Sabado, Mayo 18, 2019

Tinatakan ng Pag-ibig ng Diyos (John 13:31-35, Sermon, May 19, 2019).

Tinatakan ng Pag-ibig ng Diyos
John 13:31-35
Ang huling dalawang Sundays ng May 2019 ay medyo mabigat sa ilang manggagawa. Tinutukoy ko po yung mga pastor at mga deakonesa na lilipat ng destino.
Ang ating teksto mula sa Biblia ay kwento ng pamamaalam ng Panginoon Jesus.
Ang masaklap sa pa, sinasabi ng Panginoong Jesus ay mapait na katotohanan. Aalis siya at hindi nila siya makikita.
"Hindi kayo makakapunta sa paroroonan ko."
Parang sa mga lilipat na pastor. Walang susunod sa lilipatan. Bawal po iyun. At walang mag-hahabol. Marunong po ba kayong tumanggap ng mapait na katotohanan.
Sa isang banda, masasaktan ang kalooban ng mga alagad, ngunit inihahanda sila ng Panginoon sa kanyang pag-alis.
Ang kanyang pag-alis ay mahalaga. Ito ay paraan ng Diyos upang marangalan ang Ama at ang Anak.
Tandaan po natin na mas magaling ang Diyos kaysa atin. Magtiwala po tayo sa Diyos lalo sa panahon na hindi nasusunod ang gusto natin, sumunod po tayo sa gusto ng Diyos.
Sa panahon ng pamama-alam ng Panginoon, tinuruan niya ang mga alagad ng mahalagang aral, "Mag-ibigan kayo."
Nakapa-importante po nito.
Kailangan silang mag-mahalan. Kahit may mga kasama sa iglesia na mahirap pakisamahan.
May kakilala kayong ganito? Mahirap pakisamahan. Mahirap paki-usapan. Ok lang na may kakilala tayong ganun. Pero huwag sana tayong aasal ng ganito. Gayunman po, sabi ng sabi ng Panginoon, "Mahalin ninyo yang mga iyan."
May mga taong mahirap pakisamahan dahil may pinag-dadaana sila. Unawain natin sila.
Isang miembro ang nagsasawa na sa kakaunawa sa kapawa miembro ang nagpunta sa pastor. Sabiniya, Pastor, nakakaasar po ang miembro nating si_____________."
Sagot ni Pastor, "Unawain po ninyo. Baka po nag-lilihi lang."
Sagot ng miembro, "Pastor e lalaki po siya."
E mayroon po talagang ganun. Lalaki pero kasing-sungit ng mga naglilihi. Unawain parin sila.

May dahilan po ang utos na itong Panginoon. 

1, Una, ang pag-ibig sa isa't nating mga Kristiano ang ating lakas.
Alam ninyo yung kwento ng mga Siber Tooth Tigers>? Ang mga tigers na ito ay malalaki, mabibilis at mabangis. Kahit mga Dinosaurs, talo nila. Natutumba nila ang mga mammoth. Pero ang mga tigreng ito ay madaling naubos sa mundo. Dahil sila mismo ay nagpapatayan, nagkagatan at nagka-ubusan ng lahi.
Kaya kung ayaw ninyong mawala ang iglesiang ito, huwag po kayong mag-aaway, ano po?

2. Pangalawa, ang pag-ibig sa isa't isa ang ating sandata upang magwagi tayo sa ebanghelismo. Ito yung ating patotoo sa ibang tao. "Magmahalan kayo sabi ng Panginoon. At malalaman nilang kayo ay mga alagad ko."

E kabait pala ng mga Kristianong Metodista! Nag-kakaisa!
Sali ako diyan!

Pero kung sira ang ating patotoo ng pagkaka-isa. Talo tayo diyan mga kapatid.

3. Pangatlo, ang pag-ibig sa isa't isa ng mga Kristiano ay ang "training' natin para matuto tayong mahalin ang ibang tao maging ang ating mga kaaway.

Inaaway ka kamo ng ka-miembro mo sa church? Mahalin mo.

Kapag nagawa mo ito, pati yung ibang kaaway mo, magagawa mong mahalin. Oh? Di bah?

Sabi ng Panginoon, "Kung yung mga gumagawa sa iyong mabuti, silalang amg mahal mo.  Wala kang pinag-kaiba sa mga makasalanan."

Ngunit kung hindi mo kayang mahalin maging yung gumagawa ng masama sa iyo, hindi ka makakasunod sa Panginoon."

Huwebes, Mayo 2, 2019

May 5, 2019 Sermon at Sunday School Lesson

Sermon May 5, 2019
Katangian ng Mga Tunay na Tinawag ng Diyos
John 21:1-19

21:19 (He said this to indicate the kind of death by which he would glorify God.) After this he said to him, "Follow me."
We are all called to follow Jesus. Every Christian, regardless of status in life or age. Jesus is calling us to follow Him.
So that,
we could serve as he serves,
we could bring healing to the wounded,
to share the fullness of life to all,
for our God is a saving God.
We must bring God's salvation to all.
This is our calling. to follow Jesus.
Kaya may mga katangian ang mga tinawag ng Diyos. Kung wala sa iyo ang mga katangiang ito, mabuti pa'y hanapin mo ang mga ito sa iyong sarili. Dahil kung hindi ka pa tagasunod ni Cristo, iba ang sinusunod mo. Kung hindi ang Diyos ang sinusunod ng isang tao, malamang sumusunod ito sa demonyo.
Sabi ng isang awitin ni Bob Dylan, "You Got to Serve Somebody". Sabi ng lyrics,
It could be the devil
or it could be the Lord.
But you gotta serve somebody.
Dalawa lang ang pagpipilian, ang Diyos o ang demonyo?
Ngunit kapag pinili natin ang sumunod kay Jesus, tatanungn tayo ng Panginoon:
1. Do you love me?
Ang pagmamahal sa Diyos ay hindi sa damdamin lamang.
Wika ng Panginoon sa Lukas 14:26
“Whoever comes to me and does not hate father and mother, wife and children, brothers and sisters, yes, and even life itself, cannot be my disciple."
Ang isang alagad ni Cristo ay nagmamahal sa Diyos ng higit sa kaninuman.
Kung kaya kung gusto mong sumunod ngayon bilang alagad ni Cristo, huwag mong mamahalin ang boyfriend mo ang asawa mo ang kapatid ang sarili mo ng higit kay Cristo.
or else you will be disqualified!
Maari kang magkunwaring Kristiano. Pero kung may nauuna sa puso mo (at hindi si Cristo), hindi ka totoong tagasunod ni Cristo.
Sa aming UMYF sa First UMC, Pampanga, may programa ang mga kabataan na tinatawag naming Manifesto. Yung mga UMYF, pinapaki-usapan ng mga leaders nila na mangako sila na maglilingkod sila sa Panginoon ng diretso isa o dalawang taon, habang mag-aaral silang mabuti at WALANG BOYFRIEND O GIRLFRIEND!
Dahil kailangan muna nilang ibigay sa Panginoon yung kanilang puso sa paglilingkod. At kapag nakatapos na sila at nagka-trabaho, at saka sila makikipagligawan. Pero bago ito, maglilingkod muna sila ng diretso sa Diyos at mag-aaral ng mabuti.
Dahil ang first love ay para kay Lord.
Tanong ng Panginoon kay Pedro, "Peter, love mo ba ako?"
Ang tanong na iyan ay para sa atin din, "Mahal mo ba ang Panginoon kapatid?" Mahalin mo siya ng higit kaninuman. at magiging alagad ka ni Cristo.
2. Pangalawa, ang mga alagad ni Cristo ay naglilingkod.
Wika ng Panginoon sa Mateo 25:45,
"Then he will answer them, ‘Truly I tell you, just as you did not do it to one of the least of these, you did not do it to me."
Anuman ang ginawa nating paglilingkod sa kapwa ay paglilingkod natin sa Diyos.
a. alam ninyo, ang susi sa paglago ng iglesia ay nakasalalay sa ating pagpaglilingkod sa mga taong nasa labas ng simbahan? Subukan mong magbigay, tumulong at mag-anyaya ng ibang tao sa ating iglesia.
Bago sila anyayaan, gumawa ka muna ng mabuting bagay sa kanila.
Asawa mo ba ang nais mong anyayaan sa church? Huwag mong aawayin ang asawa mo.
Kapatid mo ba yung gusto mong invite?
Huwag kang maramot sa kapatid mo! Baka panyo lang yung gusto niyang hiramin sa iyo, e inaway mo! Ang sungit mo! Paano nila makikita si Cristo sa kasungitan mo?
Sabi ni Lord kay Peter, "Feed my sheep." That will be service. And it is impossible to serve without SACRIFICE.
It is impossible to give, without self sacrifice. Ang wika ng Panginoon sa mga nagnanais sumunod sa kanya,
"DENY YOURSELF,
CARRY YOUR CROSS
AND FOLLOW ME."
the only way to follow Jesus is through self sacrifice for the glory of God.
3. The in our text, Jesus told Peter, how Peter will die.
This is the most amazing part of our text this Sunday. Verse 18-19.
21:18 Very truly, I tell you, when you were younger, you used to fasten your own belt and to go wherever you wished. But when you grow old, you will stretch out your hands, and someone else will fasten a belt around you and take you where you do not wish to go."
21:19 (He said this to indicate the kind of death by which he would glorify God.) After this he said to him, "Follow me."
a. following Christ is a lifetime commitment. Nobody retires in the service of the Lord. Tignan ninyo yung mga pastor na nag-retire sa Church Conferences natin. Umabot sila ng age 70, pero makikita mo sila na patuloy na naglilingkod.
b. Pero yung mga naglilingkod na tagasunod ni Cristo, hanggang kamatayan, naglilingkod sila.
Ano ang gusto mo?
MAMATAY KANG NAGLILINGKOD? O
MAMATAY KANG NAGSUSUGAL? O
MAMATAY KANG NASA KASALANAN?
Mas mabuti ang mamatay tayong naglilingkod.
Napaka-ganda ng verse 19. (He said this to indicate the kind of death by which he would glorify God.)
Sinabi ni Jesus ito, dahil sa kamatayan ni Pedro, luluwahatiin ang Diyos. Ang kamatayan ng isang naglilingkod sa Panginoon ay pagpaparangal sa Diyos.
Mga kapatid, the highest glory that we can give to God is to offer ourselves to the Lord. To live for Him and to die for Him. Amen.

_____________________  

Sunday School for the Month of May 2019
Lesson 1: Binago ng Diyos
May 5 - Acts 9:1-6
May mga kwentong Kristiano kung paano binabago ng Diyos ang mga tao. Mahalaga ang mga kwentong ito dahil ang bawat Kristiano ay binabago ng kanilang pakiki-isa kay Cristo.
Ayon sa 2 Cor. 5:17,
“Kaya't kung nakipag-isa na kay Cristo ang isang tao, isa na siyang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao, sa halip, ito'y napalitan na ng bago.”
‭‭
Ang pagbabagong ito ay naganap kay Pablo, at gayun din sa bawat alagad ni Cristo. At ang kwento na ating matutunghayan ay halimbawa ng pakikitagpo ng Panginoon sa mga taong nais niyang tawagin upang maglingkod sa Diyos.

Dating Buhay ni Pablo

Dating nabubuhay si Pablo bilang isang umuusig sa mga Kristiano. Ginagawa niya ito sa paminiwalang huwad ang paniniwala kay Jesus.

Bilang isang tapat na Judio, nais din niyang mapangalagahan ang kanyang relihiyong Judio, dahil marami sa mga Judio ang naging Kristiano.

Dahil dito, naging marubdob ang pagnanais ni Pablo na husigin ang mga Krisitiano. At upang mapabuhanan ang mga katuruan tungkol kay Jesus.

Nakatagpo ni Pablo ang Muling Nabuhay na Jesus

Noong una, paniwala si Pablo na patay na si Jesus, at hindi totoo na muli itong nabuhay mula sa kamatayan. Ngunit nagbago ang lahat ng ito dahil nakatagpo ni Pablo si Jesus at si Jesus ay buhay.
Ang ganitong karanasan ay hindi maitatatwa. Kaya nagbago ang lahat kay Pablo, ang kanyang karanasan, paninindigan, at layunin sa buhay.

1. Ang Karanasan ni Pablo.

Dati, ang patotoo ni Pablo ay para pabulahanan ang lahat ng tungkol kay Jesus. Ngunit nang makatagpo niya ang muling nabuhay na Panginoon, naranasan niya ang isang katotohanan na hindi niya maikakaila: buhay si Jesus. Tama at totoo ang pinaniniwalaan ng mga Kristiano.
Wala pa si Pablo noong ipako at ilibing si Jesus. Maaring naniwala si Pablo sa kwento ng mga Judio na hindi totoong nabuhay si Jesus para lamang siraan ang mga Kristiano. Ngunit personal niyang nakatagpo ang Panginoon. Totoo siyang nabulag at muling nakakita. Ang karanasang ito ay personal kay Pablo at walang sinuman na makakapagsabing hindi ito totoo ang kanyang naranasan.

2. Ang Nagbagong Paninindigan ni Pablo.

Dating laban kay Jesus, handa si Pablo na ibilanggo at patayin ang mga Kristiano. Ngayon, si Pablo ay lingkod na ni Cristo at handa na siyang mamatay para sa Panginoon. Alam na ngayon ni Pablo ang katotohanan. At alam na rin niya na mali ang dati niyang paninindigan.
3. Ang Nagbagong Layunin ng Buhay ni Pablo
Si Pablo ay isang uri ng tao na naghahanap ng layunin sa buhay. Maaring ito yung dahilan kung bakit marubdob niyang ipinaglalaban ang kanyang relihiyong Judaismo noong una.
Ngayong alam na niya ang totoo, pinili niya ang katotohanan. Pinili niya si Jesus. Alam niya na higit na makabuluhan ang sumunod sa katotohanan.

Conclusion:

Ang anumang karanasan ng pakikitagpo kay Cristo ay nagbubunga ng karanasan ng katotohanan, na bumabago ng paninindigan at layunin sa buhay.

May isang pastor na nag-imbita sa akin para mangaral. Habang hindi pa
 nagsisimula ang worship, tinanong ako ng pastor, "Pastor Jess, paano mo nakilala ang Panginoon?"

Sagot ko, tulad ng isang karaniwang Metodistang Kristiano, "Sa isang Christmas institute, taunang pagititipon ng mga Kabataang Metodista, tinaggap ko po ang Panginoon."

Tumahimik ang pastor, at ako naman ang nagtanong, "Kayo po, paano ninyo nakilala ang Panginoon?"

Sumagot ang pastor, "Sa loob. Sa Munting Lupa."
Napansin niyang medyo nalito ako sa kanyang sagot.
Patuloy ng pastor, "Nakapatay ako ng dalawang tao. Nabilanggo ako. At doon sa bilangguan, nakatagpo ko ang Panginoon. Binago ako ng Diyos. Paglabas, naglingkod ako sa Panginoon."

Mga Tanong sa Talakayan.

1. Paano mawawari o malalaman ang katotohanan sa hindi totoo? Ano ang halaga ng personal experience sa pag-alam ng katotohanan?
2. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng paninindigan sa buhay? Ano ang pinagkaiba ng taong may pinaglalaban sa walang pinaglalaban sa buhay? Paano tayo maninindigan bilang Kristiano para sa Panginoon?
3. Ano ang halaga ng pagkakaroon ng layunin o misyon sa buhay? Ano ang ating misyon bilang Kristiano na binago at tinawag ni Cristo para sa kanyang ministeryo?

Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus

(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...