inyo.

At kayo ang unang binalitaan sa kanyang pagdating.

 

Kung mauunawaan lamang natin ang laki ng biyaya ng Diyos para sa atin- wala ng magpapakamatay na tao.  Tulad ng panalangin ni Pablo sa mga Taga Efeso, “Nawa’y maunawaan ninyo ang lalim at lawak ng pag-ibig ng Diyos para sa inyo...”

Ang Awit ng mga Angel

 

Sabi sa verse 13-14,  “Suddenly a great company of the heavenly host appeared with the angel, praising God and saying,   "Glory to God in the highest, and on earth peace to men on whom his favor rests."

 

Ganito ang  nilalaman ng kanilang awit,

 

a. Una, awit ito tungkol sa gloria  o karangalan ng Diyos sa kaitaasan.  Ito ay patotoo ng awiting papuri sa Diyos. Ang Diyos ay dakila! Ang Diyos ay banal! Ang Diyos ay papurihan sa kaitaasan!

 

Napaka-dakila po ng Diyos! Ito  po ba ang lumabas sa bibig ninyo kapag kayo ay nagpupuri?  Ito po ba ang ibig ng inyong pagpalakpak sa Panginoon?   Glory to God!

 

Pinakita ng pag-awit mga angel kung paano ang tamang pagpupuri sa Diyos.  At ang awitin nila ay umalingawngaw sa buong universe.  Sabi ni John Wesley, “Kapag umaawit kayo, huwag kayong parang umaawit sa libing.”   Kasi po, buhay ang Diyos na inaawitan natin, hindi patay.

 

b. Pangalawa, naglalaman ang awitin ng ganitong lyrics, “Peace on earth and goodwill to men.”  Ang awitin nila ay nagdadala ng pag-asa ng kapayapaan sa mundong ito.  CHOIR. Huwag po kayong aawit ng sintunado sa simbahan. Mag practice po kayong mabuti.  Baka po sa kakapakinig sa inyo ng mga nagsisimba, mawalan sila ng pag-asa.

 

Ganito yung awit na may mensahe.  Nagdadala ito ng pag-asa, ng kapayapaan, ang kagalakan sa mga tao.

 

c. Pangatlo, pinagdugtong ng awitin ng mga angel ang langit at lupa.

 

Dahil ito ang Pasko - nagtagpo ang Diyos at tao.

Nagkita ang kadakilaan ng Diyos at ang dukhang kalagayan ng tao.

Nagsanib ang kalangitan at sangdaigdigan.

At naranasan ng mga pastol na kasama nila ang Diyos.

Ang Tugon  ng Mga Pastol sa Mensahe at Awit

 

Wika ng mga pastol, “Tara pumunta tayo sa Bethlehem.”

 

Ang Bethlehem ay halos walong kilometro mula sa kinaroroonan ng mga pastol.  Gumawa sila ng desisyon, upang hanapin ang bagong silang na Tagapagligtas.

 

Mahalaga ang paghahanap.

 

May mga naghahanap ng mga bagay na walang kabuluhan.

May naghahanap - yung mga KSP, kulang sa pansin, naghahanp sila ng pagpansin.

Ok lang na hanapin natin yung kulang sa ating buhay.

 

Pero ang mensahe ng angel, “Ipinanganak si Jesus para sa iyo - hanapin mo rin siya.”

 

  ________________________

 

8. Biyaya Para kay Jose

     Mateo 1:18-25

 

Mabilis sumikat sa youtube ang awiting “Blessing” ni Laura Story.

 

 'Cause what if your blessings come through raindrops

 What if Your healing comes through tears

 What if a thousand sleepless nights

 are what it takes to know You're near

 What if trials of this life are Your mercies in disguise

 

Tama ang awiting ito. May pagpapala ang Diyos na dumarating sa maskara (disguise) ng pagsubok, pero sila ay pagpapala.

 

Mercies in Disguise

Ang pagdating ng biyaya sa buhay ni Joseph ay halimbawa ng “mercies in disguise”.  Bago dumating ang kanilang kasal ni Mary, buntis si Mary, at hindi ito anak ni Joseph!

 

Sabi nga ng isang pastor, “Palabiro din ang Diyos.”  Halimbawa, noong ibalita ng mga angel na magkaka-anak si Sarah at Abraham, masyadong matanda na sila.  Kaya natawa si Sarah sa balita - “Ano ito? JOKE? Paano ako magkaka-anak sa tanda kong ito?”  At ang biyaya ng Diyos ay naranasan ng matandang Sarah, at siya ay nagka-anak.

 

TInatawag nating Mabuting Balita ang kapanganakan ng Panginoong Jesus, pero kay Joseph, ito ay dumating na masamang balita.  Hindi ito katanggap-tanggap na balita.

 

Sabi nga ng isang lalaking pinagtaksilan ng asawa, “Anak ng tokwa, ba’t ako pa!” Dahil inakala ni Joseph na taksil si Maria.

 

But God turned this bad news into good news for Joseph.

 

Alam ko na nakakaranas po tayo ng maraming badnews sa buhay. Pero, wait lang, manalangin po tayo. Naniniwala po ako na may magagandang bagay na ginagawa ng Diyos sa buhay natin.

Ang Biyaya ng Diyos Kay Joseph

 

Ang pagdating ng Diyos sa buhay ng sinumang tao ay blessing. Kahit ito pa ay sa anyo malaking responsibilidad.  Kahit ito ay sa anyo ng krus, ng pagsubok.  Kung ito ay panawagan ng Diyos upang tanggapin mo siya at paglingkuran.  Kung ito ang maglalapit sa iyo sa Diyos - kapatid, tanggapin mo ito!

 

Ang Documentary Film sa youtube, na “Sheep Among Wolves” ay kwento ng mga Kristiano sa bansang Iran.  SIla ay pinangungunahan ng mga babaeng pastor. Karamihan sa mga pastor ay pinagsasamantalahan upang masira ang kanilang loob at tumigil na sa pangangaral ng Slita ng Diyos sa mga Muslim.  Sa isang interview, tinanong ang isang pastora,

 

“Noong ikaw ay pagsamantalahan, ano ang sinabi mo sa Diyos?”

 

Sagot niya, “Panginoon, kung ito ang paraan upang maihandog ko ang aking sarili sa iyo, karangalan para sa akin ang maihandog ko ang sarili sa iyo.”

 

Lumalago ang iglesia sa Iran, at China at Russia, dahil sa pananatiling tapat ng mga Kristiano sa gitna ng mga pasakit.  Nakikita ng mga hindi Kristiano, na ang mga Kristiano sa kanilang bansa ay tunay na nagmamahal sa Panginoong Jesus. Pahirapan man sila o patayin, sila ay tapat sa Diyos. Ang pasya ni Joseph na tanggapin si Jesus ay kahihiyan sa mata ng iba, ngunit ito ay karangalan sa Diyos.

 

May mga naglilingkod sa Diyos na minamaliit at pinagtatawanan ng iba, ngunit ang mga ito ay krus na nagbibigay karangalan sa Panginoon.  Ang anumang sakrispisyo para sa Panginoon ay magbubunga ng tagumpay sa ministeryo ng Panginoon.

 

At ang Diyos ay makatuwiran.  Puputungan niya ng korona ang tagumpay ang mga dumanas ng kapighatian.  SIla ay pararangalan sa kaharian ng Diyos. Sabi ng Panginoon sa Revelatio 2:10, “Be faithful, even to the point of death, and I will give you the crown of life. “

 

Dahil sa pagtanggap ni Joseph sa Panginoong Jesus, tumanggap siya ng pagpapala na hindi naranasan ng iba;

 

1. Pinagpala si  Jose, dahil binigyan siya ng karangalang magbigay pangalan sa Diyos na nagkatawang tao. Siya ang binigyang karapatan ng Diyos  upang magbigay pangalan sa Panginoong Jesus.  Dahil dito, kinilala ang Panginoong Jesus, bilang anak ni David, ayon sa salinlahi ni Joseph (Mateo 1). Sabi sa Kawikaan 21:21, “He  who pursues righteousness and love finds life, prosperity and honor.“

 

2. Pinagpala si Jose, dahil naging instrumento siya sa pagpapalaki sa batang si Jesus.  Sa ganitong paraan, naging  instrumento siya  sa pagliligtas ng Diyos.  Naging kabahagi siya sa mga plano ng Diyos.

 

Maraming misyonero, pastor, deaconesa at laiko ang dumaranas ng mga pagsubok at kahirapan sa paglilingkod.  Ngunit dahil alam nilang sila ay ginagamit na instrumento ng Diyos sa kanyang pagliligtas, sila ay patuloy lamang sa pagsunod.  Ito ay isang pagpapala sa kanila.

 

3.  Pinagpala rin si Joseph dahil tinanggap niya si Maria bilang asawa. Pagpapala ang magkaroon ng asawang  masunurin sa Panginoon at may takot sa Diyos. Kaya kayong mga kabataan, manligaw kayo sa mga kapwa Metodista natin.  Maganda nga, hindi naman mananampalataya - sakit ng ulo yan.  Ikaw din, baka yang maganda na yan pa ang maglayo sa iyo sa Panginoon.  Humanap ka na lang Kristiano.

 

Pero sa totoo lang , malaking blessing kapag ang kasama mo sa buhay ay kasama mo rin sa paglilingkod sa Diyos.

 

Alam po ninyo, si John Wesey ay hindi naging masaya sa kanyang buhay  may-asawa.  Maliban sa  hindi sila nagka-anak ng asawa niya, ang asawa niya ay balakid sa kanyang  misyon.  Problema niya ang kanyang asawa sa paglilingkod sa Diyos.

 

Sa ating buhay, huwag sana nating palampasin ang mga pagpapalang ito.  Kung tayo ay tinatawagan ng Diyos na maglingkod sa kanya, kahit mahirap, sumunod po tayo. Siguradong pagpapala iyan kapatid.

Pagpapala Para sa Atin

 

Tlularn natin si Joseph upang tayo rin ay pagpalain ng Panginoon.  Gawin natin ang mga sumusnod:

 

1. Maging Faithful Katulad ni Joseph.

 

Mahirap man, kung ito ay malinaw na kalooban ng Diyos, maging tapat po tayo sa Panginoon.  Hindi po madali ang sumunod sa kalooban g Diyos.   Ang Panginoong Jesus mismo ang nagsabi,

 

“And anyone who does not carry his cross and follow me cannot be my disciple.” -  Luke 14:27

 

Tandaan, ang mga tawag ng Diyos ay dumarating sa anyo ng krus.

 

2. Second, maging Obedient katulad ni Joseph.

 

Kung faith without works is dead, obedience is the ebidence of faithfulness to God.  Sabi ng Panginoon Jesus, “If you love me, obey my commandments.”

 

3. Tanggapin natin si Jesus sa ating buhay.

 

Para matuloy ang Pasko sa buhay mo kapatid, siguraduhin mong tinanggap mo si Jesus.  Christmas without Christ is not Christmas.  Sabi ng ating talata,

 

24 When Joseph woke up, he did what the angel of the Lord had commanded him and took Mary home as his wife. 25 But he had no union with her until she gave birth to a son. And he gave him the name Jesus.

(Matt 1:24-25)

 

 

__________________________________

 

 

9. Biyaya Para kay Maria

     Lucas 1:26-38

 

Sa lahat ng tao sa lupa, tanging si Maria ang lubos na pinagpala.  Walang ibang taong pinarangalan ng Diyos ng higit kay Maria.  Ngunit, hindi ibig sabihin na dapat manalangin kay Maria o sa kanino pa mang santo.  Pinaparangalan natin si Maria bilang ina ng ating Panginoong Jesus, ngunit huwag tayong maging devoto sa kanya.  Huwag tayong yuyuko sa kanya.  Hindi siya kapantay ng Diyos.  Kahit ang mga angel ay tatanggi kung yuyukuran. Hindi sila papayag.   Sa Pahayag 22:8-9

 

“I, John, am the one who heard and saw these things. And when I had heard and seen them, I fell down to worship at the feet of the angel who had been showing them to me. 9 But he said to me, "Do not do it! I am a fellow servant with you and with your brothers the prophets and of all who keep the words of this book. Worship God!"

 

Kahit sa mga Sampung Utos, malinaw ang sabi, “Huwag kayong gagawa ng anumang larawang dinukit.  Huwag ninyo silang paglilingkuran o yuyukuran...”

 

Gayunman, ang halimbawa ni Maria ay ang pinakamabuting halimbawa ng pagsunod sa kalooban ng Diyos.

 

Ang pagtango niya sa angel Gabriel upang ipagbuntis ang Messias, ay kahandaan upang harapin ang kamatayan alang-alang sa kalooban ng Panginoon.  Sa kanyang pagbubuntis, maari siyang patayin ng sarili niyang pamilya. Ganito ang batas  nila ayon sa  nasusulat sa  Deut.17:7.

 

1. Pinagpala si Maria Dahil ang Diyos ay nasa kanya.

 

Hail Mary, full  of grace, the Lord is with you.

 

Dumadaloy ang biyaya ng Diyos sa mga taong  “sumasakanila ang Diyos”.   Si Elizabeth ay napuno sa Espiritu ng Diyos.  Ang mga alagad ay napuno ng Espiritu Santo (Gawa 2:4) gayun din si Pablo (Gawa 13:9), at iba pa.

Maging ang  mga alagad ay sinabihan ng Panginoonna maghintay upang mapuspos sila ng Banal na Espiritu (Gawa 1:8).  Dahil, “ang pinapatnubayan ng Banal na Espiritu ay mga anak ng Diyos” (Roma 8:14).

 

2. Pinagpala si Maria Dahil Instrumento Siya ng Diyos

 

Ang kanyang pagka-babae ay naging pagpapala ng maging ina siya ng Panginoong Jesus. Ang ating “usefulness” sa Diyos ay mahalaga pagdating sa paglilingkod sa ministeryo. Kapag nagagamit po tayo ng Diyos, nagiging pagpapala tayo habang tayo rin ay pinagpapala. Kahit biro lang po, kapag nasa misyon, ayaw kong kasama yung ayaw magpagamit sa Diyos. Nakakarami lang  sila at nakakasikip ng sasakyan. Tapos, malakas pang kumain sa meryenda.   Kung gusto mong maglingkod kapatid, magpagamit ka sa Diyos.

 

3. Pinagpala si Maria Naging Ina Siya ng Panginoong Jesus

   There is blessing in motherhood.

 

Hindi natin sinasabi na si Maria ay ina ng Diyos. Dahil hindi naman naging Diyos ang Panginoong Jesus dahil kay Maria. SIya ay naging tao  dahil sa pagbubuntis ni Maria.  Kaya si Maria ay ina ni Jesus sa pagkatao, at hindi sa pagka-diyos.

 

Ang pagiging ina ni Maria ay pagpapala sa kanya.  Kaya siya ay lubos na pinagpala sa lahat ng mga babae. Si Maria ay modelo ng Kristianong pananampalataya.  Siya ay ulirang babae, at ulirang ina.  SIya ang pinakamabuting halimbawa na mababasa Biblia kung paano maging masunurin sa Diyos, sapamamagitan ng paghahandog ng sarili sa Panginoon.

 

Tularan natin si Maria

 

1. Hilinging mapuspos tayo ng kadiyosan.  Hilingin ang Banal na Espiritu ang pupuspos sa atin (Luke 11:13)

2. Ihandog natin ang sarili, upang magamit ng Diyos.

 

 

 

 

 

 

Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus

(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...