Lunes, Agosto 3, 2020

Pagdidisipulo Gamit ang Caregroups at NOW Ministries

Pagbuo ng CareGroups: Para sa Epektibong Pagdidisipulo Gamit ang N.O.W. Ministries sa Local Church

Dahil tayo ay inuutusan ng Panginoong Jesus na “gawing alagad ang lahat ng tao”, kailangan tayong magsanay ng mga miembro na maglilingkod bilang alagad na hahayo, maglilingkod, mangunguna, magtuturo at mangangaral ng Salita ng Diyos.

Kung pastor at deakonesa lamang ang gagawa sa mga ministeryo, kaunting tao lamang ang maabot ng iglesia.

Maling kaisipan ang paniniwala na “ang pastor at deakonesa ay sinugo upang maglingkod sa simbahan.”

Sa Great Commission, sinusugo ang pastor, deakonesa at ang BUONG IGLESIA sa “sanlibutan”.  Ibig sabihin, tayo bilang iglesia ay sinusugo sa labas ng iglesia, upang gawing alagad ni Cristo ang lahat ng tao.

Ang mga pastor at deakonesa ay itinatalaga upang manguna sa iglesia na maglilingkod at mangangaral sa komunidad kung nasaan ang iglesia. Kung kaya kailangang sanayin bilang disipulo ang mga miembro, upang ang buong iglesia ay umabot sa pamayanan.

A. Magsanay ng mga Caregroup Leaders

Ang pagsasanay ng mga CareGroup Leaders ay mabisang paraan ng Pagdidisipulo. Ang pastor ay magiging epektibong discipler kung gagawin niya ito.

a. Hindi sosolohin ng pastor ang gawain na mag-isa. Kung may maraming caregroup leaders, mas maraming tao ang maabot ng iglesia.

b. Kung may maraming alagad na nangunguna sa mga gawain ng Bible Studies, visitations, personal evangelism at outreach, mas mabilis lumago ang iglesia.

c. Sa intensyonal na pagdidisipulo ng mga caregroup leaders, at mga miembro, siguradong matutupad natin ang utos ni Cristo, na gawing alagad Niya ang mga tao.

B. Mabisang Nurture Ministries

Dapat maalagaan ang mga miembro ng iglesia. Kailangang tumibay ang pananampalataya at katapatan ng bawat miembro. Gamit ang Caregroup system, mahalaga na mahikayat ang bawat miembro na;

a. Regular na ma-abot (connected) sila ng iglesia.
b. Makapag-simba ng regular (Sunday Worship)
c. Maging kabilang sa isang Caregroup para sa regular na Bible Study, prayer meeting.
d. Mapabilang ang bawat miembro sa pasanin at ministeryo ng iglesia sa komunidad.

C. Mabisang Outreach Ministries

Ang Outreach ay gawaing pagtulong ng iglesia lalo sa mga hindi kaanib sa labas ng iglesia. Ang pagtulong sa miembro ay maituturing na bahagi ng nurture ministries, ngunit ang pagtulong sa hindi miembro ay “OUT-Reach”.  Ito rin ang tinatawag na WORKS OF MERCY ng ating iglesia, kabilang ang pagbibigay pagkain, tulong sa mahihirap, pagbisita sa maysakit, pagbisita sa nakabilanggo, pagtulong na pagkumpuni ng sirang bahay ng hindi miembro, scholarship program, medical mission, relief distribution, disaster response at iba pa.

Ang Caregroup, ay hindi lamang para sa miembro sa NURTURE ministries. Sa panahon ni John Wesley, sa caregroup (class meeting) ay may collection na ginagamit ng grupo sa pagtulong. Ang bawat caregroup ay may misyon na ginagawa sa pamayanan, sa abot ng kanilang kakayanan. Sila ay regular na nag-aayuno upang may maibigay sa nagugutom.

Sa isang iglesia, ang caregroup ng mga UMW ay lumilikom ng ₱50. per person, weekly. Sila ay regular na tumutulong sa gift giving ministry para sa mga senior citizens na hindi miembro sa baranggay. Namimigay ang iglesia ng fruits at food packs sa mga matatanda, at maraming nahihikayat na pamilya ang umaanib sa iglesia.

Kailangang gumawa ng regular na misyon ang bawat caregroup, upang INTENSYONAL na umabot sa mga hindi kaanib ng iglesia.

D. Mabisang Witness Ministries

Ang layunin natin ay PAGDIDISIPULO, kaya hindi natatapos sa pagtulong ang ating gawain. Nais nating gawing ALAGAD ni CRISTO ang mga miembro, pati ang hindi pa kaanib sa iglesia. Nais natin silang mapabilang sa buhay ng iglesia bilang katawan ni Cristo.

Ang iglesia na may mabisang Caregroup ministries ay
may makakagawa ng mabisang Christian NURTURING, ay
nakakagawa rin ng mabisang OUTREACH ministries, at
Makakagawa rin ng mabisang WITNESS Ministries.

Dahil sa regular na pagtulong ng mga caregroups sa pamayanan, ang pagpasok ng iglesia sa WITNESS / EVANGELISM program nito sa komunidad ay napakabisa.

Maraming Evangelistic Crusade ang aking napapansin, na ginagawa sa pamamagitan ng biglaang pag-imbita ng mga taong hindi kakilala, at walang kaugnayan sa mga miembro ng iglesia. Para silang “lupa na biglang tinamnan”, na hindi man lang diniligan at binungkal muna.

Sa paggamit ng Caregroups, at regular Outreach, ang mga iniimbitahan sa Evangelistic Crusades ay ang mga matagal ng binibisita, pinag-pray at inabutan ng tulong ng caregroups. Ibig sabihin, matagal na silang “binubungkal at dinidiligan,” at sa Crusade ay handa na para “taniman” ng Salita ng Diyos.

At pagkatapos ng Evangelistic Crusade, ang mga tumanggap ay aalagaan ng Caregroups para sa follow-up at nurturing, hanggang ganap na maging bagong kaanib sa iglesia ang mga ito.

Maging INTESYONAL SA PAGDIDISIPULO,
Magsanay tayo ng mga Caregroup leaders,
Bumuo ng mga Caregroups sa mga Miembro,
Abutin ang mga hindi kaanib, at isama sa Caregroups at hikayating maging kaanib.

Gawin nating alagad ni Cristo ang lahat ng tao.

Martes, Hunyo 30, 2020

Tungkulin ng Church Council Officers

TUNGKULIN
NG MGA CHURCH COUNCIL MEMBERS 

1. Chairperson, ihahalal ng taunan ng Charge Conference upang gumanap ng sumusunod na tungkulin. 

a.  manguna sa pagtupad ng tungkulin ng Council
b. maghanda ng tatalakayin sa mga meeting, sa kaalaman ng pastor at ng lay leader, 
c. mag-aanalisa at magtatalaga ng mga gaganap sa mga napagkasunduan ng Council,
  d. nagpapa-alala sa ibang miembro ng Council sa pagpapatupad ng mga tungkulin at gawaing               napagkasunduan,
e. manguna sa Council sa pagbalangkas ng plano, paggawa ng layunin at pagsusuri para sa ikauunlad ng iglesia, 

2.  Lay Leader, ang kaanib na kakatawan sa lahat ng laiko sa iglesia at aasahang gaganap ng mga sumusunod na tungkulin;

a.  gumawa ng pamamaraan upang malaman ng mga laiko ang kanilang mga tungkulin, lalo na sa kanilang ministeryo sa iglesia at sa kani-kanilang mga tahanan, trabaho, at komunidad, 

b. palagiang makipagtalastasan sa pastor tungkol sa kalagayan ng iglesia
c. tumupad bilang miembro ng Charge Conference, 
d. tagapagpatupad sa mga aksyon ng Annual Conference
e. patuloy na magsagawa ng pag-aaral para sa ikauunlad ng iglesia 
f.  iminumungkahi na siya ay maging sertifikadong mangangaral upang maging katulong ng pastor sa pagtuturo at pangangaral. 

3.  Pastor-Parish Relations Committee, may 5 hanggang 9 miembro na ihahalal ng Charge Conference.  Sila ay dapat na magkaroon ng;

a.  Malinaw na kabatiran sa ministeryo ng iglesia
b. May kaalamang Biblikal sa tungkulin ng pastor.
c. Katulong ng pastor sa pagkilala sa mga kakayahan ng                    mga kaanib para sa epektibong paglilingkod.

Ang mga miembro ng komite ay ang Chairperson, 1 kabataan, 1 may gulang  (UMM, o UMW), lay leader at ang lay member para sa Annual Conference. Sakop ng kanilang tungkulin ang;
a.   makipagtulungan, kumunsulta, at magpa-alala sa  pastor sa mga bagay na dapat unahin, sa mga kailangang gawin sa misyon at ministeryo ng iglesia. 

b.  Pagyamanin ang kaugnayan ng pastor, at deaconesa sa iglesia at kumilos para alisin ang anumang gagambala sa  ministeryo ng iglesia.

c.   Gumawa ng taunang pagsusuri sa pangangailangan ng Mga manggagawa sa larangan ng pagsasanay at dagdag na pag-aaral

d.  Magturo sa katangian at misyon ng Nagkaisang Iglesia metodista

e.  Pagpili at pagsuri sa mga nagnanais maging lay preachers at maging manggagawang pastor o deakonesa.

f.  Magsuri kung makatutulong ang pananatili ng manggagawa sa kasalukuyang destino.

4.  Finance Committee, magsumite ng budget at magsagawa ng paraan para sa kaunlarang financial ng iglesia. Gumawa ng mga paraan upang matustusan ang mga pangangailangang financial ng iglesia. Dalawa sa kanila ang magiging Tagabilang ng mga handog, mga pangako at ikapu.  Isa sa kanila ang magiging Financial Secretary, na nagtatala sa mga pananalapi ng iglesia. 

Ang komite ay kabibilangan din ng:
a. Treasurer - magiingat sa yamang financial ng iglesia
b. ibang kaanib na hinalal ng Charge Conference

5.  Membership Secretary - nagtatala ng taunan sa mga listahan ng mga kaanib, mga naragdag na miembero, mga nabinyagan at iba pa.  Sa kanyang pagiingat ang mga talaan ng mga kaanib. 

6. Board Of  Trustees,
a.  nagiingat sa kagamitan ng iglesia at kaayusan ng iglesia
b.  taunang nagsusuri sa mga kagamitan 
c.  nagbibigay pahintulot sa mga nanghihiram ng mga gamit ng iglesia kasama ang pastor. 

7.  Treasurer, ingat yaman ng iglesia.  Tungkulin niya ang: 
a.  pangalagaan ang kapakanang financial ng iglesia at gumastos lamang ayon sa itinakda sa                     budget. 
b.  Mag-issue ng resibo sa mga donasyon at ikapu / pangako
c.  Mag-ulat ng regular (buwanan) sa kalagayang financia ng iglesia
d.  Magbayad ng tungkulin sa Distrito (Tithe  / Apportionment)

8.  Lay Member of the Conference, kumakatawan sa iglesia sa Annual Conference at mag-uulat sa mga napagkasunduan na dapat ipatupad sa iglesia lokal.

9.  Nurture Committee, ang gaganap sa tungkuling may kaugnayan  sa;
        a.  Edukasyon
b. Pagsamba
c.  Christian Formation (Retreats, Trainings etc.)
d. Pangangalaga ng mga Kaanib (Visitations)
e.  Pagkakatiwala o Stewardship
f.   Bible Study at Worship Groups

10 . Outreach Committee, gaganap ng tungkulin sa:

a.  kawanggawa o pagtulong sa mga nangangailangan sa komunidad (social concerns), 
b.  nangangailangan ng tulong sa hinggil sa hustisya at social advocacy.

Ang ministeryong ito ay kinabibilangan ng kaugnayan ng iglesia sa lipunan, pakikipag-ugnayan sa ibang relihiyon, pakikipagtulungan sa pamayanan sa usaping pangkalusugan o katahimikan ng pamayanan.

11.  Witness Committee, tagapagtaguyod ng:
a.  mga gawaing ebanghelismo ng iglesia at,  
b.  maglulunsad ng mga mabisang pamamaraan ng panghihikayat para sa Panginoon.


Biyernes, Abril 24, 2020

Hakbang sa Pagbuo ng Caregroups / Cell Groups

Hakbang sa Pagbuo ng Cellgroup.

A. PAGHAHANDA

Rekomendado na mismong pastor ang bubuo ng caregroups sa iglesia lokal.

1. SPIRITUAL PREPARATION NG PASTOR. Ihanda ang sarili sa pamamagitan ng pananalangin, pag-aayuno at pagbabasa ng Biblia, mga aklat, o artikulo sa internet tungkol sa pagbuo ng cellgroup.  Ang 40 days o higit pa na paghahanda ay mahalaga at hindi optional.

a. Saliksikin ang sarili gamit ang tanong sa https://www.umc.org/en/content/book-of-discipline-304-qualifications-for-ordination. Kahit ang mga hindi pa ordained ay mabuting aralin at tuparin ito.

2. COMMITTMENT TO ORGANIZE CELLGROUPS. Italaga ang sarili sa gagawing pagbuo ng cellgroups. Sa kasaysayan ng Metodismo, ang pagbuo ng cellgroup (o class meeting noon) ay mahalagang sangkap para sa paglago ng iglesia.

3. Kung nagawa na (ng pastor) ang sariling espiritual na paghahanda, (40+ days prayer and fasting) PUMILI NG MGA CHURCH LAY LEADERS (alinsunod sa 1Tim. 3:8-13) sa lokal church na may,

a. Spiritual maturity. Nagsasanay ng spiritual disciplines. Marunong manghikayat o mag evangelize (kung kulang ang kaalaman sa evangelism, isama ito sa future trainings na gagawin).

b. Spiritual leadership. Pinagkakatiwalaan bilang maka-diyos na lider simbahan. Marunong magturo ng Biblia (Sunday School, home Bible Study, o lider ng caregroup).

c. Spiritual Committment. Handa upang tumupad bilang Cellgroup leader ng iglesia.

4. Maghanda ng mga cellgroup materials na gagamitin sa unang 6 months.

Halimbawang materials.

a. https://ptrjess.blogspot.com/2019/09/aralin-para-sa-bagong-kaanib.html

b. https://ptrjess.blogspot.com/2019/01/spiritual-disciplines-tagalog.html

c. https://ptrjess.blogspot.com/2015/08/mga-doktrinang-binibigyang-diin-ng.html

d. https://ptrjess.blogspot.com/2019/02/assorted-lessons-2.html

Note: maaring gamiting materials ang : Purpose Driven Life, o ang Upper Room Disciplines at Our Daily Bread. Kailangan lamang ay maging resourceful ang pastor. Bigyan ng kopya (printed copies) ang bawat lider. Pag-aaralan nila ito ng 2 months.

5. Ihanda ang retreat training para sa mga cellgroup leaders.

Sa puntong ito, wala pang nagaganap na cellgroups sa mga church members. Ang pastor at mga leaders pa lamang ang involved sa paghahanda.


B. BAKIT KAILANGAN ANG CELL GROUP SA ATING IGLESIA?

Ang cell group ay napatunayang mabisa para sa paglago ng iglesia. Sa patotoo ng pinakamalaking simbahan sa buong mundo, sa pangunguna ni Paul Yonggi Cho, ng South Korea, ang isang dahil ng tagumpay ng Diyos sa kanyang iglesia ay ang cell group system.

Sa mga walong (8)factors na binabanggit ni Christian A. Schwarz, eksperto sa Church Growth, isa ang cell group system sa kanyang natuklasan sa pagpapalago ng iglesia (Natural Church Development).

Anumang pagkilos sa ating panahon tungkol sa church growth, ang cell group ay kabilang sa mga dahilan kung paano tumatatag at lumalaki ang iglesia ng Panginoon.

Sa aking palagay, ang Pastor Centered Model ang pumipigil sa ating paglago.

Pastor Centered Model Church

Sa ganitong modelo, ang pastor ang gumaganap ng halos lahat ng gawain sa iglesia. Si pastor, ang nangangaral, tiga-dalaw, nananalangin sa may sakit, siya ang evangelist, tiga libing, tiga kasal, binyag, administrator at lahat. Sumusweldo siya para paglingkuran ang mga miembro.

Habang lumalaki ang iglesia lokal, lumalawak ang gawain ni pastor. Hanggang hindi na niya ito makaya, at magpapalipat na lamang siya ng destino.

Sa Mateo 28:19, sinasabi ng Panginoong Jesus na "gawin natin alagad niya ang lahat ng mga bansa".   Gawing alagad, hindi lamang miembro ng iglesia.  Sa ating bautismo, bilang alagad, kailangan tayong magsanay upang maglingkod, at hindi miembro na paglilingkuran.

Cell Group Church Model

Ang cell group system ay paraan upang matupad ang hangarin ng Panginoon na "maging alagad" ang mga kaanib ng iglesia. Sa ganitong paraan, ang mga miembro, simula sa mga "spiritual leaders" ng simbahan ay kukuha ng bahagi, upang tumulong sa pastor at deakonesa, na maglingkod, mangaral, magturo, manghikayat, at magsanay ng mga kaanib upang maging alagad na magsasanay din sa iba upang maging alagad.

Sa ganitong modelo, matutupad ang sinasabi ni San Pablo sa Efeso 4:12, at 16;

“Ginawa niya ito upang ihanda sa paglilingkod ang lahat ng mga banal, para sa ikatitibay ng katawan ni Cristo, ang iglesya,”
‭‭
“Sa pamamagitan niya, ang mga bahaging pinag-ugnay-ugnay ng kasukasuan ay magiging isang katawan; at kung maayos na gumaganap ng tungkulin ang bawat bahagi, ang buong katawan ay lálaki at lalakas sa pamamagitan ng pag-ibig.”
‭‭

Miyerkules, Abril 8, 2020

Seven Last Words 2020. From the Crisis to the Cross

#7. THE CRISIS OF DEATH

"Ama, sa mga kamay mo'y ipinagtatagubilin ko ang aking espiritu!" (Lucas 23:46)

Ang kamatayan ay darating kahit kanino. Wala itong pinipili.

Gayunman, lahat gagawin natin para lang mapigil ang kamatayan. Pero, tulad ng karanasan natin ngayon sa pandemic, masasabi natin na talagang mahirap pigilin ang kamatayan.

Ang kamatayan ng maraming frontliners ay nakakalungkot. We feel so much sadness, but we as much as possible appreciate them, for sacrificing these much for the sake of others.

Pandemic death is the worst crisis ever. Mas marami pa ang namamatay ngayon kaysa giyera.

Even Jesus tasted death.

Bagamat siya ay Diyos, hindi siya nanatiling kapantay ng Diyos, kundi hinubad niya ang pagkadiyos at namuhay bilang alipin.

Siya ay naging masunurin, hanggang kamatayan sa krus. (Filipos 2:6-10).

Tugon sa Krus

Pinapakilala ng huling wika, na....

1. Kapag may kamatayan, naroon ang Diyos.

“Precious in the sight of the Lord is the death of his saints.”  (Psalms‬ ‭116:15‬ ‭ESV‬‬)

May mga namamatay ngayon na hindi na nabendisyunan ng pastor yung namatay. Pero naniniwala ako na darating ang Diyos upang samahan ang mga yumao sa panahong ito ng pandemic.

Hindi ko po sinasabing mabuti ang kanilang pagkamatay. Ang mensahe ng huling wika, ay nagsasaad na masaklap ang kamatayan, gayunman, kasama natin ang Diyos sa karanasang ito.

2. Pinakamabuting ilagay natin ang buhay sa kamay ng Diyos, at ipagkatiwala sa kanya ang ating espiritu.

Tulad ng pahayag ni San Pablo, "Sa mabuhay o mamamatay, kay Cristo ako."

At kung gagawin natin ito mga kapatid, mabuhay o mamamatay, may kasiguruhan tayo na makakasama natin ang Diyos.

#6. CRISIS OF THE INCOMPLETE

"Naganap na!" (Juan 19:30

Maraming dalang krisis ang mga hindi tinatapos na gawain.

May mga buildings palabas ng Maynila, papuntang Cavite na sinimulan noong pang panahon ni Marcos? Ewan ko po, pero balita ko matagal nang sinimula, pero hangga ngayon hindi tapos.

May building din ng PAGCOR sa Mabalacat, Pampanga, sinimulan, hindi natapos kaya nakatiwangwang lang. Sayang yung pera ng gobyerno.

Napunta na kayo sa Palace in the Sky sa Tagaytay? Malaking palasyo na hindi tapos.

Maraming sinimulan na hindi natapos.

Natutunan ko sa BoyScout noong bata ako, turo sa amin, "WORK UPDONE IS WORK UNDONE." Ang trabahong hindi tapos ay hindi po ayos.

Oo nga naman. Winalis, hindi sinalok- hindi tapos! Nando'n pa rin yung dumi!

Maglaba ka, sabunin, luglugin. Iwan muna, para mag facebook. Nakalimutan ang labahin ng dalawang araw. BUMAHO, BUMANTOT ang labahin! Lalong lumaki yung trabaho!

Kaya kapag may ginagawa po tayo - tapusin natin, Amen?

Nakakaranas tayo ng krisis sa COVID19, dahil sa kakulangan ng paghahanda.

We failed to finish things that are supposed to be completed. Nagpatumpik-tumpik po ang marami.

Noong buhay pa si Senator Miriam Santiago, nagpanukala siya sa paghahanda ng gobyerno, sa mga ganitong pandemico, o biglaang kalamidad. Sinimulan ang programa, hindi tinapos. Ayun - kapus tayo sa paghahanda ng biglang dumating ang COVID19. Mabuti naman at ginagawa ng gobyerno ang best na magagawa ngayon.

Going back to Jesus, he was able to finish his mission.

Ang tugon sa krus.

Lahat po tayo ay may misyon sa buhay. Kung magulang ka, yung misyon mo sa mga anak mo, tapusin mo.

Kung nag-aaral ka ngayon kabataan, huwag mong unahin yung boyfriend mo, kalalaki mong tao, may boyfriend ka? Ang atupagin mo, yung pag-aaral mo at relasyon mo kay Lord. At magpakalalaki ka!

Yung pagkatawag mo. Yung misyon mo, tapusin mo.

Huwag tayong maging iresponsable.

Be like Jesus. Huwag kang papayag, huwag mong hahayaang makuha mong mamamatay na hindi mo nagagawa ang misyon mo.

Para pagharap mo sa Diyos masabi mo, "Lord, tumupad po ako sa tungkulin, nagawa ko po ang aking misyon."

#5. Food and Water Crisis

“Nauuhaw ako!” (Juan 19:28)

Noong bata ako, (40+ years ago), hindi binibili ang tubig. Hinihingi lang ito, o kaya, sumalokmka kahit saang sibol, o maging sa ilog, hindi ka malalason sa umaagos na tubig. Ngayon, may "tubig for sale" kahit saan.

Kapag sosyal ganito bumibili sa tindahan, "Pabili ng MINERAL WATER." Sosyal diba?

Kapag poor yung bumibili ng tubig, ganito ang maririnig mo, "Pabili ng water. Yung sachet. Nakaplastic lang po. Ice water."

Hahhaha. Tubig. FOR SALE na ngayon.

Ayon sa mga scientists na nag-aaral sa ating mga natural resources, lalong lalala ang kakulangan ng tubig at pagkain. Lalo na ngayong may krisis ng COVID19.

Haharap tayo sa mas matinding food and water crisis sa mga darating na panahon.

Ang araw na iyon ay pagpapahirap sa Panginoon, mula sa kanyang pagkadakip (approximately, 9 o' clock ng gabi, hanggang 3pm ng hapon). Mga 15hrs na walang tulog, at walang tubig. Pinabuhat pa ang krus sa tanghali, hanggang ipako siya sa krus.

Kaya natural na mauhaw ang Panginoon, dahil sa kawalan ng inumin.

Kaya narinig mula kay Jesus, "Nauuhaw ako." Literal na pagkauhaw. Isang pangangailangang pisikal.

At tumugon ang isang sundalo, pina-inom siya ng sour wine. Ito ay baon na inumin ng mga sundalo. Wine na umasim na sa leather bag container, na nakasukbit sa baywang ng sundalo.

This can be considered an act of compassion. May puso rin ang sundalong ito, bagama't ang utos sa kanya ay patayin si Jesus.

But he managed to offer a drink to a thirsty dying person.

Work of compassion, ano ito?

Ito yung ginagawa ng mga frontliners ngayon.

Hindi nila sinasabing, "Bayaan na natin siya, tutal mamamatay na. Huwag ka ng mag-abala."

Little act of kindness my friends is a big help. Marami ang namamatay ngayon, tulad ni Jesus, na ang natikman nilang huling gawa ng malasakit ay nangyari bago sila namatay.

Hindi dapat ipagkait ang ganitong munting gawa ng kabutihan.

May experience ako bilang pastor. May isang nagpakamatay, nagbigti.

Hanap ang pamilya ng pari o pastor, at ako yung nasabihan. Hindi sila miembro ng aking destino. Hindi po sila kaanib sa Metodista.

Ang tanong nila, "Pwedi po bang basbasan ninyo ang pumanaw pastor?" Yan ang tanong sa akin.

Isang huling kahilingan ng pamilya.

Ang sagot ko, "Gagawin ko po, huwag kayong mag-alala. Alang-alang sa Diyos na nagmamalasakit sa inyo. Mahal po kayo ng Panginoon, at mahal ng Panginoon ang yumao."

Ang munting gawa ng kabutihan na ipinakita ng sundalo ay mabuting tugon sa pangangailangan.

Tinatawagan tayo ng Panginoon, upang gumawa tayo ng kabutihan sa mga pagkakataon na maarintayong tumulong.

Sabi nga ni John Wesley,

Do good, in all the ways you can, to all people you can, in any time you can.

#4. CRISIS OF ABANDONMENT

“Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?” (Mateo 27:46)

Sa panahong ito ng lockdown, hindi tayo maka-biyahe patungo sa ibang bayan. May na lockdown sa mga isla habang nasa swimming.  May mga turista na na-lockdown sa Pilinas at hindi makalabas ng bansa.

Kaya may mga tao na nag-iisa.

Sa sobrang dami ng mga COVID19 patients, may hindi na maaring bigyang lunas sa mga hospitals.

Hindi natin maiaalis sa kanilang damdamin na: PINABAYAAN NA SILA.

Reklamo ng isang netizen, "Kami na may trabaho, nagbabayad kami ng taxes. Ang binigyan ng ayuda ay mga walang trabaho, mga 4P's. Mga hindi nagbabayad ng taxes. Kami - PINABAYAAN na kami ng gobyerno."

Kahit ang Panginoon ay nakaramdam din ng kalungkutan, dahil, "bakit mo ako pinabayaan?" Isang tanong ng isang nagdaramdam.

SOLUSYON NG KRUS

1. Pagtawag sa Diyos.

Noong nasa bangka ang mga alagad, kasama si Jesus, dumating ang unos at natakot sila dahil, "natutulog si Jesus".

Sa kanilang takot na baka llulubog ang banka, tinawag nila si Jesus. Gumising si Jesus at pinatigil niya ang unos.

Malaki ang magagawa ng panalangin, ang pagtawag sa Diyos.

2. Pagtitiwala sa Diyos.

May isa akong kakilala na nagkaroon ng cancer. Tanong niya kay Lord, "Bakit ako,pa Panginoon?"

Sa kanyang damdamin, narining niya ang Diyos na nagsasabing, "Kaya mo ba akong pagkatiwalaan sa kalagayan mo ngayon?"

Pumanaw na ang kaibigan kong ito. Ngunit pumanaw siya na nagtitiwala sa Diyos na puno ng kapayapaan hanggang sa kanyang pagpanaw.

Kung sa palagay mo, pinabayaan ka - tandaan mo, hindi ka pababayaan ng Diyos.

#3. RELATIONSHIP CRISIS

“Babae, narito ang iyong anak!” At sinabi sa alagad, “Narito  ang iyong ina!” (Juan 19:26-27)

---------------

Ayon sa mga surveys, ang pinak-matinding pagmamalupit, pananakit at pang-aabuso ay nagaganap sa loob ng mga tahanan.

Mga asawang babae na binubugbog. Mga anak na pinagmamalupitan. Mga bata at kabataang pinagsasamantalahan. Mga kawalan ng katapatan sa mga relasyon. At iba pa.

Ang mga ito ay listahan ng mga sirang relasyon. Crisis sa mga relasyon na dapat sana ay pinagdudugtong ng tiwala at pagmamahal.

Marami ang biktima ng krisis dahil sa mga nasisirang relasyon.

Mga anak na may magulang, pero hindi nila nadarama ang pagmamahal ng isang magulang.

Ganito ang krisis ng isang ina na nawawalan ng anak. Naroon si Maria, habang pinagmamasdan niyang namamatay ang kanyang anak.

Unti-unting napuputol ang kanilang relasyon dahil sa kamatayan. Isang vlogger ang napanood ko. Habang ang isang British blogger sa Pilipinas, namatay ang kanyang kapamilya sa Great Britain.

Wala na siyang makikitang ina pag-uwi niya sa Europa.

Alam ni Maria, na bukas, wala na ang anak niyang si Jesus.

SOLUSYON NG KRUS

Sa ganitong tagpo, tinignan ni Jesus ang kanyang ina at alagad. At sinabing, "ito ang iyong ina...ito ang iyong anak."

Ang solusyon ni Jesus sa krisis na ito ay ang pagtatatag ng tamang ugnayan sa pamilya,

1. Na may malasakit sa mga magulang ng mga anak.
2. Na may pagmamahal sa isa't isa. Kailangang maramdaman ng mga anak, kapatid at magulang ang pag-ibig.

Kailangan din ng mga nakakaranas ng lungkot at takot ang suporta ng mga kaibigan, ka iglesia o kahit kamag-anak o kapit-bahay.

Lalo nating palakasin ang suporta sa pamilya sa panahong ito ng krisis.

#2. CRISIS OF FEAR & UNCERTAINTY

“Sinasabi ko sa iyo: ngayon di’y isasama kita sa Paraiso.” (Lucas 23:43)
---------

Sino ang hindi natatakot ngayon sa pandemic? Wala tayong kasiguruhan kung ano ang mangyayari sa susunod.

Bakit nga ba tayo natatakot?

Natatakot tayo sa mga totoong panganib na narito na.

Halimbawa, ayaw ko sa ahas, takot ako. Pero dahil wala namang ahas, wala akong nararamdamang takot. Wala kasing ahas.

Pero kung may biglang babagsak na ahas sa harap ko! Kakaripas ako ng takbo! Dahil ang kinatatakutan ko ay NARITO NA!

Sinasabi na magnanakaw marahil ang kasamang nakapako sa krus ni Jesus. Halimbawang tama na sila ay magnanakaw..noong nagnanakaw pa sila...wala silang takot.

Pero nang mahuli na sila mga kapatid, at alam nilang ipapako sila sa krus...palagay ko nakaramdam sila ng takot.

At marahil, lalo pang natakot ang nasa kanan noong pumasok sa isip niya, kung ano ang kahihinatnan ng kanyang kaluluwa sa kamatayan.

Namatay na nga dito sa mundo na pinaparusahan,
paparusahan pa sa kabilang buhay.

Kayo po. Di ba kayo matatakot sa ganitong kawalan ng kasiguruhan?

Puno na nga ng krisis sa mundong ito,
Pati sa kabilang buhay, krisis pa rin sa impierno?

SOLUSYON - Kasiguruhan na mula sa Panginoon.

Ang paki-usap ng isang nakapako sa krus ay bigyan siya ng kasiguruhan ni Jesus na "Remember me."

At binigyan siya ng kasiguruhan.

Una, sabi ni Jesus, "Ngayon din, kakasamahin kita..."

Ito ay pangako na sasamahan tayo ng Panginoon sa ating kasalukuyang pinagdadaanan. (Ngayon din.)

Pangalawa ang pangako, hanggang paraiso.
Anuman ang hangganan ng buhay, kasama natin ang Panginoon. Sa buhay, kamatayan man, hanggan sa kabilang buhay!

Tanggapin mo ang pangako ng Panginoon.
Wala tayong dapat ikatakot. Kasama natin si Jesus.

-----------

Seven Last Words 2020 / For pastors, deaconess and preachers only. Do not re-post. Share only if you will be preaching.

------------------------------------

Sermon Title: From Crisis to the Cross

#1. CRISIS OF SIN AND UNFORGIVENESS

Panimula:

May problema at may solusyon.

Anumang krisis ay nagdadala ng pahirap. Sinisisi ang gumawa nito.

Tulad ng COVID19 pandemic. Gusto mo ba ito? Natural, walang magkakagusto nito. Problema ito. Dahil walang katanggap-tanggap na dahilan para magustuhan natin ito.

Pweding gawa lang ito ng hindi sinasadyang pangyayari at walang malalim na dahilan kung bakit ito nagsimula.

Gawa ito marahil ng hindi pag-iingat ng isang tao. Tulad ng kwento tungkol sa pagwawalang bahala ng isang scientist na naglabas ng COVID19 sa palengke ng China.
Marahil, masasabi natin na hindi niya sinasadya ang nangyari o baka nakalimutan lang niyang maghugas ng kamay bago lumabas ng laboratoryo.

Ang solusyon ng krus ni Jesus.

Ang krus ay parusa sa kasalanan o krimen. Para maituwid ang kamalian. Ito rin ay pagpaparusa sa mga makabayang rebelde laban sa mananakop, at mga tao na pinapatay dahil sa gawang mabuti.

Kapag ang isang mabuting tao ay naghihirap, siguradong ito ay maituturing na makahulugang paghihirap. Ito ang makahulugan dahil, dito lumalabas ang mga bayani.

Ang kanilang sakripisyo o kamatayan man ay makabuluhan.
Hindi sila sinisisi, sa halip ay pinasasalamatan.

Sa atin pagbubulay, we are being invited to look at the cross, para makita natin kung ano ang makabuluhang paghihirap ni Cristo na nagdala ng solusyon sa pitong mga problema ng sanlibutan.

Crisis #1.

PROBLEMA NG KASALANAN AT HINDI PAGPAPATAWAD

“Ama, patawarin mo sila, sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.” (Lucas 23:34)

Problema ng kasalanan, at ang solusyon ng krus.

Ang kasalanan ang pinakamalaking problema ng tao. Ito ang ugat ng lahat ng krisis sa mundo.

Ito ang dahilan ng unang pagpatay, at hanggang ngayon, ito pa rin ang malubhang dahilan. Noong 1941, naganap ang Holocaust. Pinatay ang halos sampung milyong tao ng mga German Nazis sa pangunguna ni Adolf Hitler.

Ano ang kasalanan ni Hitler? Hatred. Unforgiveness.

May galit siya sa kanyang puso.

Ito rin ang hinihinalang dahilan kung bakit may COVID19. Pinag-aaralan ng mga scientists ang mga virus upang gawing sandata ng pagpatay, o biological warfare.

Saan ito nanggaling?

Sa galit. Kasakiman ng kapangyarihan ng mga world powers.
Kasalanan.
Kawalan ng pagpapatawad.
Nagreresulta sa pagpatay.

Ang solusyon ng krus ay ito. Kapatawaran.

"Ama, patawarin mo sila."

Si Jesus ay nagpapahayag ng solusyon mga kapatid. Kapatawaran.

Kaya sinasabi ni San Pablo sa Filipos 2:5,

“Nawa'y magkaroon kayo ng kaisipan na tulad ng kay Cristo Jesus.”  (Mga Taga-Filipos‬ ‭2:5‬).

Sa oras ng kanyang paghihirap, inisip niya ang magpakumbaba, magmalasakit at magpatawad.

Kung magsisisi lamang ang mga tao, tatalikod sa kasalanan, at magpapatawaran...naniniwala ako na magkakaroon ng solusyon ang galit at poot sa buong mundo.

Miyerkules, Abril 1, 2020

Holy Week 2020

Seven Last Words 2020 / For pastors, deaconess and preachers only. Do not re-post. Share only if you will be preaching.

------------------------------------

Sermon Title: From Crisis to the Cross

#1. CRISIS OF SIN AND UNFORGIVENESS

Panimula:

May problema at may solusyon.

Anumang krisis ay nagdadala ng pahirap. Sinisisi ang gumawa nito.

Tulad ng COVID19 pandemic. Gusto mo ba ito? Natural, walang magkakagusto nito. Problema ito. Dahil walang katanggap-tanggap na dahilan para magustuhan natin ito.

Pweding gawa lang ito ng hindi sinasadyang pangyayari at walang malalim na dahilan kung bakit ito nagsimula.

Gawa ito marahil ng hindi pag-iingat ng isang tao. Tulad ng kwento tungkol sa pagwawalang bahala ng isang scientist na naglabas ng COVID19 sa palengke ng China.
Marahil, masasabi natin na hindi niya sinasadya ang nangyari o baka nakalimutan lang niyang maghugas ng kamay bago lumabas ng laboratoryo.

Ang solusyon ng krus ni Jesus.

Ang krus ay parusa sa kasalanan o krimen. Para maituwid ang kamalian. Ito rin ay pagpaparusa sa mga makabayang rebelde laban sa mananakop, at mga tao na pinapatay dahil sa gawang mabuti.

Kapag ang isang mabuting tao ay naghihirap, siguradong ito ay maituturing na makahulugang paghihirap. Ito ang makahulugan dahil, dito lumalabas ang mga bayani.

Ang kanilang sakripisyo o kamatayan man ay makabuluhan.
Hindi sila sinisisi, sa halip ay pinasasalamatan.

Sa atin pagbubulay, we are being invited to look at the cross, para makita natin kung ano ang makabuluhang paghihirap ni Cristo na nagdala ng solusyon sa pitong mga problema ng sanlibutan.

Crisis #1.

PROBLEMA NG KASALANAN AT HINDI PAGPAPATAWAD

“Ama, patawarin mo sila, sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.” (Lucas 23:34)

Problema ng kasalanan, at ang solusyon ng krus.

Ang kasalanan ang pinakamalaking problema ng tao. Ito ang ugat ng lahat ng krisis sa mundo.

Ito ang dahilan ng unang pagpatay, at hanggang ngayon, ito pa rin ang malubhang dahilan. Noong 1941, naganap ang Holocaust. Pinatay ang halos sampung milyong tao ng mga German Nazis sa
pangunguna ni Adolf Hitler.

Ano ang kasalanan ni Hitler? Hatred. Unforgiveness.

May galit siya sa kanyang puso.

Ito rin ang hinihinalang dahilan kung bakit may COVID19. Pinag-aaralan ng mga scientists ang mga virus upang gawing sandata ng pagpatay, o biological warfare.

Saan ito nanggaling?

Sa galit. Kasakiman ng kapangyarihan ng mga world powers.
Kasalanan.
Kawalan ng pagpapatawad.
Nagreresulta sa pagpatay.

Ang solusyon ng krus ay ito. Kapatawaran.

"Ama, patawarin mo sila."

Si Jesus ay nagpapahayag ng solusyon mga kapatid. Kapatawaran.

Kaya sinasabi ni San Pablo sa Filipos 2:5,

“Nawa'y magkaroon kayo ng kaisipan na tulad ng kay Cristo Jesus.”  (Mga Taga-Filipos‬ ‭2:5‬).

Sa oras ng kanyang paghihirap, inisip niya ang magpakumbaba, magmalasakit at magpatawad.

Kung magsisisi lamang ang mga tao, tatalikod sa kasalanan, at magpapatawaran...naniniwala ako na magkakaroon ng solusyon ang galit at poot sa buong mundo.


#2. CRISIS OF FEAR & UNCERTAINTY

“Sinasabi ko sa iyo: ngayon di’y isasama kita sa Paraiso.” (Lucas 23:43)

---------

Sino ang hindi natatakot ngayon sa pandemic? Wala tayong kasiguruhan kung ano ang mangyayari sa susunod.

Bakit nga ba tayo natatakot?

Natatakot tayo sa mga totoong panganib na narito na.

Halimbawa, ayaw ko sa ahas, takot ako. Pero dahil wala namang ahas, wala akong nararamdamang takot. Wala kasing ahas.

Pero kung may biglang babagsak na ahas sa harap ko! Kakaripas ako ng takbo! Dahil ang
kinatatakutan ko ay NARITO NA!

Sinasabi na magnanakaw marahil ang kasamang nakapako sa krus ni Jesus. Halimbawang tama na sila ay magnanakaw..noong nagnanakaw pa sila...wala silang takot.

Pero nang mahuli na sila mga kapatid, at alam nilang ipapako sila sa krus...palagay ko nakaramdam sila ng takot.

At marahil, lalo pang natakot ang nasa kanan noong pumasok sa isip niya, kung ano ang kahihinatnan ng kanyang kaluluwa sa kamatayan.

Namatay na nga dito sa mundo na pinaparusahan,
paparusahan pa sa kabilang buhay.

Kayo po. Di ba kayo matatakot sa ganitong kawalan ng kasiguruhan?

Puno na nga ng krisis sa mundong ito,
Pati sa kabilang buhay, krisis pa rin sa impierno?

SOLUSYON - Kasiguruhan na mula sa Panginoon.

Ang paki-usap ng isang nakapako sa krus ay bigyan siya ng kasiguruhan ni Jesus na "Remember me."

At binigyan siya ng kasiguruhan.

Una, sabi ni Jesus, "Ngayon din, kakasamahin kita..."

Ito ay pangako na sasamahan tayo ng Panginoon sa ating kasalukuyang pinagdadaanan. (Ngayon din.)

Pangalawa ang pangako, hanggang paraiso.
Anuman ang hangganan ng buhay, kasama natin ang Panginoon. Sa buhay, kamatayan man, hanggan sa kabilang buhay!

Tanggapin mo ang pangako ng Panginoon.
Wala tayong dapat ikatakot. Kasama natin si Jesus.


#3. RELATIONSHIP CRISIS

“Babae, narito ang iyong anak!” At sinabi sa alagad, “Narito  ang iyong ina!” (Juan 19:26-27)

---------------

Ayon sa mga surveys, ang pinak-matinding pagmamalupit, pananakit at pang-aabuso ay nagaganap sa loob ng mga tahanan.

Mga asawang babae na binubugbog. Mga anak na pinagmamalupitan. Mga bata at kabataang pinagsasamantalahan. Mga kawalan ng katapatan sa mga relasyon. At iba pa.

Ang mga ito ay listahan ng mga sirang relasyon. Crisis sa mga relasyon na dapat sana ay pinagdudugtong ng tiwala at pagmamahal.

Marami ang biktima ng krisis dahil sa mga nasisirang relasyon.

Mga anak na may magulang, pero hindi nila nadarama ang pagmamahal ng isang magulang.

Ganito ang krisis ng isang ina na nawawalan ng anak. Naroon si Maria, habang pinagmamasdan niyang namamatay ang kanyang anak.

Unti-unting napuputol ang kanilang relasyon dahil sa kamatayan. Isang vlogger ang napanood ko. Habang ang isang British blogger sa Pilipinas, namatay ang kanyang kapamilya sa Great Britain.

Wala na siyang makikitang ina pag-uwi niya sa Europa.

Alam ni Maria, na bukas, wala na ang anak niyang si Jesus.

SOLUSYON NG KRUS

Sa ganitong tagpo, tinignan ni Jesus ang kanyang ina at alagad. At sinabing, "ito ang iyong ina...ito ang iyong anak."

Ang solusyon ni Jesus sa krisis na ito ay ang pagtatatag ng tamang ugnayan sa pamilya,

1. Na may malasakit sa mga magulang ng mga anak.
2. Na may pagmamahal sa isa't isa. Kailangang maramdaman ng mga anak, kapatid at magulang ang pag-ibig.


#4. CRISIS OF ABANDONMENT

“Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?” (Mateo 27:46)

Sa panahong ito ng lockdown, hindi tayo maka-biyahe patungo sa ibang bayan. May na lockdown sa mga isla habang nasa swimming.  May mga turista na na-lockdown sa Pilinas at hindi makalabas ng bansa.

Kaya may mga tao na nag-iisa.

Sa sobrang dami ng mga COVID19 patients, may hindi na maaring bigyang lunas sa mga hospitals.

Hindi natin maiaalis sa kanilang damdamin na: PINABAYAAN NA SILA.

Reklamo ng isang netizen, "Kami na may trabaho, nagbabayad kami ng taxes. Ang binigyan ng ayuda ay mga walang trabaho, mga 4P's. Mga hindi nagbabayad ng taxes. Kami - PINABAYAAN na kami ng gobyerno."

Kahit ang Panginoon ay nakaramdam din ng kalungkutan, dahil, "bakit mo ako pinabayaan?" Isang tanong ng isang nagdaramdam.

SOLUSYON NG KRUS

1. Pagtawag sa Diyos.

Noong nasa bangka ang mga alagad, kasama si Jesus, dumating ang unos at natakot sila dahil, "natutulog si Jesus".

Sa kanilang takot na baka llulubog ang banka, tinawag nila si Jesus. Gumising si Jesus at pinatigil niya ang unos.

Malaki ang magagawa ng panalangin, ang pagtawag sa Diyos.

2. Pagtitiwala sa Diyos.

May isa akong kakilala na nagkaroon ng cancer. Tanong niya kay Lord, "Bakit ako,pa Panginoon?"

Sa kanyang damdamin, narining niya ang Diyos na nagsasabing, "Kaya mo ba akong pagkatiwalaan sa kalagayan mo ngayon?"

Pumanaw na ang kaibigan kong ito. Ngunit pumanaw siya na nagtitiwala sa Diyos na puno ng kapayapaan hanggang sa kanyang pagpanaw.

Kung sa palagay mo, pinabayaan ka - tandaan mo, hindi ka pababayaan ng Diyos.


#5. WATER CRISIS

“Nauuhaw ako!” (Juan 19:28)

Noong bata ako, (40+ years ago), hindi binibili ang tubig. Hinihingi lang ito, o kaya, sumalokmka kahit saang sibol, o maging sa ilog, hindi ka malalason sa umaagos na tubig. Ngayon, may "tubig for sale" kahit saan.

Kapag sosyal ganito bumibili sa tindahan, "Pabili ng MINERAL WATER." Sosyal diba?

Kapag poor yung bumibili ng tubig, ganito ang maririnig mo, "Pabili ng water. Yung sachet. Nakaplastic lang po. Ice water."

Hahhaha. Tubig. FOR SALE na ngayon.

Ayon sa mga scientists na nag-aaral sa ating mga natural resources, lalong lalala ang kakulangan ng
tubig at pagkain. Lalo na ngayong may krisis ng COVID19.

Haharap tayo sa mas matinding food and water crisis sa mga darating na panahon.


#5. Food and Water Crisis

“Nauuhaw ako!” (Juan 19:28)

Noong bata ako, (40+ years ago), hindi binibili ang tubig. Hinihingi lang ito, o kaya, sumalokmka kahit saang sibol, o maging sa ilog, hindi ka malalason sa umaagos na tubig. Ngayon, may "tubig for sale" kahit saan.

Kapag sosyal ganito bumibili sa tindahan, "Pabili ng MINERAL WATER." Sosyal diba?

Kapag poor yung bumibili ng tubig, ganito ang maririnig mo, "Pabili ng water. Yung sachet. Nakaplastic lang po. Ice water."

Hahhaha. Tubig. FOR SALE na ngayon.

Ayon sa mga scientists na nag-aaral sa ating mga natural resources, lalong lalala ang kakulangan ng tubig at pagkain. Lalo na ngayong may krisis ng COVID19.

Haharap tayo sa mas matinding food and water crisis sa mga darating na panahon.

Ang araw na iyon ay pagpapahirap sa Panginoon, mula sa kanyang pagkadakip (approximately, 9 o' clock ng gabi, hanggang 3pm ng hapon). Mga 15hrs na walang tulog, at walang tubig. Pinabuhat pa ang krus sa tanghali, hanggang ipako siya sa krus.

Kaya natural na mauhaw ang Panginoon, dahil sa kawalan ng inumin.

Kaya narinig mula kay Jesus, "Nauuhaw ako." Literal na pagkauhaw. Isang pangangailangang pisikal.

At tumugon ang isang sundalo, pina-inom siya ng sour wine. Ito ay baon na inumin ng mga sundalo. Wine na umasim na sa leather bag container, na nakasukbit sa baywang ng sundalo.

This can be considered an act of compassion. May puso rin ang sundalong ito, bagama't ang utos sa kanya ay patayin si Jesus.

But he managed to offer a drink to a thirsty dying person.

Work of compassion, ano ito?

Ito yung ginagawa ng mga frontliners ngayon.

Hindi nila sinasabing, "Bayaan na natin siya, tutal mamamatay na. Huwag ka ng mag-abala."

Little act of kindness my friends is a big help. Marami ang namamatay ngayon, tulad ni Jesus, na ang natikman nilang huling gawa ng malasakit ay nangyari bago sila namatay.

Hindi dapat ipagkait ang ganitong munting gawa ng kabutihan.

May experience ako bilang pastor. May isang nagpakamatay, nagbigti.

Hanap ang pamilya ng pari o pastor, at ako yung nasabihan. Hindi sila miembro ng aking destino. Hindi po sila kaanib sa Metodista.

Ang tanong nila, "Pwedi po bang basbasan ninyo ang pumanaw pastor?" Yan ang tanong sa akin.

Isang huling kahilingan ng pamilya.

Ang sagot ko, "Gagawin ko po, huwag kayong mag-alala. Alang-alang sa Diyos na nagmamalasakit sa inyo. Mahal po kayo ng Panginoon, at mahal ng Panginoon ang yumao."

Ang munting gawa ng kabutihan na ipinakita ng sundalo ay mabuting tugon sa pangangailangan.

Tinatawagan tayo ng Panginoon, upang gumawa tayo ng kabutihan sa mga pagkakataon na maarintayong tumulong.

Sabi nga ni John Wesley,

Do good, in all the ways you can, to all people you can, in any time you can.
 -------------------------
Matagumpay na Pagpasok sa Jerusalem
Matthew 21:1-11

Ang pagpasok ng Panginoon sa Jerusalem ay matagumpay.

Maraming tao ang nabubuhay ngunit hindi sa matagumpay na paraan. May nag-aaral ngunit hindi matagumpay. Maaring nakakatos, ngunit wala namang trabaho. May nag-aasawa, at nagkakapamilya, ngunit hindi matagumpay, kaya naghihiwalay agad.

Ang ating pagka-Kristiano ay dapat na matagumpay! Hindi tayo tinawag ng Diyos para mabigo, lalo sa ating misyon at paggawa ng iba pang disipulo ni Cristo.

Saan ba nanggaling ang tagumpay ng Panginoon? Hindi ito makamundong tagumpay, tulad ng pagyaman, o pagkamit ng kapangyarihan.

Kahit si Apostol Pablo ay nagbabala,

“Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Mag-iba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kalooban ng Diyos; kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban niya.” (Mga Taga-Roma‬ ‭12:2‬)

Ito ay tagumpay upang magampanan ang nais mangyari at "kalooban ng Diyos".

Tunghayan natin sa ating mensahe kung bakit matagumpay si Jesus sa pagpasok sa Jerusalem.

1. Siya ay kinilalang propeta at guro sa Jerusalem.

Fellow Pastors, and deaconesses, lay leaders, let us establish our credibilities. Kailangan nating maitatag ang ating pagkatawag sa harap ng mga tao, upang makita nila na tayo ay mga tunay na tinawag ng Diyos.

Members, establish your credibility as true Christians, so people will believe in you.

Our way of lives, our testimonies, must be worth believing. We must learn to carry in ourselves, through our lives the proof that we are true disciples of Christ.

2. Nagampanan ni Jesus ang hula ng mga propeta, ayon sa nagsusulat sa Lumang Tipan.

3. Mangyayari ang plano ng Diyos para sa kaligtasan ng mundo.

Miyerkules, Marso 25, 2020

Lenten 5 sermon from John 11:1-45 Message of Hope from the Tomb

A Message of Hope From the Tomb
John 11:1-45

We are experiencing a pandemic that is still killing thousands around the world.

We were warned few years ago, by Bill Gates, that this may going to happen.
The U.N. and governments, failed to listen. Until the situation aggravated.

I am wondering if the warning from the Book Revelations about the Four Horsemen fits this global experience of conquests, wars, famine, and sicknesses. Many Bible scholars say, these stories are reflections from past histories. But feeling the fear brought by the COVID19, I must admit, tempted to interpret the story of the Four Horsemen as a warning from the past for today. Maybe, the pale Horseman is visiting us (again) today, as it was with the black plague or SARS Virus. The number of dying people is rising everyday.

Death is the most unwanted visitor in the world of the living,
But it keeps on coming by surprise
Without warning.
You may try to shut your doors to stop it from entering,
Then it hits like an arrow, though your window, to end a heart from beating.

As we mature, we come to realize that death is just a part of life. In fact it is both a friend and an enemy. At times, it is like water, in a small amount, it may be a refreshing drink for both the dying and for those who will be left behind.

Death for an old, suffering, weakening patient in an hospital may be called a peaceful homecoming. A kind of relief, especially for a fulfilled, victorious person, who did the right things while living.

But as a gushing flood, water may be devastating. It will become an enemy. The unwanted death of thousands we are witnessing everyday in the news is devastating. It brings us fear, anxiety and hopelessness.

Trump is hoping that this pandemic will end by Easter 2020.  Many says he was not actually dreaming, but is still in denial. The world is still confined in the tomb. The stone of the tomb has not been rolled away. Where is the way out? Where will our hope coming from?

Death visited Martha and Mary in the text.

Another frontliner, a doctor, a nurse, who is supposed to be a protector for people, died today.  Lazarus was a frontliner, he ought to be the protector for his younger sisters. But death chose him to be its victim. Just like their parents who passed away years ago.

When death comes, nobody will stand victorious against it.  It will tell us again, and again, that we got no choice but to succomb to its power.

Then Jesus came.

It is interesting how the early Christians faced life and death at the same time and were able to declare that by being with Jesus Christ they were victorious.

Early Christians worshipped in catacombs, on cemeteries, to escape death, and at the same time to celebrate life with the Spirit of Jesus and with one another.

Our story talks about the juxtaposition of the tomb and Jesus. And it ended, calling us to the conclusion that Jesus won the battle against death.

This story it reminds us how the early Christians celebrated life inspite of the reality of death.

1. Because the PRESENCE of Jesus was with them.

The presence of Jesus for them was not demonstrated through lifeless rituals, but through the actual demonstration of God's love for one another in the midst of the reality of suffering and death. While in the catacombs they shared resources and lived for one another.

2. Through the church, the POWER of the resurrected Christ sustained them as a community. This celebrated power of Christ sustained them, as they face the reality of the cross that haunted them.

And by this power, they were able to turn the haunting cross into a symbol of hope.

3. And lastly, they lived in the brink of death, the PEACE of Christ was with them.

They were the early Christians who faced the tomb as a reality of life, but carried with them the presence, the power and the peace of Christ, which for them is a greater reality. This is the promise they embraced.

“Peace I leave with you; my peace I give to you. Not as the world gives do I give to you. Let not your hearts be troubled, neither let them be afraid.” (John‬ ‭14:27‬ ‭ESV‬‬)

We still need Christ today.

Praying, that we will be able to sing like the Psalmist when he sang,

Even though I walk through the valley of the shadow of death, I will fear no evil...
For you are with me...

Huwebes, Pebrero 20, 2020

Lenten Sermons 2020

Lenten 5. March 29, 2020
Pagbasa sa Biblia - Ezekiel 37:1-14, Juan 11:17-45; Roma 8:6-11

“Tinanong niya ako, “Ezekiel, anak ng tao, palagay mo ba ay maaari pang mabuhay ang mga kalansay na ito?” Sumagot ako, “Kayo po lamang ang nakaaalam, Yahweh.””(Ezekiel‬ ‭37:3‬)

“Sinabi sa kanya ni Jesus, “Ako ang nagbibigay-buhay at muling pagkabuhay. Ang sinumang sumasampalataya sa akin, kahit mamatay ay muling mabubuhay; at sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay kailanman. Naniniwala ka ba sa sinabi ko?””
‭‭Juan‬ ‭11:25-26‬ ‭MBB05‬‬

Isang bata ang pumunta sa birthday at binigyan siya ng lobo. Masayang umuwi ang bata para sana ipakita sa kanyang tatay ang kanyang magandang lobo.  Pero nang papasok na sa bahay, hindi niya napansin ang pako sa hamba ng pinto. Tumama ang lobo sa pako, at BOOOM! Pumutok ang lobo.

Agad hinipan ng bata ang lobo, ngunit hindi na ito lumobo ulit.

Sabay takbo ang bata sa kanyang tatay, at ang sabi niya habang umiiyak, "Tay, ayusin mo 'to! Ayusin mo ang lobo ko!  Wahh!"

Ang karanasan natin tungkol sa COVID19 ay parang ang nangyari sa lobong pumutok.  Imposible nang ibalik ang mundo sa dati. Marami na ang namatay.  Hindi na maibabalik sa dati ang daigdig.

Biglang tingin parang wala ng pag-asa.

Sa ating pagbasa mula sa Biblia, tinatanong ng Diyos kung maari pang mabuhay ang mga kalansay.
Sagot ng propeta, "Kayo lamang po ang nakaka-alam Panginoon."

Natutunghayan natin ang kamatayan ng marami sa buong daigdig dahil epidemia, ang COVID19.
Diyos lamang ang nakakalam kung kailan ito titigil.

Ang ating pagbasa sa Biblia ay nag-aanyaya sa atin na magtiwala sa Diyos.
Dahil magagawa ng Diyos ang imposible.

Sa Ebanghelyo, mababasa natin ang huling pagpapakilala ni Juan kung sino si Jesus.
Sa pagpapakilala ni Juan, gamit ang mga himalang ginawa ni Jesus mula sa paggawa ng alak mula sa tubig, hanggang sa yugtong ito ng pagbuhay muli kay Lazaro, nais niyang ipakilala si Jesus sa mga Krisitiano.

1. Una, pagpapakilala kay Jesus dahil sa kanyang presensya.

Mga kapatid, hindi po iniiwan ng Diyos.  Ang Diyos ay lagi nating kasama.

Malungkot na karanasan ang mamatayan ng mahal sa buhay.
Sa kalungkutang ito, mula sa pagkakasakit ni Lazaro, patuloy na nanawagan sina Martha at Maria kay Jesus.

Ang Panginoon ay tumutugon sa mga panalangin. Tulad ng paalala ni Pablo sa 1Timoteo 2:1,

“Una sa lahat, ipinapakiusap kong idulog ninyo sa Diyos ang inyong mga kahilingan, panalangin, pagsamo, at pasasalamat para sa lahat ng tao. Idalangin rin ninyo ang mga hari at maykapangyarihan,
upang tayo'y makapamuhay nang matahimik, mapayapa, maka-Diyos at marangal.”  (1 Timoteo‬ ‭2:1-2‬ ‭MBB05‬‬)

Ngunit ang panalangin ay hindi lamang pakikipag-usap sa Diyos.
Ito ay pagkilala rin sa presensya ng Diyos.

Sa karanasan nina Martha at Maria, si Jesus hindi lamang tumugon, kundi siya ay dumating!

Nang masalubong ni Martha si Jesus, parang sinumbatan na niya si Jesus sa hindi nito agad pagdating. Na hindi agad tinugon ni Jesus ang pagpapagaling kay Lazaro.

Ngunit may nakalimutan si Martha. Nakalimutan niya na ang presensya ni Jesus ang kanilang  kailangan, higit sa kanilang kahilingan!

Sabi ni Martha, "Panginoon, kung agad ka lang dumating..."
Wika ni Jesus, "Martha, nanditonna kao...muling mabubuhay ang kapatid mo."

Madalas ganyan din tayo. Mas gusto natin - na ibigay ng Diyos ang ating kahilingan,
kaysa ibigay ng Diyos ang kanyang presensya.

May isang nanay na matagal nagtrabaho sa Saudi Arabia. Nag request ang anak niya ng isang cellphone. Surpresang umuwi ang nanay sa birthday ng anak. Pagkakita ng dalagita sa nanay, hindi man nito niyakap ang nanay. Kundi agad niyang tanong, "Nay, dala mo ba cellphone ko?"

Mas excited pa ang anak sa cellphone kaysa sa  presensya ng kanyang nanay.

Dumalangin po tayo na sa karanasan natin sa COVID19, ay maranasan natin, hindi lang ang pagtugon ng Diyos, kundi pa naman, ang presensya ng Diyos.

2. Pangalawa, nais ipakilala ni Juan sa kwento ang kapangyarihan ni Jesus.

Tulad ng lobong pumutok, kayang ayusin ng Diyos ang pinaka-imposibleng iniiyakan nating lahat -
ang kamatayan.

Pwede pa bang buhayin ang mga kalansay na iyan?
Pwede bang mabuhaymuli ang mga patay?

Sa kwento, pinabuksan ni Jesus ang libingan, at siya ay sumigaw, "LAZARO, LUMABAS KA!"
At lumabas si Lazaro, hindi bilang patay, kundi isang muling nabuhay!

Nagawa ito ng Diyos at muli niya itong magagawa para sa iyo at para sa akin.
Naniniwala ka ba?  Purihin ang Diyos!

At sinabi ni Jesus ang susi para mangyari itong himalang ito sa atin.
Gusto mong mabuhay kang muli?
Gusto mong, hindi ka na mamamatay?

Wika ng Panginoon, “Sinabi sa kanya ni Jesus, “Ako ang nagbibigay-buhay at muling pagkabuhay. Ang sinumang sumasampalataya sa akin, kahit mamatay ay muling mabubuhay; at sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay kailanman. Naniniwala ka ba sa sinabi ko?””  (Juan‬ ‭11:25-26‬ ‭MBB05‬‬)

Ito ang kapangyarihan ni Cristo mga kapatid. Magagawa niya ang imposible para sa atin.

3. Panghuli, nais ipakita ni Juan sa kwentong ito, ang layunin ng Panginoon.

Balikan natin ang ating mga puntos - nais ipakita ng Ebanghelyo ni Juan sa kwento ang

Presensya ni Jesus
Kapangyarihan ni Jesus

At sa pangatlo, ang layunin ng Panginoon.

Ayon sa Roma 8:35, "Ano ang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos?"

Gutom? Sakit? Kamatayan? Ang sagot ay HINDI!

Dahil kapag

KASAMA MO ANG DIYOS!
at
NARARANASAN MO ANG KAPANGYARIHAN NG DIYOS SA IYONG BUHAY,

Malalasap mo ang pag-ibig ng Diyos at hindi mo ito pababayaang mawala pa ito sa iyo.
Wala! Wala! Wala!
Walang makapag-hihiwalay sa atin  sa pag-ibig ng Diyos.

Huwag mong pababayaan na ang karanasang ito ng COVID 19 outbreak ay maging dahilan upang panghinaan ka ng iyong pananalig.

Nais kong magwakas sa sinasabi ng ating pangatlong teksto, mula sa Roma 8:6-11.
Sa verse 11, ang sabi,

“Kung nananahan sa inyo ang Espiritu ng Diyos na siyang muling bumuhay kay Jesu-Cristo, siya ang muling bubuhay sa inyong mga katawang mamamatay, sa pamamagitan din ng kanyang Espiritung nananahan sa inyo.”
‭‭
Ang layunin ng Diyos ay malinaw, nais niya tayong bigyan ng pag-asa, sa ating muling pagkabuhay. Na

Kung  Siya ay nasa atin - ang kanyang presensya bilang Espiritu ng Diyos sa ating buhay,
Kung nararanasan natin ang kanyang kapangyarihan,
Nasa atin ang kasiguruhan, na hindi tayo pababayaan ng Diyos, kahit kamatayan, magtatagumpay ang Panginoon.

Magtiwala ka sa Diyos kapatid. Amen.



---------------------------------------
Ezekiel 17:1-14

Ang pagbasa natin ngayon ay may kinalaman sa kasaysayan ng Israel noong sakupin sila ng Babylonia. Sa pangyayaring ito sa kasaysayan, ay nagpahayag ng "pangungusap" ang Diyos.

Wika ni Yahweh, "Para malaman nilang akong si Yahweh ang nagsasalita sa kanila."

Mabuting aralin natin ang background ng mga talata.

Si Nebuccadnezzar ang hari ng Babylonia (ang unang agila, v.3) na sumakop sa mga bansa kasama ang Israel.

Ang hari ng Israel ay si Jehoiachin, ang pinutol na dulong sanga sa verse 4.

Si Haring Zedekiah ang bagong tubong halaman, na pumalit kay Jeoiachin bilang hari ng Israel. Agad siyang sumikat at mabilis na nagtagumpay.

Ang pangalawang agila ay ang Hari ng Egypt, na naging ka-alyado ni Zedekiah laban kay Nebucchadnezzar.

Ang alyansa ng Egypt at Judah ay ibinagsak ng Babylonia at nagdulot pa ng mas lalong pahirap sa Israel. (Sinisimbulo ng malakas na hangin.)

Ito ang naging paghatol ng Diyos sa ginawang pagsuway ng Israel sa kasunduan ng Judah at
Babylonia, na hindi manghihimagsik ang Judah laban sa Babylonia.

Ano ang mensahe nito sa atin?

1. Mahalagang makita natin kung ano ang ikinikilos ng Diyos sa mga pangyayari sa kasaysayan.

Ang pagsakop ng Babylonia ay hindi mabuting kaganapan. Tulad ng COVID19, na ating nararanasan ngayon.

Kaya, dapat tayong magtanong;

Ano ang nais iparating ng Diyos?
Bakit nangyayari ito sa atin?

Sa pagbubulay ni Propeta Ezekiel, makikita natin na ang Diyos ay;

a. Patuloy na gumagawa para sa ikabubuti ng bayang Israel, kahit na "mukhang masama ang pangyayari".  Dahil ang pagsakop ng Babylonia ay bahagi ng mabuting plano ng Diyos sa Israel.

“Ang lahat ng lupaing ito'y ipinasiya kong ibigay kay Haring Nebucadnezar ng Babilonia na aking lingkod. Ibinigay ko rin ang mga hayop sa parang upang maglingkod sa kanya.” (Jeremias‬ ‭27:6‬)

b. Nakikita ni Ezekiel na ang Diyos ay may "total control" sa mga pangyayari, kung kaya dapat magtiwala ang Israel sa Diyos.

Ang pagsakop na nangyari ay paraan ng Diyos upang iligtas ang Israel. Ang reflection na ito ni Ezekiel ay nakita rin ng ibang propeta tulad ni Jeremias (chapter 27).

“Ang sabi ni Yahweh, “Ang aking kaisipa'y hindi ninyo kaisipan, ang inyong kaparaanan ay hindi ko kaparaanan.” - (Isaias‬ ‭55:8‬)

Ano ang sinasabi ng Diyos sa atin?

a. Ngayon, pinatigil ng Diyos ang buong mundo upang magtahimik, manalangin at magbulay.

Ang mga tao sa daigdig ay matagal ng balisa sa pagpapasasa para sa sarili. Wala na tayong inatupag kundi magtrabaho, kumita at mamili ng ating gusto, kahit hindi natin kailangan.

Ang mga bansang mayayaman ay patuloy na nagpapahirap sa mga bansang mahirap.

Ang mga tao ay patuloy na umaabuso sa kalikasan.

At bigla tumigil ang ikot ng mundo.

Hindi kaya, kinakausap tayo ng Diyos, na tignan kung ano ang nais niya para atin?
Ang tumigil tayo sumandali at pakinggan ang nais niyang iparating sa atin.

2. Nais ko pong dumako tayo sa pangalawa.

Ang tungkol sa halaga ng mga pangako. Ang pagtupad sa pangako ay tanda ng katapatan.

Sa ating talata, nabasa natin na si Jehoiachin ay gumawa ng treaty o pangako na hindi siya manghihimagsik laban kay Nebucchadnezzar. Ngunit hindi ito iginalang, dahil nakisabwatan ang Israel sa Egypt upang labanan ang Babylonia.

Dahil dito, dumanas ng pagkawasak ang Israel.

Malinaw na inilagay ng Hari ng Israel ang kahihinatnan ng bayan sa sarili niyang kamay. At hondi sa mga kamay ng Diyos.

Ang nais ng Diyos ay maging tapat ang Israel sa ginawa niyang pangako.
Ang nais ng Diyos ay manatiling nagpapakumbaba ang Israel.

Sa halip na magtiwala sa Diyos ay nagtiwala siya sa Egypt.

Ang pangako ay tanda ng katapatan.

Marami tayong pangako sa Diyos. Tinutupad ba natin ang mga ito?

Sa gitna ng kawalan ng kasiguruhan kung ano ang susunod na mngyayari, manatili nawa tayong tapat sa Diyos.

Ang Diyos ay gumagawa sa likod ng mga pangyayari.
Ang Diyos ay nanatiling tapat sa likod ng mga bagay na hindi natin nauunawaan.
Ang Diyos ay nanatiling tapat sa kanyang mga pangako.

Patuloy po tayong manalangin at magtiwala sa Diyos at umasa sa kanyang pagliligtas. Amen.






March 2, 2020
Scriptures: Genesis 12:1-4

“Sinabi ni Yahweh kay Abram, “Lisanin mo ang iyong bayan, ang tahanan ng iyong ama at mga kamag-anak, at pumunta ka sa bayang ituturo ko sa iyo.”
‭‭(Genesis‬ ‭12:1‬ ‭MBB05‬‬)

 Pagpapala Ka Ba?

Sa paglalakbay sa buhay karanasan ng marami ang humiwalay sa magulang, at magsimulang magsarili.

Hindi madali ang tumindig sa sariling paa. Ngunit ito ay mabuting bagay.

Ito ang hamon ng Diyos kay Abram, at mabuti naman na tinanggap ni Abram ang hamon ng Diyos.

Pagsunod

Maraming tao ang takot tumugon sa panawagan ng Diyos. Hindi ito madali, ngunit ito ay mabuting bagay kung hinahanap natin ang tamang direksyon at kahulugan ng ating buhay.

Sa panawagan ng Diyos, tinuturuan si Abram na tumindig sa sariling paa. Hihiwalay siya sa kanyang mga magulang. Ang matutong tumugon sa Diyos at tumindig sa sariling paa ay hindi lamang mabunga para sa sariling tagumpay.  Ito ay maghahambag ng pag-unlad kahit sa buong bansa. Dapat matutong mabuhay ang bawat tao, gamit ang kaloob ng Diyos na talino, lakas at pagsisikap.

Pagtitiwala

Itinuro ng Diyos kung saan patutungo si Abram. Bago kay Abram ang lugar na kanyang patutunguhan, ngunit siya ay nagtiwala sa Diyos.

Ang pagtitiwala sa Diyos ay magagawa lamang ng mga taong nakahandang sumunod sa Diyos. Si Abram ay sumunod dahil siya ay tiwala sa Diyos.

Mas alam ng Diyos ang makakabuti sa atin. Hindi tayo dadalhin ng Diyos sa lugar o kalagayan na makakasira sa atin. Ang panawagan ng Diyos para sa lahat ay tungo sa higit na sagana at makahulugang buhay. Tayo ay pagpapalain at gagawing pagpapala.

Pagtatagumpay

Naging matagumpay si Abram, hindi dahil sa sariling gawa, kundi dahil sa gawa ng Diyos sa kanyang buhay.

Siya ay pinagpala ng Diyos. Ngunit hindi dito nagtatapos ang kanyang tagumpay. Ang lundo ng kanyang tagumpay ay hindi ang pagtanggap niya ng pagpapala - kundi, siya ay naging pagpapala sa iba.

“Pararamihin ko ang iyong mga anak at apo at gagawin ko silang isang malaking bansa. Pagpapalain kita, at gagawin kong dakila ang iyong pangalan at ikaw ay magiging pagpapala sa marami.”  (Genesis‬ ‭12:2‬)

Nais mo bang magtagumpay?

Sumunod...
Magtiwala sa Diyos...
At maging pagpapala sa iba.

-------------

Transfiguration Sunday  A - February 23, 2020

Exodus 24:12-18  •  2 Peter 1:16-21  •  Matthew 17:1-9

Mayroon Pa

Sa Valladolid, Spain, kung saan pumanaw si Christopher Columbus noong 1506, nakatayo ang isang monumento bilang parangal sa dakilang manlalakbay.

Ang pambihira sa monumento ay ang leon na sumisira sa mga Latin words, na motto ng Espanya sa loob ng mahabang panahon.  Bago naglayag si Columbus upang ikutin ang daigdig, ang mga Spaniards ay nag-akalang naabot na nila ang hangganan ng daigdig, kaya nasabi nila "Ne Plus Ultra," na ibig sabihin "No More Beyond" o "wala na".

Sa monumento, sinisira ng leon ang salitang "Ne" (o wala - "no")  upang matira ang "Plus Ultra" (mayroon pa). Pinatunayan ni Columbus mayroon pang maaring lakbayin, mayroon pang maaring maabot.

Sa ating buhay Kristiano, ay mayroong “moment of realizations”, maaring isa o higit pang karanasan na nagbubukas ng ating isipan upang lalo makilala natin ang Diyos ng “higit pa sa dati.”  Kung kaya, hindi tayo dapat tumitigil sa dati nating nalalaman.  Hindi rin makakabuti kapag ang ating pagkilala sa Panginoong Jesus ay napapako sa dati nating alam.  Mahalaga ang pag-unlad sa ating pagkilala sa Panginoon.  Dahil ang pagkilala sa Diyos ay lumalalim at nadaragdagan habang tumatagal.

Pagbabagong Anyo ni Jesus


Ang pagbabagong anyo ni Cristo sa nakikita ng mga alagad ay halimbawa ng patuloy at umuunlad na pagpapakilala ng Diyos sa tao. Ito ay karanasan ng patuloy na pagkilala ng kanyang mga alagad, kung sino si Jesus.

Kaya, habang tumatagal ang ating paglilingkod sa Panginoon, hindi lamang dumadami ang ating nalalaman tungkol sa Biblia at sa Diyos, kundi lalong lumalalim ang ating relasyon at pagkilala sa Diyos.

Sa kabanatang ito ng Mateo, makikita natin na;

Lumalim ang Karanasan at Pagkilala ng mga Alagad Kung Sino si Jesus

Bago ang kwento ng pagbabagong anyo, nagkaroon ng pag-uusap ang Panginoon at mga alagad, “Kung sino si Jesus?”  Sino ang anak ng tao ayon sa inyo?  Sumagot si Pedro, “Kayo ang Cristo, ang Anak ng Diyos.”  Sa pag-uusap na ito, naragdagan ang kaalaman ng mga alagad tungkol kay Jesus. Ngunit sa pag-babagong anyo, lumalim ang kanilang kaugnayan sa Panginoon.  May malaking pinag-kaiba ang dalawa.  Maaring marami ang alam ng isang tao tungkol sa Diyos, subalit kung hindi naman lumalalim ang kanyang  kaugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng karanasan, nawawalan ng kabuluhan ang mga gawain para sa Panginoon.

a. personal na narinig ng mga alagad ang boses ng Diyos na nagpakilala kay Jesus, “Ito ang aking anak na kinalulugdan.”

b. personal nilang nakita ang kadakilaan ni Cristo Jesus.

c. personal nilang nakatagpo si Moises at Elias, at nasaksihan nila na buhay pa nga ang mga taong na naglingkod sa Diyos.

Makabuluhan kapag ang isang Kristiano ay may malalim na pagkakilala sa Panginoon. May pagkakataon na nagpapakilala ang Panginoong Jesus sa marami ngunit, hindi natin binibigyang pansin ang ganitong pagkakataon.

Simpleng halimbawa ang Sunday School, o prayer meeting at iba pang gawain sa iglesia.  Maraming Kristano ang tamad pumunta sa mga gawaing tito, kung kaya mababaw ang kanilang nalalaman tungkol sa Panginoon, at kulang din sa lalim ang kanilang pagkilala sa Diyos.

Ang paglalim ng kanilang pananampalataya ay bunga ng kanilang personal  experiences kasama si Jesus. 

May isang miembro ng simbahan, ang sabi niya, “Nakakatamad magsimba.  Alam ko na kasi ang sasabihin ng pastor.  More than 50 years na akong nagsisimba, pero ganun parin ang Bible.  Hindi nagbabago ang mga kwento.  Alam ko na yan.”

Ang ganitong mga tao ay walang  umuunlad na karanasan sa Diyos, kaya hindi na sila “excited” sa Diyos.

Isang church member ang nagtitinda ng piniritong mani.  Sa kabila ng kanyang kahirapan, siya ay naging tapat sa Diyos sa paglilingkod.  Ang pagka-uhaw niya sa Diyos ay hindi lamang para aralin ang Biblia, kundi upang lalong makilala ang Panginoong Jesus.  Sinikap nila na ang bawat pagpunta nila sa kapilya ay maging karanasan ng pakikitagpo sa Diyos.  Ang bawat panalangin ay karanasan ng paghipo ng Diyos sa kanilang buhay. Sa lumalalim na karanasan nila sa Diyos, ang bawat pagtitinda nila ng mani ay naging karanasan ng pagpapala ng Diyos.  Lunawak ang kanilang maliit na business.  Naging distributor sila ng  mga nakapaketeng mani sa mga tindahan hanggang lumaki  ng lumaki ang kanilang business.  Sa kanilang unang pagkakaloob ng pasasalamat, nag-ikapu sila ng halagang 3million pesos sa simbahan, bilang patotoo sa naranasan nilang kabutihan ng Diyos.  Sa ngayon, lalo pa silang naging excited a kanilang paglilingkod sa Diyos.

Ganito mga kapatid ang lumalalim na karanasan sa Diyos.

Lumalim ang Pagsunod ng mga Alagad Kay Jesus

Dahil siguro sa pagkabigla ni Pedro, nasabi niya, “Panginoon dito na lang tayo.“  Normal nga naman, na kapag may maganda tayong naranasan, gusto nating tumigil ang mundo, para manatili na lamang tayo sa karanasang iyon.

Noong nasa pamamasyal kami sa Israel, wala kaming ginagawa kundi pumasyal, kumain at matulog.  Aba’y masarap! Nasabi ko tuloy, “Pwede bang ganito na lamang ang buhay at ganito na lamang tayo habang panahon?”  Ayoko nang umuwi sa Pilipinas.  May pagkakataon talaga na sa karanasan ng pagpapala, ayaw na nating magpatuloy sa paglilingkod.

Ngunit hindi ito ang plano ng Diyos.  Kailangan akong bumalik sa Pilipinas upang maglingkod.

Isang kasamang pastor ang naoperhan at gumastos sila ng napakalaking halaga sa hospital.  Kwento ng kapatid sa akin, “Pastor, wala po kaming ginastos sa hospital.  Pambihira po ang Diyos.  Nagpadala siya ng taong tumulong sa amin.”

Dagdag pa ng kapatid, “Ito po ang dahilan kung bakit lalo naming pinagbuti ang aming paglilingkod sa Diyos sa pamamagitan ng paglilingkod sa ibang tao at sa iglesia.”

Sa unang sabi ni Pedro, “Dumito na lamang po tayo sa itaas ng bundok.” Siya ay overwhelmed marahil.  Ngunit nang liliman sila ng ulap at biglang nawala sina Moises at Elias, tanging si Jesus na lamang ang kanilang nakita - at ang Panginoon ay nagbalik na sa karaniwan niyang anyo! Ang buong pangitain ay naglaho, at inanyayahan sila ni Jesus na bumaba na sa mga tao upang maglingkod.

Ito mga kapatid ang nais dalhin ng Biblia sa ating kwento - ang malalim na karanasan sa Diyos ay nag-uudyok sa atin para sa mas malalim na paglilingkod! The deeper your experience with God, the deeper will be your committment to serve!

Kaya mababasa sa 2 Peter 1:16, ayon sa patotoo ni Pedro, “Hindi dahil sa mga kathang isip kaya kami sumusunod..” Hindi mga inimbentong kwento ang kanilang batayan - kundi mga malalim at totoong karanasan sa Diyos.

Kaya sa paglilingkod mo sa Diyos, hinihikayat kita kapatid, balikan mo yung mga karanasan mo sa Diyos. Balikan mo yung mga ala-ala noong magpakilala ang Diyos sa iyo. Balikan mo yung pinakamalalim na karanasan mo sa Panginoon.

Lumalim ang Pagkilala nila sa Sarili

Ang pagkilala sa Diyos ay nagbibigay din ng mas malalim na pagkilala sa sarili.  Ang kwento sa pagbabagong anyo ni Jesus ay mai-kukumpara sa kwento ni Moises at ng mga Israelita sa Exodus 24:12-18.
Naranasan ng mga Israelita ang kapangyarihan ng Diyos.
Nagliwanag ang mukha ni Moises.
Naranasan  ng mga Israelita kung sino ang Diyos.

Tinawag ni Moises ang mga Israelita upang tumugon sa kabutihan ng Diyos - dapat silang sumamba at maglingkod kay Yahweh.

Ngunit bilang mga sumasamba at naglilingkod sa Diyos - kailangan din silang magkaroon ng bagong pagkilala sa sarili, sila ay magiging bayan ng Diyos.   Sila ay sa Panginoon na at hindi na sila mabubuhay para sa sarili. Ito ang kahulugan  ng Sampung Kautusan - kailangan na nilang ituring ang sarili bilang lingkod ni Yahweh.

Natutunan ko sa aking pagbabasa na ang mga Ten Commandments ay personal na uto sa bawat isa. Ang ginamit na  pronoun ay singular, “ikaw” at hindi “kayo”.  Halimbawa, “Huwag kang papatay.” Ibig sabihin, ipatupad mo sa sarili mong buhay ang mga utos ng Diyos.

Tayong mga Pilipino, kapag walang nakakakita sa atin, madalas tayong lumalabag sa batas. Nagnakaw - wala namang nakakakita.

Ngunit sa diwa ng ating malalim na pagkilala sa Diyos, nagkakaroon tayo ng malalim na pagkilala sa sarili bilang anak ng Diyos.  Huwag kang mananakaw...huwag kang papatay...huwag kang magsisinungaling...kahit walang nakakita sa iyo - ipatupad mo ang mga utos ng Diyos - dahil ikaw ay anak ng Diyos.

Ang kwento ng pagbabagong anyo ni Cristo ay patikim ng Diyos upang makita natin ang kadakilaan ng Panginoong Jesus.

Sa ganitong paraan, nais magpakilala pa ng Diyos sa atin sa mas malalim na paraan.  Siya ay namatay para sa atin.  Ito ay dahil - tayo ay kanyang minamahal.  Sa kabila ng kanyang kadakilaan, siya ay ipapako sa krus dahil sa kanyang pag-ibig sa akin at sa iyo.

A pagkatapos niyang ipakilala ang kanyang dakilang pagka-Diyos sa ibabaw ng krus, inuutusan ka niya na maglingkod.  Hindi mo mapaglilingkuran ang Diyos sa masarap na buhay sa ibabaw ng bundok, o loob ng iyong mansyon, o sa masarap na airconditioned na kwarto ng parsonage.

Bumaba ka kapatid at lumabas ka sa mga tao na naghihintay sa iyong paglilingkod.

Pero huwag mong kalilimutan kung sino ka - ikaw ay kabilang sa  sambahayan ng Diyos.  Maglingkod ka bilang anak ng Diyos.

_____________________________

Ash Wednesday 2020

Joel 2:1-2, 12-17  •  2 Corinthians 5:20b-6:10  •  Matthew 6:1-6, 16-21

Humaharap tayo sa isang matinding epidenya, isang respiratory disease, na bunga ng novel (bago o new) coronavirus na unang napansin sa  Wuhan City, Hubei Province, China at kasalukuyang kumakalat.  Noong February 11, 2020, pinangalanan ng World Health Organization ang naturang sakit na: coronavirus disease 2019 (abbreviated “COVID-19”).

Sadyang may mga sakuna, sakit o kalamidad na  hindi kayang supilin ng tao.  Ang mga naniniwala sa Diyos ay hindi exempted sa mga ganitong kalamidad.  Gayunman, tayo sumasampalataya  na may magagawa ang Diyos sa ganitong mga mahirap na pagkakataon.

Mababasa sa Aklat ni Propeta Joel, chapter 2 ang tungkol sa pagdating ng mga salot na balang (locust).   Sinira ng mga pesteng ito ang kabuhayan ng mga tao sa Israel.  Inilarawan sila na parang mga sundalong sumakop sa bansa.    At hindi sila napigilan ng anumang kakayanan ng tao.  Ang peste ay nagbunga ng matinding tag-gutom - at kamatayan sa marami.

Tayo ay Mga Mortal na Tao

Ang mga kalamidad, epidemya at peste ay nagbubunga ng kahirapan sa tao.  Ang dahilan ay dahil: tayo ay mga mortal na tao.  Naapektuhan tayo sa mga sakit at gutom.  At tayo ay may kamatayan.

Ito ang nais ipakilala ng Mierkoles ng Abo (Ash Wednesday).  Dapat nating tanggapin ang katotohanan na tayo ay “mula sa abo, tayo ay babalik sa abo, sa alabok nanggaling, sa alabok magbababalik”.   Dapat nating tanggapin na tayo ay marupok, nagkakasakit at namamatay.

Tayo ay Maaring Makiugnay sa Diyos

Bagamat tayo ay mortal na tao, na gawa lamang sa alabok,  ipinapakilala rin ng Ash Wednesday na tayo ay may kaugnayan sa Diyos.  Tayo na gawa sa alabok ay nakadugtong sa ating Dakilang Manlilikha.

Sa ganitong diwa nanawagan ang propeta Joel upang muling lumapit sa Diyos ang mga tao.  Nananawagan ang propeta upang ang  buong bayan ay manalangin. 

Ang revival sa South Korea ay bunga  ng matinding pananalangin na nagsimula noong 1903.  Ang mga misyonero at mga Kristiano ay nagsimula ng mga pagtitipon ng pananalangin.  Sa loob ng 35 taon, kahirapan ang naranasan ng bansa habang sila ay sakop ng mga Hapones.  Ganito ang salaysay tungkol sa kanilang paglapit sa Diyos:

They prayed about four months, and they said the result was that all forgot about being Methodists and Presbyterians; they only realized that they were all one in the Lord Jesus Christ. That was true church union; it was brought about on the knees; it would last; it would glorify the Most High.*

Umabot ng 1907 ang pananalangin ng iglesia. Ngunit walang nakitang  pagtugon ng Diyos.  Hanggang ang isang church elder ay nagpahayag ng pagsisisi. Ibinulsa niya ang pera na para sa isang balo.  Siya ay nagpahayag ng pagsisisi at ibinalik ang salapi. Dumami ang nagpahayag ng kanilang pagsisisi.  Ang mga tao ay nagsumamo sa Diyos upang sila ay tugunin. Tulad ng ginawa ng 100 pastor na Metodista:

Just then about one hundred preachers and colporteurs of the Methodist Mission arrived in the city to study a month. The missionaries in united prayer committed this important class to the control of the Holy Spirit. They realized that it was not by might, nor by power, but by the Spirit of the Lord of hosts. They honored God, and He rewarded them by a manifestation of His presence and power at the very first meeting. In a few days crooked things were made straight. The Divine One took control.

Inuutusan tayo ng Biblia, na kung may kalamidad man o wala, kailangan tayong makipag-ugnayan sa Diyos, pamamagian ng pananalangin, pag-aayuno at sa paggawa ng kabutihan. Malinaw na sinasabi ng 2 Corinto 6:2,

“Sapagkat sinasabi niya, “Sa kaukulang panahon ay pinakinggan kita, sa araw ng pagliligtas, sinaklolohan kita.”

Makipag-ugnayan sa Diyos na Walang Pagkukunwari
at Hindi Pakitang Tao

Sa pagtatapos ng ating pagbubulay, mababasa natin ang mga turo ng Panginoong Jesus tungkol sa palangin, pag-aayuno at pagtulong sa kapwa. Ang tatlong ito ay gawain ng malalim na pakiki-ugnay sa Diyos.

Sinasabi ng Panginoon na ang pananalangin, pag-ayuno at pagtulong ay hindi dapat maging pakitang tao.  Dahil ang paghahangad sa papuri ng tao ay nagreresulta lamang ng mababaw na gantimpala.  Samantalang ang mabuting gawa na walang hangaring mapapurihan ng tao ay pinapapala ng Diyos.

Manatili nawa tayong nagtitiwala at umaasa sa Diyos.

______________________________ 

March 1, 2020
First Sunday of Lent 
Matthew 4:1-11; Romans 5:12-19, Genesis 2:15-17, 3:1-7


Scriptures - Matthew 4:1-11
Ang Pagtukso Kay Jesus ng Diablo

Nais ng Diyos na magtagumpay si Jesus, at gayundin ang bawat alagad ni Cristo. Ang mga pinangungunahan ng Banal na Espiritu ay sinusundan ng Diablo upang tuksuhin. Nais mabigo ng Diablo ang bawat Kristiano.

Kaya may patibong ang Diablo upang pabagsakin ang bawat alagad, tulad ng ginawa niya kay Jesus.

1. Gawing tinapay ang bato. Gumawa ng ministeryo para sa sariling pakinabang.

Ang ministeryo ay upang palaganapin ang paghahari ng Diyos. At ito ay mangyayari kung tatalikuran ng bawat alagad ang sarili. Ang patuloy na sumunod sa Salita ng Diyos "kahit walang tinapay". Ang buhay ng alagad ay "hindi lamang sa tinapay" kundi ang pagsunod at pagbabahagi ng Salita ng Diyos.

2. Lumundag sa tuktok ng templo na hindi masasaktan.

 Ito ay tukso na gamitin ang paggawa ng himala upang mamangha ang mga tao at ma-impress sa kapangyarihan ni Cristo. Ito ay tukso ng pagpapasikat upang maging tanyag.

Ang pagpapasikat sa ministeryo ay tukso. Masarap ang mapalakpakan at hangahan habang naitataas ang sarili at hindi ang Diyos. Ito ay masarap na tukso ngunit tinutulan ng Panginoong Jesus.

Mag-ingat po tayo. Baka tayo na ang nagugustuhan ng mga tao, at hindi na ang Diyos mismo. Mag-ingat sa tuksong ito.

3. Pagsamba at paglilingkod sa Diablo upang magkamit ng mas malawak na kapangyarihan.

Ang pagkamit ng mataas na posisyon ay hangad ng marami. Ngunit ang pagkamit ng kapangyarihan na magpapahamak sa sariling kaluluwa ay mapanganib.

Ang panganib sa maling paggamit ng kapangyarihan ay nabubulid sa hangad na "mapaglingkuran" sa halip na maglingkod. Ang maitaas ang sarili sa halip na maluwalhati ang Diyos.

Tinutulan ito ni Jesus dahil Diyos lamang ang dapat paglingkuran.





























Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus

(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...