June 2, 2018
Ang Panginoon ng Sabbath
Second Sunday After Pentecost
Mark 2:23-3:6
Second Sunday After Pentecost
Mark 2:23-3:6
Nagtitipon tayo ngayon upang sumamba at magpasalamat sa Diyos. Napakabuti ng Panginoon kaya dapat siyang pasalamatan.
Ang araw na ito ay "date" ng Panginoon sa atin. Ito ang araw na kanyang itinalaga para sumamba tayo at magpasalamat sa kanya.
Sa araw na ito, excited ang Diyos na makita tayo. Tayong mga magulang excited tayo na makita at makasama ang ating mga anak. Gayundin ang ating Amang Diyos. Nagagalak siya na makita tayo sa kanyang simbahan.
Ang Sabbath ay ang ika-apat na utos ng Diyos (Sa Sampung Utos). Ang Sabbath ay paraan ng pagpapakilala ng Diyos, dahil siya ang Panginoon ng Sabbath.
a. nais ng Diyos na makapahinga ang lahat ( Deut.5:12)
b. upang kilalanin na ang Diyos ang Lumikha ng lahat ng bagay (5:14)
c. upang maunawaan ng mga Israelita na sila ay iniligtas ng Diyos mula sa pagka-alipin sa Egypt at ngayon sila ay malaya na.
b. upang kilalanin na ang Diyos ang Lumikha ng lahat ng bagay (5:14)
c. upang maunawaan ng mga Israelita na sila ay iniligtas ng Diyos mula sa pagka-alipin sa Egypt at ngayon sila ay malaya na.
Mga Pagtatalo Tungkol sa Sabbath
May dalawang kontrobersiya sa mga kwento na ating tutunghayan. Ang una ay nang pumitas at kumain ang mga alagad ng Panginoong Jesus ng uhay ng trigo. Ayon sa interpretasyon ng mga Pariseo sa kautusan, ito ay labag sa batas ng Pamamahinga o ng Sabbath.
Pinaalala ng Panginoon sa mga Pariseo ang tungkol sa ginawa ni Haring David noong sila ay hinahabol ng mga tauhan ni Saul. Nagutom sila at kinain nila ang tinapay ng templo na pari lamang ang may karapatang kumain. Sinasabi ni Jesus na ang tugon sa gutom ng isang tao ay higit na mahalaga kaysa batas na nagpapahirap sa taong nangangailangan. Ang Sabbath ay para sa ikabubuti ng tao. Hindi ito dapat maging batas na magpapahirap pa lalo sa isang nahihirapan na.
Muli, pinaalala ng Panginoon ang kahulugan ng Sabbath ayon sa Deut. 5:12-15. Ito ay araw ng pamamahinga, ito ay nag-papaalala sa kabutihan ng paglikha ng Diyos at ng paglayang mula sa Diyos.
Ang pangalawang kontrobersiya ay tungkol sa pagpapagaling na ginawa ng Panginoon sa araw ng Sabbath. Muli, ito ay tinutulan ng mga Pariseo.
Ngunit lalong uminit ang ulo ng Panginoon sa mg aPariseo.
Ngunit lalong uminit ang ulo ng Panginoon sa mg aPariseo.
Bago pinagaling ang maysakit, nagtanong ang Panginoon ng ganito sa mga Pariseo,
“Pagkatapos, tinanong naman niya ang mga tao, “Alin ba ang naaayon sa Kautusan, ang gumawa ng mabuti, o ang gumawa ng masama sa Araw ng Pamamahinga? Ang magligtas ng buhay, o ang pumatay?” - Mark 3:4
Mababasa natin na ang insidente ay naganap sa sinagoga, at sa Araw ng Sabbath, sa banal na lugar at banal na araw. Pinalitaw ng mga Pariseo na pagpapagaling o paggawa ay labag sa batas ng banal na araw tulad ng Sabbath. Ngunit ang tanong ng Panginoon ay tungkol sa “paggawa ng mabuti” sa banal na araw ng Sabbath.
Walang naisagot ang mga Pariseo. Sa halip, sila ay lalong nag-isip ng mas masama. Binalak nilang patayin si Jesus.
Para saan ang Sabbath?
Ang Sabbath ay utos ng Diyos para sa kapakanan ng tao. Ang magpahinga, ang maging mapagpasalamat sa kabutihan ng Diyos bilang Lumikha at upang alalahanin ang ginawang pagpapalaya ng Diyos sa Israel.
Para sa Panginoong Jesus, mali ang interpretasyon ng mga Pariseo sa kanilang pakakahulugan sa Sabbath. Pinagbabawal nila ang magtrabaho tuwing Sabbath, at lampas dito, pinababawal nila ang gumawa ng mabuti sa Sabbath. Mali para sa kanila ang kumain o ang magpagaling ng maysakit sa araw na ito. Naging makitid ang kanilang pakahulugan.
Ang buhay ang pangunahin sa Panginoon at hindi ang batas. Ang batas ay dapat na magsilbi para sa ikabubuti ng tao.
Sino ang Ating Diyos?
Sino ang Ating Diyos?
Siya ang Diyos ng Sabbath. Wika ng Panginoong Jesus sa Marcos 2:28,
”Ang Anak ng Tao ay siyang Panginoon ng Araw ng Pamamahinga.”
Ang Diyos ay Panginoon ng kabutihan at hindi ng mga nagpapahirap na kautusan. Siya ay Diyos na nagpapalaya. Ngayon tayo ay tagasunod na ni Cristo, hindi na tayo dapat makulong sa mga batas. Malaya na tayo upang gumawa ng mabuti.
June 10, 2018
Si Jesus at si Beelzebul
Marcos 3:20-35
Marcos 3:20-35
Patuloy ang ating pag-aaral kung sino ang Diyos na ating sinasamba. Sa ating aralin, patuloy nating kikilalalnin ang Panginoong Jesus.
May mga kaaway ang Panginoong Jesus, at upang tuligsain siya, sinasabi nila na siya ay sinasapian ng Diablo o ni Beelzebul. Sinasabi rin nila na nasisiraan siya ng bait (3:20). Madalas magpalayas ng emonyo ang Panginoon.
Ang pangalang Beelzebul ay nangangahulugang “panginoon ng mga langaw” (lord of the flies) o kaya ay lord of the dung o panginoon ng dumi o tai. Maari din na ang zebhul (na ibig sabihin ay bahay o house), ang tinutukoy sa Marcos ay “panginoon ng bahay”.
Ganito ang kanilang sinasabi laban kay Jesus sa Marcos 3:22,
Sinasabi naman ng mga tagapagturo ng Kautusan na galing sa Jerusalem, “Sinasapian siya ni Beelzebul. Nakapagpapalayas siya ng demonyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng pinuno ng mga demonyo!”
Sa sagot ng Panginoon, ipinakilala niya na hindi tama ang kanilang bintang,
1. dahil hindi maaring magkabaha-bahagi si Satanas laban sa sariling pangkat at hindi siya maaring manghimagsik laban sa sarili.
2. isa pa, napasok na ni Jesus at napaalis si Satanas sa kanyang sinasapian o bahay. Bagamat madalas gumagamit ng mga panalangin upang talian si Satanas, nagapi ng Panginoong Jesus ang kasamaan sa pamamagitan din ng kabutihan (moral victory) ayon sa Marcos 1:13. At nauutusan niyang umalis ang mga demonyo para lubusang lumayas (Marcos 1:25).
Kasalanang Walang Kapatawaran
Kasalanang Walang Kapatawaran
Mabigat na salita ang kasunod na sinabi ng Panginoong Jesus;
28Tandaan ninyo ito: maaaring patawarin ang tao sa lahat ng kanyang kasalanan at paglapastangan, v29ngunit ang sinumang lumapastangan sa Espiritu Santo ay walang kapatawaran, sapagkat ito ay walang hanggang kasalanan.” v30Sinabi ito ni Jesus sapagkat sinasabi ng mga tao na siya’y sinasapian ng masamang espiritu.”
Ang paglapastangan sa Espiritu, na walang kapatawaran ay;
a. Ang hindi pagkilala sa pagiging Messias ni Cristo, kasabay pa ng pagsasabing siya ay sa demonyo.
b. ang kawalan ng pag-sisisi dahil sa katigasan ng puso
b. ang kawalan ng pag-sisisi dahil sa katigasan ng puso
Isang katumbas nito ay mababasa sa Juan 8:23-24,
v23Kaya’t sinabi ni Jesus, “Kayo’y mula dito sa ibaba, ako’y mula sa itaas. Kayo’y taga-sanlibutang ito, ngunit ako’y hindi, v24kaya sinabi ko sa inyong mamamatay kayo nang hindi pa napapatawad sa inyong mga kasalanan. Kung hindi kayo maniniwalang ‘Ako’y Ako Nga’, mamamatay nga kayo nang hindi pa napapatawad sa inyong mga kasalanan.”
Ang hindi pagkilala sa pagka-diyos ni Cristo ay kasalanang walang kapatawaran! Ang ganitong pagkakasala sa Diyos Anak ay may kapatawaran kung pagsisisiha. Ngunit kung walang pagsisisi, ito ay kasalanan sa Espiritu Santo at parurusahan.
Mga Ina at Kapatid ni Jesus
Dumating ang pamilya (kapatid at ina) ng Panginoon na nagmamasakit dahil sa pagpaparatang ng marami ng tao kay Jesus. Nang sabihin nila na sinasapian siya ng demonyo, ito maaring maging resulta ng pag-alipusta ng mga tao sa kanya. Ibig sabihin, ang pagpunta nila kay Jesus ay bunga ng kanilang malasakit. Muli, ang kasagutan ng Panginoon ay isang palaisipan. Wika niyasa Marcos 3:33-35,
"Sino ang aking ina at mga kapatid?” tanong naman ni Jesus. Tumingin siya sa mga nakaupo sa palibot at sinabi, “Sila ang aking ina at mga kapatid! Sapagkat ang sinumang sumusunod sa kalooban ng Diyos ay siyang aking ina at mga kapatid.”
Sa mga panahon ng pag-uusig tulad nito, ang pagsunod ng tapat sa Panginoon ay ang tanging batayan ng ating kaugnayan sa kanya. Ang tsgpong ito ay ginamit ng Panginoon upang hamunin ang bawat tagapakinig na unawain kung alin ang tunay na nag-uugnay sa Panginoong Jesus at ang mga alagad- ito ang pagsunod sa kalooban ng Diyos kahit may pagsubok.
Ang katapatan sa Panginoon ay maaring maparatangan at maging dahilan pa ng pagsubok. Si Apostol Pedro man ay nagsabi ng ganito,
“Mga minamahal, huwag na kayong magtaka sa mabibigat na pagsubok na inyong dinaranas na para bang ito’y di pangkaraniwan. Sa halip, magalak kayo sa inyong pakikibahagi sa mga paghihirap ni Cristo upang maging lubos ang inyong kagalakan kapag nahayag na ang kanyang kadakilaan. Mapalad kayo kung kayo’y kinukutya dahil kay Cristo, sapagkat sumasainyo ang Espiritu ng kaluwalhatian, ang Espiritu ng Diyos.” (1 Pedro 4:12-14)
Buod ng Aralin:
Natutunan natin ang mga sumusunod sa ating aralin;
1. Si Jesus ay sa Diyos, at hindi sa diablo. Si Jesus ay dumating upang labanan sa kasamaan at kasalanan. Ang idawit ang tungkol sa Diyos sa kasamaan ay malaking kasalanan.
2. Nagapi na ni Cristo ang kasamaan. Ang pagsunod kay Jesus ating pakiki-isa natin sa paglaban sa kasalanan at pagtatagumpay ng Diyos para sa kabutihan.
3. Ang pagsunod sa Panginoong Jesus ay pananatiling tapat sa ating kaugnayan sa kanya bilang pamilya ng Diyos (ina at kapatid) na sumusunod sa kabila ng mga pag-uusig at mga pagsubok.
June 17, 2018
Parables of the Kingdom
Mark 4:26-34
Parables of the Kingdom
Mark 4:26-34
Ang mga parabola ay mga kwento ng paghahalintulad ng isang bagay na mahirap unawain, sa isang karaniwang bagay para madaling maunawaan ng mga tao. Ang ganitong paraan ng pagtuturo ay epektibo sa panahon ng Panginoon, at gayun din sa ating panahon.
Sa unang bahagi ng ating aralin, ang nais ituro ng Panginoong Jesus ay tungkol sa kaharian ng Diyos. At ito inihalintulad niya sa pagtatanim ng isang maghahasik ng binhi sa kanyang bukirin. Ang paghahari ng Diyos ay inilarawan ng Panginoong Jesus gamit ang karaniwang bagay na makikita sa kapaligiran ng Galilea.
Sa kwento, ipinakita ng Panginoon na hindi lamang ang kakayanan ng magsasaka ang bumubuhay sa halaman. Ang binhi mismo ay may sariling buhay. At pagdapo nito sa lupa, ang buhay ng binhi ay uusbong, lalaki at mamumunga. Dahil ang halaman ay tumutubo at lumalaki na hindi namamalayan ng magsasaka. Ang nagpapalago sa halaman ay ang lupa.
Madaling maunawaan ito ng mga karaniwang tao sa panahon ng Panginoon. Ginamit niya ang binhi upang ipaliwanag ang kaharian ng Diyos.
1. Ang kaharian ng Diyos ay tulad ngnbinhi na may dalang buhay. Dahil ito ay kaloob ng Diyos sa atin. Ito ay isang regalong mula sa Diyos.
2. Ang Diyos ang tunay na magsasaka at tayo ay mga katulong lamang ng Diyos. Hindi nakadepende ang Diyos sa atin, sa halip, tayo ang umaasa sa Diyos na nagpapatubo at nagpapalaki ng kaharian.
3. Sa panahon ng pag-aani, kasama natin ang Diyos sa pagdiriwang dahil sa maraming bunga na aanihin.
Kung hindi natin nauunawaan na ang Diyos ang unang naghahasik, at siya ring nagpapatubo, maari tayong magmalaki dahil sa ating mga ginawa para sa ikalalaganap ng kaharian ng Diyos. Ang pagkilala sa kapangyarihan ng Diyos na kumikilos sa pamamagitan ng kanyang paghahari ang tunay na humuhubog sa kasaysayan.
Sa pangalawang kwento, ang kaharian ng Diyos ay inihalintulad sa binhi ng mustasa. Ang mustasa sa Israel ay maliit na puno, na mula sa pinong binhi. Paglaki nito, maari itong pamugaran ng mga maliliit na ibon.
Tulad ng maliit na binhi ng mustasa, ang kaharian ng Diyos ay nagsisimula bilang maliit na mensahe na inihasik. Sa unang tingin, inakala ng mga tao na wala itong kabuluhan, ngunit ito ay may kakayanang lumaki!
Ang kaharian ng Diyos ay nagsimula sa munting pangangaral ng Panginoong Jesus sa Galilea. Inakala ng mga pumatay sa kanya na mapipigil nila ang pagkalat ng kanyang impluensya sa Israel. Ngunit ang binhi ng kanyang mga salita ay naihasik na. Hindi alam ng mga pumatay sa Panginoon na ang binhi na naihasik, ang pangangaral tungkol sa kaharian ng Diyos ay kakalat sa buong mundo. Ang kaharian ng Diyos ay nagsisimula na maliit, halos hindi makita, ngunit lumaki at naging puno.
Ang paghahari ng Diyos ay tunay na nagaganap sa kasaysayan at ito ay may malaking impluensya sa buhay ng bawat tao. Sa ating paghahasik ng Salita ng Diyos, huwag nating kalilimutan ang malaking maihahambag ng pangangaral sa buhay ng ating mga tagapakinig.
June 24, 2018
Ang Panginoon ng Kalikasan
Marcos 4:35-41
Marcos 4:35-41
Patuloy nating kilalanin ang Panginoon. Sa tagpong ito, ipinapakilala ni San Marcos ang Panginoon sa kanyang kapangyarihan sa kalikasan.
Unawain natin na:
1.Sa tradisyong Judio, ang naghahari sa kalikasan ay ang Diyos na Lumikha nito. Ayon sa Awit 107:29,
“Ang bagyong malakas,
pinayapa niya’t kanyang pinatigil,
pati mga alon,
na naglalakihan ay tumahimik din.”
pinayapa niya’t kanyang pinatigil,
pati mga alon,
na naglalakihan ay tumahimik din.”
Masasabi natin na ang pagtataka ng mga alagad ay hindi dahil napatigil ng Panginoon ang alon at hangin. Sila ay nagtataka kung sino ang taong ito na kasama nila. (Sino ito? -v. 41).
2. Ang pag-hidlip ng Panginoon sa banka ay katibayan ng tahimik na pananampalataya. Mababasa sa Awit 4:8 ang ganito:
8Sa aking paghiga, nakakatulog nang mahimbing,
pagkat ikaw, Yahweh, ang nag-iingat sa akin.
pagkat ikaw, Yahweh, ang nag-iingat sa akin.
O kaya sa Kawikaan 19:23,
23Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay nagbibigay ng buhay, ang gumawa nito’y makakaranas ng kapayapaan, at ligtas sa kapahamakan.
Ang ating aralin ngayon ay nagpapakilala kung sino ang Panginoon na tumawag sa atin. Tayo tinawag upang maglingkod sa kahariang hindi natitinag. Napag-aralan natin na ang kanyang paghahari ay tulad ng trigo, na siguradong tutubo at magbubunga. Hindi ito gawa ng tao, kung kaya, ito ay tunay na magtatagumpay sa wakas.
Dahil dito, kailangan tayong magtiwala sa Panginoong Jesus kahit may mga bagyo na darating sa ating buhay at ministeryo.
Tatag ng Pagiging Kristiano
Ang ating tatag ay bunga ng ating pananampalataya sa kanya na tumawag sa atin. Ang pananampalataya ay pagtitiwala sa biyaya ng Diyos na hindi nagkukulang. Sa ating aralin, sinasabi ng Panginoon na ang takot ay katumbas ng kawalan ng pananampalataya. Mababasa ang sinabi ng Panginoon sa Marcos 4:40,
“Pagkatapos, sinabi niya sa mga alagad, “Bakit kayo natatakot? Hanggang ngayon ba’y wala pa rin kayong pananampalataya?”
Ang matakot habang nasa kalagayan ng panganib ay normal na mararamdaman, ngunit ang matakot habang kasama ang Diyos ay kawalan ng pananampalataya. Bilang Kristiano, ang pagkakaroon ng pananampalataya ay mapapatunayan sa pagkawala ng takot. Sa pananalig, nawawala ang takot.
Tamang Pagkilala sa Panginoon
Ang pananampalataya ay bunga ng tamang pagkilala sa Panginoon. Habang lumalalim ang ating pagkilala sa Panginoon, lalong lumalalim ang ating pananampalataya sa kanya.
Maglakbay Kasama si Jesus
Ang ating natunghayan sa kwento ay mga alagad na naglakbay kasama ang Panginoon. Sila ay mga tumugon sa tawag upang maging alagad ni Cristo. Sila ang mga alagad na sumunod upang sanayin at upang suguin.
Kung tunay tayong sumusunod sa Panginoon, tayo rin ay sinasanay ng Panginoon upang magkaroon ng matibay na pana-nampalataya. Dahil sa ating pagsunod sa Panginoon, makakaranas din tayo ng mga unos s buhay at kailangan tayong maging matatag. At magiging matatag lamang tayo kung buo ang ating pananampalataya sa Panginoon na ating sandigan.