Huwebes, Abril 28, 2016

Sermon: Ascension (May 5, 2016) - Midweek Service

Witnesses for Christ

Noong mga bata pa, bago kami aalis sa mga pinapasyalang lugar, gumagawa kami ng mga marka tulad ng pagsulat ng aming mga pangalan sa mga balat ng puno o sa mga bato sa pader  ng bundok. Noong tumanda na ako, naisip na mali ang aming pag-iwan ng marka sa aming mga napuntahang lugar. Maganda siguro, nagwalis na lang kami, o nagiwan na lang ng magandang mensahe tulad ng "Bawal magtapon ng basura dito."

Bago tayo aalis sa mundong ito, maganda rin naman na mag-iwan din tayo ng marka, ng mga ala-ala. noong bago umalis ang Panginoon, nag- iwan siya ng mabuting ala-ala upang hindi siya makalimutan at upang lumago pa ang kanyang ministeryo sa lupa.  Itinalaga niya ang kanyang mga alagad upang patuloy na magpatotoo bilang mga saksi. 

Luke 24:44-53

Upang maging matagumpay na saksi, tinuro ng Panginoon ang mga sumusunod:

1.  Witnesses of Christ Understands the Scriptures

Jesus' Life and Resurrection are Proven by the Scriptures

The first listeners of the Gospel were Jews. The Jews had the Scriptures and all Scriptures are pointing to the coming of the Christ. And these prophesies were fulfilled by the Scriptures. 

24:44 Then he said to them, "These are my words that I spoke to you while I was still with you--that everything written about me in the law of Moses, the prophets, and the psalms must be fulfilled."

24:45 Then he opened their minds to understand the scriptures,

24:46 and he said to them, "Thus it is written, that the Messiah is to suffer and to rise from the dead on the third day.


We as witnesses of Christ nowadays do the same, we must understand the link between Christ and the Scriptures.  Because the life of the Messiah is a plan of God, since the beginning. And this plan is contained in the Old Scriptures. This plan was already introduced by the prophets, and found in the psalms.

2. Witnesses Proclaim the Life, Death and Resurrection of Jesus

24:47 and that repentance and forgiveness of sins is to be proclaimed in his name to all nations, beginning from Jerusalem.

3. True Witnesses of Christ are Taking Stand


24:48 You are witnesses of these things.


4. True Witnesses of Christ are Empowered to Be Sent

24:49 And see, I am sending upon you what my Father promised; so stay here in the city until you 

have been clothed with power from on high."


24:50 Then he led them out as far as Bethany, and, lifting up his hands, he blessed them.

5. True Witnesses are Blessed by God


Jesus never ignored his disciples to bless them and empower them in witnessing. He was carried to heaven, but never passed his witnesses. 

24:51 While he was blessing them, he withdrew from them and was carried up into heaven.


6. Finally, true Witnesses Worship Jesus and never doubt his divinity


24:52 And they worshiped him, and returned to Jerusalem with great joy;

24:53 and they were continually in the temple blessing God.

Miyerkules, Abril 27, 2016

Lectionary Sermon - May 1, 2016

May 1, 2016

At Home With God

John 14:23-29

1. Home is where love is. 

a. Binubuklod tayo ng pag-ibig. 

Ang ating tema ay tungkol sa "Pagiging Pamilya Metodista". Tayo ay kabilang sa pamilya ng Diyos. At ang nagbubuklod sa pamilya ng Diyos ay pagmamahal sa isa't isa ( ito ang mensahe natin sa nakaraang Linggo, na dapat nating mahalin ang isa't isa) at ngayong Linggong ito, ay tungkol sa ating pagmamahal sa ating Amang Diyos. 

14:23 Jesus answered him, "Those who love me will keep my word, and my Father will love them, and we will come to them and make our home with them.

"Making our home with them" - the building blocks that forms God's family is love. 


Ang mga bahay natin, karaniwang gawa sa "hollow blocks", mga sementong blocks na walang laman.  Isipin ninyo kung mananatili ang mga ito na walang laman, at gagamitin silang poste at pader ng bahay. Mahina sila kung walang laman. Ngunit kung may laman silang semento. Sila ay matibay. 

Gayun ding ang tahanan ng Diyos. Ang palaman ng mga bloke ay pagmamahal sa isa't isa. Ang nagpapatibay sa tahanan ng Diyos ay pagmamahal sa Kapatid at sa Panginoon. 

b. Pinatitibay ng Pakikinig at Pagsunod sa Salita ng Ama

We prove our love for God by following his commands.  Without obedience, ang pag-ibig natin ay mga mambobola lamang. Mga palamuti sa labi na hindi makita sa gawa. 

14:23 Jesus answered him, "Those who love me will keep my word, and my Father will love them, and we will come to them and make our home with them.

14:24 Whoever does not love me does not keep my words; and the word that you hear is not mine, but is from the Father who sent me.


2. Home is where we belong. 

Home is being with your love ones. The assurance given to us by our lord is his abiding presence. 

14:25 "I have said these things to you while I am still with you.

14:26 But the Advocate, the Holy Spirit, whom the Father will send in my name, will teach you everything, and remind you of all that I have said to you.

3. Home is where we find Peace. 


14:27 Peace I leave with you; my peace I give to you. I do not give to you as the world gives. Do not let your hearts be troubled, and do not let them be afraid.
Being at home with God is not the same being at home in this world.  The world gives peace, but temporal. It gives artificial securities from having worldly wealth and skin deep satisfaction. 

The peace that Jesus gives is eternal, and spiritual. It comes from having God, and being with God. Living in his presence is our antidote from troubles and fear. 

Sabado, Abril 2, 2016

Blessings from the Resurrected Christ (John 20:19-31)

Mga Pagpapala Mula sa Muling Nabuhay na Cristo
John 20:21-23

21 Again Jesus said, "Peace be with you! As the Father has sent me, I am sending you."  22 And with that he breathed on them and said, "Receive the Holy Spirit. 23 If you forgive anyone his sins, they are forgiven; if you do not forgive them, they are not forgiven." (NIV)

1. Blessing of Peace
2. Blessing of Christ's Commission
3. Blessing of Having the Holy Spirit
4. Blessing of Forgiveness

Prevenient Grace


Roma  5:6-11

“Therefore in as much as God works in you, you are now able to work out your salvation. It is possible for you to love God, because he has first loved us and to walk in love, after the pattern of the Great Master. (John Wesley, On Working out Your Salvation)

Ang taong makasalanan ay patay sa harapan ng Diyos. Wala siyang kakayanang maabot ang Diyos. Maging ang kanyang pangangailangang maligtas ay hindi niya namamalayan. Saan nagsisimula kung gayon ang pagliligtas? Paano nagkakaroon ng kamalayan ang isang tao upang magsisi, at muling tumawag sa Diyos upang siya ay iligtas?

ANG UNANG PAGKILOS NG DIYOS

Noong panahon ni Wesley, may dalawang magkalabang kaisipan kung paano naliligtas ang taong makasalanan. Ang isa ay ang kaisipan na ang tao ay may sapat na lakas upang iligtas ang sarili sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti. Ang ikalawang kaisipan ay nagsasabi na lubusang walang kakayahan ang tao upang iligtas ang sarili, kung kaya’t nasa sa Diyos ang lahat desisyon kung sino ang maliligtas at kung sino ang mahuhulog sa impierno. Ito ay tinatawag na “predestination”. Ayon sa turong ito, kahit magsisi pa ang isang tao, at magbagong buhay, subali’t kung itinalaga na siya ng Diyos sa impierno, siya ay mapaparusahang pang walanghanggan.

Para kay Wesley, ang unang kaisipan ay hindi itinuturo ng Biblia, samantalang sa pangalawa, lumilitaw na ang Diyos ay hindi makatarungan. Bukod pa rito, lumilitaw din na ang tao ay walang kakayahang mamili para sa kanyang kaligtasan (freewill), at nagiging walang kabuluhan ang pagsunod (obedience) at mabuting gawa, dahil tanging ang Diyos lamang ang gumagawa sa pagliligtas.

Sa pananaw ni Wesley, ang dalawang turong ito ay hindi totoong magkasalungat, kundi parehong mahalaga. Ang paghihiwalay ng mga ito ay nagreresulta sa maling turo at hindi balanseng kaisipan tungkol sa pagliligtas.

PREVENIENT GRACE

Sa ating pagiging makasalanan, totoo na tayo ay walang lakas upang iligtas ang sarili, kaya dapat tayong umasa ng lubusan sa Diyos. Subali’t tayo ay may kakayaang tumugon sa tawag ng Diyos. Ito ay ang biyayang kaloob ng Diyos sa bawat tao na tinawag na prevenient grace ni Wesley. Na bagama’t patay dahil sa kasalanan, ang bawat tao ay pinagkalooban pa rin ng Diyos ng kakayaang tumugon sa Kanyang pagtawag. Hindi tayo ang unang kumilos, at hindi tayo ang nagpasya, sa halip ang Diyos ang unang gumawa ng paraan upang tayo ay maligtas. Kapag ang isang tao ay tumawag na sa Diyos at nakaroon siya ng pagnanais na maligtas, ang biyaya ng Diyos ay kumikilos na sa taong ito.

Ang prevenient grace ay hango sa salitang prevent na sa kasalukuyan, ang kahulugan ay pigilan, Ngunit noong panahon ni Wesley, ang kahulugan ng salitang ito ay to anticipate, o to go before, kung kaya’t ito ay nangangahulugan ng “paunang biyaya ng Diyos na ipinagkaloob sa tao tungo sa kaligtasan”. Ang binalangkas ni Wesley ay isang balanseng turo, na ang Diyos ang gumawa ng lahat ng paraan upang tayo ay maligtas. Subalit ang tao ay may sariling pagpapasya. Ang kakayahang ito upang magpasya para sa kanyang ikaliligtas ay tugon na tanging sa tao lamang manggagaling, hindi dinidiktahan ng Diyos ang tao na mahalin Siya, kundi binigyan tayo ng Diyos ng kakayahan upang mahalin at sundin Siya, sa pamamagitan ng pagmamahal Niya sa atin. Ang kakayahang ito ay biyaya ng Diyos.

ANG KALAGAYAN NG TAONG MAKASALANAN
(Roma 5.6-11)

Ganito ang kalagayan ng taong makasalanan sa harap ng banal na Diyos. Wala siyang kakayaan para iligtas ang kanyang sarili, maliban na lamang kung may magliligtas sa kanya, dahil:

1. Kaaway ng Diyos dahil sa kasalanan (Roma 5:10)
2. Patay siya dahil sa kasalanan (Efeso 2:1)
3. Mahina siya bunga ng kasalanan. (Roma 5:6)

Tanging si Jesus ang makapagliligtas. Nais ng Diyos ng Diyos na maligtas ang lahat ng tao mula sa pagkakasala. Nagsimula sa Diyos ang pagpapasya para sa kaligtasan, at ang taong patay sa kasalanan ay mabiyayang binigyan ng Diyos ng kakayaan upang tumugon sa tawag ng Diyos. Ito ang tinatawag na 'prevenient grace', isang biyayang kaloob ng Diyos. Inihanda ng Diyos ang bawat tao para sa kanyang pagtawag. At dahil may sariling pagpapasya ang tao, nasa kanya ngayon kung tutugon siya o hindi sa tawag ng Diyos.

ANG KALIGTASAN AY KALOOB NG DIYOS

Ang kaligtasan ay hindi bunga ng gawang kabutihan ng tao, dahil, patay ang taong makasalanan, at hindi maaring umasa sa sarili. Ang kaligtasan ay makakamtan lamang sa pamamagitan ng biyaya ayon sa pananampalataya (Efeso 2.8-9).

Subali’t hindi rin tinanggap ni Wesley ang doktrinang predestination na nagsasabing, pili lamang ang maliligtas at walang halaga ang pagtugon ng tao sa tawag ng Diyos. Sa halip, panig siya sa paniniwala na ang kaligtasan ay para sa lahat (Jn. 3.16). At mayroong halaga ang pagtugon ng tao para piliin niya kung nais niya o hindi na tanggapin ang alok ng Diyos para sa kanya. May kakayahan at kalayaan ang tao para tanggapin o tanggian ang alok ng Diyos (freewill).

Sa ganitong dahilan naiiba ang Metodismo sa mga Kristianong nagtuturo na 'hindi maaring tanggian ang kaloob na kaligtasan ng Diyos' (irresistable grace).

ANG PAGPAPAHAYAG NG DIYOS

1. Ang Diyos ang unang nagpahayag sa atin ng kanyang pagliligtas, hindi tayo ang humingi ng saklolo (Hebreo 2.3).

2. Ang Diyos ang unang umibig sa atin, noong tayo’y makasalanan pa  (1 Jn. 4.10).

3. Ang pagliligtas ng Diyos sa pamamagitan ni Jesus ay kusang pagkilos ng Diyos. Hindi ito bunga ng ating gawa, dahil patay tayo sa kasalanan.

BUNGA NG PAGPAPAHAYAG NG DIYOS

1. Nagkaroon tayo ng kamalayan, sa ating kawawang kalagayan
sa harap ng banal na Diyos (Isaias 6.5; Efeso 2.4-5).
2. Nakita natin na malayo nga tayo sa Panginoon, na imposible para sa atin ang magbigay lugod sa Kanya dahil sa ating pagiging makasalanan.

Ang ating pag-asa ay si Cristo Jesus, ang Tagapagligtas.
Sinasabi sa Pahayag 3.20, “ Ako ay kumakatok sa inyong pinto at kung ako ay inyong pagbubuksan, ako ay papasok at makikisalo sa inyong.” Ang pagpapasya ay nasa sa atin, dahil iginagalang ng Diyos ng desisyon ng tao. Subalit, batay sa karanasan ng maraming Kristiano, mainam na tayo ay magpasya ng maaga upang tanggapin si Jesus at papasukin siya sa ating buhay.

Ipinakita ni Wesley ang turo sa Biblia hindi maaring magsimula sa tao ang kaligtasan kundi sa Diyos. Na habang ang tao ay patuloy na lumalayo sa Diyos, patuloy pa rin ang Diyos na tumatawag. Na kahit hindi natin mahal ang Diyos, Siya ay patuloy na nagaalok ng Kanyang pag-ibig. Ano ang iyong tugon sa alok na ito?

Mga Tanong:

1. Bakit itinulad sa patay, mahina at kaaway ng Diyos ang isang makasalanan?
2. Paano tumatawag ang Diyos sa mga makasalanan sa ating panahon?
3. Paano ka tinawag ng Diyos mula sa kasalanan?
4. Bakit ganito na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa mga makasalanan?

Conclusion:

Ang buhay ng tao ay hiningang pinahiram ng Diyos, ayon sa Aklat ng Genesis. Ang ating buhay ay Buhay ng Diyos. Baon natin ang kanyang hininga. Ito ang dahilan kung bakit napakahalaga natin sa kanya, bahagi tayo ng kanyang Buhay. Subali’t ang buhay na ito ay hindi natin pinahalagaan, ito ay sinira natin sa pamamagitan ng paggawa ng masama. Ng mamatay si Jesus sa krus, ang Diyos ay nagkaloob ng buhay. Hindi na ito pagpapahiram kundi pagkakaloob ng sariling buhay. Hindi pagpapahiram ng kapirasong hininga tulad noong una, kundi pagkakaloob ng buong buhay niya, kaya siya namatay. Ito ay kusa niyang ginawa upang bigyan ka ng bagong buhay, buhay na hindi maaring wasakin ng kamatayan. Ito ay kusa niyang ginawa, “kahit noong tayo ay makasalanan pa.” Hindi natin ito hininge at hindi natin ito kayang bayaran, ito ay tunay na biyaya, isang regalo. Ito ay libreng iniaalok para sa iyo.

Ginigising tayo ng Diyos sa katotohanang tayo’y mahal niya sa kabila ng ating mga nagawang kasalanan. Maaring hindi natin ito pansin noon pa. Sa hindi natin namamalayan, maaring maraming beses na tayong tinawagan ng Diyos. At ngayon muli siyang nagpapahiwatig. Kailan ka tutugon?

Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus

(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...