Miyerkules, Pebrero 14, 2018

Pag-ibig

Luke 10:25-28
Ang mga utos ng Panginoong Diyos ay sakop ng iisang kahulugan, ang pag-ibig. Ang Diyos ay pag-ibig - ito ang katangian ng Diyos (1 Juan 4:8). Ito ang utos ng Diyos dahil nais ng Panginoon na maging katulad natin siya. Bilang mga anak ng Diyos, nararapat lamang na siya ay ating tularan at sundin.
1. Pag-ibig sa Diyos
Ang pag-ibig sa Diyos ay isang ganap na pag-ibig ng tao para sa kanyang Lumikha. Hindi tayo maaring maging perfecto, ngunit ang ating pag-ibig sa Diyos ay maaring maging ganap (Mateo 5:48).
"Kayo nga'y mangagpakasakdal, na gaya ng inyong Ama sa kalangitan na sakdal."
Sinasabi ni John Wesley na ito ang nais ng Diyos tungkol sa pagiging sakdal o perfecto sa kabanalan. Sa ating puso, maari tayong maging tunay na umiibig sa Diyos.
a. ang pag-ibig na ito ay higit sa ating pag-ibig sa sarili at sa kapwa. Ito ang pinaka-mataas na uri ng pag-ibig na dapat nasa atin (Luke 14:26). Kailangan itong humigit sa pagmamahal sa sarili at kapwa tao.
b. ang pag-ibig sa Diyos ay napapatunayan sa pamamagitan ng ating pagbibigay priority sa mga bagay ukol sa Diyos. Ang unahin ang Panginoon sa ating oras, at yaman. Huwag ibibigay sa Diyos yung tira-tira lamang.
2. Pag-ibig sa sarili
Ang pagmamahal sa sarili ay hindi masama. Nagiging masama ito kapag higit ang pagmamahal natin sa sarili kaysa sa Diyos. Ang pagmamahal sa sarili ay napapatunayan sa;
a. Pagmamahal sa ating katawang pisikal.
Ang pag-ibig sa sarili ay kailangan dahil ang ating buhay ay iisa. Ang ating katawan ay maaring magkasakit, kaya dapat itong ingatan. Ang pag-abuso sa katawan sa pamamagitan ng mga bisyo ay kawalan ng pagmamahal sa sarili.
b. Pagmamahal sa ating emotional na buhay.
Dapat nating ingatan ang ating damdamin at hindi ito dapat abusuhin. Ingatan na huwag manatiling negatibo ang kalagayang emosyonal ng ating kalooban.
c. Pagmamahal sa ating buhay Espiritual.
Dapat bigyang pansin ng bawat tao ang kanyang buhay espiritual. Ito ay tungkol sa ating kaugnayan sa Diyos na ating sinasanay sa mga gawain sa iglesia at pananampalataya.
3. Pag-ibig sa Kapwa
Kung paanong minamahal natin ang ating sarili, gayun din dapat ang ating pagmamahal sa kapwa (gaya ng ating sarili).
a. huwag pahigitin ang pagmamahal sa sarili kaysa kapwa (gaya dapat). Tulad ng sabi ng Panginoon, “Gawin mo sa kapwa ang nais mong gawin nila sa iyo.” Kapantay natin ang ating kapwa.
b. Huwag din naman mahalin ang kapwa ng higit sa sarili.
c. Mahalin kahit ang mga kaaway (Mateo 5:44)
Ang ating Patotoong Kristiano
Ang ating pagpapakita ng tunay na pagmamahal sa mg akapwa Kristiano ay ang ating testimony sa ibang hindi kasapi ng ating iglesia.
Juan 13:14, “Kung ako nga, na Panginoon at Guro, ay naghugas ng inyong mga paa, kayo naman ay nararapat ding mangaghugasan ng mga paa ng isa't isa.”
Sa pamamagitan ng pag-ibig sa Diyos ay magiging ganap tayo.

Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus

(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...