Biyernes, Setyembre 18, 2015

Free Sunday School Lesson: Pinakamabigat na Problema ng Pastor

Mga Problemang Mabigat ng Pastor
Hebreo 6:1-14

Isa sa mga habilin ni John Maxwell, isang pastor at manunulat, upang matulungan daw na magtagumpay ang iglesia, kailangang ipanalangin palagi ang pastor ng mga miembro.

Kapag lumagpak ang pastor, kasamang babagsak ang iglesia.

Lingid sa kaalaman ng maraming miembro, ang mga pastor ay dumadaan din sa mga pagsubok. Karamihan sa mga pastor ay walang malapit na kaibigan, hirap sa financia at dumaan sila ng mabigat na kalagayan sa loob ng kanilang pamilya.

Maraming mabibigat na pinagdadaanan ang mga pastor.

Kabilang na marahil sa pinaka-mahirap na hamon ang ating tatalakayin mula Hebreo 6:1-14.

Dalangin ko na mangusap ang Panginoon sa ating aralin sa araw na ito.

1. Una, mabigat para sa pastor kapag ang mga miembro ay hindi umuunlad sa pananampalataya.

Verses 1-4, ang mga Kristianong Hebreo ay hindi umuunlad sa kanilang pananampalataya. Mas malinaw ito sa 5:11-14.

2. Pangalawa, kapag ang mga miembro ay bumabalik sa pagkakasala, verses 5-8.  Ito ay mas malalang kalagayan. Hindi na nga umuunlad sa kabanalan, lumalala pa sa kasalanan.

 Hindi ito ang nais ng Diyos.

3. Ang mga palatandaan na umuunlad ang mga miembro sa pananampalataya.

a. Pagmamahal na makikita sa paglilingkod.

 Verse 10 , "Makatarungan ang Diyos; hindi niya malilimutan ang inyong ginawa at ang pagmamahal na inyong ipinakita at hanggang ngayo'y ipinapakita sa pamamagitan ng paglilingkod ninyo sa mga hinirang ng Diyos."

b. Magsumikap hanggang makamtan ang kaligtasan

Verse11, "Ang nais namin ay patuloy na magsumikap hanggang wakas ang bawat isa sa inyo upang makamtan ninyo ang inyong inaasahan."

c. Huwag maging tamad

12 Kaya't huwag kayong maging tamad. Tularan ninyo ang mga taong dahil sa kanilang pagtitiis at pananalig sa Diyos ay tumatanggap ng mga ipinangako niya.

Martes, Setyembre 15, 2015

Lectionary Sermon Tagalog / September 20, 2015 / Daan Tungo sa Kadakilaan

Marcos 9:30-37

Panimula
Sino po sa inyo ang nanonood ng Eat Bulaga tuwing tanghali? Kakaibang kasikatan ang nararanasan ngayon ng Aldub loveteam at mayroon na rin silang patalastas ng Talk and Text at McDo. 
Ang popularidad ay maaring magdala sa tao sa kayamanan at tagumpay. Ngunit huwag sana nating kalilimutan na ang tagumpay na makamundo ay pansamantala. At hindi rin ito ang tagumpay na nais ng Diyos para sa lahat ng mga mananampalataya. 
Ang daan ng Panginoon tungo sa tagumpay na magbibigay lugod sa Diyos ay daan ng krus. Ito ay makitid na daan na hahantong sa buhay na walang hanggan. Ito ay daan ng pagkakaloob ng buhay upang magkaroon ng buhay na makahulugan. Sa ganitong paraan, natatagpuan natin ang ating buhay, pagkatapos natin itong ialay. Ito ang daan ng Panginoong Jesus tungo sa kaligtasan ng lahat ng makasalanan. 
Ngunit hindi ito maunawaan ng mga alagad. Pagkatapos niyang ipaliwanag na siya ay ipapako sa krus, mamatay at muling mabubuhay sa ikatlong araw, ang daan na pinapakita ng Panginoon ay malabo pa rin sa kaunawaan ng mga alagad.  
Normal sa tao ang maghanap ng paraan upang maging dakila. Ito ang pinagkaiba natin sa ibang nilikha, lago tayong gumagawa ng paraan upang higitan natin ang ating sariling kalagayan. Lagi tayong nag-iisip ng ating paglago. Gusto nating manalo sa mga labanan. Naghahanap tayo ng tagumpay. Nais nating maging dakila. 
Nilikha tayo ng Diyos upang maging dakila. We were created for greatness! Ngunit hindi makamundong paraan ang inihanda ng Diyos sa pagkamit nito. 
Nais ko po kayong anyayahang makinig sa ating mensahe ngayong araw na ito tungkol sa mga paraang kaloob ng Panginoon upang tayo ay mapabilang sa mga dakilang tagasunod ni Cristo. 
1. Maging huli sa lahat. 
Noong kasagsagan ng bagyong Yolanda, nasa pilahan ang maraming tao upang manghingi ng makakain at mga damit. Isang nanay ang nahuli sa pila at maaring wala na siyang mahingi dahil sa kakulangan ng supplies ng simbahan. Isang nauuna sa pila ang naawa na babae at ibinigay nito ang kanyang lugar upang siguradong makakuha ng relief goods ang babae. 
Ang lalaking nagbigay ng kanyang pwesto ay lumipat sa pinakahuli. Sa tingin ng iba, siya ay nawalan. Ngunit sa kanyang damdamin, siya ay nakatulong at nakagawa ng kadakilaan sa mata ng Diyos.

Ang dakilang utos ng Diyos ay nagsasaad na dapat nating mahalin ang ating k apwa tulad ng ating sarili.  At sa oras ng pangangailangan, lagi rin nating isipin ang ikabubuti ng iba at huwag lamang ang ating sariling kapakanan. May ilang paraan upang maging huli;

a. Ituring na Higit sa Sarili ang Ibang Tao

Ayon sa Filipos 2: 3-4

Huwag kayong gumawa ng anuman dahil sa paghahangad ninyong maging tanyag; sa halip, bilang tanda ng pagpapakumbaba, ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong mga sarili. 4 Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang sa inyong sarili.

b. Magpakumbaba

Ang pagmamataas ay hadlang sa gawang mabuti. Ang taong nakahandang talikuran ang sariling karapatan alang-alang sa ikabubuti ng marami ang madaling makakatulong sa iba kaysa sa taong nagpapahigit sa sarili.

c. Palaguin ang damdamin ng pagmamalasakit sa iba

Anumang gawang kabutihan ay sinasanay, nakukuha ito sa practice at hindi ito automatikong nagagawa. Anumang gawain ng pagtulong ay sinisimulan sa maliit na hakbang. At habang nakikita natin ang mabuting resulta ng ating gawang mabuti, lalo tayong nahihikayat na gumawa ng higit pa.

Subukan ninyo ang pagbibigay ng ikapu. Maaring nakikita na napakalaki ng ikapu upang ibigay mo ito sa Diyos. Magandang simulan mo ito ng maliit na hakbang. Subukan mo ito sa loob ng ilang buwan. Kung pagpapalain ka nga ng Diyos ayon sa kanyang pangako, patuloy mo lang itong gawin, pagmasdan kung paano ka pagpapalain ng Diyos.

Ilagay sa panghuli ang sarili, at unahin ang Diyos at iba.

2. Ang pangalawa ay ang daan ng paglilingkod

Hindi binawalan ni Jesus ang mga alagad sa kanilang paghahangad na maging dakila.  Sa kanyang turo, ginabayan lamang niya ang mga ito upang makamit nila sa wastong paraan ang kanilang naisin.

Ang pangalawa ay daan ng paglilingkod.

Ang naglilingkod ay nabubuhay para sa iba. Ang buhay ni JohnWesley ay patotoo sa buhay na naglilingkod sa mga nangangailangan.

Bagamat kumikita ng malaking halaga si John Wesley, na halos 1,000 lbs, kada taon noong early 18th, pinili niya ang maging matipid upang mas malaking halaga ang maibigay niya sa mga  nangangailangan.

3. panghuli, kumuha ng isang bata si Jesus at sinabi niyang sinumang tatanggap sa katulad ng batang ito ay ituturing na dakila sa kaharian ng Diyos.

Ang mga bata ay mahihina. Wala silang kakayanan upang ipagtanggol ang sarili.  Sa mga digmaan, ang unang nahihirapan ay mga paslit. Kapag may problema sa pamilya sila ang unang apektado.

Mahalagang ministeryo ng mga tagasunod ng Panginoong Jesus ang paglilingkod sa mga batang mahihina.

Conclusion:

Ang paraan upang maging dakila sa harapan ng Diyos ay ang pasanin ang ating krus at ipagkaloob ang ating sarili. unahin ang iba, maglingkod at tanggapin ang mga mahihinang tulad ng mga bata.


Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus

(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...