Sabado, Hunyo 25, 2016

Kalayaang Kristiano : Galatia 5:13-26 (Sunday School Lesson)

Galatia 5:13-26

Kamakailan lamang ay ang ating pagdiriwang ng ating kalayaan (June 12) at susunod ang kalayaan ng bansang USA (July 4).  Ang ating aralin ay tungkol sa kalayaang Kristiano. at ito ay kalayaang kaloob ng Diyos sa mga naligtas.

Sa isang talumpati ni Franklin D. Roosevelt,  noon ay pangulo ng USA,  petsang  January 6, 1941 sa Congreso, sinabi niya ang ang kanyang pangarap tungkol sa kalayaan na nais niyang matamo ng lahat ng tao;

1. kalayaan sa pagsasalita (freedom of speech)
2. kalayaan sa pagsamba  (freedom of worship)
3. kalayaan sa pangangailangan (freedom from want), at
4. kalayaan mula sa takot  (freedom from fear)

Mabuti ang mga kalayaang ito, ngunit higit nating kailangan ang kanoob ng Diyos: ang kalayaan mula sa kasalanan. Ang tunay na Kristiano ay  hindi na alipin ng kasalanan, kundi alipin na siya ng Diyos upang gumawa ng mabuti.

Ayon sa Efeso 2: v10,

"Sapagkat tayo'y nilalang ng Diyos; nilikha sa pamamagitan ni Cristo Jesus upang iukol natin ang ating buhay sa paggawa ng mabuti. Iyan ang layuning pinili ng Diyos para sa atin noong una pa man."

Ang paggawa ng mabuti ay nagbibigay kalayaan upang umibig at maglingkod tayo sa iba.

Ang ating kalayaan ay hindi karapatan upang gumawa ng kasalanan.

Laman Laban sa Espiritu ng Diyos

Ang pananatili sa kasalanan ay pamumuhay  sa laman. ito ay ang pagsunod sa kalayawan ng ating pagkatao na gumagawa ng taliwas sa kalooban ng Diyos. Hindi ito ang mismong katangian ng ating pagiging tao. Ito ay paggawa ng mga bagay na makasanlibutan. Dagdag na paliwag ni San Pablo, mula sa Roma 8:5a:

"Ang mga namumuhay ayon sa hilig ng laman ay walang pinapahalagahan kundi ang mga bagay na ukol sa laman."

Ang resulta ng ganitong pamumuhay ay kaparusahan at ganap na pagkawalay sa Diyos. Patuloy ni San Pablo, mula sa Roma 8:7-8

"Kaya nga, kapag sinusunod ng tao ang mga hilig ng laman, siya'y nagiging kaaway ng Diyos sapagkat hindi niya sinusunod ang batas ng Diyos, at talaga namang hindi niya kayang sundin ito. At ang nabubuhay ayon sa hilig ng laman ay hindi maaaring kalugdan ng Diyos."

Malinaw na binanggit ang mga halimbawa ng pamumuhay sa laman: Basahin ang Galatia 5: v19 - 21. Basahin at araling isa-isa:

"Hindi maikakaila ang mga hilig ng laman: pakikiapid, kahalayan at kalaswaan; v20pagsamba sa diyus-diyosan, pangkukulam, pagkapoot sa isa't isa, pag-aaway-away, pagseselos, pagkakagalit at kasakiman, pagkakampi-kampi at pagkakabaha-bahagi, v21pagkainggit,a paglalasing, kalayawan, at iba pang katulad nito. Muli ko kayong binabalaan: ang gumagawa ng mga ito ay hindi magkakaroon ng bahagi sa kaharian ng Diyos."

Pamumuhay sa Espiritu ng Diyos

Ang mga pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ay mga anak ng Diyos (Gal. 5:14).  Ang pamumuhay sa patnubay ng Espiritu ng Diyos ang ating panlaban sa layaw ng laman. Kung ang pamumuhay sa laman ay nagbubunga ng kaparusahan, ang pamumuhay sa Espiritu Santo ay magbubunga ng kabutihan:

Ganito ang bunga ng Espiritu, "Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili." (Gal. 5:22-23).

Ang ating patotoo ay nakikita sa mga bunga ng ating buhay.  Dito rin natin naipapakita ang katibayan na sumasaatin ang Espiritu ng Diyos.  Dahil sa ating pagsunod sa kanyang kalooban, tayo ay nagiging malaya mula sa kasalanan, tayo rin ay hindi na alipin ng laman at nagbubunga ang ating buhay ng mabubuting bagay na siyang kalooban ng Diyos para sa ating mga anak niya.










Pasya Upang Sumunod Kay Jesus; June 26, 2016

A Decision to Follow Christ
2 Kings 2:1-2, 6-14; Galatians 5:1, 13-25Luke 9:51-62
Ang pagiging Kristiano ay tawag ng Diyos upang sumunod tayo kay Cristo bilang Panginoon. 
a. 2 Kings 2:1-2, 6-14 
Sa ating unang pagbasa, nakita natin si Elisha na determinandong sumunod kay Elijah.  At nakita niya ang bunga ng kanyang pagsunod. Ipinagkaloob kay Elisha ang balabal at dobleng kapangyarihan ng kanyang guro, bago ito kinuha ng karwaheng apoy.
b. Sa Galatians 5:1, 13-25, sa ating pangalawang pagbasa, ipinakita sa atin na may dalawang maaring pagpilian sa buhay: ang sumunod sa udyok ng Espiritu Santo, o ang sundin ang ating sariling laman. Sa pagsunod sa Espiritu Santo - magbubunga ang ating mga buhay ng gawa ng Diyos.  Sa pagsunod sa laman, tayo ay aalipinin ng kasalanan - na siya ring hahatak sa atin  sa kaparusahan.  
c. Luke 9:51-62 Susunod ba tayo kay Jesus o hindi? 

Sabado, Hunyo 11, 2016

Kasalanan at Kapatawaran (1 Kings 21:1-21, Lucas 7:36-8:3)

Ang Kasalanan ni Ahab at Jezebel
1 Kings 21:1-21

Mabigat na usapin ang mga paratang sa ating pamahalaan. Corruption, pagpatay, droga at iba pa. Maraming paratang ang bagong administrasyon, at gayun din ang dating gobyerno sa bagong pangulo.

Ang mga bagay na ito ay hindi na natin dapat pagtalunan. Ito ay dapat nating idalangin.

Gayunman, ang kasalanan sa mata ng Diyos na banal ay kasamaan. Ang sabi ng Roma 6:23,

"Ang bayad ng kasalanan ay kamatayan. "

Aralin natin ang nagawang pagkakasala ni Ahab at Jezebel.

1. Maling paghahangad.

Makikita sa kwentong ito kung saan nagsimula ang kasalanan ni Ahab. Nais niyang mabili ang lupa ni Naboth. Walang masama dito sa simula.

Kaya nandiyan ang babala ng Diyos sa simula pa kay Cain sa Genesis 4:7. "Cain, pumapasok ang kasalanan sa iyong pinto, kailangan mo itong gapiin."

Ang maling pagnanasa na makuha ang hindi sa atin ay maliit na kasalanan na maaring lumaki.

Kaya kailangan po nating turuan ang ating kaisipan sa mga bagay na nais nating makuha para sa sarili.

2. Maling paraan ng pagkuha ng inahangad.

Inisip ni Jezebel na ipapatay si Naboth. At ito nga ang kanyang ginawa, ginamit niya ang kanyang kapangyarihan upang ipapatay si Naboth ng walang kasalanan. Nagpahanap siya ng mga bayarang saksi na magbibintang kay Naboth ng kasalanang hindi niya ginawa. Pagkamatay ni Naboth, nakuha nga ni Ahab ang lupa.

3. Pagtanggap ni Ahab sa ginawang kasalanan ng asawa niya.

Alam niyang mali, sinangayunan pa niya.

Ang ating pagbasa naman sa Bagong Tipan ay tungkol sa pagsisi ng isang babaeng naging masama - at sa halip kaparusahan ay kapatawaran ang kanyang tinanggap. Kabilang sa mga nabanggit ay mga babae ring mga dating alipin ng kasamaan, ngunit bandang huli ay naging lingkod ng Panginoon.

1. Tapat na pagsisisi ng babaeng makasalanan.

Ang kanyang kilos ay nagpapahiwatig ng tapat na pagkakasala.

2. Pagkamit ng kapatawaran mula sa Panginoon.

3. Mga babaeng binago, na naging lingkod ni Cristo.





Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus

(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...